5-Sierra Majica
"The greatest weapon against stress is our ability to choose one thought over another"
-William James-
***
Sagacitas Animo
Kasalukuyan na kami ngayong naglalakbay patungong paaralan ng Sierra Majica kasama ang mga kawal na ipinadala ni tandang Arde. Kahit na kailan ay hindi ko pinangarap na makapasok sa paaralang ito, ngunit kung iyon lang ang natatanging paraan para mahanap ko ang mga pumatay sa mga magulang ko ay gagawin ko hindi para sa sarili ko kundi para sa hustisyang hinahanap ko para sa mga magulang ko.
Malayo-layo na rin ang aming nilakbay. At mula sa kinaroroonan namin ng mga kawal ngayon ay matatanaw na ang tarangkahan ng Sierra Majica.
"Binibining Saga malapit na po tayo sa paaralan." hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin ang sinabi ng kawal dahil alam ko namang malapit na talaga kami sa aming paroroonan sapagkat natatanaw na nga namin ang tarangkahan ng paaralan.
Ikatlong Persona
Kasalukuyan ngayong nasa loob ng silid-aralan ang mga mag-aaral ng Sierra Majica sapagkat oras ngayon ng klase, ngunit may isang silid-aralan na nagpupulong-pulong.
"Students of S4-A, I have a very important announcement to say so please keep your voice down." pahayag ng isang Devak sa harapan ng kanyang mga estudyante.
"Ano po ang inyong nais sabihin, Devak Jean?" tanong ng isang estudyante.
"You will have a new Devak for your Battle and Attack's subject. She is a recommendation from the council's leader, Arde." pagbibigay-alam ng Devak, na si Devak Jean. Mayroon itong pares ng pilak na mata at itim na buhok.
"Who is she, Devak? Is she that good that the council leader recommended her as a new Devak here in Sierra Majica?" maarteng tanong ni Prinsesa Ashley Adur.
"I haven't met her yet, but I think she's good enough to be your new Devak for she is a recommendation from the council leader." sagot ni Devak Jean.
"Prrrrriiiittttttttttttt"
(a/n: Sorry po sa sound effects. Hindi pi talaga ako marunong ng sound effects. Huhu.)
"Ohh..that's the trumpet's sound. I think she's already here. Ok S4-A, I'll take my leave now to meet the new Devak. Wait for your next Devak to arrive." pahayag ng Devak at tuluyan ng lumabas ng silid-aralan para tumungo sa silid ng punong-guro ng paaralan.
Sagacitas Animo
Nakarating na kami sa paaralan ng Sierra Majica at kasalukuyang nasa silid-tanggapan ng punong-guro ng paaralang ito. Hindi pa kami nagsisimulang mag-usap patungkol sa pagiging Devak ko ng paaralan na ito dahil may isang tao pa daw kaming hinihintay yun ang sabi ng punong-guro ng paaralan.
"Totoo ngang kayganda at kaylaki ng paaralang ito." yan ang kasalukuyang tumatakbo sa isipan ko nang mapagmasdan ko ng mabuti ang paaralan habang ako kasama ang ilang mga kawal at papunta sa silid-tanggapan ng punong-guro.
Maya-maya pa ay unti-unting bumukas ang pintuan ng silid-tanggapan ng punong-guro. Marahil ay ito na ang aming hinihintay.
"I'm sorry Headmaster David if I took so long." hinging paumanhin ng bagong dating na babae.
"It's ok Devak Jean." sabi ng punong-guro. Kung ganun ay ginagamit pala dito ang salitang Ingles. Kung sa bagay, hindi na nakakapagtaka dahil mga mayayamang tao ang nag-aaral sa paaralang ito kaya maaaring halos lahat sila ay marunong magsalita ng Ingles. Ang Ingles kasi ay ang lenggwahe na hindi maaaring matutunan ng kahit na sino lalong-lalo na ng mga taong mahihirap dahil ang salitang ito ay maaari lamang gamitin ng mga mayayaman. At tanging ang lenggwaheng Tagalog lamang ang pwedeng gamitin ng mahihirap upang makipag-kumunikasyon sa isat-isa.
"So..... where is the new Devak?" tanong ng Devak na bagong dating, na ang pangalan ay Jean ayon sa punong-guro.
"Ang babaeng nasa harapan mo ang bagong Devak, Jean." pahayag ng punong-guro na siyang ikinabigla ng Devak na nasa aking harapan.
"Wh...what.? Si....siya na yun?" turo sakin ni Devak Jean na may halong pagkagulat ang ekspresyon.
"What? Is there a problem?" tanong ko sa kanya dahil biglang-bigla siya na malaman na ako ang bagong Devak. Sino nga namang hindi mabibigla kung ang katulad kung bata na nasa edad rin lamang ng isang estudyante ang magiging bagong Devak, hindi ba? Kung ako ang nasa posisyon niya ay siguradong kapareho rin ng reaksyon niya ang magiging reaksyon ko.
"No.......it's not like that. Nabigla lang ako dahil masyado ka pang bata para maging Devak." medyo nakabawi na siya sa pagkakabigla dahil maayos na ang kanyang pagsasalita.
"Nasa edad ba ang basehan para maging isang ganap na Devak?" malamig kong tanong na nakapag-patahimik sa kanya.
"Ok. Stop the chit-chats already. Devak Jean bring her to your advisory class para makilala na nila ang bago nilang Devak sa Battle and Attack." utos ng punong-guro.
"OK Headmaster David. Devak......."
"Saga" pagbibigay-alam ko sa kanya ng pangalan ko. Alam ko namang hindi niya pa alam ang pangalan ko. Dahil nabasa ko sa isip niya na hindi niya pa ako kilala.
"Ok Devak Saga. Headmaster David we'll take our leave now. Lets go Devak Saga." anyaya sakin ni Devak Jean.
