Chapter 5(Hurt)

Vince told her what had happen to his mom the day na supposedly ay magkikita dapat sila.

Bigla na lang daw may tumawag na staff sa office ng mommy nito sa kanya and told him na dinala ng mga ito ang mommy ni Vince sa hospital dahil na stroke daw ito and worst nabagok daw ang ulo nito sa kinabagsakang semento, kaya under observation ito ngayon at nasa critical condition.

Makikitang sobrang nag-aalala si Vince sa mommy nito dahil ni ayaw nitong umalis sa labas ng O.R inilipat na kasi ang mommy nito sa O.R for the operation at hihintayin daw niya ang doctor na nag opera sa blood cloth na nabuo sa ulo ng mommy ng binata.

Since ayaw nitong lumabas para kumain she offered na siya na lang ang bibili ng pagkain nito sa labas dahil nag aalala na din talaga siya sa kalagayan ni Vince kasi hindi pa ata ito nakakapagpahinga dahil sa pagbabantay sa mommy nito magmula ng dalhin ito sa hospital.

"I will buy food for you Vince Okay---kelangan mong kumain para may lakas kang magpuyat kahit paano."Pagpapaalam niya dito, bahagyang tumango lang ito sa kanya kaya umalis na siya.

Pagbalik niya sa labas ng OR ay hindi niya ine-expect ang madadatnan niya.

Vince is screaming loudly sa harap ng doctor habang kinakalma ito ng mga naroong staff ng hospital, nabitiwan tuloy niya ang hawak na pagkain dahil agad niya itong dinaluhan.

"V-Vince calm down ---
W-what happened?" She asked him tsaka Tumingin siya sa gawi ng doctor habang yakap yakap niya si Vince na naglulupasay ng iyak and was being emotional.

"Im sorry miss but his mom is gone." Saad ng doctor na sobrang ikinayanig niya din at sandaling natigilan, she instantly hug him tight dahil dama niya ang sobrang sakit na nararamdaman nito that moment.

Hindi niya alam kung paano niya aaluin si Vince na ngayun ay halos madurug na ang semento sa suntok nito.

"B-babe,--- Calm down please Im here."
She muttered while crying, she could really feel his emotions and how hurt he was right now.

"M-my mom,---
my mom is gone Sam! Ohhh god I - I can't believe this!!---- How could she leave me so early!?." Palahaw pa din nito at pakiramdam niya pati siya ay nasasaktan sa nakikita niyang lagay nito ngayon.

"Ssshhhh I know babe maybe god has other plans for her and even though she was gone physically I know that she's still be watching you."

Pagpapagaan niya sa loob nito kahit alam niyang sobrang hirap nito para kay Vince. But that was the only words she could tell him hoping he would feel better but she knew he wouldn't.

She never met his mom personally but base sa mga kwento nito sa kanya his parents were separated when he was barely 10 years old, his dad was based on the United kingdom and has businesses over there while her mom is working in a big company dito sa Pilipinas at naiwan di umano ang custody niya sa mommy nito dahil talagang ipinaglaban di umano si Vince ng mommy nito sa korte, naalala pa niya na habang nagku-kwento ito about his mom ay sobrang ngiting ngiti ito that just proved how he really loves her so much.

And he also told her na once a year siyang pumupunta sa daddy nito sa U.K para sa bakasyon so nakakasama pa din naman nito ang ama at okay naman ang relationship nito with his dad.

Vince obviously was a mama's boy base sa mga kwento nito and she could see it now on how he cried for his mom's death.

That night tinawagan niya ang parents niya para ipaalam na hindi muna siya uuwi ng gabing yun para samahan at damayan si Vince. She explains to them that her boyfriend needed her because his mom just died at as expected ay nagulat ang mga magulang niya sa sinabi niya kasi hindi naman alam ng mga ito na may boyfriend na siya, sadya kasing hindi niya ito ipinaalam sa mga magulang niya because she was scared na pagbawalan siya ng mga ito and the fact that she was still a minor by that time, she was just 17 and Vince was 19.

They were too young for love but what the heck! she didn't care what other people might think, basta ang alam lang niya she loves Vince so so much.

Pang-limang gabi na ng burol sa mommy ni Vince at ni minsan hindi ito umaalis doon at napaka tyaga nitong magbantay sa ina, dumating na halos lahat ng relatives ng mga ito including his dad na nakilala na din niya.

Everyday after class diretso na siya sa chapel sa burol ng mommy ni Vince para samahan ito at damayan ito.

Hindi na din ito nakakapasok sa mga klase nito mula ng mamatay ang mommy nito. She could see him breakdown often and it kills her seeing him like that, ang sakit makita itong ganoon kalungkot na pati siya ay naapektuhan na din.

