Chapter 4
Lumipas Ang ilang araw ay Mas lalo ako na weridohan kay Liza. Sino ba naman ang iiyak dahil ayaw ko lang bumili ng Saging na may Ketchup.
Eh nakakatanga naman kasi saging with ketchup sino abnormal ang kakain nun.
Matalim ako nakatingin kay Liza na Parang bata na kumakain ng Cake na may Hot Sauce sa ibabaw.
Kakaiba talaga!
"Gusto mo?" Alok pa niya sa'kin napa-ngiwi ako saka umiling. Tumungo lang siya saka pinag-patuloy ang pag-kain.
Weirdo talaga niya ngayon.
Pag-katapos niya kumain ay umalis na kami ng Canteen. at saka nag-lakad papunta sa building niya.
Tahimik kami nag-lalakad ng bigla siya tumigil kaya bahagya ako nagulat. Tulala siyang naka-tingin sa Building, ng sinundan ko ng tingin ang tinititigan niya ay dun ko nakita si nico na nakatayo sa Classroom ni Liza.
Sa Pag-kakaalala ko ay Sa Enginering department si Yumi...Bakit siya nasa Humaties Department?
"Ahm...Kristine pwede ba maki sit in muna sainyo?" Bulong na tanong sa'kin ni Liza, Kumunot ang noo ko pero wala akong nagawa kung di tumungo nalang.
Tumalikod na kami saka nag-simula pumunta sa kabilang daan. Gusto tanongin si Liza, dahil sa mga lumipas na araw napapansin ko ang pag-iwas niya kay nico. pero sinabi ko nalang sa isip ko siguro paraan niya yun para mag-move on.
***
Nandito kami ngayon ni Liza sa Condo niya. pag-katapos ng klase ko kanina ay nag-yaya na agad siya umuwi kaya pumayag nalang ako.
Tinignan ko siya ng deretsyo saka mahina natampal ang ulo.
Naka-luhod siya ngayon sa Toilet at Nag-susuka kahit wala naman lumalabas.Tsk! Kain pa kasi ng Cake na may Hot Sauce sino ba naman hindi susuka dun.
Pailing-iling akong lumapit sa'kanya saka dinampot ang Tissue at agad inabot sa'kanya.
"Salamat..." Sabi niya matapos tumayo mula sa pag-kakaluhod. "Ano ba ngyayari sayo?" Medyo inis kong tanong. dahil sobrang weirdo na niya hindi ganyan ang liza na kilala ko.
Tumingin siya sa'kin saka ako nilagpasan at lumabas ng Cr. Napa-buntong hininga nalang ako.
Lumabas na din ako ng Cr at kita ko siya umiinom ng tubi sa kusina."Wala ka bang sakit?" Medyo nag-aalala kong tanong umiling lang siya.
"Hindi ka paba Uuwi?" Bigla niyang tanong halos umawang ang bibig ko dahil sa tanong niya.
'Pinapunta ako dito.' Tapos papauwiin agad wala pa nga akong isang 'oras.' nandito.
"Sure kaba na ayos ka lang?" Pag-iiba ko sa usapan tumungo naman siya. "Ayos lang ako, Umuwi kana baka hinahanap kana nila tita." Utos niya tumungo nalang ako saka nag-lakad sa sala at kinuha ang bag ko.
Mabilis akong Sumakay ng Taxi pag-kakaba ko ng building, mabilis ko kinuha ang Cellphone ko ng bigla yun tumunog laking gulat ko na si Nico ang tumatawag dun. first time niya tumawag sa'kin.
Oo, Kilala ko si nico pero hindi kami yung tipong close. dahil nakilala ko lang siya, dahil aky Liza at kasali nga siya sa banda ng School namin.
Huminga muna ako ng malalim saka sinagut ang tawag.
"Hi." Pormal kong Bati kahit sobra na ako kinakabahan.
"Pumapasok paba si Liza?" Tanong niya agad na kinakunot ng noo ko. 'Ano ba ng yayari sa kanila?' Sasabihin ko sana sa'kanya ang totoo ng maalala ko ang pag-iwas sa'kanya ni Liza kanina.
"Oo naman pero hindi pa siya nakakapasok ngayon eh May-pinuntahan." Pag-sisinungaling ko kahit labag sa kalooban ko ay wala akong magawa...Dahil mas mahalaga sa'kin ang nararamdaman ng kaibigan ko.
