Chapter 11: Doubt
Xandra's POV
"DO you think Almira's frankness would help?" I anxiously wondered as my recent breath instantly left a mark by the window to which I am sitting beside to. It still isn't the season of cold, yet the blur on the once clear glass is evident, obscuring my view of the neat and tall standing of the Niveous Ruffus building.
The woods piled around the blazing fire then crackled, pulling my gaze on to the boy whose idea was to trap me with anxiety after guessing that it could be Almira who has Clyde disappear from Morleen's radar box. It wasn't exactly a gaze of tranquility but one that is filled with the desire of passing some of this burdening feeling to him.
"Oh please, Xandy, Xandy..." he repeated as he waves his index finger at me, warning me not to realize the words brimming in my head. "Tinanong mo 'ko kung sino sa tingin ko, edi sinagot ko. Sa tingin ko si Almira 'yon e, anong gagawin ko?" Mabilis na pinarolyo ni Howard ang mga mata niya mula sa akin. Pabulong-bulong pa ito habang prenteng nakaupo sa ala-trono niyang upuan malapit sa pugon ng silid.
"Isa pa," pagtutuloy niya at mula sa pagkakapatong ng kaliwa niyang binti sa kanan ay pinagpalit niya ang mga ito sa pagkaka-dekwartro. "Ano naman kung si Almira? I mean, I'm sure she already did know kung bakit natin pinaliligiran si Vantress kahit walang nagsasalita sa ating lahat."
Herman Morleen, holding his game controller while sitting on a red bean bag on my right also seconded the previous' remark. "She's Peter's sister, that automatically means she's genius too. Maidudugtong niya ang mga piraso ng puzzle kapag nagkausap sila. Tiyak din na gagamitin niya ang butas na hindi natin siya nasabihan para mas madaling mapaintindi kay V-boy kung bakit siya naririto."
Sana nga ganoon kadali 'yon.
Tulad ng dati ay may halong pagkamangha ko siyang pinakinggan na inaanalisa ang mga bagay-bagay habang pipindot-pindot sa controller upang mapanalo ang larong nasisigurado ko ay hindi laro. Dahil sa bawat larong sumisibol sa screen ng kuwadradong telebisyon, may naaapektuhan na kaganapan dito sa Lefroma si Morleen. At itanggi man niya o hindi, batid kong ang mga makukulay na tauhan at mga pambatang tunog ng laro ang nagkukubli kung paano niya subaybayan ang malawak na lupain dito.
At sapagkat pinaka-ayaw niya ang pinapakialaman ang mga laro niya, wala na akong ibang nagawa kundi ang bumuntong-hininga. Wala na 'e. Pinagtulungan na ako ng dalawa. Ito namang si Peter na mismong kapatid, tahimik lang na nagbabasa habang nakadapa sa carpet na nakalatag sa tabi ng pugon, masayang pinatototohanan ang mga salitang nababasa sa saliw ng tugtugin ng mga kahoy at apoy.
"I wish he would. No matter how terrible of a father Claude was, I'm sure he still did care for his only son, after all." I wasn't sure how it simply and smoothly left my lips, a thought that I was meaning to say to him but cannot afford.
Hindi naman ako 'yong nakaranas ng pagkabata na laman ng mga tsismis at diskusyon ng mga tao sa Underground. Hindi naman ako 'yong produkto ng isang pagsasama na walang nakaaalam kung naging matagumpay nga ba. Higit sa lahat, hindi naman mga paa ko ang nakasuksok sa mga sapatos niya para basta-bastang lumikha ng teorya.
"Ma-swerte ka at wala rito si Kristoffer," Howard scoffed as his eyes are deeply attached to the fire, almost like visualizing what could have happened if Cromello did indeed hear me saying that.
"Oops," Peter blurted out which seems to be rather in purpose to note his rare display of sarcasm. "Daddy issues, here we go."
"Where is he, though?" I asked.
Napapansin ko kasi na napapadalas na ang pagiging kabute ni Kristoffer. Dati-rati, maiintindihan mo naman dahil miyembro siya ng team na bumubuo sa dyaryo sa eskwelahan pero... simula nang dumating si Clyde, siya ang pinaka-may nabago siklo at konsentrasyon.
