Chapter 10: Perks
JUST when my story was about to reach its peak, it completely went down the drain the second Alexandra turned her back on me. There was neither a single word that came from her mouth on her defense, nor did she try to hide her definite dismay. I didn't even know what the dismay was for. It's as if she simply put up with me and then gave up on me all of a sudden.
It's as if everything she said about me became so shallow.
Like, iyon na 'yon? 'Yon lang 'yon? Tapos na? Talagang nagpabitin lang? Hindi ko mapunto kung ano ba talaga ang inaasahan ko at kung bakit ako pa ang dismayado gayong ako rin ang nangtaboy. Nalilito ako kasi hanggang ngayon, hindi ko rin masagot ang sarili kong mga tanong.
At dahil wala akong kapupuntahan kung imumukmok ko lang ang frustration ko, minabuti kong personal na magbungkal ng mga kasagutang kailangan ko sa paraang hindi man magiging kasing bilis at kasing dali ay nawa'y makapagpatahimik sa isip at puso ko.
Hindi ba't kahit sa panaginip ko ay nakikita ko ang sarili ko na lalakad at lalakad para malaman ang katotohanan?
Maging ang pagbuntong-hininga ko ay may bakas ng pangamba sa panginginig sa paglabas nito mula sa bibig ko. Tinantiya ng mga mata ko ang buong sukat ng Niveous Ruffus kung saan matatagpuan ang 'di lang isa na silid-aklatan kundi ilang pasilyo para sa mga laboratoryo. Tulad ng ngalan ng gusali ay naka-imprinta sa mga bandila sa tutok at bukana nito ang puting maihahambing sa nyebe at pagkapula ng gaya ng balat ng mansanas sa tela.
"Argh!" I blurted out as soon as my palms landed on the rough cemented stairs. I've predicted the presence, yet their force as a bunch of entitled brats was too much for my body to handle. My eyes easily flew to find the culprits, only to see them wearing dark and gold ties with a horse brooch attached to them.
'Pa-drama-drama ka pa kasi sa labas ng gusali,' patutsada ng sarkastiko kong isip.
"That woman must have given up on him because he seems too fragile," a guy who is taller than me remarked huskily, his golden insignia ring of a horse's head shining on his left hand's pinky as he crosses his arms against his chest.
Great. Isa pang koponan na lalaban sa Danse Macabre na ipinagdidiwang ang hindi ko pagsali kina Dela Vega.
'An Alperos,' my mind that trained to memorize every single house and their sigils knew. Capable of being aggressive as any horse's hooves, feisty as how their body's endurance is renowned and enjoys doing things head-on as if the only direction is what's ahead of them.
Kaysa sanggain ang tagisan ng tingin na ibig ng mga kasama niya ay kinalma ko na lang ang sarili sa pagsulyap sa ilang gamit ko na tumilapon mula sa bag ko. Napunan ng tawanan ang komento ngunit hindi ito nagtagal nang mapagtanto nilang tahimik kong inisa-isa ng dampot ang bawat boligrapo, papel, pambura, at libro imbes na tapunan sila ng pansin.
"Ice really does flow in the Vantress family's veins, not blood," another comment of a sharp-tongued voice reached my ears. But what I don't like in it was that it seems to be out of genuine pity, not mockery.
I threw a glance, okay. I threw one and then put my attention again on my bag, shaking off the dust and the dirt it got. Nang marinig ko na nagsusulsulan pa sila para palakasin ang kani-kanilang mga apog, mas nilakasan ko ang pagpag at sa pagkakataon na ito ay sa direksyon nila na siyang nakapagpaubo at nakapagpamura sa kanila. Akma na sanang gagamit ng pwersa ng iba nang...
"Tama na. Ang mahalaga ay nakilala na natin siya," malalim na boses na utos ng binatang Alperos habang nakaharap ang ibabaw na mukha ng kanyang kamay sa kaniyang mga tauhan. Nagsitahimikan silang lahat, para bang isang telebisyon na maingay ngunit biglaang binunutan ng kurdon sa likuran. Walang ibang pagtutol. Wala ni anong gestura ng pagiging dismayado sa utos.
Daglian akong napahinto sa mabilis na daloy ng awtoridad niya sa mga kasamahan niya, hindi dahil sa takot kundi pagkamangha. Unti-unti kong binigyan din ng masinsinang tingin ang pinuno na siyang natagpuan ko ring hinihintay ang akin. 'Di tulad ni Hermenez na nagbabala't nangkutya, mukhang dumayo lamang talaga rito ang Alperos na ito upang pamilyaran ang wangis at tindig ko.
Hindi lang nila ako nais basahin bilang prospektibong kalaban sa Danse Macabre. Nais din nila akong basahin dahil sa wakas, nagkaroon sila ng tiyansa na ibaba sa lebel nila ang kagaya ko na may hawak ng posisyon na mas angat pa sa mga ama nilang nagtapon sa kanila rito.
