Chapter 5
Malaki ang Ngiti ko ng magising ako...Dahil nakita ko na naman ang lalaki na siguro ako na gusto ko...Nakita ko na naman siya sa panaginip ko...pero kilala ko siya sa panaginip ko pero pag-kagising ko hindi na...
Dream
Nandito ako sa library...dahil wala si liza dahil may klase pa siya wala din si mawi kaya dito nalang muna ako tumambay.
laking gulat ko ng may bigla ma-upo sa harap ko...Siya yung lalaki sa garden
kanina...
"Miss, why are you staring?" Masungit niyang tanong at dun ko lang napansin na tulala na ako naka tingin sa'kanya.
kaya dali-dali ako nag-iwas ng tingin saka binalik ang mga tingin sa libro animo'y walang ngyari.
Narinig ko siya ngumisi kaya mariin ko nakagat ang labi ko...Dahil sa kilig...
"Kristine right?" Bigla niya tanong kaya napatunghay ako at dun ko napansin na deretsyong siyang nakatingin sa'kin...
"Y-Yeah..." Nahihiya kong sagot narinig ko naman siya ngumisi. 'Ang hilig niya ngumisi. "Don't be shy,Little girl." Saad niya saka tumayo at umalis. napaawang naman ang bibig ko.
Little girl? Ano daw! mukha ba akong bata?
End of Dream
Medyo nainis ako kasi sa panaginip ko tinawag niya akk little girl...Mukha ba akong bata sa'kanya?
Malaki ang ngiti ko ng bumaba ako, agad ko nakita si mame na tahimik na umiinom.ng Kape sa Coffee table sa Sala.
"Morning Mame!" Masigla ko bati sa'kanya, dun ko lang napansin na may kausap siya sa Cellphone niya.
"Oo Besh sige ba! kailan ba?...Sige...Sure na yan
ha?...Sige...Bye..." Rinig kong sabi niya sa kausap niya, Nag-lakad nalang ako sa Dinning room saka umupo at nag-simula kumain ng Pansit.
Kahit Ang dami mamahalin na pag-kain nila mame dito sa bahay ay gusto ko lagi ng pansit ewan ko ba.
***
"Liza may sasabihin ako
sayo." Bulong ko kay liza na nasa tabi ko nakain naman ng Spaghetti na may Mangga hinog. Hindi ko talaga alam kong ano ngyayari sa'kanya.
"Ano yun?" Tanong niya habang tuloy pa'rin ang pag-subo ng spaghetti. bahagya ako napangiwi dahil wala talaga normal na tao na kakain ng Spaghetti na may manga.
"May nagugustohan na
ako..." Pag-mamalaki ko natigil naman siya sa pag-subo saka deretsyo tumingin sa'kin. "Sino naman?" Interesado niya na tanong. kahit ako siguro si liza ay maiinterest ako sa kaibigan ko na ngayon lang nag-kagusto sa buong buhay niya.
"Hindi ko kilala, pero gusto ko siya." May-ngiti sa labi ko sabi habang nakatingin sa kisame ng canteen.
"Ehh...Paano mo nalaman na gusto mo siya tapos hindi mo kilala..." Natatawa niyang sabi, napanguso naman ako tamo tinatawanan niya lang ako. "Hindi ko naman kasi talaga kilala!" Depensa ko pero tumatawa pa'rin siya tumigil lang siya sa pag-tawa ng kunin ko bigla ang pag-kain niya.
"Dina ako tatawa akin
na'yan." Para siya bata na mamaiyak kaya agad ko binigay yung pag-kain niya. "Kasi sa panaginip ko siya nakikita." Mahina kong sambit umawang naman ang bibig niya.
"Nag-kagusto ka sa taong tangi sa panaginip mo lang nakikita?" Hindi niya makapaniwalang tanong tumungo-tungo namana ako.
"Paano?" Naguguluhan niya pa'rin sabi. na pabuntong hiningan naman ako...Paano nga ba? Hindi ko din alam...
