3-Executioner

"The Mind is its own place and in itself, can make a Heaven Of Hell, a Hell of Heaven."
-John Milton-

****

Ikatlong Persona


Tatlong araw na ang nakalipas mula ng mangyari ang gulo sa pagitan nina Saga at ng mga estudyante ng Sierra Majica at medyo humupa na ang usap-usapan patungkol sa mga pangyayari na naganap sa bayan ng Imari. Ngunit hindi pa rin ito natatanggal sa isipan ng mga napahiyang estudyante lalong-lalo na sa isipan ng mga mahaharlikang estudyante, ang mga prinsepe at prinsesa.

Ang mga Hari at Reyna kasama ang kani-kanilang mga anak na kasama sa komosyong nangyari sa bayan ng Imari tatlong araw na ang nakakalipas ay magkakasama ngayon sa isang silid-pulongan kasama ang limang miyembro ng konseho. Nagtipon-tipon sila upang pag-usapan kung ano ang karampatang parusa ang dapat nilang igawad sa lapastangang babae na si Saga.

"Mga prinsepe at prinsesa. Ano ba ang totoong nangyari sa pagitan niyo, ng mga estudyante at ng babaeng nagngangalang Sagacitas Animo o mas kilala sa tawag na Saga?" panimulang tanong ni Simar. Isang miyembro ng konseho na mayroong berdeng buhok.

"Ang babaeng yun ay lapastangan. Nagawa niya kaming ipahiya sa harap ng mamamayan ng Imari na sakop ng aking kaharian." may galit sa tonong tugon ni Prinsesa Ashley.

"Tinatanong ko kung ano ang totoong nangyari?" pag-uulit pa ni Simar sa kanyang katanungan.

"Hindi namin naabutan ang totoong nangyari. Ang naabutan na lamang namin ay ang mga estudyanteng nakaluhod sa harapan ng babaeng yun na tila isang dyosa na sinasamba hanggang sa siya ay magsalita ng walang pag-galang sa amin, at maging sa aming mga magulang din. Kaya naman aatakehin na Sana siya ni Ashley ngunit naunahan niya siya. Sa isang salitang 'luhod' lamang ay nagawa niya kaming paluhurin ng walang kalaban-laban." mahinahong pag-sagot ni Prinsepe Riall.

"Ayun sa nakalap kung impormasyon ay ang mga estudyante ng Sierra Majica ang nangunang umatake. Sila rin ang totoong nag-simula ng gulo laban sa babaeng yun." makatotohanang pahayag ni Hara.

"Ano!! Wag mong sabihin na kinakampihan mo ang lapastangan at hampaslupang babaeng yun hah! Konsehong Hara." nang-gagalaiting sigaw ni Prinsesa Ashley.

"Ayusin mo ang tono ng pananalita mo munting prinsesa ng Adur. Hindi ko ito nagugustuhan." malamig at nakakatakot na pahayag ng lider ng konseho na si Arde. Nakaramdam naman ng takot at pangamba ang munting prinsesa ng Adur.

"Patawad punong konseho." hinging paumanhin ni Prinsesa Ashley.

"Nakapagpasya na ako. Ipadakip ang babaeng yun at dalhin sa aking harapan. Sa oras na makita ko siya ay ibibigay ko sa kanya ang karampatang parusa na naayon sa ginawa niya." may diing utos ng punong konseho. Ito naman ay agarang sinunod ng mga kawal ng konseho.
.
.
.
.
.
.
Samantala, si Saga naman ay kasalukuyang nakahiga ng makaramdam siya na tila may nagmamasid sa kanya.

"Sino naman kaya itong nagmamasid sa akin." bulong niya sa sarili.

Nang maramdaman niyang napapalibutan na siya ay nagpasya na siyang lumabas ng kanyang kubo na tinitirahan. Nang makalabas siya ay hindi na siya nagulat ng makita ang mga kawal ng konseho na pinapalibutan ang kanyang tahanan.

