Chapter 9: Abandoned or Shunned


"DIFFERENT, huh?" bulong ko sa hangin habang nakalutang sa ere ang kanang kamay kong nakadaupan ng kamay ni Alexandra. Si Alexandra na may kung anong tiwala sa akin na hindi ko rin labis na maintindihan.


Nais ba niya akong mahulog sa isang patibong at pumalya o ang tulungan ako?


I heaved a sigh, containing my confusion towards the ambiguous words I've received today. Words like ivy that may crawl around me until I chase after my breath hurriedly... choked and dead as cold as it leaves outside the school walls. My mind was clear before I got here, and when I did, it turned blurry and I fear that it might get worse and just simply be black.


Tinapunan ko ng tingin ang kasama ko sa silid, Clarke Gomez ang ngalan niya at kahit ilang araw na rin kaming nagpaparte sa apat na sulok na ito, ni isang salita ay walang namagitan sa aming dalawa. Tanging ang mahihinang paghinga lang namin sa paghimbing ang nagkakatugma't nagkakausap.


Mag-aalas tres na rin at naiinggit ako kung paanong kay lalim na ng pagkakatulog niya habang ang likod niya'y nakatapat sa akin, at tahimik na tumataas-baba ang katawan sa bawat paghinga. Isa pang kay lalim ay ang gabing kay aliwalas sa labas, walang ulap at lalong walang pagsilip ng mga tala. Ang lamparang nasa gilid ko na lang ang nagsisilbing liwanag at ang buwan, tulad ng kamulatan kong hindi magamba-gambala ng antok kanina pa man.


"What a really cliché thing to say..." A comment came out of my mouth, a comment in regards to the word 'different' that keeps ringing in my ears for quite some time now. A word that made me stop my steps. A word that halted my impulsiveness a while ago and urged me to think whether going out of these premises is the right thing or not.


Dahil kung iisipin... sina Alexandra, Howard, Kristoffer, Herman, at ang magkapatid na Devroid, 'di hamak na mas matagal na sila sa akin dito at mas kilala nila ang bawat kanto ng Lefroma. Ngunit bakit hanggang ngayon, naririto pa rin sila, nakakulong at walang tumutulong?


Imposibleng walang rason kung bakit hindi sila... kami... makalabas.


Imposibleng walang paraan para makatakas.


At higit sa lahat, imposibleng walang rason kung bakit hindi umalma si Raeliana sa pagpasok ko rito sa Lefroma.


She must've known, isn't it?


With a new set of questions prepared, my motivation to discover the answers destined for each one of them fueled the life on my hand, chest, and mind. I might not be able to find a way out of here now, but clarification is the least thing I could give to afford peace of mind.


Kaya naman ibinaba ko ang aking kamay at saka ito ginamit upang abutin ang switch ng lamparang nananahimik sa ibabaw ng nightstand. Hinawi ko ang makapal na kumot na bumalot sa ibabang parte ng aking katawan at hinanda ang mga paa na dumampi sa mga tsinelas.


Dahan-dahan kong isinuksok ang mga paa ko sa itim na pares, at gayon na rin ang pagtayo ko, dala-dala ang asul na dyaket na naglalaman ng ilang patalim na baon ko mula sa mansyon. Sinubukan kong huwag gumawa ng kahit anong kakarampot na ingay kahit na ba sa pagtungo ko sa pinto at hanggang sa pagbukas-sarado nito.


When the door was finally sealed with a tiny clack, I knew there's still a long way to go, and thus I shouldn't feel relieved, for if I'm caught, the first thing I'll meet is the headmistress and not clarification.


As soon as I turned my back from the door, I was welcomed by the corridor filled with only the gas lamps lined on each wall as my guidance. Makikinita mo ang detalyadong disenyo sa mga wallpaper sa bawat maliliit na hakbang, pero mas mabuting salagin na lang ng tingin ang mga malalaking kuwadradong nakasabit sa pagitan ng mga lampara.


Subalit bago ko pa man punahin ang mga nakababang titig ng mga yumao nang alumni at mga lumang class picture ay napalingon ako sa hagip ng hangin mula sa ilang metro mula sa aking harapan.


"Lacrimosa... dies illa... Qua Resurget ex favilla..."


