Chapter 5: Lacrimosa
MAPAGMULA nang matapos kami sa pagkain sa cafeteria hanggang sa pagbalik ko sa mga boring na klase, hindi nawala-wala sa isip ko ang naikwento sa akin ni Cromello. Walang duda na may punto siya at maaari ngang tunay ang lahat ng sinabi niya. Pero sapat na ba ang pagiging mahusay niya sa deduction para paniwalaan ko siya?
At higit sa lahat, bakit niya ako tinutulungan?
I heaved a sigh so loud that it got me back to the reality wherein a few of my classmates and I are still here in the classroom to fetch our stuff. One of them was asked to clean the blackboard. The others were still sitting relaxingly while chattering about their days and names I don't know about. It was a late afternoon and the dust being lightened by the sun through the windows is more vivid than ever.
"Parang Linggo," mahinang komento ko sa hangin habang patuloy na isa-isang ibinabalik sa itim na suitcase bag ang mga libro't boligrapo ko. "But serenity is what makes things unpredictable in this place."
Despite all the doubts coming from different directions of my head about Mr. Noel Reymundo, the biggest mystery I cannot solve for myself is why Claude put me here. I mean, I know he wanted me to be like them, to be like everyone else, but he should've known... I will never be.
"Hey!" a loud call for attention took my head to their direction right away. Natagpuan ko ang ilang babaeng kaklase ko na tinawag ang tila kakilala yata nila mula sa ibang section para pumasok. "Anong nangyayari sa labas?" tanong nila at saka nagsitayuan.
It was only I realized na sa malawak na pasilyo sa labas ay sankaterbang mga estudyante na ang nagtatakbuhan. Karamihan ay may sabik sa kanilang mukha na tipong nagtatawanan pa sila at nagtutulakan habang ang iba'y may takot sa ekspresyon nila na hindi ko mawari kung para saan. Regardless of their reactions, people seem to be gathering for something.
I discreetly closed my bag, my ears expanding its capability's range to hear the conversation nearby.
"Lacrimosa," the male student said in a haste. "Lacrimosa, come on!" he repeated as if he's urging the girls to join the run outside. And it didn't take long when I found them picking up their bags and dropping their gossips down just to follow the rest as if it's a mandatory reaction that they should display.
Sunod ko na lang na nakita ang sarili ko na nag-iisa sa silid, pinakikinggan ang malalakas na kaluskos ng mga sapatos na dumaraan sa may pintuan na may halong mga hagikgik at impit na sigaw. Hindi ko maiwasan ang mapailing.
Hanggang sa after class ba talaga ay laging may ganap dito?
But as much as I criticize them, I knew I was being a hypocrite no'ng dinampot ko rin ang bag ko at sinundan ang direksyon kung saan nagsisitakbuhan ang mga estudyante. Pasimple lang akong naglakad nang may kakaunting pagmamadali, nang sa ganoon ay hindi ako matawag na nakiki-usyoso sa kung anuman ang trip nila.
It's just that the 'Lacrimosa' thing bothered me. Though it sounds beautiful and classy when you utter it, it's actually a Latin word that means tearful or weeping, a name was given to a particular part in the Roman Catholic Requiem Mass, a mass for the dead.
For the dead...
Nang bara-bara kong pinagkonekta ang masamang impresyon ko sa eskwelahan na ito at ang ibig sabihin ng Lacrimosa, nadagdagan ng bilis ang mga yapak ko na umabot sa punto na tumatakbo na ako. Kay lakas ng kabog ng dibdib ko sa pag-iisip na sa unang araw pa lamang ay masisilayan ko na ang tunay na kulay ng unibersidad ng Lefroma Delazelle.
I didn't care for the heat brought by the sun descending from the sky, but I knew that it's still not that dark for me to mistake what I'm seeing. "No..." I whispered between my loud breathing after I finally stopped among the crowd who can only have their mouths gaping at the scene.
"Is that..." a female student with freckles on her white skin asked despite the familiarization of her voice. A seeming friend of hers grabbed her arms and caressed it to console her.
"It's Danica Del Rosario. Ang balita ko ay may nakabunggo siya sa isa sa mga anak ng angkan ng Gonzalvo," she reluctantly told her friend and then looked at the girl kneeling in front of the statue of the Lady of Sorrows with fear.
Dulot ng bahagya kong katangkaran kumpara sa iba ay hindi ko kinailangang makisiksik tulad ng iba na dinala ang mga sarili nila rito upang mapahinto lang sa sagot na hinahanap ng kuryosidad nila. Pataas-baba ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang dalagang may hanggang balikat na buhok, nakaluhod siya sa sementadong flatform at tila kinakaawaan ng banal na Maria sa kanyang kinahihinatnan nang magkahawak ang dalawang kamay.
