Chapter Five


"What took you so long, Hon?" salubong na tanong ni April sa akin nang nakabalik ako sa table.

I smiled at her and sat down. "I encountered someone I knew at the restroom," sabi ko sa kanya. "A friend of mine from college," pagsisinungaling ko pa sa kanya.

She just nodded and put her attention back in front.

Although the encounter with December a while ago wasn't pleasant, I still couldn't help myself from smiling. Lalo na kapag naaalala ko ang masungit niyang mukha. We were just a meter apart. Nakatatak pa rin sa isip ko ang buong parte ng mukha niya. And her scent still lingered inside my nose.

It's sweet.

If I was not able to control myself back then, I might have sealed the distance between us and claimed her lips. I still regretted of not doing it though.

What magic are you using on me this time, December?

Tiningnan ko muli ang table nila. I saw that her energy was still the same. She's still laughing with whatever cheesey jokes the jerk was telling her. It's as if our encounter didn't affect her even the slightest. I clenched my jaw.

"Kung gusto mo siyang kausapin, you can approach her."

I froze when I heard April spoke. It's like all the blood inside my body drained down. Nilingon ko siya para sagutin. Pero naunahan niya ako...

"Hindi ko alam anong pinag-usapan niyo sa banyo sa tagal ng oras ang ginugol mo d'on," saad pa nito, "I already knew she's here, Brave. And I confirmed the reason of your uneasiness kanina pa. It's because of her."

I couldn't utter even a single word. I didn't know how to answer her. Kahit na kalmado lang ang tono ng boses niya habang ang atensyon ay nasa stage, pero alam kong galit siya lalo na't tinawag niya ako sa pangalan ko.

She then looked at me in the eyes. Her eyes sparkled with pain. Napayuko ako dahil sa inis sa sarili. "Gusto mo pa ba siya?" medyo nanginginig na boses na tanong niya sa akin. Her expression was as cold as ice.

Hindi ako nakasagot.

Realization struck me. I hurt April dahil sa katangahan ko. I reached her hand on the table. "Hon, I'm sorry. It's not what you think it is."

She didn't say anything. Binawi niya lang ang kamay niya at tsaka tumayo. She got her bag on the table and turned around then started walking away.

Mabilis ang lakad niya palabas ng convention hall. Kaya medyo napatakbo ako para mahabol siya. I was able to catch up with her near the elevator.

"Hon, let me explain." I was trying to catch her eyes pero hindi siya tumitingin sa akin. Dumiretso lang siyang pumasok sa loob at pinindot pasara ang elevator.

I tried to stop the elevator from closing when I saw the tears streaming down her face. I froze. My mouth remained shut. Until she disappeared in my sight as the elevator totally closed.

Nakatayo lang ako sa labas ng elevator nang ilang minuto. My mind was totally blank. I balled my fists when I recalled the so much pain in her eyes because of me.

'You are such a jerk, Brave. You are such a jerk!'

Hinampas ko ang dingding habang patuloy na pinapagalitan ang sarili. Napakalaking gago ko. I hurt my fiancee who did nothing wrong but only love me so much.

*****

Katatapos pa lang ng event. Subalit marami pa ring tao sa convention hall. Ganito talaga ang kadalasan ng event ng mga bigating tao. Half of its time is the formal presentation while the other half is the casual talks and acquaintances with the other guests pagkatapos.

Mga ilan-ilan na rin ang nakausap namin ni Tristan. Kadalasan ay mga businessmen at politicians. Lumayo muna ako kay Tristan kasi baka sasabog utak ko dahil sa pinag-usapan nila. Hindi ako maka-relate.

Pumunta na lang ako sa may pagkain. Inisa-isa ko ang mga desserts na nasa lamesa para pumili. Natigil ako sa ginagawa dahil sa isang pamilyar na boses...

"December..."

Napaangat ako ng tingin sa babaeng tumawag ng pangalan ko. Nakita ko si Patricia na diretso ang tingin sa akin. Nakasuot siya ng Filipiniana na puti. Maayos na nakaligpit ang buhok at may suot na mga kumukinang na alahas at may bitbit na mamahaling bag.

Postura ng isang politiko.