Latin words came from the mouth of a familiar classmate. Words that are familiar to be associated with the Lacrimosa tradition of the Mhorfell children. He sings it quietly, filled with his breath for every pause and for every turn as he dances while his eyes closed. As I was told, he's asleep but at midnight, his mind would wake and so are his feet, thus the halls of Gladiolous building will be filled with his music and floor creaking.


Phew. Medyo nabigla ako roon, ha. Akala ko kwento-kwento lang nila para siraan si Matthew pero hindi pala. Thank God, he isn't my roommate.


Ilang sandali ng pagdudulot ng panlalamig sa aking katawan ay naglaho rin siya sa kadiliman ng ibang pasilyo na hindi na naaabot ng liwanag ng aking mga mata. Akmang itutuloy ko na ang paghakbang papunta sa hagdan nang nakarinig ako ng pagkasa ng baril mula sa likod.


I forced myself not to freeze for the sound of danger. May armas akong dala. May laban ako. Ang kailangan lang ay lumaban ako anuman ang panganib.


With both my hands safely resting on the pockets of my jacket, I consciously grasp the hilts of the small daggers that I've dipped on snake venom. Maingat kong isinuksok ang isang patalim sa magkabilang likod ng palad ko sa tulong ng wristbands na suot ko. Nang matiyak ko na ang pagkakakabit nila ay marahan kong inalis ang mga kamay ko sa bulsa at iniangat sa ere.


Dumampi sa mukha ko ang malakas na buga ng hangin na ikinawasiwas ng mga sindi ng bawat kandila sa mga pader nang harapin ko kung sino ang lumikha ng pagkasa na 'yon. Huminga ako nang malalim nang mapagtanto ko kung sino ito at tinantiya ko rin ang haba't layo ng baril niyang sa direksyon ng ulo ko nakatutok.


"Gomez... why are you doing this?" I asked, my chest literally pounding.


Tiningnan ko mata sa mata ang taong nasa likod ng gatilyo, walang nagngangalit na banda sa mga mata kundi lungkot. Lungkot na tila ba mga taling nag-oorkestra sa kanyang mga kamay na higpitan ang hawak sa armas.


"Para matapos na ang siklo, Clyde. Maawa ka naman sa mga bata," halos pumiyok ang boses niya sa pagmamakaawa. Subalit ang mas magulo para sa akin ay kung bakit ang unang ngalan ko ang tinawag niya sa 'kin gayong ito ang unang pormal naming pag-uusap na dalawa.


Unti-unting bumagsak ang mga balikat ko at gayon na rin ang mga kamay na sanggang-dikit ng nakalalason na sandatang nilagay ko. Sa pagbagsak ng mga ito ay siyang pagtulo ng luha mula sa mga ni Gomez.


"Hindi ka pa ba napapagod, Clyde?" dagdag niya nang may nanginginig na hininga. "Hayaan mong tulungan kita. Para sa wakas, makamit mo rin ang tunay mong inaasam."


"Sandali!"


However, the time I tried to relive that dream, that weird and realistic dream, I almost forgot that I was standing before the class that multiplied its hate towards me when Alexandra and the rest of the people she introduced to me last two days ago transferred to our section.


They were sitting at the back, surrounding my seat as if they're a fortress, fighting off the stares of envy to me from the others. Alexandra and Almira are pretty supportive, always smiling with anticipation since I started to explain my solution for the third math problem. Howard is still elegantly had his legs crossed, his chair afar from the desk to show them. Beside him is Kristoffer who looks like he's going to vomit anytime if he spends another minute with Howard.


Sa harapan naman ng mga mesa namin ni Dela Vega ay si Morleen na nakahalukipkip habang lantarang natutulog sa klase at ang kuya ni Almira na si Peter na masipag na kinokopya ang solusyon at sagot na kasusulat ko lang sa pisara.


Malumanay kong pinagpagan ang mga kamay ko habang sinisiyasat ang bawat ekspresyon ng lahat. Sa huling banda ay iniwanan ko sa isang gilid ng isipan ko ang panaginip. Sandaling pag-iwan dahil paniguradong babalik na naman ito sa oras na lumipad ang utak ko.


Ibon ba utak mo, Vantress?!


"Ehem," tumikhim muna ako upang pasimulan ang paliwanag ko. 


"The equation given can be solved by factoring but the more convenient method would be using the Quadratic Formula which is x is equal to negative b plus or minus the square root of b squared minus 4ac, divided by 2a. The letters: a, b, and c are numerical coefficients that will stand for the given digits in the problem."


