Sierra

Ang Sierra ay ang mundo ng mahika.

Ito ay nahahati sa limang kaharian.


Ang kaharian ng Adur na matatagpuan sa hilaga. Ang kaharian ng Adur ay maituturing na pinakamahirap na kaharian sa mundo ng Sierra. Sapagkat marami sa mga mamamayan nito ay lugmok sa kahirapan. Ito rin ay maituturing na pugad ng mga kriminal. Ang Adur din ay talamak sa pangaalipin.


Ang kaharian ng Idrasil. Ito naman ay matatagpuan sa kanlurang parte ng Sierra. Ang kaharian naman ng Idrasil ay ang pinaka pangunahing pinagkukunan ng mga armas ng buong Sierra sapagkat sa kahariang ito talamak ang napakaraming panday na siyang gumagawa ng iba't-ibang uri ng sandata.


Ang kaharian ng Ur. Ang kaharian ng Ur ay maituturing na pinakamayamang kaharian sa buong Sierra sapagkat ito ang pinaka maunlad sa lahat ng kaharian. Dito kinukuha ang mga pangunahing kalakal ng pagkain. Ito ay matatagpuan sa silangang parte ng Sierra.


And kaharian ng Rima. Ang kaharian ng Rima naman ang pangunahing pinagkukunan ng mga gamot at gamit pang-medisina. Ang mga mamamayan dito ay may likas na kaalaman at kakayahan kung pang-gagamot ang pag-uusapan. Ito ay matatagpuan sa timog.

At ang kaharian ng Ukuva o ang "Itim na Kaharian". Ang kaharian naman ng Ukuva ay ang natatanging kaharian na may masasamang mithiin laban sa buong mundo ng Sierra. Dito matatagpuan ang mga taong ginagamit sa masasamang gawain ang kani-kanilang mga abilidad. Ito din ang mortal na kaaway ng iba pang kaharian dahil sa hangarin nitong mapamunuan ang buong mundo ng Sierra. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng timog at kanlurang bahagi ng Sierra.


———
Ukuva - yu/ku/vah
Sierra - sye/ra

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top