Chapter 3: The One King


'CONDOLENCES.' Ayan ang ilang libong beses kong narinig sa buong magdamag mula nang makaapak ako pabalik ng mansyon hanggang sa nasa harapan ko na ang taong isa sa mga pinaka-kinamumuhian ko. Paulit-ulit nilang inutal ang salitang ito na halos ikarindi ko dahil hindi ko mahanap ang parte ng sarili ko na nagluluksa para sa lalaking nakaratay sa bukas na kabaong.


Condolences kamo? I would've appreciated it more if it was congratulations or maybe if... if the condolences are for Clyde Alistair who Claude brought with him to the coffin's nurturing and frilly white bed.


Kahit na ba ngayon na sobrang lapit ko sa kanya kumpara sa karamihan ng sandali ko kasama siya, hindi ko magawang lumuha sa itsura niyang hindi wangis ng natutulog kundi ng isang bangkay. Hindi ko magawang magsalita ng ukol sa pagkalumbay dahil galit lamang ang nakuha ko sa pares ng mga mata niyang ngayo'y nakasarado na. Hindi man lang bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa una pa lamang ay tanging masasakit lamang na salita ang nahita ko sa bibig niyang ngayo'y tali na.


At higit sa lahat, hindi ko maatim na hawakan ang maputlang kamay niyang walang ibang dinulot kundi maiitim na pasa, bilugang mga bukol, at mapupulang sugat na kahit kaila'y hindi na gagaling pa kahit humupa na sa pisikal na basehan.


"Thank you. We are glad you're here," I replied back formally in a daze, reminiscing every pain my own father caused me. And at the same time, I was impatiently waiting for the old man to leave me alone here in the front. A man who only knew who to kiss Claude's ass.


When I thought he couldn't even more insolent, his left hand landed on my right shoulder, patting me as if I'm a kid who just lost his candy. "It's alright. It will pass. Nandito lang kaming mga kaibigan ng daddy mo para tulungan ang pamilya Vantress," dugtong niya na siyang nakapaglantad ng tunay na rason kung bakit siya naririto.


Para sa iba, marahil isang emosyonal at sagradong kaganapan ang isang burol. Lalo na't kung minsa'y nasa bilang ng nakikiramay hinuhulaan ng iilan kung gaano kalaki ang epekto ng namayapa sa mga taong dumalaw. Gayunpaman, iba para sa akin. Lagi na lang iba.


"He's right, Clyde. You may depend on us on handling the things for you for now. You can just focus grieving for your father," another associate of old age yet short stature seconded which finally ticked me off.


Ako na mismo ang marahas na tumalikod sa dating pinuno ng Vantress Mafia at umiwan sa matatanda nang hindi sila makaramdam na hindi ang presensya niya o salita ang aking prayoridad. Mababaw kung sasabihin kong nagawi sa akin ang mga mata ng lahat sa dire-diretso kong paglalakad papalabas ng silid. Ni hindi ako nagpapigil kahit sa dating sekretarya ni Claude dahil natitiyak kong siya at ang lahat ng bisita ay hindi tanga o bulag sa nakaraang dekada.


They knew how he abused me. And they did nothing. It's only obvious I do the same for their stares.


"Cal..." a soft voice called me, luring me to the first sight of my mother today. Fortunately for her, she can easily elude the people's chatter by saying she wanted to have her own space to mourn.


Napahinto ako sa tila padabog kong paglalakad sa sahig na nababalutan ng mga engarbong tiles. "Mother, you need me?" I inquired suspiciously. Subalit wala siyang ibang ipinagkaloob na impormasyon. Tanging ang palayaw ko lamang ang lumabas sa kanyang wala nang kulay na mga labi.


