The Mere Exposure Effect

I’m not studious, gusto kong chill lang college life ko. Pero iba pala talaga kapag tinamaan ka. Kahit hindi mo kinaugalian, nagagawa mo na rin. Katulad ngayon, nandito ako sa coffee shop para mag-review. I’m not even a fan of coffee shops, kasi to be honest, okay na ako sa 3 in 1 coffee. But ever since I found out that Mori is a part time barista here, dito na ako nag-aaral every Saturday.

Well, hindi na rin naman masama kasi linggo-linggong may deadlines. I need to stay focus and awake. Therefore, coffee shop is a good choice of environment. Kumbaga, I’m hitting two birds in one stone. Nakakapag-aaral ako nang mapayapa and at the same time, may inspirasyon ako.

“Alam mo, hindi mo makukuha si Shiftee sa ganito,” Jenna said. Shiftee tawag niya kay Mori dahil kaka-transfer niya lang sa program namin last semester.

I rolled my eyes. “Excuse me? Mere exposure effect said otherwise,” I told her and sip my iced coffee. “Social Psychology 101 tayo dito, Jenna.”

“Last year pa natin ‘yan, limot ko na ‘yan!”

“Well… ang sabi lang naman sa concept na ‘yon… We develop attraction to the people who we have seen several times,” I explained. “In my case, kilala niya na ako ever since we were kids. We live in the same street, we were schoolmates since elementary and high school, and now, classmates na rin kami sa ibang mga subjects natin. So… applying the concept and our lesson of Interpersonal Attraction Theory before, nasa checklist na ang routine activities, proximity, and familiarity.”

“Wow ang galing, kabisado pa rin mga concepts,” namamangha niyang sagot, na halatang sarcastic. “Pero… ang bottom line, you are not making a move. Pa’no mo malalaman kung effective ‘yang theory, kung walang practice?”

“Alam mo, panira ka!” At binato ko siya ng tissue. “I’m sure, we will get there. Advance lang ako, pero doon din ang patutunguhan namin,” I said while looking at Mori’s spot, and smiled.

“Ang hirap naman kasi sa’yo, ang harot-harot mo, pero pagdating sa kanya, nganga!”

Maharot akong tao, pero ewan! Nakaka-frustrate na pagdating sa kanya, nahihirapan ako. Happy crush lang ‘to nung una, pero ngayon? Nangingibabaw na ‘yung inis dahil bokya!

“Ay! Oo nga pala!” anya nang may biglang naalala. “Na-check mo na ba ulit ‘yung Bumble? Nakita mo na ba ‘yung profile nya?” tanong niya. She informed me last Wednesday na may Bumble account daw si Mori. Kaya naman ako ‘tong si gaga, nag-install ulit at nag-activate ng account para lang maka-match siya. Kaso, ilang araw na pero wala pa rin.

“Hindi pa, ang pangit ka-bonding ng Bumble!”

“I-check mo nga ulit. Ngayon na mismo tutal parehas kayong nasa coffee shop,” pag-uutos niya.

At bilang desperada, I obliged. Agad akong dumiretso sa bumble application para tignan. “Shit!” I cursed and blinked twice. Tama ba ‘tong nakikita ko? I showed her my screen.

“Swipe right mo na!”

I inhaled deeply. Tinignan ko muna ang pwesto ni Mori, sakto at nag se-cellphone din siya. Shit! Naka-open kaya Bumble niya? Kinakabahan ako!

Bahala na! Ginusto ko naman ‘to! Agad na akong nag swipe right sa profile nya.

BOOM!

Connected. You both like each other.

Tinignan ko ulit ang pwesto ni Mori, and shit! She’s smiling while looking at me! “Jenna, I think we have to go.”

“Ha? Bakit?” pagtataka niya.

I want to remain calm and play it cool, but shit! Hindi ko kaya! Kinakabahan ako. Parang sasabog ‘yung puso ko sa saya at kaba!

“Basta!” I told her and got my bag.

Hinayaan ko na siya at nagmadali na akong tumayo para makalabas ng coffee shop.

“One dozen of dark chocolate donuts for Noreen.”

I froze. Siya ‘yung tumatawag sa akin. Boses niya ‘yun, at ang nakakapagtaka, hindi ako nag order ng donuts! Nagkamali ba siya?

Lumingon ako at nilapitan siya nang tinawag niya ulit ang pangalan ko.

“I’m sorry, pero ‘di ako nag order,.” I told her while trying to remain calm.

“Pero para sa’yo ‘to,” she said and smiled. “‘Di ba, paborito mo ‘to?”

Nagtataka akong tinignan ang box, at mas lalong nanlaki ang mata ko nung nabasa ko ang sticky note na nakalagay doon.

Hi, crush!
Are you free tonight?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top