Chapter 1: An Unwanted Visit


IT was a summer of striking heat during the late '70s when my father personally brought me to Lefroma Delazelle University for a visit before the opening of classes. I'd swear I could still hear the horns and the screeches he made when a guard signaled to stop for a moment, both of his palms facing on our direction. "Christ," he whispered as he lowers down the window at his left.


The guard begins to close down the gap, something that Claude Aaron Vantress wouldn't do in this kind of circumstance, while my eyes drifted to the thick silver-colored metal bars from where he first stood nearby. The light reflected on its very existence and tons of ivy lingered upon the ginger brick walls, enveloping the buildings of what I assumed was the university already.


Kung tatanawin mo ang mga espasyo sa pagitan ng mga bakal ng tarangkahan, mahaba-haba pa ang dadayuhin bago malapitan ang unang imprastraktura. Ngunit kung itataas mo naman ang iyon tingin, animo'y isang kastilyo ang aking nasa paningin, kung saan ang simbolo nito'y nakalimbag sa 'di mabilang na mga bandila.


"Stop gawking, son. You'll spend your youth here, you'll see all of those every day," my father dismissed which cut me from staring at the flags any further. 


Bahagya akong napaayos ng upo bilang dagdag pagtalima sa kanya, bukod pa sa pagtikom ng bibig ko na siyang nakasanayan ko na.


Siguro nga at mahaba-haba rin akong nakatitig sa paligid. Ni hindi ko rin kasi namalayan na nakaabot ang guwardiya kay Claude o kung dumaan man sa mga tainga ko ang ilang palitan ng salita sa pagitan nila. Did I doze off for a moment? 


Muling nabuhay ang makina ng sasakyan sa pagkabuhay ng duda sa dibdib ko. Pero kagaya nga ng turo sa akin ng sarili kong ina, anuman ang marinig ko o makita ko sa bukana hanggang sa loob ng eskwelahan na ito, wala akong dapat sabihin. Wala rin akong dapat pansinin. Sa ganitong paraan, nakayukong nakatingin na lamang ako sa hindi ko mapakaling mga kamay habang unti-unting binubuksan ang malaking gate ng dalawa pang tila natatarantang mga guwardiya.


"D-Daddy?" I called when the car stopped beside one that has the same color as ours. But I didn't call him because I wanted to inquire about anything, for it might ignite another spark in his blood again. Tinawag ko siya dahil sa biglaan ngunit marahan niyang paglapag ng kaniyang noo sa manubela, isang senyales na tila may ideya na ako kung ano na.


His breathing was rouged, one that you can easily hear especially when the area around us falls in silence. And one that as if he's being chased. I wasn't sure if it was because it's still summer that students seem to be rarely found in the grounds even when we passed by earlier but where we are, there's hardly a soul you can hear or see. We are only accompanied by a slightly cold breeze of air and plants producing yellow bell flowers everywhere, everywhere near the office that is branded with yellowish-white paint.


Pinanood kong magtaas-baba ang dibdib niya habang nakatago ang kalahati ng mukha sa magkapatong nang mga kamay sa manubela. At para bang hindi niya naririnig o nasisita man lang ang nag-aalalang titig kong nakapukol sa kanya. Hindi ako sigurado sa kung anong dapat gawin. Hindi ko lugar ang kausapin siya ngunit natatakot ako na ito na naman.


Ang batid ko lang ay biglaan niyang hinatak papalabas ang drayber na dapat ay magmamaneho para sa akin. At kahit na ba tiyak ng tauhan namin na dapat pabulaanan ang hiling ng kanyang amo, sino nga bang makakaalam sa kung ano ang tumatakbo sa isipan ng isang lalaking magkaiba ang suot na sapatos, may hinahabol ng plantsang t-shirt, at gulu-gulong buhok na may kaunting bahid ng amoy ng langis?


'He's sick,' mama told me nights before. She said it wasn't a sickness clinically but something he inflicted on himself. When I asked why he did so, Raeliana Vantress couldn't even utter a word that wouldn't break the already fragile image of the fatherhood of his husband. I knew something is wrong. However, they never really told me when did it start and why was it even there in the first place.


Sa takot kong may ikalala pa ang ipinapakita niyang senyales, kumapit ako sa tela ng pantalon ko at hinigit ang hininga ko. "May I check the place for myself? I promise to be back in a minute," I nervously suggested, my nails gritting on the smooth fabric.


Then, after saying one of the longest sentences I spouted in front of my own father, he sharply gasped as if my voice bears toxicity. "O-Of course... why not? Ako na ang makikipag-usap sa headmistress," aniya na para bang nakahinga siya nang maluwag sa pagbibigay ko ng pagkakataong iwan siya mag-isa.