Habang naglalakad na kami ni Devak Jean patungong silid-aralan na aking pagtuturuan ay pinagmasdan ko muling mabuti ang bawat pasilyo na aming nilalakaran para hindi na ako maligaw kapag ako na lamang mag-isa.
"Devak Saga" pagtawag sa atensyon ko ni Devak Jean dahil masyado akong nawili sa pagmamasid.
"Andito na tayo." pagbibigay-alam alam nito sakin. Nandito na pala kami.
Tuluyan ng pumasok si Devak Jean sa loob ng silid-aralan ngunit ako ay nagpaiwan muna sa labas. Maghihintay na lang ako na tawagin niya para pumasok.
"Ok, S4-A makinig kayo sakin. Kasama ko na ngayon ang bago niyong Devak." sabi ni Devak Jean sa kanyang mga estudyante na magiging estudyante ko na din magmula sa araw na ito.
Ang paaralan ay may apat na lebel. Ang S1, S2, S3, at S4. Ang S4 ang pinakamataas na level o ang huling lebel. At bawat lebel naman ay may apat na seksyon ang A, B, C, at D. Ang seksyon A ang pinakamataas sa lahat ng seksyon. Ibig sabihin ang aking tuturuan sa Battle and Attack na subject ay ang pinakamataas na lebel at seksyon. Ang S4-A.
"Devak Saga, maaari ka ng pumasok." sabi ni Devak Jean kaya naman pumasok na ako suot ang malamig na ekspresyon.
"IKAWWWWWW..." sigaw ng mga prinsepe at prinsesa maliban sa isa, ang prinsepe ng Rima, si Prinsepe Dreux. Nakatitig lamang ito sakin ng diretso na tila hinahalukay ang kaloob-looban ko.
"Ohh. So kilala na pala ng Royalties ang bagong Devak." pahayag ng Devak na kasama ko.
"PAANONG HINDI NAMIN SIYA MAKIKILALA GAYONG SIYA ANG TAONG NAGPAHIYA SA AMIN." galit na sigaw ni Ashley. Magmula sa araw na ito ay hindi ko na sila tatawaging prinsepe at prinsesa dahil hindi naman nila nakuha ang pag-respeto ko sa kanila.
"Huh? Siya ba yun?" gulat na tanong ni Devak Jean habang nakaturo pa sakin ang kanyang daliri.
"Siya pala yun?"
"Grabe! Ang kapal ng mukha niya para ipahiya si Prinsepe Dreux pati na ang iba pang royalty."
"Oo Nga eah."
"Ang lakas ng loob niya."
"Wala siyang galang."
Bulong-bulongan ng mga estudyante sa paligid. Tsskk.. Eah ano ngayon kung ipinahiya ko ang mga prinsepe at prinsesa nila? Eah ano ngayon kung hindi ko sila ginagalang? Kung si tandang Arde nga na lider ng konseho ay hindi ko iginagalang, sila pa kaya na mas mababa pa ang katayuan kaysa sa konseho. Tsskk..
"Class! Tahimik! Nangyari na ang nangyari. Wala na tayong magagawa pa roon. Ok. Gusto kong ipakilala sa inyo ang bago niyong Devak sa Battle and Attack." tiningnan ako ni Devak Jean. Kaya naman nagpakilala na ako.
"Sagacitas Animo. Tawagin niyo na lang akong Devak Saga. Ako ang magiging Devak niyo sa Battle and Attack." pagpapakilala ko.
"Are you sure that you will be our Devak in Battle and Attack. You look like weak. And your just a hampaslupa, ohh.. my bad. Hindi ka nga pala nakakaintindi ng salitang Ingles, Pero naintindihan mo naman siguro yung word na hampaslupa diba. Kasi sanay ka na sa salitang yun. Kasi hampaslupa ka. Hahahahahahahahaha......" sabi ni Ashley na siyang nakapagpatawa sa mga estudyante.
"Hahahahahahahahaha"
"First of all, I surely understand what you just said earlier. Second, yes, I'm pretty sure that I will be your Devak in Battle and Attack and I will make sure, all of you will suffer in my subject so be ready, a'right." malamig kong pahayag na nagpagulat sa kanila dahil ginamit ko ang lenggwahe ng mga mayayaman. Ano ka ngayon. Tsskk..
"Pa... Paano... Paanong..." putol-putol na pahayag ni Ashley.
"Nakalimutan mo yata ang sinabi sa inyo ni tandang Arde tungkol sa kung sino at ano ako. Well, ipapaalala ko sayo. I am a EXECUTIONER." sabi ko sa isipan ni Ashley na nakapagpagulat sa kanya na naging dahilan ng pagkakatumba niya. Haha.. Serves her right. Ayan.....pati tuloy sa isip ko ay napapagamit na ako ng Ingles.
Alam kong sinabi na ni tandang Arde sa kanila ang pagiging Executioner ko. Dahil nabasa ko ito sa kailalim-ilalimang isipan ni tanda.
Bilang isang Executioner, kailangan namin matutunan ang lenggwahe ng mga mayayaman upang kung saka-sakali na mayamang tao ang maging kliyente namin ay maiintindihan namin ang kanilang sinasabi.
"Bukas, be ready for our first meeting. I'll make sure that all of you will like it." malamig kong pahayag sa kanila habang nakangise. Ramdam kong natakot sila dahil sa tono ng boses ko. Haha.. Siguradong magugustuhan nila bukas ang ipapagawa ko sa kanila.. Hahaha...
Napangise na lang ako sa naiisip ko para bukas. Haha..
Lumabas na ako ng silid na iyon at iniwan si Devak Jean para malibot pa ang buong Sierra Majica.
———
Votes and Comments
Susunod..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top