"Saan siya nag-punta?" Aligaga niyang tanong, halata sa boses niya ang pag-aalala.
"Hindi ko alam ehhh."
Narinig ko siya Bumuntong hininga saka nag-salita."Sige,Pag-nalaman mo kung nasaan siya sabihin mo ha..." Sambit niya pa saka pinatay ang tawag.
Ng makarating ako ng bahay, ay medyo ako nainis ng makita ko ang sasakyan sa labas na alam ko hindi sa'amin at kilala ko ang may-ari nun.
"Mame!" Sigaw ko ng makapasok ako ng bahay na pabaling naman ako sa lalaking naka-upo sa sofa, na malaking nakangiti sa'kin.
"Bakit ka na naman nandito?" Pag-tataray ko ayaw ko siya tarayan pero wala akong magagawa. kung hindi ko siya tatarayan ay hindi siya titigil.
Gwapo,Matangkad,Moreno at Mayaman si Vio, Pero kahit ganun siya ay kahit kaunting katiting ay hindi ako nakaramdam ng attraction sa'kanya.
"Anak, Wag mo naman tarayan si Vio." Biglang Saad ni Mame na bagong sulpot lang mula sa taas. "Ayos lang po tita." Magalang na sabi ni Vio, palihim ako napairap.
"Umuwi kana." Saad ko saka nag-lakad papuntang hagdan. Narinig ko pa si Mame na humingi ng paumanhin kay vio, nakokonsensya ako sa ginagaw ako sa'kanya, pero ayoko naman siya paasahin...Dahil alam kong wala dalagang pag-asa sa'kin si Vio.
Mabilis na Ligo ang ginawa ko saka ako bumaba pag-kababa ko ay laking gulat ko na makita ko pa'rin si Vio na naka-upo sa dinning room at masaya na nakikipag-kwentohan kay Dade.
Tahimik nalang ako umupo saka nag-simula kumain, hindi ko binigyan pansin si vio hanggang sa matapos kami makakain, aakyat na sana ako ng bigla ako tawagin ni dade at utusan na ihatid si Vio sa labas wala naman ako nagawa kung di ang tumungo.
Ng Makarating kami Sa labas ay bigla nag-salita si vio ng nasa tapat na kami ng sasakyan niya.
"Wala ba talaga pag-asa, Kristine?" Ramdam ko sa boses niya ang sakit. "Wala." Sagot ko, Tumungo-tungo naman siya.
"Pero...Bakit?" Malungkot niyang tanong, bahagya naman ako nag-taka. "Anong bakit?" Taka kong tanong sa'kanya.
"Bakit hindi moko magawang bigyan ng pag-asa?, Bakit hindi moko magawang hayaan na iparamdam sa'yo ang pagmamahal ko?, Bakit?" Sunod-sunod at naluluha niyang tanong sa'kin, Tumingala ako para matitigan siya ng maayos saka ako dahan-dahan na yumuko.
"Dahil...Ayoko na umasa ka...Ayoko na masaktan ka..." Mahina kong sagot.
"Sa tingin mo hindi moko nasasaktan?" Hirap niyang Saad saka mahina pumiyok. Alam ko pinipigilan niya maluha...
Dahil hindi nag-papakita ang mga lalaki na umiiyak sa babae...
"Alam ko...Alam ko na nasasaktan kita...Kaya nga hindi kita binibigyan ng pag-asa, kasi alam ko mas masasaktan ka kapag-umasa
ka." Hirap man ay mas pinilit ko pakakmahin ang sarili ko.
Tulala siyang tumingin sa'kin hindi ko na siya hinintay sumagot saka nag-madali tumalikod sa'kanya pero hindi pa ako nakakalayo ng bigla siya umimik.
"May iba ka bang gusto? Kaya hindi moko magawang gustohin?" Halos pumiyok niyang tanong sa'kin mariin ako pumikit saka pumihit pa harap sa'kanya.
"Oo...May-iba akong gusto..." Seryoso ko sagot saka siya nginitan at tumalikod muli.
I know i like someone... But i don't know if i had a chance to talk him...because I only see him in my dream...
The Man In My Dream...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top