Dali-dali akong lumabas ng sasakyan nang walang pagdadalawang-isip. Dahil kung ako ang tatanungin, mas ligtas para sa akin ang malayo sa kanya kaysa ang malapit sa kanya. Higit sa lahat, baka mas masaya rin. Mas malaya. Mas may pagkakataong magkamali na parang bata.


When I'm finally ten steps aways from our ride, the disciplined touch of my lips waned and a relieved smile broke out from it. I didn't dare look back and continued to where my feet lead me. Kung may bagay akong pinagpapasalamat tungkol sa Lefroma, iyon siguro ay ang malawak na lupain nito na para bang kahit anong oras ay maliligaw ako. At sa loob ng ilang taon, hindi ko kakailanganing manatili sa pamamahay na tanging salita lang ni Claude ang namamayani.


Napatigil ako sa isang malaking puno na kay yabong sa luntian na mga dahon at hitik sa bunga na mga mapupulang mansanas. Sandali akong napalinga-linga sa iba't ibang direksyon matukoy lamang na ako lang ang makaaalam na ako'y nandito. Iyon lamang ang mahalaga— 'yong may sarili akong espasyo, hindi nakakulong sa apat na sulok ng silid o 'di kaya ng ngalan na nakadugtong sa pangalan ko.


In just one sitting and an instant look at the rest of what the school could offer, I knew this would be my spot. This apple tree may look like mislocated yet in here, you can perfectly see everything from afar while it shields you from sight. Raeliana always loved red roses to which Lefroma has gardens of in their yards. Statues on about every twenty meters resemble that of the greatest temples of Greece and the dark woods just beyond the southern gate informs you that this place is a sanctuary of light itself.


Bahagya kong isinandal ang likod ko sa matikas na katawan ng puno, salungat sa wasto raw na pag-upo. Pinag-ekis ko ang mga binti ko at saka huminga nang malalim, salungat sa tagapagmanang 'di raw maaaring magpakita basta-basta ng pakiramdam.


If only the Mhorfell Children could never find me here, it would be a luscious delight. However, it is an impossible thought, for I am a lamb among black sheep. Someone who can be devoured if not careful from the claws of their brilliant mischief.


Wala akong gustong gawin na kahit ano sa kanila, kahit na ba ang pinaka-mumunting interaksyon kay ikinayiyinig ko na. Because I'm afraid that if I do, I will also lose myself to this school.


"The view's amazing, right?"


"Yeah, it sure—" Hindi ko na naituloy pa ang mga susunod na salita bagkus napasilip na lang ang mga mata ko sa aninong gawa ng isang bulto mula sa itaas. Napabuka ang bibig ko kasabay ng pagtambol ng puso ko sa kaba. Sino 'yon? Ano 'yon?


Did what mom said really true?


Mula sa pagkaka-ekis ay napatiklop ang mga binti ko. That this place is haunted?


Hindi mapakali ang mga mata ko sa pagsubaybay sa maliliit na galaw sa lahat ng direksyon liban ng sa taas. Ito na ba 'yong tulad sa mga eksena sa pelikula kung saan ilang segundo na lang ay lalambitin pababa ang isang bangkay? O 'di kaya'y nakapatiwarik na babaeng may mahabang itim na buhok na hindi mamaya-mayapa ang kaluluwa dahil dito siya nagpakamatay?


Ugh. Hindi naman, 'di ba? Please lang, sabihin niyong hindi.


"Hahahaha! What a look on your face! Bago ka lang ba rito, scaredy-cat?" a rather rough yet feminine voice asked me, the pitch coming from above as if a voice from heaven is trying to reach me. 


Pero hindi lang naman anghel ang puwedeng tumawag sa 'yo galing sa itaas, 'di ba?


I was awfully confused for the next minutes, wondering if I should run for it or just end the whole thing by lifting my gaze up. And before I could really do a full-length deliberation, I found my head slowly daring to look above, relinquishing all logic that I have left. At first, I only saw a pair of blue sneakers upon a huge branch, a folded white floral dress against one's knees, and then golden strands of hair being blown by a short moment of strong wind against the plains.


"Who—"


"Hi! My name's Xandra. Alexandra Dela Vega," she excitedly introduced herself, suddenly hiding her pale black eyes by matching her lips into a smile. And unlike what I fear, it wasn't a black-haired girl who has tragic wishes but a blonde one whose giggles filled the recently dried air.


It was the late '70s when I first met her. And up 'till now, I still can't decide whether meeting her was a curse or a blessing in disguise.  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top