Chapter 3
Tulala akong nakatingin kay nico na mukhang may malalim.na problema, Inalis ko lang ang paningin ko sa'kanya ng tumunog ang Cellphone ko. Mabilis akong naglakad sa labas saka sinagot ang Tawag.
"Liza Asan kana?" Nag-alala kong sambit ng bigla siyang sumigaw pag-kasagot ko ng tawag.
"Kris...Puntahan moko ngayon na...Dito sa Condo ko..."
Nahihirapan niyang sambit hindi ko alam pero kusang lumingon ang paningin ko sa loob ng Music Club at laking Gulat ko Deretsyong nakatingin sa'kin si Nico.
Mabilis Kong iniwas ang tingin ko saka Nag-lakad saka muli nag-salita. "Nasaan kaba?" Nag-alala ko pa'rin tanong saka lumiko sa locker room para iwan dun ang libro kong dala kanina.
"Sige papunta na." Hindi siya sumagot at pinatay lang ang tawag, kaya mabilis ko nilagay ang libro sa locked saka nag-lakad palabas pag-kalabas ko ay laking gulat ko na nag-hihintay si nico.
Iiwasan ko na sana siya kaso mabilis niya akong tinawag.
"Kristine!" Sigaw niyang tawag sa'kin mariin naman akong pumikit saka pumihit paharap sa'kanya. "Bakit?" Medyo kinakabahan kong tanong
"Nakita mo ba si Liza?" Tanong niya, Medyo ako nabigla dahil ngayon niya lang hinanap si Liza.
"Hindi." Pag-sisinungaling ko pero sa totoo naman hindi ko pa naman nakikita si Liza sa ngayon. "Tumawag ba siya sayo?" Mas naguluhan ako sa boses niya mukha siyang nag-aalala na parang ewan.
Hindi ako naka-imik parang may-bumara sa lalamunan ko. Tinignan ko siya ng deretsyo na may-pagtataka saka sinubukan mag-salita.
"Hindi pa." Pag-sisinungaling ko saka nag-baba ng tingin, Hindi ko alam sa sarili ko bakit ako nag-sisinungaling eh kung ganun pwede ko naman sabihin sakanya ang totoo.
"Bakit?" Taka kong tanong umiling naman siya saka mabilis akong tinalikuran. Ano yun? lalapit tapos wala lang?
Hindi ko nalang pinansin ang Weird na ginawa ngayon ni nico mabilis akong umalis ng school saka sumakay sa taxi.
Pag-kadating ko sa Condo ni Liza ay laking gulat ko na may-yelo sa baba niya.
Ano-ngyari dito.
"Hoy Babaita!, Bakit may Yelo Ang Hita mo?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa itsura niya. dahil pa-ika ika siya mag-lakad nakakatawa lang.
"Nabanga..." Impit niyang sambit saka ika-ika nag-lakad papasok ng kwarto niya at marahan na nahiga dun.
Nabanga?
"Nabanga?" Nakataas kong kilay na tanong saka na-upo sa tabi niya tumungo lang siya.
Nakasuot siya na Yellow-Orange na Bistida habang may Yelo sa bandang hita niya.
"Ano nakabanga sayo?" Medyo nag-aalala kong tanong, Para naman siyang tanga! bakir siya nandito kung nabanga siya!
"Basta..." Sabi niya saka pinikit ang mata. Tumayo ako sa harap niya saka siya pinag-masdan. Mukha nga siya nabanga dahil pula ang kanyang braso at may pula sa leeg niya.
"Ayaw mo ba mag-padala sa ospital?" Nag-aalala kong tanong agad naman siyang umiling. "Ayos lang ako gagaling din ako..." Wika niya saka dumilat at pilit na ngumiti sa'kin.
May iba talaga sa babaita na ito something 'weird.'
"Papasok ka pa?" Tanong ko Tumungo naman siya. "Sigurado ka?" Paniniguro ko aba nasagasaan pala siya tapos papasok pa siya tanga lang...
"Mag-ayos kana baba lang ako para bumili ng pag-kain." Tumungo lang siya, kayannag-lakad na ako papuntang pinto.
Ng Makalabas ako ay napa-isip ako may kakaiba talaga kay Liza...Umiling nalang ako para tumigil na sa kakaisip saka nag-lakad papuntang Elevator.
Ng makarating ako sa Grocery store ay agad ako kumuha ng madali maluto na pag-kain.
Lalakad na sana ako sa Counter ng may pansin aking lalaki na naka tayo sa Stante ng Mogu-Mogu.
Hindi ko alam pero tinitigan ko siya, Matangkad Maputi At Payat pero hindi ko makita ang mata niya dahil naka mask at Jacket siya. Mabilis kong iniwas ang mata ko ng bigla siya humarap sa'kin.
Mabilis akong nag-lakad papunta sa Counter at dali-dali binayaran ang mga binili. Naka-hinga ako ng maluwag ng maka-labas ako ng store.
Umiling-iling ako saka nag-simula mag-lakad pa balik ng Building.
Yung Hugis ng katawan niya parang nakita ko na noon...Pero imposible yun.
Ng Makabalik ako sa Condo ni Liza ay na abutan ko siyang naka-upo na kapikit sa sofa.
"Mag-luluto lang ako." Saad ko tangi tungo lang ang na-isagot niya. Mukha siyang pagod na ewan...Well sino ba naman hindi mapapagod matapos mabanga diba.
Mabilis lang ako nag-luto ng adobong manok saka kami nag-simula kumain.
"Siguro kaba na papasok ka?" tanong ko ulit sa'kanya. "Oo nga sabi, Bakit naman ako hindi papasok?" Tanong niya sakin saka sumubo.
"Dahil nasagasan ka." Singhal ko pero laking gulat ko ng bigla niya iluwa ang nginunguya kaya mabilis ko inabot sa'kanya ang tissue.
"Okay ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong. Weird niya talaga ngayon. "May masakit ba sayo?" Tanong ko ulit umiling lang siya saka uminom ng tubig.
"Ayos lang ako." Saad niya saka kumain ulit na animo'y walang ngyari, Ehhh....
Matapos namin kumain ay Saka kami sabay na pumasok sa school gamit ang sasakyan niya sabi ko nga dapat ay nag-taxi nalang kami dahil bagong banga siya, kaso wag na daw kaya naman daw niya.
Ng makarating kami ng School ay Napansin ko ay hindi siya naka takong. Kahit T-shirt at Simpleng Jeans lang ang Uniform namin ay laging naka takong si Liza pero ngayon naka Doll Shoes lang siya.
"Bakit hindi ka naka takong?" Tanong ko kaya napabaling siya sa'kin saka tinago ang cellphone. "Wala lang gusto ko lang." Sagot niya saka ngumiti tumungo nalang ako.
Weird mo talaga ngayon...
Pag-karating namin sa Business Department, ay humiwalay na ako sa'kanya dahil ang punta niya ay sa Humanities Department.
Habang nag-lalakad ako ay bigla nalang pumasok sa isip ko yung lalaki nakita ko kanina.
bakit parang iba ang pakiramdam ko sa'kanya lalo na nung mag-tagpo ang aming mga mata.
Never ko pa naramdaman yun pakiramdam na yun pero ano ba yung pakiramdam na yun hindi ko alam ang pakiramdam na yun.
May-Halong tuwa,saya at paghanga ang naramdaman ko kanina...
Pero sino ang lalaking yun?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top