Despite being confident of the answer, my voice can't help but gets lower as I meet the end of my explanation as everyone's attention is on me. Nevertheless, Kristoffer is the first one to react... or should I say, overreact.


"Whooo! Galing, bravo! Bigyan ng uno 'yan!" hiyaw niya nang nakatayo at pumapalakpak pa. Para siyang transformer na mula sa namumutla na sa ma-obserbang presensya ni Howard ay naging energetic siyang studio audience sa isang game show sa telebisyon.


"Cromello! Umupo ka nga! Uno na score, gusto mo?" sita naman ni Propesor Hidalgo na napatayo rin mula sa kanyang upuan malapit sa pintuan habang nakaduro sa estudyante.


Hindi ko man dinig, bakas sa galaw ng bibig ni Kristoffer ang pagpilitik niya ng dila at pagme-make face nang nakapahiling ang mukha sa kabilang direksyon, malayo sa guro. Paabot na sa makintab niyang noo ang pamumula sa nahuhulaang gawain ng estudyante nang sumingit na ako bago pa man siya magmartsa papunta sa likuran.


Walang magandang maidudulot sa kanya ang paglaban sa mga 'yan. Believe me, I tried to avoid them for two whole days and here I am.


"Uhm, sir? Okay na po ba?"


Finally, Hidalgo snapped out of his pissed mode and noticed me, eventually changing his expression into a delighted one. "Yes. Very good, Mr. Vantress. Thank you for that introduction. You may sit now," ngiting-ngiti na komento nito sa akin marahil ay dahil ako lang ang nagka-paki na magtaas ng kamay kanina para sa huling tanong.


Maging nang pumarinig ang bells sa bawat sulok ng eskwelahan ay hindi ako tinigilan ng grupo nila. Nagpaiwan ang magkapatid sa silid at hanggang sa padaan na ako sa susunod na gusali, naiwan pa rin sina Cromello at Dela Vega sa likod ko. Dama ko ang pagkakaiba ng bigat at klase ng mga yabag nila sa damuhan. Ang bawat tapik na binabantayan ko ang bilis at dami base sa haba ng nilalakad at iba pa.


It took about almost half an hour when Alexandra endured to be the last man standing. "Hindi mo ba talaga kami papansinin matapos ng mga sinabi namin sa 'yo? Akala mo ba nagloloko lang kami?"


"Please look for another King on your team. I won't take part in the Danse Macabre," I told her with firmity as my feet consistently try to get away from her.


I know. Urong-sulong ako lagi. Pero masisisi ba ako ng kapalaran?


I'm a Vantress. I'm Claude Aaron's son. Of course, I have issues.


Ewan ko ba. Gusto kong maniwala subalit sa parehong pagkakataon, nakakatakot maniwala, magtiwala. Napaka-impokrito ko, 'no? Ang sabi ko hindi ako takot sa katotohanan pero heto ako lumalayo sa posibleng ugat ng kasagutan.


'Make up your mind!' I wanted to scream to every cell in my brain. Nevertheless, I still didn't stop. I didn't until one of the other two opponent teams for Danse Macabre cut my trails.


Given how long Cromello and the others are pestering me and throwing off small details about the event everywhere I go, it wasn't hard for me to recognize the white fox badge on their left collars. 'The Northerners' is what they call them, not due to the color they picked but for the Mhorfell children consisting of the team are all born from mafiosos coming from the northern districts of the metro.


My steps abruptly ceased, Dela Vega still hot on my heels. She ended up standing half a meter away from me, her dagger gaze explicitly beaming from all sides. In response to this, the leader who I remember to be George Hermenez called out her stand-out presence.


"Mukhang malas ka pa rin sa pag-recruit," nakangisi nitong turan. Bago pa man magkaroon ng tiyansang makabuwelo ang dalaga, inabante ni Hermenez ang isa pa niyang paa papalapit sa akin. Ngayo'y sa akin nakatuon, nangkukutyang lumawak ang kanyang mga labi. "Ni hindi pa nga siya pormal na nakakaupo sa trono niya sa pamilya, ano pa kaya kung siya ang kukunin mo?"


I didn't dare hide my dismay at his remark, my frown visibly downed.


"Oh?" he reacted in amusement. "Is that not true?" George pouted, portraying a worried adult to a child of pity. His pals easily laughed their asses out and so I am deep inside.


Tingnan mo 'tong mga tangang 'to. Tatawa-tawa pero nagtatago lang naman sa likuran.