Magkaganoon man, hindi maitatanggi ng mariin niyang pagtitig sa akin na libu-libo ang salitang nais niyang sabihin sa akin. Kung kaya nang siya mismo ang tumalikod mula sa dulong hawakan ng magarbong hagdan, walang pagdadalawang-isip akong sumunod sa kanyang kapupuntahan. Dinala ako ng maliliit niyang hakbang sa kuwarto nila ni Claude.


"This room shall be yours, my son," she began, halting at the moment her hand reached her favorite white vanity. "Every single thing in this mansion is yours now."


Pinanood kong pinaraan ni Raeliana ang palad sa bawat kagamitan na tumatak sa kaniyang ala-ala na animo'y namamaalam. Kay layo ng tingin niya na para bang kay tagal na ng memoryang binibisita niya. Hindi ko rin tuloy naiwasan na pagmasdan ang kabuuan ng silid.


'It smells death,' my mind easily commented when it scanned the dull beige wallpaper and the trace of masculine perfume he used to spray around his body. "Dito siya dapat binawian ng buhay," wala sa sariling banggit ko na hinuha ko lamang sa hiling ng mga hardinero't ibang tauhan.


Raeliana soon settled at the edge of the bed's right side to face me, caressing her black long dress with both of her palms as she slowly sits. "If you mean murdered, yes," she nonchalantly corrected me which immediately pulled a foot of mine back.


"W-What?" nagugulumihanan kong tanong nang may nanlalaking mga mata. Parang hinigop ng kung ano ang aking hininga habang hinahanapan ng emosyon ang mukha ng sarili kong ina. "Murdered? Anong ibig mong sabihin?"


It's a stupid question, actually. Even so, I can't hide that the very idea sets my chest on fire and my throat in thirst. "D-Did you do this, mommy?" I asked once again, my voice and pitch tangled in tension and nervousness.


Subalit laban sa inaasahan, ang suspek sa isipan ko ay hindi man lang makinitaan ng pagkahabag sa akusasyong lapat na sa pares ng aking mga mata. Tulad ng kanyang mga larawan sa dingding ay purong kompostura lamang ng isang babaeng walang panghihinayang ang nasa harapan ko. Ni panginginig ay wala. Ni luha ay wala. Ni pagbiyak ng tinig ay wala.


"I have cared for your father... but the responsibility of being a mafia leader killed him. Rather than growing old with his shell, I took the liberty of ending his misery behind the facade," the lady of the Vantress household stated with poise, conviction showered her lifted chin and graceful flutter of lashes.


Magkagayon pa man ay hindi ko mahatak ang bibig ko upang isara ito. Even for her, it's one way too much. Paano niya nagawang kitilin mismo ang buhay ng sarili niyang asawa? Ito ba ang awa niya sa nahihirapan nang asawa? O ito'y pawang awa sa sarili na nagdurusa na rin nang matagal?


'Di ko man maipakita, ramdam ko ang nangingilabot kong kalamnan. Simpleng bagay ang kamatayan sa lipunang kinabibilangan namin pero iba ang dating kapag ang kapwa-kapamilya na ang nagdungis sa sarili niyang mga kamay.


"Alam mong mahihirapan ako sa gantong gulang..." nag-aalala kong panimula ng aking reklamo dulot ng naging aksyon niya. Ikinasa ko ang dalawa kong kamao at ibinalik ang kanang paang umurong kanina. "Hindi mo man lang ba ako kinonsidera?"


I saw how my reflection became larger and wider on her black eyes, the same pair of orbs I have. However, no matter how I became clearer to them, she won't just recognize the heat on mine. Mother was never affectionate to which I understood, for I will always be a product of a marriage she never chose. She didn't hurt me but it's not like she ever interfered when scars enveloped my body.


Walang kibo siyang tumayo at nilisan ang higaan. Muli niyang nilibot ang silid gamit ang kanyang palad at saka napatulala sa isang kuwadrado na para bang portal papunta sa ibang daigdig. "I always have," she said breathily in a a-matter-of-fact way. "That's why I gave him poison instead of medicine. That's why I endured everything."


