3-Devak
"Don't believe everything you think. Thoughts are just that — thoughts."
-Alan Lokos-
***
Sagacitas Animo
Mag-mula ng araw na nakausap ako ni Arde, ang pinuno ng konseho, ay hindi na ako nito tinigilan. Palagi niya akong pinipilit na pumasok sa lintik na paaralan na iyon. Pinipilit niya akong pumasok sa Sierra Majica para daw mas magamit at makontrol ko ng maayos ang kakayahan ko. Ngunit hindi siya nag-tagumpay. Hinding-hindi niya ako mapipilit na pumasok sa paaralang iyon. Kung ang idadahilan niya sakin ay para mas makontrol ko ang aking kapangyarihan ay hindi siya magtatagumpay na mapapasok ako doon, dahil matagal na panahon na mula ng makontrol ko ng maayos ang aking kapangyarihan.
Sa mga sandaling ito ay nasa aking harapan si Arde. Siguro ay napagisip-isip niya na hindi ako madadala ng mga sulat-sulat niya na nagsasabing pumasok ako sa Sierra Majica.
"Bata, bakit ba ayaw na ayaw mong pumasok sa Sierra Majica? Wala ka naman ng po-problemahin pa dahil sagot ko naman ang pag-aaral mo doon." tanong sakin ni Arde. Marahil ay nagta-taka kayo kung bakit Arde o tandang Arde lamang ang tawag ko sa kanya at kung bakit tila malapit kami sa isat-isa ng punong konseho. Iyon ay dahil sa, siya ang nagpalaki sakin mula ng mamatay ang mga magulang ko. Malapit na kaibigan naman kasi siya ng aking mga magulang. At kung bakit Arde o tandang Arde lang ang tawag ko sa kanya? Iyon ay dahil sa gusto ko lang. Hahaha..
"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo tandang Arde na ayaw kong pumasok doon. Makakagulo lamang iyon sa aking buhay." sagot ko sa kanya.
"Ano bang pinagsasabi mong makakagulo sa iyo ang pag-aaral, hah?" tanong ulit niya sakin.
"Ayokong may gumulo sa aking isipan tandang Arde. Ang nais ko lamang ay mahanap ang mga pumatay sa mga magulang ko." paliwanag ko sa kanya. Sa simula't sapol, mula ng umalis ako sa pangangalaga niya ay ang paghahanap sa mga pumatay sa aking mga magulang ang aking inatupag na gawin. Dahil gusto kong ipaghiganti ang pagkamatay ng mga magulang ko.
"Yan lang ba ang dahilan mo? Maaari mo namang hanapin ang mga pumatay sa mga magulang mo habang nasa loob ka ng paaralan ah." pangungumbinse pa rin sakin ni tandang Arde.
"Kapag nasa loob ako ng Sierra Majica ay limitado lamang ang mga galaw ko. Hindi ako makakakilos ng maayos na naayon sa gusto ko." pangangatwiran ko sa kanya.
"Hindi ba talaga kita mapipilit. Kahit na sabihin ko sayong may alam na impormasyon tungkol sa mga lalaking naka-itim ang Sierra Majica." sabi niya na nakapagpatigil sa akin.
"Aaa....no." gulat na gulat ako dahil sa narinig ko.
"May kaunting nalalaman ang paaralan tungkol sa mga taong iyon. Yung mga taong naka-itim na matagal mo nang hinahanap." dahil sa sinabi ni tandang Arde ay muntik na akong matumba buti na lang at nakabalanse ako ng maayos.
"BAKIT NGAYON MO LANG SINABI? BAKIT NGAYON MO LANG SINABI ANG NALALAMAN MO? ALAM MO NAMANG MATAGAL NA AKONG NAGHAHANAP NG IMPORMASYON TUNGKOL SA KANILA, HINDI BA?" malakas kong sigaw na kanya. Galit na galit ako dahil inilihim niya ang impormasyong nalalaman niya tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ko. Ang tagal ko nang naghahanap ng kahit na anong impormasyon tungkol sa mga pumatay sa mga magulang ko, pero siya, may alam pala siya pero hindi niya sakin sinabi.
"Matagal ko ng gustong sabihin sa iyo pero hindi kita mahanap. Palagi mo akong pinagtataguan kaya hindi ko na sa iyo nasabi." katwiran niya sakin. Isa siyang miyembro ng konseho. Ang malala, siya pa ang pinuno nito. Tapos idadahilan niya sa aking hindi niya ako mahanap. Impossible!
"Ikaw ang pinuno ng konseho kaya imposibleng hindi mo ako mahanap." medyo mahinahon ko nang pahayag. Wala na rin naman kasi akong magagawa eah. Natapos na yung mga panahong yun. Ang mahalaga ngayon ay mayroon na akong mapagkukunan ng kahit maliit na impormasyon tungkol sa mga pumatay sa magulang ko.
"Naisip ko kasi na baka ayaw mo talagang magpahanap kaya pinabayaan na kita. Hindi na kita hinanap pa." pangangatwiran pa nito.
"Alam mo namang kapag tungkol sa mga pumatay sa magulang ko ang pinag-uusapan ay interesado ako, hindi ba? Pero di bale na! Ngayong may alam na akong mapagkukunan ng impormasyon ay sisiguraduhin kong mahahanap ko na sila. Kahit saang lupalop pa sila ng Sierra nagtatago." dahil sa nalaman ko ay nabuhayan ako ng loob na mahahanap ko ang mga may sala sa pagkamatay ng magulang ko.
"Bukas na bukas din ay ipasundo mo ako sa mga kawal mo. Dahil gagawin ko na ang gusto mo. Papasok na ako sa Sierra Majica." sabi ko na siyang nakapagpangite sa kanya.
".....ngunit hindi para maging mag-aaral kundi para maging isang devak." dagdag ko pa na siyang nakapagpaalis ng pag-ngite niya. Hahaha......akala mo ba talaga tandang Arde ay mapapag-aral mo ako. Hah! Hinding-hindi iyan mangyayari. Kahit pa sa aking panaginip ay hinding-hindi iyan mangyayari.
———
Devak - guro / tagapag-turo.
———
Votes and Comments
.
.
Susunod.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top