The instant my eyes shifted to them, the boys' laughter faded and their leader's smirk too. Hindi siya manhid para hindi mapuna ang paghatak ng iritasyon ko sa temperatura ng mga balat nila. "Depende. Ano ba ang nakarating na tsismis sa 'yo?" bwelta ko sa nauna niyang tanong na ikinabalik ng titig niya nang marahas sa akin.


"You tell me. Bakit imbes na ilibing sa family mausoleum, your mother chose to cremate hers and your father's remains? Ni hindi man lang tumagal ng isang linggo ang burol. Kaya sige, please enlighten us."


Sa totoo lang, nakahahanga na ang tapang ng isang 'to na banggitin ang mga bagay na kababanggit niya. Ang mga paksang takot na palutangin sa harap ko, petiks lang niyang binabato.


Alas, hindi ko obligasyon na dulutan ng tuldok ang mga hinala ng lahat sa pamamagitan niya. Let them get suspicious and turn away from meddling in my family's business. They could but as time goes by, the mystery will gradually become fear. And fear is one of the convenient ways to shoo people like him.


"See?" Pilit na kinumbinsi ni Hermenez ang sarili na tama siya buhat ng katahimikan ko. Subalit ang pagsuksok niya ng mga kamay sa magkabilang bulsa ng blazer niya, ang mabigat na pagbilog nito base sa lukot ng tela, lantad ang kaba niya sa paningin ko.


Bagama't may pagdadalawang isip sa mga unang segundo, pinili ng mga alipores niyang suportahan siya at muli, nagkaroon siya ng lakas ng loob na ituloy ang panghahamak niya. "Baka siguro hindi mo gustong sumali sa Danse Macabre ay natatakot ka," akusa niya na ikinapanuya ko kaagad.


Nagtataka niya akong tiningnan kahit nang maging hagikgik ang kaninang panunuya. Ala-kaibigan kong tinapik ang dibdib niya para bigyan ako ng sandali upang kalmahin ang sarili ko sa biro niya.


"Huli ka na ba sa balita, Ginoong Hermenez? My mom took her own life with a smile, not even the faintest fear for Death. Tingin mo may nakapananakot pa sa isang Vantress?" At sa pagsambal ng mga salitang ito sa kanila, napawi ang saya nila sa pagkompronta sa akin.


For all I know, they only wanted to belittle me further so that I would never even think of the tiniest motivation to join. As a spectator, iisipin ko kaagad na takot sila kina Alexandra, Howard, Kristoffer, Herman, Peter, at Almira. Ngunit nang makahanap sila ng butas, which is ako dahil tinatanggihan ko sila, they tried their chances.


George's face dimmed and he seemed to be rather on edge with my comeback, for he knew that if he digs further, he might really cause a mafia conflict between our families. As a last resort, I saw how his eyes turned to Alexandra who unexpectedly quiet for the whole conversation.


"Sabagay. Mukhang hindi ka nga takot kahit na ba ang mismong babaeng dumidikit sa 'yo ay pinatapon dito sa Lefroma dahil sa pagpatay niya sa mga tropa ng kuya niya. A murderer and a suicide's child. What a tandem."


And on the contrary, he declined to taste his victory on dropping that trivia. George Hermenez, the 'King' piece on the Danse Macabre of White Fox team stepped past through us as if nothing happened. No more sneers. No more insults. Only a heavier shadow of a doubt.


Nagkatinginan kaming dalawa ni Alexandra. Sa sarili ko, hindi ko batid kung anong gagawin ko sa bagong kaalaman na nakuha ko. Dapat ba akong matakot? Magulat? Panghinaan lalo ng loob? Subalit bago pa man ako makapag-desisyon, iniwan niya ako sa gitna ng malawak na lupain nang walang ibang kataga mula sa kanyang bibig.


Tanging likuran niya ang huli kong nasilayan buong araw na 'yon.


And before I knew it, their group ultimately left me alone for the weeks to come. 


****

A/N: So, before I realized it, napahaba na ang update. I kinda struggled with this chapter to the point na may nasulat na akong over 1k words and then I deleted all of them to write a new one. In addition, it's my first time for a while to type an almost 3k-word update. Ghad. 


Anyway, if you're interested in being a part of our donation drive, feel free to send me a message on Messenger, Twitter, and Instagram. Any form of help can be a hope for our countrymen. 


See you on the next update then! XOXO

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top