"Hindi ko din alam...Pero basta ang alam ko gusto ko siya." Singhal ko saka ngumiti.
"Makikita ko kaya siya?" Tanong ko, narinig ko naman siya ngumisi. "Hindi." Seryoso niyang sagot kaya napawi ang ngiti ko.
"Paano mo nasabi?" Hindi ko alam bigla ako nalungkot.
"Dahil Imposible mang-yari yan...Gawa-gawa lang siya ng isip mo,Kristine..." Alam ko nag-sasabi siya ng totoo ko pero parabg kusang umaasa ang sarili ko na makikita ko din ang lalaking nasa panaginip ko. "Makikita ko siya."
"Weird..." Yun nalang ang nasabi niya saka pinag-patuloy ang pagkain.
Sana nga...Makita ko siya...
Naglalakad ako sa school kasama si liza kakagaling lang namin sa canteen.
habang nag-lalakad kami ay hindi ko sinasadya na mapabaling ang mga mata ko dun sa isang lalaki na naka-head phone gwapo,matangkad,maputi at mukhang mayaman.
tahimik siyang nag-lalakad papunta sa enginering department. Mag-engineer siya?
Pero napaiisip-isip ako...Parang ngyari na ito? pero hindi ko tanda kung saan.
Hindi ko nalang ulit inalala yun. dahil mas inaalala ko yung exam ko!
Halos mahugod ko ang hinga ko ng matapos ko yung exam namin. Excited na agad ako sa resulta.
Nandito kami ngayon ni Liza sa Garden habang naka-upo sa bench wala si mawi dahilag-dadate pa daw sila ng boyfriend niya.
"Tingin mo papasa tayo?" Tanong ko may Liza agad naman siyang tumungo saka ulit binalik ang tingin sa cellphone niya.
tatayo sana ako mula sa pag-kakaupo ko ng bigla mahagip ng mata ko yung lalaking nakita ko kanina na nag-lalakad.
Takte Parang ngyari na talaga ito hindi ko lang talaga matandaan kung saan...
naka sandal siya sa ilalim ng puno habang nakapikit at may naka-pasak na Headphone sa tenga niya.
Bakit parang ngayon ko lang siya nakita? or sadyang hindi lang ako gala kasi taga engineering department siya. sa laki ba naman ng school na toh hindi ko naman magagala ang buong school. dahil sa buong building palang ng Business department ay hindi kona kayanin ikotin buong school pa kaya.
kakausapin ko sana si liza pero pag-lingon ko ay may nakapasak na earphone sa tenga niya kaya tumayo ako saka bahagyang lumakad papunta dun sa natutulog na lalaki.
halos isang metro ang layo ko sa'kanya habang pinag-mamasdaan ko siya pero laking gulat ko ng bigla siya mag-mulat saka deretsyo tumingon sa'kin kaya napa-atras ako ng kaunti.
"H-Hello..." Akward kong bati tinaasan niya lang ako ng kilay saka muli pumikit. Lumapit pa ako ng kaunti sa'kanya pero mukhang naramdaman niya ulit ang presensya ko.
"Miss?, bakit moko tinitignan?" Masungit niyang tanong sa'kin. Hindi ko din alam kung bakit ko ba siya tinitignan!
"Ah Ngayon lang kasi kita nakita..." Pag-sisimula ko umayos siya ng upo saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
Wala naman problema sa damit ko. dahil fited jeans na blue ang suot ko pang ibaba habang ang pang-itaas naman ay kulay maron na t-shirt na may tatak kung anong course namin.
"Kristine Mikhaela Abel..." Bigla niyang imik habang ang mga mata ay nasa ID ko.
"Kris nalang." Nahihiya ko pa'rin Sambit.
Hindi siya sumagot at dun lang ako natauhan kung sino ang nasa harap ko...
Siya ang lalaki nasa panaginip ko...Pero paano ngyari na makilala ko siya...sa totoong buhay ko...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top