Sinalubong ko ang mga titig niya. Hindi nag-iba ang mukha niya. Maamo at para pa ring isang babaeng hindi makabasag pinggan. Pero ang totoo ay nasa loob ang pagiging satanas.

"Hello, Governor. Do you need something?" kalmadong pahayag ko. Hindi ko pa rin iniaalis ang mga titig ko sa kanya.

"Ahm. Just call me Patricia, Ember," mahinhin na sagot nito.

Pinipigilan ko ang sarili na huwag siyang sampalin sa mukha. Nasusuka ako sa balat anyo ng satanas na 'to. Siya pa talaga ang pumalit sa demonyong si Mirasol.

Ubos na ang tatlong terms ni Mirasol bilang Governor sa Cebu kaya tumakbo itong Vice Governor. At itong si Patricia ang bagong tumakbo bilang Governor. Sa galing mag-balat anyo ng dalawa ay walang duda na nanalo sila.

"Maging proud ka, Governor," ngising pahayag ko, "ilang milyong tao sa Cebu ba naman ang naloko niyo."

Hindi siya sumagot sa sinabi ko. "Ember," mahinhin pa rin ang sampit niya sa pangalan ko, "I know that I have done something bad to you. I don't know if you could still forgive me. But I am so sorry for what I have done."

Napakuyom ako ng kamao. Kumukulo ang dugo ko sa satanas na ito. "Sige patatawarin kita..."

Kita ko ang gulat sa mga mata niya. "Ta...laga?" nauutal na pagsisigurado niya.

"Oo," agad na sagot ko sa kanya, "basta buhayin mo si Apollo at Tatay ko."

Lumungkot ang mukha nito. Ilang segundo bago ito nakasagot, "I was also sad of what happened to Apollo and Tito June. I just got emotional that time because I couldn't believe that Apollo died before my eyes."

Wala akong pakialam sa mga lumalabas sa bibig niya. Nanginginig ang buong kalamnan ko habang inaalala ang pagkamatay ni Apollo at Tatay. It's been five years pero sariwa pa rin ang sakit sa aking puso sa pagkawala nila.

"That's why I convinced Tita Mirasol to drop the case against you. And I granted Tito June's request to have Apollo's remains be with you," mahabang paliwanag niya.

Pero hindi nababawasan ang puot sa aking puso sa sinabi niya. "So dapat pa ba akong magpasalamat sa ginawa mo?"

"That's not what I meant, Ember," pagsusumamo niya. Sinubukan niyang lumapit pa lalo sa akin. Pero itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya.

"Huwag kang lalapit sa akin kung ayaw mong masampal kita sa mukha," banta ko sa kanya.

Bago pa siya makapagsalita, tumalikod na ako at naglakad palabas ng convention hall. Baka di ko mapigilan na saktan siya.

Habang nasa loob ng elevator, hindi ko mapigilan ang pag-agos ng mga luha sa mata ko. Parang sinaksak sa sakit ang puso ko.

Miss ko na si Apollo at si Tatay.

Nakarating ako sa rooftop ng building. Tinungo ko ang dulo para makita ang nagkikislapang ilaw ng mga buildings sa Makati. It somehow made me relax. Kahit papaano ay nabawasan ang pighati ng aking nadarama.

Basta pagdating kay Apollo at Tatay ay hindi ko mapigilang maging emosyonal. Halos isang oras ang inilagi ko sa rooftop.

"What are you doing here?"

Nagulat at napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko ang seryosong mukha ni Brave na matamang nakatingin sa akin. Ilang pulgada lang ang layo niya sa akin.

Hindi ko alam ano ang ginagawa niya dito.

Napabuntong hininga ako. "Brave, not now, please," pakiusap ko sa kanya. Wala na akong lakas para makipagbangayan sa kanya.

"Did you cry?" tanong pa nito. Hindi pinansin ang sinabi ko.

Dali-dali kong pinahiran ang mukha. Subalit, mas lalo pang umagos ang mga luha sa mga mata ko.

Namalayan ko na lang ang init nang katawan niya na nakabalot sa akin. Napasubsob ako sa may dibdib niya hanggang sa napahagulhol na ako.

"Shhhh," pag-alo niya sa akin, "I hate to see you cry."

Wala na siguro akong lakas para kumawala sa mga bisig niya. Basta ang alam ko, medyo gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top