"Nahuli kayo ng ilang araw. Noong nakaraan ko pa kayo hinihintay." walang ganang sabi ni Saga.

"Kung ganun ay inaasahan mo na pala ang pagdating namin." tugon ng tila tumatayong lider ng mga kawal.

"Haha...oo. Inaasahan ko nga kayo. Ano pa bang aasahan ko kung di kayo, hindi ba? Ipahiya ko ba naman ang mga prinsepe at prinsesa niyo." walang kabuhay-buhay na pahayag nito.

"Kung ganun ay dakpin na siya. Ihaharap natin siya sa konseho." pahayag ng punong kawal at agad namang nagsisunudan ang mga kawal, ngunit bago pa makalapit ang mga ito ay nag-salita na si Saga.

"Hindi niyo na kailangang dakpin ako, kusa akong sasama sa inyo." ani Saga. Ngunit tila lalapit pa rin ang mga ito.
"Ang sinumang lalapit sakin at agarang mamamatay." may pagbabantang pahayag ni Saga habang may nanlilisik na mata. Lumingon ang mga kinakabahang kawal sa kanilang pinuno kung susundin ang utos nito ngunit tumango na lamang ang pinuno nila kung kaya't hinayaan na lamang nilang maglakad ito ng malaya.
Ngunit mahigpit pa rin ang siguridad para kung sakaling magtangkang tumakas si Saga at handa sila.

"Mapanganib ang babaeng ito. Kung nakaya niyang paluhurin ang mga prinsepe at prinsesa ng ganun-ganun lang ay siguradong kayang-kaya niya rin kami. Mas mabuting sundin na lamang ang kanyang nais kaysa kami ay mapahamak." sa isip-isip ng pinuno ng kawal. Hindi alam ng lider na kayang makabasa ng isip ni Saga. Napangise na lamang si Saga sa kanyang nabasa.


                                *****

Nakarating na sila sa mansion ng konseho, ang Palacio de Conseho. Mapapansing pinagtitinginan siya ng mga tagapag-silbi at iba pang tao sa loob ng palasyo na ito.

"Tunay ngang kay ganda ng lugar na ito." sa isip-isip ni Saga.

Pumasok sila sa isang silid kung saan ginaganap ang mga pagpupulong. Inilagay si Saga sa harap ng limang konseho, ng mga Hari at Reyna, at ng mga prinsepe at prinsesa.

"Nandito na po si Sagacitas Animo." pagbibigay-alam ng punong kawal sa mga taong nasa loob ng konseho.

Tinitigan ni Saga ang mga taong nasa loob ng silid. Nakita niya rito ang limang konseho, ang mga Hari at Reyna, pati na rin ang mga prinsepe at prinsesa at ilan pang mga tagapag-silbi at kawal.

"Nalalaman mo ba kung bakit ka naririto?" panimulang tanong ni Haring Mores.

"Hindi, ikaw alam mo ba kung bakit ako nandito? Ay...oo nga pala. Ba't mo ba nakalimutan yun. Dahil nga pala sa pagpapahiya ko sa mga tampalasang estudyante ng Sierra Majica at kasama ang mga walang utak na mga prinsepe at prinsesang iyan." walang kagatol-gatol na pahayag ni Saga habang nakaturo sa mga prinsepe at prinsesang nakaupo kasama ng iba pang maharlika.

"LAPASTANGAN." sigaw ng punong kawal at akmang hahatawin ng latigo si Saga ngunit hindi pa nito naitataas ang latigo ay agad na itong nangisay at nawalan ng malay habang dumudugo ang ilong.

"Binalaan na kita kanina, hindi ba?" bagot na pahayag ni Saga. Dahil sa nangyari ay naalerto ang mga kawal kaya naman pinalibutan siya ng mga ito. Ngunit wala pang isang segundo ay nangyari din sa mga ito ang nangyari sa punong kawal.

"ANONG GINAWA MO?" galit na tanong ni Haring Idrasil ngunit hindi siya pinansin ni Saga bagkus ay nakipagtitigan pa ito sa punong konseho.

