2
"Kuya?! Kuya! Nasaan ka?!"
Hindi ko alam kung nasaan ako. Puro itim ang paligid. Madilim. Wala akong makita.
Nasaan ako? Anong lugar ito?
Tinawag ko pa si Kuya ko ngunit parang bumalik lang din ang boses ko. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Parang kinain na ako ng dilim.
Nagiisa lamang akong nakatayo dito at ang buong paligid ko ay pawang kadiliman lamang. Walang niisa mang ilaw. I tried reaching my hands up on emptiness. I tried harder. Harder. Pero wala akong nakapa. Wala akong napala. Sa pagkakataong ito, nagiisa na naman ako.
Why am I alone? Bakit palagi nalang akong nagiisa? Bakit palagi nalang akong naiiwan? Bakit palagi nalang akong iniiwan? Wala nga akong kaibigan diba. Kahit yung mismong nagpanganak sa akin iniwan na ako. No matter how much I deal with people around me, I always end up getting them into trouble. I always end up losing them. I'm hopeless.
Nanghina ako at napasalampak na lamang sa kinatatayuan.
Is it wrong to think that I wanted to die?
Naramdaman kong nabasa ang pisngi ko dahil sa mga luhang tumulo. Pumikit ako at pagdilat ako, bigla ko na lamang naanigan ang isang liwanag at dahil dun, nabuhayan ako ng loob. Asan galing 'yung ilaw?
Tumayo ako at naglakad patungo sa mumunting ilaw na nakikita ko.
Pero, pero bakit ata lumalayo ito?
Tumakbo ako ng masmabilis hanggang nakita ko na nang tuluyan ang ilaw. Ang ilaw ko.
Ang kuya ko.
Napahinto ako sa pagtakbo nang bigla nalang siyang humarap at napatingin sa akin. Napangiti ako ng malapad.
"K-kuya ko? " hindi ko alam. Bakit bigla na lang akong umiiyak?
Nakatingin lamang siya ng taimtim sa akin at ngumiti. Isang malungkot na ngiti.
Naglakad siya palapit sa akin hanggang ilang dipa nalamang ang agwat namin at bahagya siyang yumuko para magkaharap na kami.
Ang ngiti naman niya ay napalitan ng ngisi. Ngisi na hindi ko alam ngunit nararamdaman kong hindi ko na makikita pa.
"Bunso, hanggang dito nalang ata ako. Pakabait ka ah." Tsaka niya ginulo ang buhok ko.
And as if on cue, bigla nalang siyang naglaho habang ako ay napahagulgol sa iyak at napasalampak sa sahig.
Isang tumatagingting na sampal ang nakapagpadilat ng mga mata ko. Hinihingal ako at panay parin ang tulo ng mga luha ko. Alam ko ring pinagpapawisan na ako. P-panaginip lang. Isang napakasamang panaginip lang pala. At sisiguraduhin kong hindi iyon mangyayari.
Inilibot ko ang aking nga mata sa paligid o sa kwartong kinaroroonan ko.
Bakit--Bakit parang ang gara? Hindi ito ang kwarto ko.
Puti at itim ang motif design ng kwarto. Lahat ng mga gamit ay mga babasagin at halatang mga mamahalin. Wala rin akong makitang niisang alikabok. Para ngang kumikinang eh. Tsaka ang gara rin ng kama ko. Sa madaling salita, parang sa isang medieval mansion ang kwartong ito. And one thing is for sure, wala ako sa kwarto ko.
Sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay at nagtagumpay naman ako. Dahan dahan akong umupo. Ngunit sumakit ng bahagya ang katawan ko na parang nabigla sa paggalaw ko.
"Gising ka na, my lady." Nabaling ang tingin ko sa isang magandang babaeng nakatayo katabi ng kamang aking hinihigaan. Petite. Maputi. Napakakinis ng balat. Nakasuot siya ng isang itim na gown-like outfit from head to toe ngunit ito ay parang sa mga maid. Tinignan ko ang mukha niya at ganun nalang ang panlalamig ko nang makita ko siyang matalim at walang ekspresyong nakatitig sa akin.
"S-Sino ka?" Nagtaka ako ng hindi ko mailabas ang aking boses at pawang hangin lamang ang makakarinig ng salita ko.
