Chapter 4: Of Gossips and Warnings
IF I were my sons, Spade and Sean, I would've doubted that my father even had a life. A life that was not mandated by paperworks and his responsibilities for the family, business, and the mafia. Iyon siguro ang dahilan kung bakit kahit na ba natapos na ang lahat ng kaguluhan sa Mhorfell Academy ay hindi nila tinangkang ipasalaysay sa akin ang mga nasaksihan ko, ang mga naranasan ko, at ang mga narinig ko sa parehong apat na sulok na 'yon.
Before, I thought it would be beneficial to them to know, for I always believed that knowledge is a key ingredient to stay standing up to the end lane. I tried, though. I tried to let them know. But it didn't go well with my firstborn. Knowledge killed her... because knowing dragged her to the pits of the unclosed adventure we left.
It was the eight of June, still in the '70s and this was when the journey started for Kristoffer Cromello, for Alexandra Dela Vega, for Herman Morleen, for Howard Domzelle, for Peter and Almira Devroid, and alas, for me.
"A pleasant morning to all of you. My name is Clyde Alistair Vantress. Seventeen. It's nice to meet you all," I greeted the bunch of kids I have to get along with. My greeting was no exemplary. It's like an introduction stated by a colorful robot you just inserted with batteries and switched on. I said it with a dull pair of black orbs without showing any weakness they want me to show.
'It wasn't nice to meet you all,' my mind says contradictingly. At mukhang ganoon din naman ang mga magiging kaklase ko.
Sino nga naman ba ang nanaisin maging kaklase o 'di kaya'y katabi ang batang nailuklok kaagad sa posisyon dahil natuluyan na ang amang kilala na wala na sa tamang pag-iisip bago siya mawala? Naiintindihan ko naman sila. I really do.
That is why I didn't allow myself to have any expectations at all. I didn't try to search for their thoughts or possible impressions from their expressionless faces on me. I didn't try to imagine good days with them or taking funny class pictures. In this university, the last thing I could expect is normal school life as cliché as it may sounds.
Therefore, I returned the favor by giving them a cold shoulder even until the professor pointed a seat on the back, near the windows.
Ni hindi man lamang kinubli ng kapwa ko estudyanteng nakaupo sa kanan ng magiging silya ko ang pandidiri sa akin. Agad niyang iniusod ang kanyang silya papalayo at inilipat sa kabilang panig ng lamesa ang pagkakasabit ng kanyang itim na bag.
Anong tingin nila sa akin, sakit? Namatayan lang ako, hindi ako 'yong patay mismo!
Gustong-gusto kong isigaw ang mga salitang nasa isipan ko habang dinuduro ang daliri ko sa kokote ng lalaking kaklase ko ngunit hindi pwede. I cannot let myself lose control because of someone whose family is bowing to the people who wanted to gain my favor.
That's right. I'm a Vantress. I'm way above them. There's nothing I should care about them.
Taas noo kong nilapag ang itim na backpack sa lamesa. Kahit na ba kanina sa flatform pa lamang ay tanaw ko na na may minaniobrang makukulay na salita ang mga kaklase ko bilang handog sa una kong araw, direkta pa rin ang tingin ko. Hindi ako nagpatibag sa intimidasyong nais nilang maramdaman ko. Umupo ako nang hindi natatanggalan ng dangal sa mukha ko dahil iyon lang ang panangga ko. Kahit na ba mabilisan kong pinunasan ang dilaw na tapon ng juice at ang magaan na tinanggap ang lagkit na maidudulot nito sa uniporme ko, umupo ako nang tikom ang bibig.
"Isn't that the new head of the family?"
"Don't you know? His mother committed suicide on the day of the funeral of his father."
"Then what is he doing here in school? Hindi ba't dapat nagluluksa pa siya?"
E kung sila kaya pagluksaan ngayon? Hays.
Umupo ako nang tinitiis ang panaka-nakang pagpapasa-pasahan nila ng papel habang pasaglit akong tinataguan ng bulong at tingin. Pinilit kong ipokus ang sarili ko sa kumakaskas na chalk at ang alikabok na kinakalat ng pambura sa pisara pero salamat sa matinding pagsasanay na dinanas ko bilang anak ng lider ng Vantress Mafia, malabong mangyari 'yon.
Kumaskas lang nang kumaskas ang chalk. Parami nang parami lang ang putting alikabok sa paanan ng pisara. Only God knows how far I've counted as my sweat falls continuously for the next hours of classes. And even before the bell rang and even before the teacher could utter the word 'dismiss,' my feet automatically pulled me up to take my bag and led me out of the incineration place they called 'classroom.'
I have to get away. I have to get away. I have—
"Hey! You're the V-boy!" a guy with an undercut exclaimed after he shortly narrowed his eyes. Bahagyang napamaang ako dulot ng pagkakabunggo naming dalawa sa kinalawak-lawak ng pasilyo.
Hindi ko rin naman masabing hindi ko siya napansin dahil magiging kakulangan ko 'yon bilang Vantress.