Unconsciously, I just thought that I should offer my left hand, my bag hanging from the grasp of my right. "I didn't know there's an Alperos who is of the same age as me," I said in awkwardness yet not leaving his gaze. I wasn't really expecting him to accept it, and so I wasn't that disappointed when he really didn't.
"How could you? Marami sa amin dito, inabandona na bago pa maipakilala sa Underground." Sa kabila ng pagiging mahinahon ng paraan niya ng pagkakatugon, dumagundong sa akin ang mga katagang may napakaraming kahulugan.
But no matter how many, all of them felt sad when I realized. No one knows about their existence in this world except for the same people who made their existence fade.
I can't help but blink for a second, wanting to provide a little sympathy yet I can't afford to. "Hindi pa naman huli para makilala," balik ko subalit hindi ito nagpakibo sa kaniya. Binalikan niya ng sulyap ang kamay kong nananatili sa ere, animo'y pinapayuhan akong ibaba na ito sapagkat wala siyang intensyon na kuhain ito.
Pansin ko ang maiinit na pagmamatyag ng ilan sa paligid namin sa pagbaba ng aking kamay. Gayunpaman, hindi hiya dulot ng opensa ang rumehistro sa akin kundi hiya na talagang wala akong nalalaman sa kwento ng bawat isa sa kanila rito. And to think that my impression on the Mhorfell Children is the worst that can be, it hit horribly.
It is horrible because I am indifferent to the people who are the most like me in this world.
"Maverick Alperos, iyon ang pangalan ko. Pero kung talagang iniisip mo na hindi ako harapin sa Danse Macabre, walang saysay na malaman mo 'yon."
Matapos ng malamig niyang ani ay maliksi niya akong tinalikuran na tila kabayong naihila sa ibang direksyon. Isa-isang nagsisunod ang mga kalalakihan at kababaihan sa koponan niya, pawang hindi na muli ako binalak na ismiran matapos ng isang utos. Nagsibalikan na rin ang ibang manonoood sa kani-kanilang mga ganap sa buhay. At sa pang-ilang pagkakataon, naiwan na naman ako sa gitna ng kawalan, nalilito at isang palabas na pinagsawaan.
After a few minutes, I pulled myself altogether, embracing the fact that what really bothers me is that I have an existential crisis all along. A monstrosity of a storm produced by my parents left me with nothing but the mystery about my significance in the family aside from being the heir. Finally, one of the thousand answers I'm searching for was accepted by my stubborn head, recognized in the grounds of Lefroma even.
As I was about to climb the top of the stairs in a weakening state, an image of a frizzly brown hair and a gold-plated spelling of her name blocked the last of the steps. "Hi, stranger," she greeted with amusement in her tone. Both of her hands are on the back; her feet stuck to one another as formal as it could.
"Almira," bahagyang may surpresa kong pagbanggit sa ngalan niya na tinugunan lamang niya ng tipid na ngiti.
Hindi tinanggal ni Almira ang tsokolateng pares ng kaniyang mga mata sa akin hanggang sa magtagpo ang taas ng baitang na kinatatayuan naming dalawa. Walang emosyon, walang kibo, ino-obserbahan lang ako, gaya lang ng unang beses pagkakakilanlan.
"Bakit? Itataboy mo rin ba 'ko?" umangat ang isang sulok ng kaniyang mga labi na nagmumungkahi ng interes sa kung ano ang magiging reaksyon ko. At sa parehong pagkakataon, ito rin ay naghahamon. "Pero hindi ba dapat ikaw ang tumatakbo? Ayaw mo sa aming mga taga-Lefroma, hindi ba?"
"H-How—"
"Nakalimutan mo na? Mga inabandona at tinakwil ang mga naririto. Kilalang-kilala na namin ang tingin na hindi maupos-upos sa mga mata mo," pagputol niya sa nakaamba kong tanong. Ngunit sa pagkakataong ito, may inis at pagkutya ang bawat pagsambit niya sa mga salita. Mga kataga itong matagal na niyang nais isigaw sa mukha ng mga katulad kong hindi pala nakukubli ang pagnanais na dumistansya sa kanila.
I guess I haven't been too subtle for my own good.
She then sighed, her hand shooing the wind before her. "Anyway, at least you already know. What's important now is to head to the library," pag-iiba niya ng paksa na para bang hindi nangyari ang nauna. Bago pa man ako makautal ng susunod na salit ay likod na niya ang aking nasa harapan, ang mahabang buhok naman niya ay tumama sa aking mukha.
Sa pagka-alibadbad sa kanyang kulot at medyo may natural na pagkakabuhaghag na buhok ay kusang naihilamos ng kaliwa kong kamay ang sarili nito sa aking mukha. "Sandali!" at nagmamadali kong sinundan ang bakas ng kanyang mga yapak.
