Mermaid 2

Ayaaan naaa extended na to promise! Hahaha!!!:)

-------------------------------------------------------------------------

Arih's POV

Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit ganito? Napakalakas ng tibok ng puso ko ngayon, at hindi ko alam kung bakit ba ganito...

"S-Sige" nakayukong sabi ko saka tumabi sa kanya na ngayon ay nakahiga, basang basa an damit nya at manipis ang tela nito.. Ganyan pala ang kasuotan ng mga taga lupa? Sana naghubad nalang sila..

Tinititigan ko lang sya habang tulog sya nang maramdaman ko ang isang bagay na humaplos sa malalambot kong buntot. Agad ko itong kinuha, isang basang papel.. Nakatupi ito, nang buksan ko ito ay isang napakagandang larawan ang aking nakita. Larawan ng aking ka uri..

Teka, mahilig syang gumuhit ng ma sirena?

Sa gilid ng papel ay may nakasulat..

"Balang araw, makakakita din ako ng isang tulad mo.. Hihntayin kita" sabi sa sulat

Labis akong nagtaka ng makita at mabasa ang sulat..

"Kung mulat lamang ang iyong mga magagandang mata sa oras na ito, marahil ay nakita mo na ang isang sirenang kagaya ko.." mahinang sabi ko saka natawa..
"Taeho.. Taeho.." nakapikit na sabi nya, Nananaginip sya, agad ko namang hinawakan ang braso nya at sinubukan syang gisingin...
"Ah.. A-Ayos ka lang ba??" tanong ko sa kanya habang niyuyugyog ang braso nya.
"TAEHO ANAK?!" malakas na sigaw nya saka biglang bumangon.. Labis akong nagulat sa lakas ng pagsigaw nya.. Ngunit napansin kong mas nagulat sya nang makita nya ako, kunsabagay kahit naman ako kung tao at makakita ng sirena, magugulat din ako. Nang makita nya ako ay agad nyang kinusot ang mga mata nya, inakala nyang nananaginip lang sya.. Unti unti syang napa atras habang nakatitig pa din sa akin.
"T-T-Totoo ka ba?" tanong nya sa akin sabay haplos sa aking buntot..
"T-Totoo ka nga, Saan ka, nanggaling?" muli nyang tanong sa akin.
"Sa karagatan.." nakayukong sagot ko.
"Napakatagal kong pinangarap na makita ang isang katulad mo." hindi pa rin makapaniwalang sabi nya.
"Nakakataba ng puso ang iyong sinabi ginoo.. Ang akala ko noong una ay tatakbo ka at sasaktan ako.." sagot ko
"Ang isang katulad mo ay hindi karapat dapat na saktan.." mahinang sabi nya saka hinaplos ang aking basang mga pisngi. Teka anong tawag sa ginagawa nya?
Palapit nang palapit ang mukha nya sa mukha ko..
"Anong... Ginagawa mo?" tanong ko sa kanya
"Tinititigan ang maamo mong mukha" sagot nya naman.
Pero, sino kaya ang binabanggit nyang pangalan?
-----
Athena's POV
"Ama!! Si Arih.. W-Wala sya sa kanyang silid!" natatakot na bungad ko kay ina at ama habang nahihimbing sila
"Ano?! Bakit nangyari ito?! Alam mo ba kung saan sya huling nagpunta?" tanong sa akin ni Ama..
"K-Kinausap nya po ako patungkol sa galit ninyo ni Ina sa mga, tao.." nakayukong sabi ko, mabilis na ipinatawag ni Ama ang mga kawal upang hanapin si Arih sa buong palasyo ngunit wala sya.. Kaya napagdesisyunan naming lumabas upang hanapin sya..
ako si Athena, ang nakababatang kapatid ni Prinsipe Arih.. Ilang oras na ang lumilipas ngunit hindi pa rin namin mawari kung nasaan sya,

Nasaan na kaya yun??