"Probably doing his stuff as our news collector," says Peter nonchalantly, flipping the one page to another as if I'm the only one who's beginning to take a watch on Kristoffer's frequent disappearance.
Hindi naman sa pinagdududahan ko siya. Gayunpaman, hindi ko kasing kilala si Kristoffer tulad ng pagkakakilala ko kay Howard na kasabayan kong namulat simula pagkabata dahil magkaibigan ang mga pamilya namin. 'Di tulad namin ay hindi bahagi ng masalumuot na parte ng lipunan ang mga Cromello. Mga negosyante sila. Mga negosyanteng nakahanap ng oportunidad sa mundo ng mga mafioso.
Sa totoo lang, mas kwestiyonable sa akin ang presensya ng isang Cromello rito kaysa ng isang Vantress.
But alas, he's admitted, and he's not even a Gratiya. Even so, he never told us what deed he committed for him to be here.
"Xandra," mahinahong tawag sa akin ni Morleen, ang mga mata ay nakadikit pa rin sa screen.
Somehow, I was a little thankful that his call snapped me out on thinking further about the threat Cromello could impose. Even so, remembering that he has a striking tight leash on his neck provided me a sense of relief that he wouldn't dare until the circumstances in regard to Clyde are still ongoing.
"Hmm? Do you have something for me?" I smiled, throwing off the shade of doubt from the window in instant.
"Tingin ko may nakalimutan ka sa dorm. Would you mind checking?"
Many would have arched their brows upon hearing this sort of request, you know. "Ah, oo nga. Naiwan ko yata 'yong libro ko sa Algebra," I agreed in a pretentious absoluteness with me standing up from my seat, my heart pounding hard silently. "May ipapabili ba kayo? Dadaan din ako ng cafeteria."
Pawang umiling naman sina Howard at Peter na abala pa rin sa kani-kanilang mga paraan ng pagpapahinga. Sabagay, sa panahong nalalapit na ang season ng Danse Macabre, sinuman ay may karapatang magkaroon ng mahinahong oras bago ang sakuna. Ang damahin nang lubos ang pagkabuhay bago ang madugong kitilan ng buhay. Ang magbigay ng atensyon sa hindi mo pa nagagawa noon bago tuluyang mawalan na ng tiyansang magawa ito sa hinaharap.
"See you and be careful, Xandra," simple ngunit tila makahulugang paalam ni Morleen sa 'kin.
I went out of the Russet Tower with my purple shawl wrapped around me, protecting me from the freezing air and the tiniest drops of a rain shower that could soak my blazer and skirt. I was filled in awe watching the cloudy mist stretches across the woods nearby and soon, the castle-like buildings of this wretched school. Withered leaves flew as if they knew the approaching bloodshed to come, while the flowers seemingly paused for the risk of blooming at the wrong time.
Such an ominous sign indeed.
As I've said, many would've questioned how strange the words coming out of Herman's mouth. Like who else would dare to get ahead of you and tell you that you forgot something? However, it's Herman Morleen. And I would bet a thousand pesos that it's a hint.
This was not even the first time he would suggest us to do what we may seem to consider outrageous or simple activities, yet we'll go back to him thanking him and not trying to pry on how did he know we're going to discover some easter eggs. One could say that Morleen is practically a god that is omniscient and looking over all of us.
...which may I add to be terrifying. Sino bang may gusto na may nagbabantay sa bawat galaw mo?
"Oh, hi, Veynn!" Though it was awkward, I tried to put up a smile showing I'm at least a little glad to see the nerd, Teresa Veynn in our dorm room. Hawak-hawak ang seradura ay marahan akong pumasok habang papaatras naman siya upang hindi kami magkabungguan ng mga librong dala niya.
Nahihiyang iniayos ni Teresa ang salaming nakakanlong sa dulo ng kanyang ilong gamit ang libreng kanan niyang kamay. "Hi! Uhm, inayos ko pala ang sheets mo. Hindi kasi ako sigurado kung kailan ka babalik kaya..." aniya nang may namumulang mga pisngi.