Napabuntong-hininga ako sa tugon niya. Kahit kailan yata'y hindi ko mahuhulaan ang takbo ng isipan ng aking ina. "Walang seseryoso sa akin bilang pinuno. Sa mga mata nila, isa lang akong binatang walang alam na maaari nilang manipulahin sa oras na matapos ang libing," pasukong paglalayo ko sa naunang paksa. Paksang wala na rin naman na akong magagawa pa.


Claude is dead. That's all that there is. I live with it or I don't.


Ipinamulsa ko ang mga kamay ko sa magkabila kong bulsa at pasalampak na umupo sa kaninang kinaroroonan ni Raeliana. "Siguradong malulungkot si lolo sa kinahinatnatan ng pinakamamahal niyang ngalan ng Vantress," dagdag ko pa habang tinatanggap na ang susuungin kong daan bilang bagong tagapamahala. Mahirap, malubak, at malungkot.


Just when I was about to find the tiniest freedom within a university I never wanted to enter, fate has taken it all.


"Mangyayari lang 'yon kung magpapamanipula ka sa kanila, Clyde," marahang tutol niya habang nananatili pa ring likod niya ang nakaharap sa akin. "Mas mabuti nang magsimula sa una para mapili mo ang isasama mo hanggang dulo kaysa magsabay ng taong iiwan ka bago magdulo."


Now that's quite an extra burden. 


With this thought, I let my back fall onto the bed, my eyes shifting to the ceiling where I can see nothing but gold and white. "Kung ganoon lang sana kadali 'yon, mom," ani ko. Nais ko munang huwag intindihin ang kabuuan ng larawan, manatiling walang problema o responsibilidad.


And just when I was expecting an opposing remark, I didn't receive one. "Mom?" I called leisurely but when my gaze followed my words, there was no longer a woman wearing a silky black dress in front of the romanticism painting. And I was left all alone in the room, with only the air and smell of death lingering from all directions.


Napabalikwas ako nang 'di oras at napabangon mula sa kalmadong pagkakahiga. Palinga-linga ang ulo ko ngunit wala si Raeliana. Binuhat kong muli ang aking mga paa papalabas ng silid ngunit kahit anong paghahanap ko ay wala na ang bultong nalalapitan ko lang sa tuwing kailangang kumuha ng litrato. 


"Mom?" tawag kong muli ngunit sa mas mababang tinig.


Dinakma ng kanang kamay ko ang hawakan ng hagdan kung saan ko siya unang nakita kanina. Subalit liban pa sa samu't saring malalaking bulaklak sa baba at ibang bisita, wala na. "Mom?" pag-uulit ko sa mas malakas na boses, boses na mayroon ng haplos ng kaba.


Binaba ko ang ilang baitang nang may pagmamadali, palinga-linga pa rin at hindi mapakali. "Mom?" Sa pagkakataong ito ay may iilang kasambahay ang sa aki'y napatingin habang hinahainan ang mga bisita ng mga inumin at pagkain.


"Have you seen my mother?" I raised the question as soon as one of our butlers approached me with a concerned look. The middle-aged man touched my arm, encouraging me to gather myself as I quickly reveal to him that I'm searching for my mother.


However, before he could even provide an answer, a scream echoed to the very corners and pillars of the house. One that is high and loud enough for me to flinch, me who was never moved by anything. The staff and the visitors looked at each other in confusion, alarm starting to bloom on their faces and gossips spreading like wildfire.


It was only when a young man working as a guard stationed near the back of the estate came to us, running and chasing after his breath. His sweat fell on cue as he folded his knees one meter away from me. According to him, he bears 'bad news.' And when I ordered him to get the truth laid, it's the first time I wish I didn't have.


"The mistress hung herself on a tree,"  the guard reported with a tear.


It was the fifth of Juneduring the warm '70s and I learned that on my first step on the journey ofbecoming king, I will be alone.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top