And it turned out that I wasn't mistake to do just that, for the presence of her steps divided the crowd that once conquered the great halls. Tall white halls filled with the smell of fresh pages and old notes and home to multiple replicas of historical paintings and busts inline on each of its corners. Sunlight strikes through clear windows of glasses everywhere as if the building means to say that all in here, knowledge and wisdom, are transparent and clear.
Neither a man would dare to obstruct her path of which I follow nor would question the authority she has for such special treatment. With me already used to the reverence most of the students have for Alexandra's friends, I wonder.
Kung siya ay nakapatay ng mga tropa ng kuya niya, ano naman ang nagawa ng iba? Anong kasalanan o hindi mabanggit na akto ang nagawa ni Almira at ng kapatid niyang si Peter para maitago rito sa eskwelahan na ito?
What are the crimes of the other children here even?
"We're going to the restricted section, please," Almira informed the librarian of the second hall to the last of libraries in the infrastructure. She pulled out a rectangular card to which I saw, bearing a shade of beige, and slid it forward to the older woman wearing spectacles' attention.
Nang maalala niyang may kasama siya nang mahabol ko na ang hakbang niya ay iniarko niya ang mga daliri upang lumikha ng 'thumbs-up' at itinuro ako gamit nito. "Kasama ko po siya. His name is Clyde Alistair Vantress. He's a Gratiya, by the way."
My brows arched upon hearing such an unfamiliar term bestowed on me. "What's a Gratiya?" I immediately asked in concern about its definition. Regardless, the librarian slightly lifted her gold-rimmed spectacles as if she had seen me before and then breathed through her nose when she's satisfied.
"If the Master of the Vantress Family does not know, a Gratiya is an unofficial moniker made by the first generations of Mhorfell Children for students who are admitted by the headmaster or headmistress directly and not by their records," replied the woman while her eyes down on taking note of our names on a book we can't really see due to the secretively large and high counter.
Nang makumpleto niya ang pagsusulat ay ibinalik din siya ang card ni Almira na siyang agad niyang dinampot at isinuksok sa bulsa ng kaniyang itim na palda. Yumuko nang bahagya ang ginang habang tila nakapormal na magkahawak ang mga kamay niya sa isa't isa sa kaniyang harap. "Please have a good time accessing the knowledge of Niveous Ruffus, master and young lady."
Habang papalakad papalayo sa counter ay nabigla ako sa isang hampas sa likod na nanggaling sa babaeng kasama ko. "See? You have awesome perks as a Gratiya," she told me in a matter-of-fact tone, proud as if she's the one bearing the name.
"Tahimik ako pero hindi ako ma-library na tao. Baka magamit ko lang 'yan kung gusto ko talagang mapag-isa o matulog," patutsada ko na ikinasang-ayon ng pagtango niya. Samantala, tinuring ko naman itong nakahihinala gayong sinabi ko iyon bilang biro imbes na disenteng pagtutuloy ng usapan.
"Hindi lang ang Restricted Section ang perks ng pagiging Gratiya," paliwanag niya na para bang isa siyang saleslady na nag-aalok ng bagong membership card ng isang hotel at restaurant na kadalasan ay talagang iniiwasan ng mga dumaraan. "Ang pagiging Gratiya mo rin ang dahilan kung bakit hindi ka binalak na gantihan ng kambal na Gonzalvo no'ng pinigilan mo sila sa Lacrimosa ritual."
Napabukas ang bibig ko sa pagkakatuto kung bakit hindi ako sinubukan ng magkapatid na isunod na ibitay sa harap ng istatwa ng Mahabaging Maria. At sa puntong napatigil ako ay siya rin pagdating namin sa entrance ng Restricted Section.
"You see... being a Gratiya gives you more power than any one of us could have, Vantress," the daughter of Devroid then faced me, her brows down and her jaws pressured. The same thing unfailingly urged me to do the same, for this might be the enlightenment I need to cut through my own crisis about my purpose and existence.
"Lalo na at isangGratiya lang ang maaaring ipasok sa eskwelahan na ito kada apat na taon. At sa apatna taon na 'yon, in-oorganisa ng mga Dela Vega at Domzelle na protektahan angpagkatao at mga karapatan ng taong 'yon sa labas ng Lefroma tulad ng kanyangmana. In short, you have an immunity."
****
A/N: Our donation drive ended well, but my admins and I are thinking of volunteering or organizing drives like this every year! I'm really thankful for those who donated and bought my books as part of the same cause.
This week is my final hell week of the semester, so I might drop another update before my birthday (Christmas, yey). If you have any questions, let me know in the comment section, or you can send me a message on my social media accounts! Do comment and like this chapter for a motivation pool for this girl! Hehe. Labyu! Stay safe!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top