I do have admirers but still... it's overwhelming to have one that is a girl.
"Uh... thanks?" After all, the reason why I don't come here often is because of you, girl.
With the conversation not going elsewhere with my short reply and with the atmosphere turning dry as it goes, she swiftly ended it with her giggles as she leaves the room. As clumsy as she was, walking while still staring at me caused her to at least hit a toe or two on the semi-pillars where bust heads are placed on. She lets out a soft cry but regardless, all her face has was smiles for me until she disappears from the corridor.
Kahit na ganoon si Teresa, minsan nagi-guilty din ako na iniiwasan ko siya at pakiramdam ko ang sama ko dahil parang dini-diskrimina ko ang mga taong tulad niya na sadyang matindi ang pagmamahal sa ilang mga paksa na para sa iba ay mababaw. Mabait siya at tulad ng tinuran niya, pinanatili niyang malinis at maayos ang parte ko ng silid kahit na wala akong sinasabi.
Noong unang araw ko, siya ang unang nagpakilala sa akin ng sarili niya bilang ka-dorm ko at ikinuha pa niya ako ng pagkain nang walang hinihinging kapalit. Minsan, iniiwanan niya ako ng sticky notes sa kama ukol sa coverage ng mga pagsusulit namin kahit na ba hindi ko hinihingi.
Sadly, Teresa Veynn is sent here because she's too nice for a Veynn. And Veynns are practically known for their strict household and cruel torture methods against Underground Society traitors.
Napabuntong-hininga na lang ako, tinatantiya kung ito ba ang nais na ipakita sa akin ni Morleen. Gayon pa man, naniniwala akong hindi ako palalabasin ng batang 'yon nang para sa wala. Lalo na at ang huling beses na inakala ko ay binibiro niya ako, pinalabas niya ako mula sa Russet Tower, pinaakyat ng puno malapit sa opisina ng Headmistress, at pinaghintay ng ilang minuto habang naka-bistida.
Gusto ko na siya murahin nang todo pagbalik hanggang sa natagpuan ko ang sarili ko na tinitingnan ang nag-iisa na lang na Vantress sa buong mundo.
Nang mayroong pag-iingat, naghalungkat ako sa silid matapos isarado at ikandado ang pinto. Halos baliktarin ko ang apat na sulok para makuha ang nais na iparating ni Herman sa akin para pumunta rito pero wala akong mahanap ni isang kusing na mensahe. Wala hanggang sa napagtanto ko na ang mismong silid ko na ang kasagutan.
My room is located at the third floor, back side of the building. Sa bintana ko matatanaw ang lugar sa Lefroma na hindi basta-basta masisilayan mula sa mga mata ng Russet Tower na siyang pinakamataas na gusali rito sa eskwelahan.
Does this mean Morleen wants me to check what he can't see?
Curiosity kicking on my guts, I strode to the opened windows where fluttering pink curtains dance. Dahan-dahan kong inilapat ang likod ko sa pader malapit sa bintana at inilapag ang kamay ko sa bukana bilang pambalanse. Sa mga unang sandali ay walang tonong nakaaabot sa pandinig ko dulot ng malakas na sipol ng hangin ngunit nang sumabit sa pagkakakilala ko ang tinig ni Kristoffer, nadala na naman akong muli sa palaisipan na mayroon ako kanina.
And when I finally took the courage to put face beyond the window, one question tops all other things I want to have answers with.
Anong ginagawa niya kasama ang ka-dorm ni Clyde na si Clarke Gomez at ang dapat patay nang Lacrimosa na si Danica Del Rosario?!
****
A/N: Happy holidays! Another update to come this week!
>> If you remember, Charles and Charlene are the twins Alex and the squad took care of in book one. They are the son and daughter of the Veynn Family, which means they are the children of Teresa Veynn. Teresa is also the one speaking to Alex whether the guy with Alex is indeed Spade Vantress or not. As for why the children use the Veynn surname instead of their father's, you guys will know in the future chapters :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top