Her straight hair was such a mess that it covered her face, yet the bruises on her legs are as purple as grapes. Hindi rin nakatakas sa pansin ko ang kulay pulang likido na papatak-patak na tumutulo sa bandang kung saan nakatungo ang kanyang ulo. Ni wala ring takip man lang ang punit niyang mga manggas na siyang naglantad ng maputi niyang balat sa ilang dosenang mag-aaral na nakatitig sa kanya na animo'y nakapako na siya sa krus ng walang balikan.
I almost wanted to step back but I knew running away wouldn't help me with anything. This is my first day and this happened. There's no saying what I would see for the rest of the school year. Hindi naman ang mga taong ito o ni ang taon ang mag-a-adjust para sa akin dahil lang bago ako rito.
"Kita mo na?"
Napapitlag ako at halos mawala sa balanse nang alalayan ako mula sa likod ni Kristoffer na hindi makikitaan ng kahit anong pagbibiro tulad ng unang beses ko siyang nakasalamuha. Nakatatandaan kong kahit nang maghiwalay kami pagkalabas ng kainan ay may malumbay na mga mata niya akong kinawayan papaalis.
"What?" I inquired as to what he meant, tensed. He clicked his tongue as he positions himself beside me, holding an old black camera in which its strap is resting on his neck. "What is this?"
Tiningnan niya ako na tila ba normal na ang mga tanungang tulad ng binanggit ko. Sandali siyang huminga nang maluwag, para bang pinag-iisipan kung dapat ba niyang ipaliwanag hanggang sa napahinto siya sa sabay-sabay na pagsinghap ng karamihan sa paglitaw na panibagong pigura sa gitna.
"Danica, Danica, Danica," pailing-iling nitong pagbigkas sa ngalan ng babaeng hindi pa rin magawang iangat ang kanyang mukha. Marahang naglakad papaikot ito nang nakapamulsa at pasipol-sipol.
"Sayang ka. Dapat hindi mo ginawa 'yon," ani ng estudyanteng kibit-balikat lang na pinanonood ang babaeng tila naestatwa na rin sa kaniyang kinaluluhuran. Nang magsawa ito sa pagpapaikot-ikot ay itinupi niya ang kanyang mga binti at yumuko upang tanawin ang dalaga.
"Buhay ka pa ba?" natatawang tanong nito at saka ginamit ang hintuturo upang itulak ang ulo nito. Sumunod lang sa pwersa ang nasasadlak hanggang sa unti-unti na ring nahahawi ang ilang hibla ng buhok niya. "Ah, buhay pa naman." Some scoffed at his remark, as if it's a joke that is supposed to be bad news.
"Be expressionless, Vantress." Mahina akong siniko ni Cromello na hindi tinatanggal ang tingin sa harapan. "Sa oras na magbigay ka ng opinyon sa pamamagitan ng ngiti, awa, takot, o paglayo ng tingin, malalaman ng lahat kung saan ka nakatayo, kung ano ang paniniwala mo."
"At masama 'yon?"
"Dito, oo."
When the face of the student was revealed, so are the popped lips she has and a wound on her forehead. It wasn't bleeding much but if she stayed longer there with the blood dropping for every second, her life may be endangered. The crouching man smiled as she looks at her face. It's as if she's an experiment that has come to produce a favorable hypothesis.
Danica's eyes seem to lose its light and the pair is just staring into the abyss that anyone of us could only guess what looked like right now. The pain on her body and the approaching risk on her life no longer reach the tips of her skin. If she didn't blink for one moment, one would've thought she's broken and dead.
"Danica first came here a year ago. Anak siya ng isang mababang associate sa isang mafia na hindi rin naman gaanong ka-impluwensya," ani ng katabi ko habang naglalaho ang paghingal ko sa bawat singhap at kapwa mabibigat na paghinga ng mga tao. "She drafted a complaint against the Gonzalvo twins for sabotaging the proposal to form a permanent student council."
My brows immediately arched. "We don't have a student council?"
"Nah. Before, yes, until they were all hunted one by one on this school's very woods."
"Hunted?"
Kristoffer licked his lips shortly, his eyes fidgeting with the topic in question. "Hunted like animals. They—" at bigla siyang natigilan na para bang may nagpaalala sa kanya na wala dapat siyang ibuklat. Tumuon siya sa akin nang may pasaglit-saglit na paglunok base sa kanyang lalamunan. "This school... its students, they don't like leashes."
"Ah!" We heard Danica yelped. A new person has appeared in the front who I think is the other twin. She has long curly hair like her brother's and she's tugging Danica's so as to like being envious of its polished flatness and straightness.