Arih's POV
Katabi ko ngayon si Kim Jong In. Nagpakilala sya sa akin at ganon din ang ginawa ko.
"Hindi ba kayo natutulog?" nagtatakang tanong ko sa kanya, gabing gabi na.. Pero mulat pa din ang mga mata nya
Natawa sya saka sumagot;
"Natutulog kami.. Pero, ako madalas gising kung gabi.. Binabantayan ko kasi ang anak ko."
"M-May anak ka?"
"Mhm, anak ko sya sa dati kong asawa, si krystal na sobrang mahal na mahal ko.. Pero hindi ko alam kung bakit ako iniwan. Basta basta nalang syang nawala.."
"Ngunit, paano ang anak ninyo?"
"Nasa akin si Taeho.. Hindi ko yon ibibigay sa kanya kahit anong mangyari.. Baka saktan nya lang."
Napatungo ako
"Hindi ka ba natatakot sa akin?" medjo nalulungkot na tanong ko, nanlaki ang mga magaganda nyang mata at tumingin sa akin..

Napaka amo ng mukha nya..

"Bakit naman ako matatakot sa'yo?" tanong nya

"K-Kasi, ganito ang itsura ko... Ibang iba ko sa inyong mga taga lupa"

"Ang isang katulad mo, ay hindi dapat na katakutan ng mga tao" sabi nya saka hinaplos ang pisngi ko, pero iniwas ko ang mukha ko.. Peste kami para sa mga kagaya nila, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Naguguluhan ako..

"Ah, maya maya l-l-lamang, a-aalis n-na ko.. K-Kasi kailangan ko nang bumalik samin.. Matulog ka nalang jan at magpahinga, k-kasi baka mahanap k-ka nila bukas" sabi ko sabay usog paiwas sa pwesto nya.. Natawa naman sya

"Makikita talaga nila ko.. Hahaha, malapit na nga ata sila" sagot nya, nang marinig ko iyon mula sa kaya ay lalo akong nagmadaling umalis.. Paano kung makita ako ng mga kasama nya? natatakot ako...

Hindi na ko nagpaalam sa kanya, hinawakan nya ang braso ko, pero tinanggal ko ito sa pagkakahawak at lumangoy na pabalik sa dagat.. Sobrang natakot ako sa mga sinabi nya

pero kahit na ganon, yung mga oras na magkasama kami. Kahit na saglit lang yon, hinding hindi ko na yun makakalimutan.. Mananatili yun sa puso't isip ko.. Napak amo talaga ng mukha nya

Habang lumalangoy ako pailalim ay may mga sirenang humuli sa akin, tinakpan nila ang bibig ko hanngang sa mangitim ang paningin ko

----

Jong In's POV

"Bumalik ka! H-Hindi ko pa alam yung pangalan mo eh! Please!!"

malakas na sigaw ko sa kanya habang unti unti syang lumulubog pailalim..

Sayang naman, napaka ganda nya.. At ngayon lang ako nakakita ng ganon kagandang mukha..

Maputing kutis na wala ako, at yung lips nya, pink.. Tapos hugis puso pa, yung mga mata nyang napakaganda..

Sya na ang pinaka magandang nilalang na nakita ko sa buong buhay ko..

---------------------------

"Baby! Come heere!" masayang sabi ko kay ash habang pinapalapit sya sa mesa, grabe sobrang takaw nya talaga.. Ilang linggo na ang lumipas pero hindi ko na ulit nakita yung sirena.. Kailan kaya?

Kailan ko kaya sya makikita ulit?

"Appa!! Gusto nung nibabalot mo na kubeyg!! Hihihi!!" bulol na sabi ni ash.

sobrang hilig nya sa cabbage wrap.. Madalas ako pa iniiyakan nya kapag mauubos na.. Parang ako pa may kasalanan. Lol

"Cabbage Wrap? Sige, behave ka ha? Wait over there." sabi ko saka sy kinarga at inupo sa upuan ng kitchen table. tinawag ko naman sila inang para kumuha ng fresh cabbage at ng malambot na beef.. Hays, buti nalang kahit di ako marunong magluto, marunong ako magbalot.. Hahaha

Matapos na maayos ang mga ingridients ay isa isa ko itong binalot at inilagay sa bowl, saka ipinatong sa mesa.

"Oh Ash anak! Kain na! Ahhh.." sabi ko sa kanya sabay dampot ng cabbage wrap at pina- nganga sya. Agad naman syang kumain ng Cabbage Wrap.

"ARAAAAP!!!" masayang sigaw nya.

