Chapter Three


Ewan ko ba pero parang ang bilis ng oras ngayong araw. Hindi ko na lang namalayan na nakabihis na ako at tinatapos na lang ang pag-aayos ng mukha.

Isang pulang evening gown ang napili kong suotin. Hindi masyadong revealing pero elegante ang design at pinaresan ko ito ng silver na stiletto heel. Hindi rin masyadong makapal ang make-up ko para sa event na ito. In short, simple lang.

Parang five years ago lang opposite ang lahat na style na type ko noong huling attend ko sa isang party.

Siguro I have changed a lot... for the better.

"Ember, are you done?"

Nakita ko sa repleksyon ng salamin si Tristan na nakadungaw sa may pintuan. Ang professional niya tingnan sa suot niyang three piece suit at sobrang ayos ng buhok. Nagmumukha siyang bigating CEO na napapanuod ko sa TV at nababasa ko sa libro.

Napangiti ako sa iniisip.

"Malapit na ako," tanging sagot ko na lang sa kanya.

"Okay. I'll just wait for you sa sala."

"Ahm, Tristan..."

"Yes, Hon?"

"Ang gwapo mo sa ayos mo ngayon." Hindi ko siya tiningnan nang sinabi ko ang papuri sa kanya. Nagpatuloy lang ako sa pag-aayos.

Mga limang segundo ang lumipas bago ko narinig ang sagot niya. "Thanks..."

Sinulyapan ko siya ulit sa repleksyon at nakita ang malawak na ngiti niya. "Oyy... kinikilig siya. Haha," tukso ko sa kanya.

Nahihiyang napaiwas siya ng tingin sa akin. Pero kita pa rin ang pamumula ng mukha niya. "Shut up, Ember..."

Mas lalo akong natawa sa kanya. Ang cute lang inisin ng Abogado na 'to.

"Ahm, I'll just wait for you outside..." muling paalam niya sa akin.

"Okay..."

"Ember..."

"Yes?"

"You look stunningly gorgeous as always," sabi nito bago umalis.

Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi niya dahil sa kilig. Abogado nga talaga. Kahit sa tuksuan, ayaw magpatalo.

Hay naku, Tristan.

*******

Malapit lang sa tinitirhan namin sa Makati ang five star hotel na venue ng convention na gaganapin. Papalapit pa lang kami ay may namamataan na ako ng mga luxury cars. Marami rin ang tao sa may lobby ng hotel. Nang bumaba kami ng sasakyan at binigay ni Tristan ang susi ng sasakyan sa valet, dinumog kami kaagad ng mga tao na kanina lang ay nasa lobby. Mukhang mga taga-media.

"Here, cling on my arms," offer ni Tristan sa akin. Agaran akong napakapit sa braso niya. Hindi ko inaasahan na ganito pala ka enggrande ang event na ito.

"Attorney! Attorney!" tawag ng mga reporters kay Tristan.

"Who's this girl with you?"

"Siya na ba ang bagong girlfriend mo, Attorney?"

"Is one of the country's hottest bachelors no longer available?"

"Hindi na ba single si Attorney?"

"Tatakbo po ba kayo sa susunod na eleksyon, Attorney?"

Tanging ngiti lang ang iginawad ni Tristan sa mga tanong nila hanggang sa narating namin ang red carpet. Kaya huminto kami para sa pictorial.

"Naks! Hindi ko alam na celebrity pala 'tong boyfriend ko..." tukso ko kay Tristan habang kinukuhanan kami ng litrato ng mga photographers.

"Interesado lang sila sa akin dahil sa kasama kong napakagandang babae..."

"Bolero ka talaga," natatawang sagot ko sa kanya.

"I am not joking. You look stunning tonight, Hon," sabi niya habang diretso ang mga titig sa mga mata ko, "kaya nga nabihag mo ang puso ko."

Napangiti ako sa kabaduyan niya. "Corny mo, Attorney!" basag ko sa kakornihan niya kaya sabay kaming napabuhakhak ng tawa.

"What a sweet couple!"

"Ganda ng kuha ko! They look so in love with each other!"

"Ang ganda ng girlfriend ni Attorney. Bagay sila..."