"Student council, my ass, Del Rosario," the latter twin said in a posh manner, caressing Danica's hair as if it's a thread of gold like Sif's. "We don't need leashes because outside, the world cannot be contained by leashes."
"Hear, hear!" one of the students from the crowd cheered.
Napangisi naman ang kambal sa suportang natanggap nila sa mga aprubadong mukha ng mga taong tingin ko'y pareho ang pag-iisip tulad sa kanila. Maya-maya nanahimik ang lahat sa paglabas ng patalim na may kumpol ng mga itim na perlas sa pulo ng hawakan. Nakita kong muling nabalik sa ulirat ang sugatang dalaga sa kinang na ginagawa ng patalim sa tulong ng natitirang liwanag mula sa araw.
"Don't please," naiiyak na pagmamakaawa ni Danica na unti-unti nang nanginig sa masayang palitan ng tingin ng magkakambal.
Tiningnan nang malapitan ng babaeng kambal ang patalim na animo'y isa itong laruan at ikinatili ng iilan ang mabilis na paglapit niya nito sa nagmamay-ari ng buhok na kaniyang sinasabunutan.
Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa buhok kung kaya't mas lumuwag ang kapit ni Danica sa mga santo. The twin who first took the stage earlier sneakily went to the poor woman's back, grabbing both her arms to the back so she won't be able to resist and escape from their mercy. The latter twin laughed satisfyingly as if they finally caught a prey they want to devour for today.
"Parang araw niyo na, wala naman akong ginagawang masama sa inyo!" the bruised petite girl yelled at the top of her lungs, hoping that it would reach the conscience of her captors but it was all in vain when the twins shrugged their shoulders in response.
At that time, I tried to scan the crowd. A little part of me is waiting for someone to step forward and stop the scene that is almost similar to an execution. Bakit walang tumitigil? Hindi ba't may mga anak din dito ng mga mas nakatataas pa sa ranggo ng angkan ng mga Gonzalvo?
"No one will help her," Kristoffer said with finality.
As if on cue, Kristoffer's words were put into action when the blade landed softly on Danica's neck, opening a small cut where a drip of blood flowed until it soaked her white uniform. "Ahhh! Please lang! Tama na. Hindi naman kailangan umabot dito! Please, Rachel!" she pleaded to the twin that was finally given a name.
"No one," pag-uulit ng katabi ko. Nagpaulit-ulit ang dalawang salitang sa mga nag-iinit ko nang mga tainga. Sa kada paulit-ulit nito ay nararamdaman ko na naman ang pagkawalang silbi tulad ng kung paanong wala akong nagawa sa pagkamatay ng pareho kong magulang sa isang iglap.
'Why am I so useless?' I questioned myself, almost rivaling the questions brought by the doubts Cromello instilled to me about Claude's private secretary's possible treachery.
"Aww. Sorry, dear. I'm afraid hindi lang injury ang gusto ko," Rachel apologized with a sweet smile, teeth showing her victory inside and out. "Kaya huwag ka na lang manlaban, ha?" at hinila pa nitong muli ang buhok ng kapwa mag-aaral.
At nang itinaas ng Rachel ang patalim habang mas lumawak ang ngisi sa bibig ng kapatid ay napaawang ang mga bibig ng bawat estudyanteng nanonood, kapwa inaabangan ang paparating na daloy ng dugo mula sa taong hindi ko naman mahanapan ng mali sa kanyang mga naging aksyon. Ang iba ay napatakip at ang ilan ay ibinaba ang tingin, batid na wala silang kakayanan para patigilin ang patalim.
And then, I realized. I do have the capability to do so.
My surname would outrank most of the students here including the Gonzalvos. My very recent position is more than any of their parents could have. All I need is to...
"Stop it, Gonzalvo!" I shouted with all the loudness of voice that I suppressed a while ago.
Mahabol-habol ako sa hininga ko at biglaang nanlamig ang mga kamay ko pero nandito na 'ko. Sinabi ko na. Sinigaw ko na ang nasa isip ko.
Nagsitinginan ang lahat sa akin at maging si Kristoffer ay hindi maitago ang surpresa sa pagsasalita ko at desisyon kong isalba ang babae kahit na ba binalaan niya na ako't lahat lahat. Pasensya na.
Pasensya na dahil hindi ko magawang itikom ang bibig ko lalo na kung makakapagligtas ito.
"And who the hell are you?" mataray na turan ni Rachel sabay tutok sa gawi ko ng patalim na kanina'y handa nang bumitay kay Danica. Maging ang kapatid niya ay naupos ang saya sa pagpapahirap at nakiusisa kung sinong tanga ang tumigil sa eksekusyon kahit na ba pwedeng manahimik na lang.
"I'm Clyde Alistair, the don of Vantress Mafia and I want you to put that dagger down this instant."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top