Umubo naman ako. Ngayon ko lang napansing nauuhaw na pala ako. Ilang oras ba akong nakatulog?
Napatingin na naman ako sa babae nang makita ko siyang nakangisi ng malapad. Bahagya siyang lumayo at may kinuha sa mesang abot kamay ko lang tsaka bumalik na may dala-dalang basong tubig.
Kinuha ko naman yun at biglang ininom. Uhaw na uhaw talaga ako. And I felt like I have been sleeping for years. Sure naman akong exaggerated lang iyon.
Binalik ko sa kaniya ang baso at kinuha niya naman ito.
"Ako ang iyong personal na maid, my lady. My name is M. I will be the one to assist you in everything you'd like to do. I will be the one to make your schedule. I will be the one to guide you. And I will be the one to protect you. In short, you can say that Im your personal butler, my lady." M? Weird name. Is that supposed to be a code name? At anong sabi niya? Butler ko daw siya? Babae naman siya ah? At bakit ko naman kailangan iyon? naghire ba sila mommy ng bagong maid ng walang pasabi?
Napahawak naman ako sa ulo ko nang bahagya itong sumakit kaya bahagyang nagalaw ang kumot.
Nanlaki ang aking mga mata ng nakita ko ang aking sariling nakasuot ng isang napakagara at napakagandang damit na nakita ko. Im wearing a black dress with white lace embroided on it. Simple lang pero makikita mo na ang sophisticated nito.
"H-how long was I asleep?" Bigla kong natanong. It felt really odd especially my voice. Napakamonotone. Parang nagiba rin ito. Mas naging buo.
Bahagya siyang natawa ng nakakakilabot. I hate to admit it but she is really creepy.
"You've slept for two years, my lady. Welcome back," Sabi niya na nagdulot ng pagtawa ko at bahagyang pagbalot ng kaba sa buong katawan ko.
"Hahaha seriously? Nagpapatawa ka ba?" natatawa kong tanong tsaka humagalpak na naman ng tawa. Hininaan ko lang dahil sumasakit pa ang lalamunan ko. Hindi ko rin magalaw ng mabuti ang aking katawan dahil parang paralisado ito.
Sumeryoso naman siya. I mean, seryoso naman talaga ang magandang mukha niya pero ngayon, mas naging nakakatakot ang ekspresiyong pinapakita niya. Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin.
Nakakainis 'tong maid na 'to. Kung umasta parang siya yung amo dito. Amo ko siya? amo siya? tsk.
"Im not kidding, my lady Hime Alvera Trancy" nawala ang dating tawa ko nang marinig ko ang aking pangalan. Pero hindi iyun ang ikinagulat ko. Hindi Trancy ang surname ko kundi Romero. Ako si Hime Alvera Romero.
"Sorry po pero hindi po Trancy ang apelyido ko," naguguluhan kong sambit.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga.
"You'll understand it all, my lady, Soon," sabi pa nito sabay bow at nagpaalam na siya palabas ng kwarto.
Saktong paglabas niya, unti-unting namuo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang sumabog. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. Kung bakit biglang sumakit ang dibdib ko. Hinawakan ko ito ng bahagya gamit ang isang kamay at ang isa ay pinunasan ang mga luha sa mukha ko. Bakit ba naman ako umiiyak? Eh wala namang nangyari sa akin? Siguro baka dahil nakatulog ako ng matagal. Nagsisinungaling lang si M-- o kung ano mang pangalan niya. There's no way na makakatulog ako for 2 years. That's just... fantasy.
Pero ano ba 'to?! Bakit lumalakas ang aking iyak? Bakit hindi ko ito mapigilan? It's like my heart knows what's happening pero pilit pinagsisiksikan ng aking utak na hindi totoo ang lahat ng 'to. Hindi ko alam kung anong dapat kong tanggapin. Pero ano nga ba ang dapat kong tanggapin? Baliw ba ako?
Ngayon ko lang napansin, bakit ako nandito eh hindi na man ito ang bahay namin? walang kwartong ganito ang bahay namin. Asan sila Dad? Asan sila Kuya?
Anong nangyayari?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top