To push any tendency of the blame for either of two parties, I quickly decided to indulge in the question he just mentioned. "Excuse me?" I asked as I do the usual with people— scanning them from head to toe. The loosened black tie was prominent and it was enough for me to have second thoughts on talking to him.
Wala ba silang butler sa bahay para asikasuhin ang pananamit niya? O wala silang salamin?
"V-boy as in Vantress boy!" he answered in a matter-of-fact tone with a huge grin breaking on his face. "Kristoffer Cromello, by the way. Grabe! Hindi ko inaasahan na rito rin mag-aaral ang sa isa sa mga prestihiyosong pamilya na tumulong kay papa!" at walang pasabing hinablot ng kanang kamay niya ang akin.
Ang akala ko nga'y balak niyang kalasin ang braso ko sa bilis at kadeterminado niyang pagtaas-baba nito.
Even so, I found him interesting easily.
Cromello, huh? The rising conglomerate who has a tactic of buying bankcrupt companies and selling them once they transformed them. Aaminin ko, mukha yatang mali ang unang impresyon ko sa kanya. "Just call me Clyde, please," ani ko nang may marahang pagtango. Isa pa, V-boy is like a dance group name or something that will make me cringe even if I'm asleep.
"Alright, Clyde, can I interview you—"
Though I'm not regretful, pagkarinig ko ng papalapit at papalakas na yabag ng mga sapatos mula sa iba't ibang direksyon, kusang tumama na lang sa akin ang pagtarak ng pagkataranta na kasunod ng mga ingay ay ang mga insulto't tsimis na naman tungkol sa pamilya kong wala na.
Wala na sila. Wala na sila pero bakit nahihirapan pa rin ako dahil sa kanila?
Iniabot ng kamay ko ang itim na tie ni Cromello at hinatak siya nang marahas papalayo sa malawak na pasilyo papunta sa mga halamanan. "W-Wait! My notepad and pen!" Kristoffer cried when I glimpse over him pitifully reaching out for the things he dropped because of my recklessness.
"Pardon me. Hindi ko lang masyadong gusto ang..." at napabuntong-hininga ako dahil heto na naman ako, walang tanong-tanong na isinisiwalat ang kahinaan ko sa oras na hindi ko ito makontrol. "Ayoko lang sa..." Kahit anong pagsubok ko, hindi ko rin magawang sundan ang mga salita ko.
"Hey! Hey! Bitawan mo muna ako, V-boy! Heyyyy!"
"Hey, Clyde!"
Reality finally sunk to me when I found myself sitting adjacent to Kristoffer Cromello who I must add to have a cocking brow on me for his disheveled clothes. Kanina ang tie lang niya ang kapansin-pansin, ngayon para na rin siyang hinahabol ng plantsa gawa ng lukot niya puting shirt at may dahon-dahon pang blazer.
Naikagat ko ang labi ko sa pagkahiya. "Pasensya na at nakaladkad kita hanggang sa hardin. Masyado lang ako... uhm." Lumalam ang lakas ng loob kong ituloy dahil ang kaninang masiglang mukha ng kasing edad kong binata ay animo'y nabugbog sa perwisyo. Mahinahon ang paghinga niya pero pantay ang mga mata niyang naghihintay ng paliwanag mula sa akin.
At dahil nga hindi naman din ako isang people's person, napatungo na lang ako. Kasunod nito ay ang malakas na pagbuntong-hininga ng kasama ko at paglapag ng kaliwang siko niya sa mahabang lamesa na kulay pilak.
"You... Back there, did you just get a panic attack or..." Napaangat ako ng tingin para masilayan ang mapaghinala ngunit tila malisyoso niyang tingin na bumaba mula ulo ko hanggang katawan.
Matagal niyang hindi binitawan ang pagbigkas ng 'or' at tingin ko'y huli na nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin.
Naramdaman ko ang mas mabilis pa sa kidlat na pag-init ng mukha ko at ng magkabilang tenga ko. "I'm not gay!" I yelled which only made matters worse because we received a few stares but the majority was laughter from the girls nearby. And there he was, Cromello looking at me with disbelief and amusement at the same time.
"Bano ka ba?" tanong niya nang matawa-tawa. Tiningnan niya ang naako naming atensyon at humagikgik siya na siyang nakapagturo sa akin na binibiro lang niya 'ko. Halos hilamusin ko ang mukha ko sa sobrang kahihiyan na dinala ko sa sarili ko.
At sa lahat ng iyon, ang tanging naisip ko lang na maibwelta ay: "I'm not homophobic, though," I stated without having the capability to meet his Kristoffer's teary-eyes. And not that I expected it but my follow-up disarmed his last defenses on not laughing out loud.
Pumarinig sa buong cafeteria ang halakhak ng katapat ko. Kaliwa't kanang nababaliw ang mga mata ko sa samu't saring presensyang nabibilang kong nakatutok sa aming dalawa. Pero itong walang hiyang 'to, mamula-mula pa ang pisngi na parang kamatis at nakahawak pa sa tiyan sa pagtawa.
