Chapter Two


Ilang beses na akong nagpakawala ng mga malalim na buntong hininga. Hindi ko pa rin ma-absorb ang lahat ng nangyari kanina sa Mall.

Unang araw ko pa nga lang muli dito sa Maynila pero iyon na agad ang bumungad sa akin. Nakarehistro pa rin sa utak ko ang gulat sa mga kulay brown niya na mga mata. Parang mas naging mature-looking siya sa facial hair niya at naging mas lumaki ang pangangatawan.

"Ember, are you okay?"

Napabalik ako kasalukuyan dahil sa tanong ni Tristan. Umupo siya sa tabi ko sa sofa at itinukod ang ulo niya sa isang kamay na nakapatong sa sandalan. Pinagmasdan ko siya at nakitang nakapangtulog na damit na siya. Nakaputing sleeveless at pajama.

"You seemed pre-occupied. Is there something bothering you?" dagdag na tanong niya pa. Kalmado at matamang nakatingin siya sa mga mata ko.

Malalim na napabuntong hininga ako bago siya sinagot. "Kanina pa ba ako nakatulala?"

Ilang segundo ang lumipas bago niya ako sinagot. "I think so. Kasi kanina ka pa nakatitig sa T.V. kahit commercial na. And I heard your constant deep sighs. So care to share what's bothering you?"

Tipid na napangiti ako dahil sa sinabi niya. He's really a lawyer. Kaunting kibot ay nahahalata niya. No doubt kung bakit at a very young age ay successful na siya.

"We met him," direktang sabi ko sa kanya.

Gan'on pa rin ang reaction ng mukha niya. Hinihintay ang susunod ko na sasabihin.

"We met Brave... at the mall kanina," dagdag na sabi ko.

Hinihintay ko ang magiging reaction niya. Pero ilang segundo na ang lumipas, blangko pa rin ang mukha niya.

"Tristan," kuha ko sa atensyon niya, "we met Brave kanina sa mall. Iyong medyo kulot, puti at kasingtangkad mo. At iy--"

Hindi ko natapos ang sasabihin dahil nagsalita siya. "I know."

Medyo nagulat ako sa sagot niya. "A...alam mo na?"

Tipid na ngumiti siya at umayos ng upo. Kinuha niya ang isang kamay ko para hawakan.

"I already knew the faces of those people who had been a part of your past," pagsisimula niya. Seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa akin habang pinaglalaruan ang mga daliri ng kamay ko na hawak niya.

"I was not sure at first if it was him because his face had changed a bit from the picture I have seen of him years ago.  But when I saw your reaction and how the encounter affected you, alam kong tama ang hula ko. It's really him," mahabang lintanya niya. Walang bahid na pagkainis o galit akong naramdaman sa boses niya. Parang casual na nagkukwento lang siya.

Masinsinang tinitigan ko ang mukha niya para makumpirma ko kung galit ba siya. Pero itinaas niya lang ang dalawang kilay niya habang parang natatawa na nakatingin sa akin. "What's with that look, Ember?" he asked with a chuckle.

"Hindi ka galit?"

"Why would I be mad?" natatawang balik na tanong niya sa akin.

Napa-pout ako dahil sa sagot niya. "Baka lang...kasi nakita natin siya kanina..." medyo pabulong ko na pahayag.

"Is there a reason for me to be mad?"

"Wala naman..."

"So, I'm not mad..." pinal na saad niya.

"Tristan naman eh," parang bata na pagmamaktol ko, "totoong hindi ka galit?"

"Hindi nga. Swear," natatawang sagot niya.

"Promise?"

"Haha. Kailangan ko bang magalit? Do you still love him?" pilyong tanong niya.

"No!" agarang sagot ko sa huling tanong niya. Hinang napatawa siya dahil sa naging reaction ko.

"You sound defensive," tukso niya sa akin and he chuckled.

"Ewan ko sa 'yo!"

Akmang tatayo ako pero hinigit niya ako kaya napakandong ako sa kanya. Sinusubukan kong kumawala sa mga bisig niya pero sobrang lakas niya. Ang laking tao din kasi ng lalaking 'to.