"Walang kwenta ang mga kawal mo, Arde." sabi ni Saga na nakapagpabigla sa mga taong nasa loob ng silid-pulongan.

"Hahahahahahahahaha...." mas nabigla pa ang lahat maliban kay Saga ng malakas na tumawa ang punong konseho na si Arde.

"At ano ang nakakatawa sa sinabi ko, huh, Arde?" walang kabuhay-buhay na tanong ni Saga.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, batang Animo. Matalas pa rin ang tabas ng dila mo." natatawa-tawang pahayag ni Arde.

"Nasugatan ka ba ng dila ko, huh, Arde? Tsskkk... wala kang kwentang kausap. Aalis na ako." akmang lalabas na si Saga ngunit natigilan siya sa sinabi ng punong konsehong si Arde.

"Magmula sa araw na ito, ikaw, Sagacitas Animo, ay isa ng ganap na mag-aaral ng Sierra Majica." nakangiting pahayag ni Arde na nakapagpatigil kay Saga hindi lang kay Saga kundi pati na rin sa lahat ng taong nasa loob ng silid-pulongan.

"Hinding-hindi mo ako mapapasok sa paaralang iyan, Arde." madiing tugon ni Saga bago siya tuluyang makalabas ng silid-pulongan.

Pagkalabas ni Saga sa silid-pulongan ay doon lamang nakabawi sa pagkabigla ang mga taong natira sa loob ng silid.

"Anong ibig sabihin nun, Arde?" naguguluhang tanong ni konsehong Hira.

"Hindi ba't dapat siyang parusahan sa mga ginawa niya. Ngunit sa halip na parusahan ay ipinasok mo pa siya sa Sierra Majica Pinunong Arde. Bakit mo iyon ginawa?" tanong ni Reyna Mihana.

"Hindi niyo pa kilala ang batang iyon. Nararapat lamang siyang makapasok sa Sierra Majica dahil sa taglay niyang kakayahan at katalinuhan." sagot ng Pinunong Arde.

"Ngunit paano na ang kapahangasan niyang ginawa? Ang kanyang mga batas na nilabag?" tanong ni Reyna Ubriel.

"Mas makabubuti sa ating lahat kung kakalimutan na lamang natin ang nangyari. Masyadong malakas ang batang iyon. Masamang maging kalaban ang isang tulad niya." paliwanag ni Pinunong Arde.

"Ano ba ang ikinakatakot mo Arde? Anong klaseng tao ba ang babaeng yun at tila ayaw mo siyang kalabanin?" tanong ni Konsehong Urda.

"Ang babaeng yun ay wag na wag niyong kakalabanin kung mahal niyo pa ang mga buhay niyo." paalala ng Pinunong Arde.

"Bakit nga kasi Arde?" naguguluhang tanong ni Haring Geronimo.

"Dahil isa siyang......
.....
...
..
.
. ..
Executioner." sagot ni Pinunong Arde sa tanong ni Haring Geronimo na nakapagbigay-kilabot sa lahat ng taong nakarinig ng sinabi ng pinuno ng konseho.

"A-an-noo?" sabay-sabay na tanong ng lahat ng nakarinig ngunit hindi na sila sinagot pang muli ni Arde dahil lumabas na ito ng silid-pulongan.
Naiwan namang kinabahan at natatakot ang lahat ng nasa loob pa ng silid dahil sa kanilang nalaman.

"Masyadong mapanganib ang Executioner para kalabanin." iyan ang mga katagang tumatakbo sa isipan ng lahat na nga natira sa loob ng silid-pulongan.




Dahil ang Executioner ay mga nakakatakot na nilalang. Mga bayarang mamamatay tao. Mga halimaw. Mga walang awa kung pumatay. Mga halang ang kaluluwa. At higit sa lahat........
.
.
.
.
.
.
.
.
mga DEMONYO.

————
Votes and Comments
...
Susunod....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top