Chapter 2: A Laugh, A Lie, and A Denial
'DELA Vega,' I repeated within my head. 'Dela Vega... why is it so familiar?' I asked myself. The name echoed in me as if I unconsciously created a well of my thoughts, halting every little thing surrounding me. The name never stopped being uttered by my hopelessly low voice, and so is the flashing of her image. One that is like an utterly divine statue with a huge tree's protection on top of it.
I was only pulled out from the well when a sharp snap registered to both of my ears. Bago pa ako makagawa ng hakbang para alamin kung saan nanggaling iyon at kung ano ang susunod na mangyayari, I found everything returning to motion. And the statue that I was admiring turned to a terribly loud figure falling from above, whom I have no choice but to catch given where I stand.
"Argh, bloody hell..." I whimpered as darkness easily befalls on me as fast as the young girl's landing on me. I wasn't seeing anything as my eyes felt relative to the aching muscles that have been slammed to the ground, the blades of grass touching my arms and neck.
Pero liban pa sa mga ito ay ang bigat ng isa pang presensya sa katawan ko. Kay gaan ng imahe niya kanina habang hindi natitinag ng hangin, ngunit nasira rin tulad ng sangang kanina'y pinagkakanlungan niya dahil sa kanyang bigat. Gayunpaman, bahagyang napawi ng personal na biro kong ito ang sakit ng pagkakabagsak. Sapagkat sa dinami-rami ng mga nagpakilala sa akin, ngayon lamang...
'Ngayon lamang may nahulog na dalaga mula sa ere?' suhestiyon ng isang gilid ng isip ko.
The aching grit of my teeth was suddenly stretched on both sides, forming a smile of freshness and relief. A sigh then escapes from my mouth as I finally open my eyes, only to find the shade the tree is providing against the sun. Either way, the rays of the sun vividly strike like a chandelier and my very skin relaxed to the company of soil and grass.
Nah. Ngayon ko lang naramdaman na may buhay din ako sa harap ng ibang tao.
When I heard whispering, with her breath as a medium, I noticed how its warmth passed through my shirt and touched my chest. Then I lowered my gaze, meeting a golden head that seems to be telling curses for the shame she brought to herself.
"Uhm... Young miss?" Tila daloy ng kuryenteng napapitlag siya sa pagtawag ko. At tulad kanina'y tila estatwa siyang napatigil, pinipigil ang hininga at nasa iisang direksyon lang yata nakatingin. Sa hindi ko malamang dahilan ay mas lumawak ang aking ngiti, isang bagay na malimit kong gawin.
And then I recalled her name from the first time I heard her voice. Alexandra, a regal name with a long history with royals and one that means defender and protector. A name that is quite ironic given her high station and being an only daughter. With reality in mind, my enthusiasm faltered as my tone turns neutral for the next time. "Miss Alexandra?"
She's also a Mhorfell child. One that I must avoid until the end of my time.
Unti-unti niyang iniangat ang ulo mula pagkakakanlong sa kamay na sa akin 'di'y nakalapat at saka ako nahihiyang tiningnan. "I-I'm..." nahihirapan niyang utal habang paulit-ulit na kinakagat ang labi dulot ng kawalan ng ideya kung ano ang sasabihin.
That's right, she is. Alexandra is a child that Claude would want if he was ever given the chance to swap kids. Any Mhorfell child is fine to him but it will never be me because I refuse to be one.
Dala-dala ang determinasyon na maging mapayapa ang darating na unang semestre para sa akin, ibinalik ko ang Clyde na dapat ay walang nararamdaman, walang buhay, at walang pinapakitang emosyon. "Siguro umpisahan muna natin ang lahat sa pagbangon?" medyo istrikto kong rekomendasyon na nakapagpakurap nang ilang beses sa dalaga.
"Of course. I-I'm sorry..." she said with a bit of a flush on her strong cheekbones. It only took her a second or two to get up and almost slapping her dress for any piece of dirt and leaf. She was too harsh on fixing herself that it's almost amusing and it gradually dawned to me how ridiculous the thought was.
Tumikhim ako sa pagkakabangon ko. Mahinahon kong pinagpagan ang suot ko at isa-isang tinanggal ang ilang piraso ng dahon na dumikit sa magkabilang manggas ko. Habang ginagawa iyon panaka-naka kaming napapatingin ni Alexandra sa isa't isa, nagugulumihanan kung ano ang mauuna, hiya o salita.
Kahit na ba ganoon, hindi ko mapigilan na magpatakas ng ilang latak ng hagikgik sa kung paano siya kabalisa sa pag-aayos ng sarili niya. Ni hindi man lang niya namalayang may iilang kumpol ng dahon sa buhok niya habang pinarurusahan niya ng hampas ang damit na ang disenyo'y mabulaklak.
'Papatayin niya ba ang sariling kasuotan?' isip-isip ko.
At nang isang beses ay hindi ko nakubling mabuti ang aking ngisi, "Anong nakakatawa, ha?" matapang niyang kuwestiyon sa akin na agad kong ikinalayo ng tingin. "E bakit hindi ka makatingin sa akin nang diretso?" halos matawa-tawa ako sa tila napipikon niyang remarka.
I inhaled for a moment to conceal a good laugh before turning to her, her brows hailing to the same way, the flush a while ago spread on the entirety of her face, and her shoulders looking defeated. "Anong ibig mong sabihin?" pagmamaang-maangan ko nang hindi isinasantabi ang kalmadong pag-aayos ng pagkakatupi ng manggas ng suot kong pang-itaas.
Mas umangat ang kaliwa niyang kilay. "I heard you laughing," the young girl insisted with a trace of a British accent.
