Just For You // Kim Namjoon
"To the talented girl I know."
"Oh ano nanaman 'yan Pre? Another love letter nanaman para kay Kyline?" Tanong ni Harold na nasa aking likuran pala.
Dali dali kong itinago ang sulat na ibibigay ko nanaman para sa Crush ko. Oo crush ko lang si Kyline.
"Huh? Pano mo nasabe?" Pag-gagaya ko sa memes na uso ngayon.
"Ewan ko sayo Pre , bakit ba mahal na mahal mo yu—"
"Crush lang, study first ako." Pagpuputol ko agad sa sasabihin nito dahil ang dami nyang alam.
"Woaaaah? Study First ? Pero pinapatawag ka nanaman ni Ma'am Gutierrez dahil bagsak ka raw sa Gen. Math." Hindi makapaniwalang tanong neto.
Haysss ! Tropa ko ba 'to? Walang support.
Inayos ko nalamang ang aking Bag, mamaya ko nalang ipagpapatuloy yung Letter ko kay Kyline . Nanalo kasi sya sa singing contest nung saturday. Kaya ayon Congratulation letter , wala namang masama diba?
"Sml?" Pangbabara ko nalang kay Harold dahil panira ng umaga.
"Kylineee , may assignment kana ? Pakopya naman." Sigaw ni Ara sa babaeng kakapasok palang sa loob ng aming silid-aralan.
Napatingin ako sa kanya, walang kupas ang cute nya parin. Hmmm bakit hindi kaya 'to nakapagsuklay? Pero cute parin nya , messy hair lang ang peg.
Bigla syang napatingin sa gawi ko , kaya ngumiti agad ako . Ngiting mukhang tanga . Shemsss wag mong ipahiya sarili mo Bobby.
"Good morning daw Kyline , sabi ni Bobby." Sigaw si Zyrel na nagpakunot sa noo ko. Wala naman akong sinasabi ah.
Tinignan ko ang ekspresyon ni Ky , at ngumiti ito. Shemsss H e a v e n !
"Good morning too Bobby." Tugon nito at nakipag beso na kala Ara na mga tropa nya.
"Nice one Bobby." Sigaw naman ni Harold.
Buti nalamang at konti palang kami dahil nakakahiya kung buong klase ang makakarinig.
Nakatitig ako kay Kyline mula rito sa likuran at doon sa harapan kung saan sya nakaupo.
Pinag-aaralan lahat ng ginagawa nya. Miski ang pagpupunas ng mukha ay hindi ko pinalalagpas.
Crush lang yan Bobby !
Pagpapaalala sa sarili. Ilang taon ko na bang sinasabi yan dalawa o tatlo? Mukhang sarili ko nalamang ang hindi ko mapaamin na matagal ko na syang gusto. At hanggang ngayon hindi ko pa rin ito maamin sa kanya , puro paramdam , paramdam na akala nya wala lang.
Haysss bakit kasi ang panget ko? Ang baduy ko , hindi cool , bobo pa. Baka pag umamin ako na gusto ko na sya matagal na matagal na , ei mareject lang ako .
"Kung umamin ka na kasi na gusto mo sya ? Edi sana alam mo na ang sagot sa malalim mong iniisip?" Bulong ni Carlo sa akin.
"Pinagsasabe mo? Iniisip ko lang kung bakit walang commercial ang asukal sa TV." Pagsisinungaling ko for nth time , dahil sawang sawa na kong asarin. Pag inamim ko rin kasi kay Kyline , marereject lang ako. So para saan pa?
"Oo nga noh? Bakit kaya wala ?" Pang sasang ayon ni Carlo , at bakas sa mukha ang pagtataka.
Aba uto-uto ang galungong.
•••
"Bobby, Thank you so much roon sa load kagabe ah ." Sabay yakap saakin ni Kyline.
Ni-loadan ko kasi sya dahil emergency raw, kaya heto naman ako kahit 11 na ng gabe nag-ikot ikot pa sa aming barangay para lang ma-loadan sya. Hindi kakayanin ng konsensya ko pag hindi ko nagawan ng paraan.