Napahinto ako sa katatawa. Nalimutan kong may mga photographers pala. Nahihiyang napailing na lang ako. Sa katatawa ko, baka ang pangit ng mukha ko na mga kuha nila. Naku, pipiktusan ko talaga sa tenga si Tristan 'pag ganun.

"Nandito na si Mister Brave Christiano!"

Agad na nagsilipatan ang ibang mga photographers patungo sa mga bagong dating. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa marating ng paningin ko si Brave. Kasama niya si April na wagas kung makakapit sa braso nito.

Saglit na nagtagpo ang mga paningin namin. Ilang segundo lang pero parang hanggang kaluluwa ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Seryoso ang mukha nito habang magkasalubong ang dalawang kilay. Ako na lang ang unang bumitaw sa titigan.

"Mas maganda ka sa mga 'yan," bulong ni Tristan sa may bandang tenga ko.

"Sira!" hinang hinampas ko siya sa balikat.

"Sus... ang pangit naman ng Ex mo," dagdag na reklamo niya pa.

Natawa ako sa naging pahayag niya.  "Haha. Hindi ko siya Ex no! Tara na nga..." Baka kung anu-ano pa ang sasabihin niya.

Bago ako tumalikod ay nahagip ng paningin ko si Brave na diretso pa rin ang titig sa mga mata ko. Sobrang dilim ng mukha na parang mangangain ng aso.

Ano na naman ang problema nito?

Ipinagkibit-balikat ko na lang at tumuloy na kami sa Grand Hall. Pagkapasok ay sinalubong kaagad kami ng mga usherettes. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar. May malaking kumikintab na chandelier sa gitna. Maraming mamahaling tables at chairs na may mga mamahaling kitchenware. Sa harap ay ang stage na may malaking LED. Sa may bandang kanan ay ang mga desserts at pagkain.

Naalala ko kaagad ang Bruha sa pagkain. For sure kapag nandito 'yun, pagkain ang unang pupuntahan niya.

"Ma'am, Sir, please follow me po," putol ng isang usherette sa pagmamasid ko sa paligid.

Sinundan namin siya hanggang sa narating namin ang aming table. Napangiti ako dahil nasa sulok ang pwesto namin at kami pa lang ni Tristan ang nasa table.

Nagkwentuhan lang kami ni Tristan habang hinihintay ang program na magsimula. Unti-unti na ring dumadami ang mga tao. Tawa lang ako ng tawa sa mga baduy na kwento ni Tristan. Napuputol lang ang aming kwentuhan kapag may kumakausap sa kanya na kilala niya. Sobrang formal niya kapag ang iba ang kausap niya.

"Tristan, bakit ang formal mo kapag iba ang kausap mo? Pero 'pag ako, puro kabaduyan ang lumalabas diyan sa bibig mo?" natatawang tukso ko sa kanya.

"Hon, willing akong maging baduy habang buhay para sa 'yo..."

"Eww, ang corny mo po, Attorney. Haha..."

"Is this seat taken?"

Natigil ang kulitan namin ni Tristan dahil sa nagsalita. Nakita ko si Brave sa harap habang diretso ang titig sa mga mata ko. Hindi ko nakita si April na kasama niya. Siya lang mag-isa.

"Yes, that's already taken," kalmadong sagot ni Tristan sa kanya.

"Then where is the person who occupied this seat?" tanong pa nito na  may paghahamon ang tono ng boses.

"Mister de Loyola, you were used to this kind of event and I know that you know na may kanya-kanyang assigned seats ang lahat ng dadalo." Ramdam ko na medyo naiinis na si Tristan

"Relax, dude. I was just asking," nang-iinis pa rin ang tono ng boses na saad nito.

Kita kong napakuyom ng kamao si Tristan habang umiigting ang paa. Hinawakan ko kaagad ang kamay niya na nakapatong sa lamesa para pakalmahin.

"Brave, that seat is already taken..." Sinalubong ko ang madilim niyang titig sa akin.

Napatingin siya saglit sa magkapatong na kamay namin bago niya ako muling tiningnan ng diretso sa mga mata. "Oh, I thought you don't remember me, December..." hambog na sagot niya na may smirk sa labi.

Sarap tampalin ng bibig.

"Anyway, nice meeting you two. See you around," dagdag na sabi nito bago tumalikod paalis.

Bwiset talaga kahit kailan!

*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top