Even her parents ay sinabihan na din siyang ang pag aaral niya ang atupagin but she insisted that Vince needs her at sinabi pa niyang maglalayas siya pag pinagbawalan siyang puntahan ito.

Ganun na siya kahibang kay Vince na pati parents niya ay susuwayin niya makasama lang ang binata.

On his mom's last night lahat ng kamag anak at malalapit na kaibigan ng pamilya ay nagbigay ng honor sa namatay at may isang babae siyang namataan na naroon yung babaeng Nica daw ang pangalan, ito yung kausap ni Vince sa Corridor nung mag away sila.

And the girl was with an older woman na hawig nito maybe her mom. Naisip niya.

Lumapit ang mga ito kay Vince at nagcondolence sa binata and Nica kiss Vince on his cheeks. Agad siyang nakaramdam ng iritasyon ng makita ang ginawa nito but manage to stay calm para na din sa nobyo.

"Vince You can always count on me." Sabi pa nito at yumakap pa sa boyfriend niya na ikinataas naman niya ng kilay at biglang nanggigil sa malanding hitad na dumating.

Kung hindi lang sila nasa harap ng patay kanina pa niya hinila ang buhok nito. The girl was pretty at slim ito, para ding chinita maybe her mom and Vince mom were friends base kasi sa reaksyon ng ina nito paglapit sa kabaong ay sobrang iyak din ang ginang.

Nakatingin lang siya kay Nica at Vince while they were talking tumabi na kasi ito kay Vince ng upo sa first row ng upuan samantalang siya ay nasa likod ni Vince sa second row.

Sobra siyang nanggigil but stops herself to show it to Vince. At nagpatay malisya na lamang.

Kinabukasan nandun na ang lahat sa sementeryo dahil its now time na ihatid ang mommy ni Vince sa huling hantungan.

The whole family was so sad about their lost loveones, specially Vince na halos magwala ito ng ipapasok na ang mommy nito sa hukay she was at his back and she could feel his loneliness at pain alam niya na pagkatapos mailibing ng mommy nito ay doon pa lamang mararamdaman ni Vince ang pagkawala ng ina. All she could do that is to tap his back at alalayan ito habang nakatunghay sa nobyong sobrang naapektuhan sa maagang pagkawala ng mommy nito.

"Mommmm!!!!!----- Ahhhhhh, please come back----p-pleasee!!!" Palahaw na sigaw ni Vince ng tuluyan nang maibaba ang kabaong ng mommy nito.

Sam could feel his pain and she was crying too while hugging him.

"Shhhh--- t-tahan na b-babe, I know your mom will watch over you kahit di mo na siya makikita." Pag-aalo niya sa nobyo habang panay pa din ang palahaw nito.

Nakauwi na ang lahat except her and Vince, ayaw pa kasi nitong umuwi kaya hinayaan na muna ito ng daddy nito and she could see how his dad supported him all throughout na nakaburol ang mommy ni Vince. His dad was always there para alalayan ang binata at napaka bait din ng matanda sa kanya, madalas siya nitong pasalamatan sa hindi pag iwan sa anak nito sa ganoong pagkakataon ng buhay nito.

"Ako na hong bahala kay Vince tito, you dont have to worry." Pagbibigay assurance niya sa daddy ni Vince ng magpaalam itong mauuna ng umuwi. Tumango at ngumiti ng tipid sa kanya ang daddy ni Vince bago sila iniwan and leave.

Naiwan silang dalawa ni Vince sa tabi ng puntod ng mommy ng nobyo na kasalukuyang sinesemento pa lamang.

They were there for almost an hour na at bahagya ng dumilim ang langit kaya inaya na niya itong umuwi na.

"Babe I think we need to go. Baka umulan."
Yakag niya sa nobyo habang nakamata lang sa puntod ng mommy nito.

"I don't want to leave my mom Sam--- Im staying here." Sagot nito at para itong batang nangungulila sa ina na ayaw iwan ang puntod.

"I- I know it's hard but you have to let her go.

V-Vince your mom didn't want to see you like that--
Please babe be strong naman oh." She insisted at pagpapalakas niya sa loob nito, awang awa siya sa binata.

Sam embrace him from his back and told him she will never leave him at dadamayan niya ito at any cost kahit pa magalit ang mga magulang niya. Ngayon siya kailangan kailangan ng nobyo kaya hindi niya ito iiwan ng ganoon ito ka-miserable.

At ng marealize siguro nitong uulan na ay
tumayo na din ito at magkahawak kamay na silang umalis sa sementeryo. Alam niyang mabigat ang loob ni Vince to leave his mom but they had to go.

*Next Chapter*

Please follow for updates 😊❤❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top