"No problem, may bukas naman na tindahan sa street namin." Pagsisinungaling ko nalang.
Mamaya pag nalaman nya pa ang pinagdaanan ko kagabe, na muntik pang maging pulutan ng mga aso baka sya pa ang makonsensya. Okay na ko sa payakap nya. Feel na feel ko naman.
"Si Mama kasi ei pinag-alala ako. Thank you talaga." Sabi nya at ngumiti nanaman ng napakatamis.
Haysss d'yan ako nahuhulog ei , sa mga ngiting yan.
Bumalik rin sya agad sa upuan nya pagtapos nyang magpasalamat.
•••
Noong nakaraang linggo , chinat ko sya . Nagreply naman sya , pero hindi ko akalain na hindi lamang ito pang isang araw . Dahil hanggang ngayon kami'y magkausap pa rin.
Natutuwa ako dahil nagkukwento rin sya ng kung ano ano . Hindi ko alam , dahil mas nahuhulog ako sa kanya. Hindi ko alam na ganun pala sya kasweet , magaling rin makisakay kaya siguro hindi kami maubusan ng pagkukwentuhan .
Lumipas ang araw, linggo , at buwan . Mas nagiging close kami. Minsan nakakasabay kumain o umuwe . Araw araw mag kausap. Nararamdaman ko na parehas na kami ng nararamdaman.
Kaya etong darating na Valentine's Day ay aamin na ako , at tatanungin kung pwede ko ba syang ligawan.
•••
"Handa na ba ang lahat mga pre ?" Kabadong tanong ko habang inaayos ang neck tie. This is the day , kung kailan aaminin ko ang lahat.
"Oo pre , sige mag ayos kalang d'yan ! Para magmukha kang tao kahit ngayon lang HAHAHAHA ." Loko lokong sabi ni Zyrel.
"Tapos na , dalhin nyo na si Kyline rito. Yung blind fold ayusin nyo ah." Pag papaalala ko.
Tumayo na ko sa tapat ng board na may nakasulat ng "To my precious girl , can I court you?"
After ng ilang minuto ay paparating na si Kyline na inaalalayan ni Carlo.
Pagtanggal ng blind fold nya , ang malawak na ngiti sa kanyang mukha ay napalitan nalamang ng tipid na ngiti ng magtama ang aming mga mata.
Ngunit hindi ko ito pinansin , at simulan na ang magsalita.
"Simula nung maging classmate tayo noong high school, sabi ko hindi kita magugustuhan dahil ang tulad mong masungit at maldita ay hindi ko tipo. Pero mali pala ako, hindi ka pala masungit o maldita . Makulit ka pala , masayahin , mapagbiro , madaling makisama , maalaga't maalalahanin. Pero sabi ko sa sarili ko crush lang , crush lang yan hindi pwedeng lumalim kasi alam ko naman ang kahahantunga. Pero after years , nagkaroon tayo ng chance na maging super close. Super close na to the point na kahit nagkikita na araw araw ay magkausap pa gabi gabi. Mas nahuhulog ako sayo sobrang lalim , na kahit ano gagawen para lang sayo. Itatake risk ko lahat para sayo , kasi gusto kita , mali mahal kita . Mahal na mahal kita Kyline , sana payagan mo kong manligaw sayo." Maiyak iyak kong pag-aamin sa kanya. Ilang taon ko ng pinag ipunan itong lakas ng loob na'to sana maging worth it.
Tinitigan ko sya , at nagulat kaming lahat ng umiyak sya —humagulgol sya ng iyak.
Dali dali ko syang nilapitan at niyakap. Hindi ko alam kung umiiyak sya dahil natuwa sya sa efforts ko or what?
"Why are you crying ?" Tanong ko habang ibinibigay ang panyo ko sa kanya.
Pagkaabot ko ng aking panyo ay may humagulgol pa sya ng iyak.
Ano ba talaga ang dahilan ng pag iyak nya?
Buti nalamang at nasa bakanteng room kami at walang masyadong tao ,ang mga tropa ko naman ay mga nakasilip lamang sa bintana.
"Sorry Byy ." Byy not for baby but for Bobby.