"Talaga? Eh ang braso kaya ng Baby Boy ko? Pakagat si Appa!!" Sabi ko sabay hila sa mapuputi nyang braso pero iniiwas nya ito sa bibig ko.
"Appa! Noh noh noh noh!!!Brwffghgg!"
"Hahahaha!!! Hmm ikaw talaga!!" Natatawa kong sabi sa kanya.
Sya si Asher Kim. Anak ko sya kay Krystal. Si krystal na basta basta nalang akong iniwan sa ere. Iniwan nya ako para sumama sa ibang lalaki nya, at sa pagkaka alam ko, patay na sya. Joke. Wala na akong pakialam sa kanya.

Nang matapos kumain si Ash ay lumabas ako ng Mansion.
Gusto kong makita ang karagatan.
Medjo malayo kami sa Mansion pero dahil sa desperada ako, nilakad ko ito.. Napadaan ako sa pier na pinagawa ni Daddy. Napakarami nang nagbago.. Kung buhay lamang si Mommy siguradong matutuwa sya sa makikita nya dahil nagbunga ang mga pinangarap nyang buhay para sa akin..
Ako si Kim Jong In. Anak ako ng may ari ng pier na ito. Mayroon kaming limang yacht at may ari din si Daddy ng isang napakalaking kumpanya ng airlines.

Sa wakas narating ko ang dalampasigan. Malakas ang Hangin at medjo mainit.. Umupo ako sa isang bato sa bandang gilid. Bigla akong nakarinig ng isang ungol. Parang may taong umiiyak..

Hinanap ko ang tunog na iyon.. Ilang segundo angb lumipas ay nakita ko,
Isang sirenang sugatan.. Umiiyak.. Sa ilalim lang ng isang bato..
Naaalala ko sya..
Sya... Sya ang sirenang nagligtas sa akin noong gabing lumubog ang barko. Awang awa ako sa itsura nya.. Halos maiyak ako ng makita ko ang mga sugat nya, ang maputi nyang balat ay nabahiran na ng Dumi at Sugat. Nang makita nya ako ay nagulat sya, lalangoy na sana sya pailalim ng dagat pero pinigilan ko sya. Kailangan kong malaman kung bakit sya nagkaganyan..

Ari's POV
"Anong ginagawa mo dito?" Umiiyak na sabi ko saka hinigpitan ang paghawak ko sa mga Braso ko na puno ng Sugat.
Hindi ko alam na ganito ang gagawin sa akin nila Ama.. Anak nila ako, pero bakit naman ganito kasakit ang parusang ipinataw nila? Lalangoy na sana ako pabalik sa Dagat nang hawakan ng lalaki ang braso ko..
"Wag kang umalis. Para mo nang Awa." Sabi nya, sinunod ko ang sinabi nya, tumabi sya sa akin sa batong pinagtataguan ko.
"Bakit ganyan ang itsura mo? Anong ginawa nila sa'yo?" Tanong nya sa akin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan akong umiyak sa harapan nya.. Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil iyak lang ako ng iyak.

Laking gulat ko ng bigla akong yakapin ng lalaki..

"Teka.. Bakit mo ko niyayakap?" nagtatakang tanong ko

"Kung ito lang ang paraan para masabi mong may nagmamahal pa sa'yo.. Gagawin ko.. Andito lang ako, sabihin mo na kung anong nangyari"

Sa twing tumatama ang maalat na tubig dagat sa mga malalaking sugat ko ay halos patayin ako nito sa sakit..

"K-Kasi... Pinarusahan nila ko k-kasi.. Lagi nalang akong nasa lupa.."

nagulat sya sasinabi ko at lalo pang hinigpitan ang yakap nya sa akin..
"Sinaktan nila, ang isang napakagandang nilalang na kagaya mo? Pero, sini ka ba? Ah ibig kong sabihin.. A-anong pangalan mo?"
"Ari.. Ari ang pangalan ko"
(Its not Ari. Its like Ariana then pinutol yung "ana". Utal ng iba jan. HAHA)
"Ah.. Ako nga pala si, kim jong in."

Ay aba, makayakap to. Di naman alam pangalan ko. Grr
"Bakit parang, napaka imposible naman na gawin nila yan sa'yo.. Imposible"
Natigil ako sa pag iyak.
Mataray ako kung minsan, at alam ko din ang mga nauusong gamit ng mga Tao. Well, akala nyo.
"Ah... So di ka naniniwala? So ano Tanga ko at pinaghahampas ko yung katawan ko ganon? Ano ako may sakit sa Utak?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top