"I'm sorry, Ember..." bulong niya malapit sa tenga ko kaya medyo nakikiliti ako.

"Pakawalan mo nga ako. Nakikiliti ako. Haha."

"You smell so good..."

"Tristan! Gusto ko nang matulog. Baka nagising na 'yong anak mo. Let me go."

"No," natatawa pa ring pigil niya sa akin. "Let's talk first."

"Ano naman ang pag-uusapan natin? Bukas na lang. Malalim na ang gabi."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago nagsalita. "It's important."

Napatigil ako sandali dahil sa sinabi niya. Sinulyapan ko siya at sumalubong sa akin ang seryosong mga mata niya. "May problema ba?"

Agarang umiling siya. "No. There's no problem."

"Bakit ang seryoso ng mukha mo?"

Tipid na napangiti siya. "Do you have an idea why we came back here in Manila?"

Medyo napapaisip ako sa tanong niya. "Hindi ko rin alam. Bakit nga ba?"

Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin kaya umalis ako sa pagkakakandong sa kanya at umupo na lang sa tabi niya. Medyo kinakabahan ako sa sasabihin niya.

"We are here to fulfill the wishes of  Tito June and Apollo..."

Hindi ako nagsasalita. Hinihintay ko lang ang susunod na sasabihin niya.

"Tito had asked me a favor to help you build a business galing sa mga perang naipon niya. He prepared me for this a long time ago. Dahil alam niya na kakailanganin mo ito at ng pamilya mo one day. And that day has come. I know na kaya mo na..."

"May negosyo si Papa?" putol ko sa pagkukwento niya.

He shortly smiled and nodded. "Mga negosyo," pagtatama niya sa sinabi ko. "I have been handling them currently. Hindi ko muna ipinaalam sa iyo because I wanted to give you enough time to breathe from any problems. Alam ko ang bigat ng mga pinagdaanan mo noon. So I gave you time to heal."

Naiiyak ako sa nalaman. Wala akong idea na ganito na pala kalaki at kalayo ang naitulong ni Tristan sa akin at sa pamilya ko. He is such a selfless man.

"And for Apollo, we have to look for his biological parents. Iyon ang wish niya, right?" tanong niya pa sa akin.

Napatango ako at binigyan siya ng matamis na ngiti. Hindi na rin mapigilan ng luha ko na pumatak. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Tristan, super duper thank you..."

"Don't mention it, Ember." Hinihimas niya ang ulo ko at naramdaman ko ring sinisimhot niya ang buhok ko.

"So let me ask you this again, are you ready to open yourself for a new chapter?" bulong na tanong niya sa akin.

Hinang napatango ako.

"Even if it means that you will cross paths with people who were a part of your past?" dagdag na tanong niya pa.

Sandaling napatigil ako dahil sa sinabi niya. "Natatakot ako..."

"Don't be. I'm here," pagpapagaan ng loob niya sa akin.

Napatango na lang ako. I know na hinding-hindi niya kami pababayaan.

"Bukas we have a convention to attend. May mga politicians and businessmen na dadalo. And they migjt be there. So prepare yourself."

Alam ko kung sino ang tinutukoy niya na dadalo. Napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya. "As in bukas na agad? Tristan, natatakot ako."

"Do you trust me?" seryosong tanong niya sa akin. Kaya hinang napatango na lang ako.

"Don't worry, I am here. And I know that you're a strong woman." Matamis na napangiti siya pagkatapos ng huling sinabi.

"You should go to sleep. Malalim na ang gabi. I have to finish something first. Good night," sabi niya pa. Tumayo siya at hinalikan ako sa noo at tinungo ang study table at umupo doon habang kaharap ang laptop.

Ilang minuto pa ang inilagi ko sa couch bago tumayo at tinungo ang bed at humiga katabi ng anak ko. Hindi ako nakatulog agad dahil sa pag-iisip mg mga nalaman ko mula kay Tristan.

Handa na ba talaga ako? Kakayanin ko nga ba? Kinakabahan ako. Pero bahala na talaga bukas.

=======

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top