Ano ba ang sinabi kong nakakatawa? I unconsciously tilted my head in confusion.
However, this son of a bitch didn't throw single care and even slap the innocent table for a good laugh. "Hey! I mean it!" I insisted more in case the real matter is that he can't believe me. But, it only got worse. Tingin ko nga mawawalan na siya ng hininga dahil ayaw niya tumigil.
Tingin ko nga lang 'yon. Dahil nang mahagip ng paningin ko ang pagpasok ng isang pamilyar na babaeng nagmamay-ari ng mga ginintuang hibla ng buhok at isang lalaking may malinis na pagkakaayos ng buhok na katabi niyang naglalakad nang kay presko at buong-buo ang dignidad. May pares silang ngiti ngunit magkaiba ang nais iparating.
"Alexandra Dela Vega," my lips automatically whispered as my eyes follow them settle on a table meters away from us. The other students tracking their tails surrounded them and one by one, they were dispatched to engage on the long lines over the counter.
"Stop staring at them, V," sita sa akin ni Kristoffer. Nang bumalik sa kanya ang mga mata ko ay hindi na nakauubos ng pasensyang pagtawa o 'di kaya'y malokong pagbibiro ang ekspresyon niya. "Kung gusto mong magtagal dito, huwag na huwag kang bubunggo sa kahit na sino sa kanilang dalawa."
Lumubog sa sikmura ko sa babalang inani niya. Dahil kung ang karanasan ko ang pagbabasehan, sa unang araw pa lang ay nabali ko na ang babala. Lahat naaalala ko mula sa kulay at disenyo ng damit niya hanggang sa kaiklian ng pasensya niya. Sa hindi ko malamang dahilan, tiyak kong wala ng bahid ng panunukso ang siil na bibig ni Cromello.
"Bakit naman?" It was only after I said it when I realized that I sounded demanding and complaining. To keep the fire from spreading to my walls, I immediately lifted a few bricks to the vacant spaces. "Kasalanan bang tingnan sila? Hm?"
Not that he's doubtful but Kristoffer eventually took both his arms across his chest and swiftly glanced at the direction Alexandra is. Without fail, his gaze was warning as it came back to mine. "Hindi pa naman Danse Macabre but try not to be on the list. Hangga't maaari, iwasan mong pumanig sa kahit na sino kina Alexandra at Howard," paalala niya nang may mahinang boses.
Danse Macabre? Isn't that...
"That's right, the waltz of death," he took the words out of my mouth.
Natural niyang kinuha ang tray na nalalayo sa amin kanina at dinala sa pagitan namin upang maging paraan ng pag-uusap nang walang inaakong paghihinala mula sa dose-dosenang estudyanteng naririto. "It's a tradition done before the eve of Halloween. Sinasabi ko ito sa 'yo dahil wala ka sa orientation kahapon."
"I wasn't aware that there was an orientation. I arranged a few stuff because..."
"I know. I know that both of your parents somewhat... faded away now." Kristoffer hesitated a little in the middle of the sentence, somehow being careful of the words that should be said.
No matter how the students ridicule me about it, the topic will only endure through gossips, for they all know our surname remains at the top of the pyramid and cannot be taken lightly still.
Tumango bilang tugon na maaari niyang sundan ang pangungusap, na hindi ako manhid para hindi ipaalala sa sarili ko ang katayuan ko. Tipid naman niya akong binigyan ng ngiti at pagtango.
"Subalit wari mo ba ang dahilan kung bakit wala ka talaga kahapon?" Nagkasalubong ang mga kilay ko sa numipis na tinig ngunit malaking akusasyon sa mga katanungan niya. Sa madaling panahon ay ibinalik ko ang sarili ko sa pag-alala ng mga nangyari sa mga nagdaang araw.
Mr. Noel Reymundo, Claude's private secretary was the one currently handling half of my duties for me which he claimed to be the last obligation he has as my father's ally. Dulot ng paghahanda ko na kilalanin ang lahat ng taong natitirang kasapi ng pamilya namin, siya rin ang nag-abalang mag-ayos ng mga papeles ko rito sa Lefroma Delazelle. He told me not to worry a single thing.
Don't tell me...
Inilagay ni Cromello ang kabubukas lang na lata ng softdrinks sa harap ko at walang patid na sinasansan ang mga plato't kutsara nang manatiling lihim ang aming usapan. "Sinadya nilang huwag kang padaluhin nang sa ganoon ay mahulog ka sa pain na inihain nila rito sa eskwelahan. Isang pain sa kung wala kang alam ay siguradong magtutulak sa 'yo sa kamatayan," aniya.
"At higit sa lahat," dagdag niya na siyang mas nakapagpahigit sa hininga ko. "Bilang malapit na katuwang ng ama mo, kanino sa tingin mo mahuhulog ang lahat ng ari-arian ni Claude Aaron Vantress kung nandito ka bilang daga na hinahatak sa patibong?"
'Him,' ang utak ko na mismo ang sumagot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top