4

"Aray ko po," mahina kong hiyaw. Muntik na akong mapasigaw ng mahulog ako sa kalagitnaan ng pagbaba ko. Buti nalang talaga at natakpan ko ang aking bibig kundi mapapasigaw ako nang malakas at matutunugan na nila ang pagtakas ko.

Impit naman akong napasigaw at hindi ko mapigilang mapahikbi dahil masakit ang pagkakabagsak ko. Napilayan na ata ako kasi hindi ko na talaga kayang maglakad. Grabee sumakit bewang ko dun ah! Parang nawala agad ang angas at kagustuhan kong makalabas nang dahil sa isang napakaliit na pagkakamali sa pagbaba. Damn. Why now? Paano ako ngayon makakatakbo?

I sighed.

It's now or never.

Tutal, hindi na rin naman ako makakabalik. Hindi na ako makakaakyat nang dahil sa pilay ko. Hindi rin naman ako pwedeng kumatok sa front door. Like duh, shunga lang.

Kaya ipagpapatuloy ko na lamang itong ginagawa ko. But I bet there's a ninety percent chance na hindi magiging successful, dahil kung sakali mang may makakita sa akin habang tumatakas, wala na akong kawala. Hindi ako makakatakbo. And I know, ikakamatay ko iyon.

Kaya kailangan ko talagang magtago ng mabuti kung ayaw ko pang mamatay.

Nagtago ako sa isang halaman at sinilip kung may guwardiya or kahit na sinong tao ang pwedeng makakita sa akin ngunit wala kaya nagmadali akong tumakbo (yung paika-ikang takbo) tsaka hindi mapakaling napapatingin sa lahat ng dako.

Halos maiyak na naman ako ng biglang napatid ang isa ko pang paa. Buti nalang at hindi ako nadapa kundi mawawalan na ako ng gana. Hindi ito ang panahon para madapa ako. Sabi ko naman, ikakamatay ko ang pagtakas ko.

I still remembered how M looked at me. Nakakamatay. Nakakakilabot. Sa tingin palamang niya, kayang-kaya na niyang gawin ang lahat. Heck. And she said she's my personal maid? Hindi ako bobo para maniwala. Magmumukha akong tanga kapag pinaniwalaan ko ang sinasabi niya.

Hindi ko rin kayang magtanong sa kaniya. I can't afford to trust her words. Hindi ko siya kilala kaya hindi ako maaaring magtiwala sa kaniya. I don't talk to strangers as much as I would like to do it.

My only chance to get away is here. At kung sakali mang makawala ako sa lugar na ito, ang tanong, saan ako maaaring pumunta? Hindi ako bobo para hindi malamang malayo na ito sa sibilisasyon. It's like we're in the middle of nowhere. Alam kong kahit makawala ako dito, hindi parin ako tuluyang makakatakas.

Natigil ang pagiisip ko ng bigla nalamang akong hindi nakahinga. My gut is telling me that there's someone who's watching me. Hindi ako maaaring magkamali kasi sa mga oras na ito, instincts nalang nakakapagpabuhay sa akin.

Nabaling ang paningin ko sa ikalawang palapag ng mansion at muntik na akong mapasigaw ng mura sa nakikita ko.. Nanlaki ang mga mata ko at napahinto pero dahil sa paghinto ko, halos hindi ko na magalaw ang mga paa dahil sa biglaang paghinto ng aking hininga.

Bukas na ang ilaw ng kwarto ko. Pero hindi iyon ang mas nagpakaba sa akin. Isang tao ang nakatingin sa akin.

Si M. Nakatingin siya ng matiim sa may balkonahe ng kwarto. Nakakatakot. Nakakakilabot. Ngunit hindi ko maiwasang mangamba ng tuluyan ng bigla na lamang siyang ngumisi at nawala nalamang bigla.

Ngayon, wala na akong kawala. Mas mabuti pang mamatay sa pilay kaysa bumalik sa mansion. Hindi ko kakayanin ang tingin ni M.

Kaya ang ginawa ko, tumakbo na ako papasok sa maze. Panic is all over my system. Hindi ko na alam kung ano nang gagawin. Kung saan ako pupunta. Wala na akong pakialam.

Ang mukha ni M. Nakakatakot. Ang mga mata niya. Hindi ko kayang tignan. Nakakaduwag ang mga matang iyon.

Nagpaliko-liko ako sa bawat daanang makikita ko. Pawisan na ako at sumasakit na ang mga paa ko. Hindi ko alam kung nasaang bahagi na ako ng maze napunta. Hindi ko kasi makita dahil ang tataas ng mga pader.

Halos magkanda-dapa-dapa na rin ako dahil hindi ko na masinagan ang tinatapakan ko. Tuluyan nang natabunan ng mga ulap ang sinag ng buwan pero gayun paman, hindi ako susuko.

Ilang ulit rin akong nagpabalik-balik dahil minsay dead end na ang napapasukan ko.

Hanggang sa lumiko ako sa isang pader.

I stopped and stared in awe as a statue of a young girl shined under the moonlight. Hindi ko alam ngunit pagdapo pa lamang ng paningin ko, bigla nalamang akong nanigas at napawi lahat ng kinakatakutan ko. It was so peaceful.

Maganda. Kahit mukhang luma na at hindi na ito nililinis, hindi mo pa rin mapagkakailang isa ito sa mga napakagandang iskulturang nakita ko sa buong buhay ko.

She stands with her head high and her chin up. Napakaganda ng desenyo ng kayang bistida. Her hair waved behind her back while her hands were suspended in the air, as if waiving something through the mist. She was glorious. And by the looks of it, she reminds me of hope.

Nakakatawa ang irony ng sitwasyong ito sa aking paningin. Nakakatawa na makitang may isa pa palang bagay na ginawa gamit ang pagasa. Nakakatawa, dahil naiiyak na ata ako kakatutok sa statuwa.

Lumapit pa ako. I reached my hand to try and touch the statue pero ganun nalang ang pagkabigla ko at bigla nalamang nahigit ang kamay nang masaksihan ko ang isang pangyayaring hindi ko maatim na tignan.

Namatay ang kaba, nawala ang pagasa, nalunod ako sa hindi maipaliwanag na kalungkutan.

It was horrifying.

Pinanood kong tuluyang naging abo ang statwang linamon ng nagbabagang apoy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top