Prologue

Jong In's POV

"Dad!! Lalabas lang ako ha!! I just wanna feel the cool breeze of the sea" Nakangiti kong sabi kay daddy saka kinuha ang isang makapal na papel at isang lapis.

Magddrawing ako.
Sa aking paglabas mula sa loob ng yacht ni daddy ay sumalubong sa akin ang napakalamig na hangin, napakasarap nito sa pakiramdam. Pumwesto ako sa mismong harapan ng barko at nang magsisimula na akong magsketch. Nakita ng mga mata ko ang isang lalaki na nasa dagat. Napakaputi ng kanyang balat. Itim na itim ang kanyang buhok. Kinilatis kong mabuti ang itsura nya kahit hindi ko kitang kita ang kanyang mukha. Labis akong nagulat nang tumingin sya sa akin. Natakot sya ng makita ako saka sya biglang naglaho na parang bula.

Sa sandaling pagkakataong iyon na nakita ko ang mukha nya, may naramdaman na ako. Isang pakiramdam na labis na ikinagulo ng utak ko. Sino sya? At ano sya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top