Bakit sya nagsosorry?
Is this what you called rejection?
"Bobby, Sorry ! Im so sorry." Hagulgol nya pa.
I don't understand? Sorry kasi magkaiba yung nararamdaman namin?
"Im already taken. Sorry Bobby , you don't deserve me." After nyang sabihin yun, napatawa na lang.
Kung ayaw nga sakin, direct to point na wag na yung magsisinungaling pa. Alam kong sinungaling ako sa feelings ko, pero sana kahit dito maging totoo naman . Wala syang boyfriend , ilang beses ko ng natanong yan sa kanya ei.
"Kyline naman , kung ayaw mo sakin . Sabihin mo na direct to the point. Wag ka ng guma—"
"Si Harold , he is my secret boyfriend . Mag si-six months na kami Bobby. I love Harold ever since." Dire-diretso nyang sabi na aaminin ko sana nagbibiro lang sya.
Tumawa ulit ako ng malakas .
"Kyline , wag mo naman akong lokohin . Kung ayaw mo sakin okay lang , pero wag ka ng magsinungaling please lang ." Pag aamin ko dahil alam ko naman na heto talaga ang magiging resulta. Pero wag na sana gumawa ng kung ano ano kasi mas nasasaktan ako.
"Im not joking Bobby, listen to me . Kami ni Harold ay matagal na namin gusto ang isa't isa Nung umamin sya , na-guilty sya kasi tropa kayo. That's why lumalayo sya sa inyo. Pero parehas kami ng nararamdaman kaya nagwork. Sorry hindi kami makakuha ng pagkakataon para umamin , sorry Bobby." Pagpapaliwanag nya , ang hirap tanggapin na bakit sa lahat kasi tropa ko pa , at akala ko gusto nya na rin ako kasi ganun.
"Pero ba't ganun ka sakin? Kyline ba't ang sweet mo sakin?" Maiyak iyak kong tanong, hindi na kinakaya ng aking damdamin ang aking nalalaman.
"Kasi Bobby ganun talaga ako, at nag-eenjoy ako sayo. Para kang Kuya saakin, at naaalala ko sayo yung kuya ko na wala na . Lagi kong kinukwento sayo 'yon diba? Sorry kung akala mo motibo pero it's nothing ."
It's nothing ...
It's nothing ...
It's nothing ...
Nag-eecho sa akin ang huli nyang sinabi. She's right , it's nothing. Nothing special , bakit binigyan ko ng malisya. It's all my fault.
Niyakap nya ako dahil tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Sakit pala pag harap harapan kang mareject noh?
"Sorry Bobby ! Im really sorry." Paulit ulit na paghingi nya ng tawad. Ngunit wala pa ring panama sa puso kong durog na durog na sa mga oras na'to.
"Kyline , Pre." Tawag saamin .
Nakita ko ang pigura ni Harold, bakas sa mukha nya ang lungkot para sa nangyare. Pumasok na rin si Zyrel at Carlo at nilapitan ako.
Tumayo na si Kyline , tinapik nya muna ako sa aking likod bago lumapit kay Harold.
Kitang kita ko ang pag-aalala ni Harold kay Kyline na lalong nagpakirot saaking dibdib.
Kitang kita naman na bagay silang dalawa, at sa storyang ito ako ang kontrabida , ang extra. Pilit pinagsisiksikan ang sarili sa babaeng alam kong hindi magiging akin.
Pinagmasdan ko ang paglabas nilang dalawa sa pintuan na magkahawak ang mga kamay. Kaya ang aking mga luha ay nag unahan nanamang tumulo.
Pinabayaan muna ako nila Zy , mas inuna nilang ligpitin ang aming pinaghirapan para sa kahibangan kong ito.
Hindi naman kasalanan ang magmahal, diba?
Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko magpakalunod sa damdamin kong ito.
Siguro tama nga sila , It's always a choice . If a cure for the heart break or prevention from the start.
Tsaka wala eh , sinubukan ko naman kaso wala talaga .
Kyline is precious as a diamond . A diamond that not for me to keep, but for another man —my best friend.
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top