Madali kong naipaunawa sa sarili kong tanong sa pagkakaalala na ang orihinal na lupain at tahanan ng kanilang pamilya ay sa Europa at hindi rito sa Pilipinas. Her Filipino is quite good, though.
Itinaas ko ang magkabila kong kamay na animo'y isinusuko ang lahat sa awa ng isang awtoridad. Prenteng tinitigan niya ang mga kamay ko ng maala-abo niyang mga mata. "Look, miss, I wasn't. Ikaw nga 'tong nahulog na lang kakaakyat mo ng puno. You even haven't thanked me yet," tapang-tapangan kong balik sa kaniya.
"W-What?!" Alexandra exclaimed in disbelief at how I turned the tables around in my favor. I wasn't exactly trying to blame her or make her feel repentant but I just have to save myself trouble from the lie I said. Sorry, Lady Dela Vega.
She haughtily scoffed when I followed my statement with a shrug. It pissed her off more, I think. Dahil matapos niyang maghintay ng ilang sandali kung may isusunod pa ako sa mga nasabi ko ay umuusok ang ilong siyang nagmartsa papunta sa daang pinanggalingan ko kanina.
Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na mabilis na mapuputol ang pisi ng pasensya niya nang ganoon lang. Panandalian din akong nalito kung ano ang nagawa ko maliban sa pagsagot pabalik. Kaya naman para hindi magtuloy-tuloy ang pagkabagabag ko ay taranta ko siyang sinundan kahit na ba iiwanan ko ang kakatagpo lamang na lugar na para sa akin.
"Wait! I... Did I do something wrong?" Imbes na muling tawagin ang pangalan niya ay nahanap ko na lang ang sarili ko na unang binuga ang katanungan. Hindi naman nagtagal ay nilingon niya ako. At kahit na nasa sampung hakbang yata ang layo namin sa isa't isa, klaro sa akin ang inis niya.
For another time, I was left shocked and anxious. What did I do? Is this what my mom told me that women are unpredictable creatures that can be mad at one point and then happy afterward?
Dela Vega didn't leave me any second to think further, for she just continued to drag her feet while her dress constantly brushes against the bushes and tiny flowers that resemble the design of it. Sinundan ko pa rin siya. All because she showed me a question mark.
I hate chasing after the answers. I want it laid in front of me straight and direct, no matter how small or big it is. So, I go.
You know, the answer I need from her may not be even a big deal at all. But I don't know, I still followed blindly.
"Stop following me, you stalker!"
"Bakit ka ba galit?"
And as if I tossed the last straw on the blazing hearth, tumigil siya sa kalagitnaan ng malawak na daan. Hindi siya kaagad nagsalita at pinagmasdan ko lang ang pagtaas-baba ng mga balikat niya at kung paano hanginin ng hangin ang gintong buhok niya.
The reason why we're chasing... it's silly, isn't it? It's just about a laugh, a lie, and a denial.
Now that I realized it, Alexandra Dela Vega, though, for a short span of time, I think she's like a tree branch. She seems like a formidable fortress of neat bricks and glued cannons on the walls. But all branches break. They break. They do. It's a natural flaw that they naturally display.
At nang sa wakas ay bumaling na siya sa akin, mas mahinahon, mas malambot na ang ekspresyon. "You're laughing at me. Why? Am I all disheveled? Do I look funny? Or was I heavy?" sunud-sunod niyang ingkwira na sandaling nakapagpatulala sa akin.
Hindi ko makuha ang tamang termino para bigyang komento ang mga katanungan niya, pero nauna na lang na gumalaw ang kunot sa aking noo at ang pag-angat ng magkabilang sulok ng mga labi ko. "You misunderstood me," I told her honestly.
"Girls do not like being laughed at like that, you know," nanlalaki niyang mga mata sa akin ngunit hindi naiba ang malumanay niyang pananalita na para bang pinapaalam niya sa akin na wala na sanang kasunod pa ito. "We're a lot more often conscious that you men think, okay?"
Is she really a Mhorfell child? Pilit na tinatapon ng ekspetasyon ko ang paunang impresyon ko. Kung mapagmalaki nga sila, bakit nilalantad niya ang kahinaan niya sa akin habang nandito kami sa kawalan? Kung mapanlinlang sila, kasinungalingan din ba ang lahat ng ito mula sa pagkabagsak niya sa una pa lang? Kung delikado sila, ito ba ang rason kung bakit nahahatak na lang niya ako nang walang kahirap-hirap?
Are you really?
"You're also a lot more impatient than the young ladies I know," I replied, confusion still swirling at me. This time, she didn't relent about something I said. She smiled like when she introduced herself proudly between giggles.
"Dela Vegas are not known for their patience," she said while shooking her head shyly. "Believe me, especially once I have children."
"I believe you, with or without children."
Kakatwa nga't bigla na lamang siya napipe sa maiksi kong turan pabalik. Para bang ibinalik niya sa akin ang pagkatulala ko kanina nang una ko siyang masilayan, hindi makapaniwa at nais malaman kung totoo ba ang nakikita.
Sa totoo lang, kahit nitong pagkakataon na ito ay hindi ko rin ma-estima kung ilang segundo lang kaming nagtatagisan ng tingin sa isa't isa. Sinuman ang makadatnan sa amin sa ganoong eksena'y aakalain na ilang taon na kaming magkakilala ngunit hindi. Subalit sa kabila nito, sabay naming pinutol ang tinginan at napatawa na lang sa kasunduan wala man lang salita, pagtango, o pag-iling. Mata lamang at ngiti.
It was the fourth of June during the '70s when I met Dela Vega's young lady. It sounds a little romantic to say that I still remember the exact shade of the sun when the aforementioned conversation happened. And yet, it's also worth mourning, that day that is.
Because the moment we walked together to go back to my father, the fourth of June during the '70s became the day the crown of thorns was put on my head.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top