Chapter 9

TOP TEN

Racliff Adamovich's

"Don't put too much confident on yourself Racliff. I have a bad feeling with the new girl."

Napatingin ako sa gawing kanan kung saan sumulpot na naman ang isang batang ito, kahit kelan hindi ko talaga maramdaman ang prisensya ng lalaking 'to.

Tsk! He will never be called 'ghost' for nothing.

Napaisip ako sa sinabi nito. Tama siya, mayroon talagang something sa babaeng iyon. Hindi siya birong babae, hindi siya katulad ng iba na puno ng kaartihan sa katawan, no hindi lang iyon, isa pa she's an elite.

"If I heard it right, she is a Hokkaido princess, soon to be the next empress of Hokkaido Clan, that's why she's an elite. She's a strong woman Racliff and if I were on your shoe, I wouldn't go against her."

Prime is right. Hokkaido clan is one of the most known clan in the history, isa itong respetadong clan noon pa man magpahanggang ngayon.

If I could still remember, even Greco's (my family name) doesn't want to encounter them, and also Adamovich's (my mother's name) has a connection with the Hokkaido Clan.

Adamovich's people is one of their top assassins. Makapangyarihan ang clan na 'iyon at talagang parehong side pa ng pagkatao ko ay may kinalaman sakaniya.

"I know what you're thinking, maging ikaw ay nababahala sa pamilya nito, but do you still want to go against her? You might regret it."

"She is a bitch and she stabbed me, enough reason to kill her."

Nakita kong ngumisi ito.

"You don't care about the bitches, and it doesnt mind you at all even when someone stabs you. Just admit Racliff, she has something in herself that affects you and your feelings."

Kaagad kumunot ang noo ko sa tinuran nito. I feel so frustrated. Naisuklay ko ang grey kong buhok gamit lang ang daliri ko.

"You are frustrated."

"Stop observing me kid! Just mind your own business."

Minsan naiinis narin ako sa batang 'to sa kakaganiyan niya. I know he is a keen observer and that made him a dangerous man but fuck naiirita ako although siya lang ang lagi kong nakakausap dahil siya lang ang sa palagay kong matino rito.

"You know my business is observing people."

Hindi mawala sa isip ko ang baguhang babae na iyon. Gusto kong makaisip kung paano ako makakaganti. She stabbed me and even threaten me and I can't just accept that. Boys, I know you somehow feel me, who would like it when a woman step on our ego? It hurts as hell!

"I often see her roaming with Takeo Sato, you didn't notice it did you?"

Kaagad akong napatingin sakaniya. Really? That weak man? I could still remember how I beat his ass off at the gym.

Fucking weakling.

"Takeo Sato is also the prince of Sato Clan right? Technically, they have strong connections, their clan is a strong allies since then."

Napailing nalang ako sa isipan ko dahil sa daming kaalaman ng batang 'to. Hays!

"Alam mo ba kung bakit nandito sa Frontier ang babaeng iyon?" - I asked Prime.

"Mom didn't tell me, she just want me to observe and find out myself, I have an answer in my mind but I won't tell you of course." - ngisi nitong tugon sa akin.

Aba't lokong bata 'to!

"So what are you doing here huh? We ain't friends to chitchat like bitches."

"I came by to pester you, isn't it obvious?"

"Get loss Aragon!"

Bwisit na bata! Napailing nalang ako ng umalis ito. Ginulo lang niya ang utak ko. Imbes na nagiisip ako ng maayos eto at may iniisip na naman akong iba.

I want to get rid off that girl. I hate her presence, I hate her voice, I hate her guts, I hate the way she defeated me, I even hated her strength, in short I hate everything about her.

Pero bakit? Simple lang ang sagot. Nilaspatangan niya ang pagkalalake ko.

Yohan Winchester's

Kumakain ako ng chippy ng umupo si Marou sa tabi ko at nagbukas ng kasukat ng libro pero umiilaw na parang cellphone. Teka ano ba 'yun? Galing ah!

Pinanuod ko lamang magpipindot ito ng kung ano ano duon hanggang sa nagsimula na itong mangisay na parang bulateng naputulan ng katawan.

"Kyaaaah! OMG ang gwapo talaga!"

Lihim akong napangiwi dahil sa lakas ng tili nitong babaeng ito. Napailing na lamang ako. Bakit ko ba hinayaan lumapit sa akin ang babaeng ito? Sa totoo lang, hindi ako marunong makisama sa babaeng katulad niya dahil buong buhay ko lalake lang ang nakasama kong lumaki at si Takeo kaya't naninibago ako lalo na sa kilos nito na parang hindi mapakali palagi.

Nagpatuloy ako sa pagnguya ng napakasarap na chippy ng bigla nalang may malakas na kamay ang humampas sa balikat ko. Agad kong pinigilan ang sarili na huwag makapatay ng tao sa oras na ito.

"OH MY GOSH! GWAPO NIYA! Hihihihi!"

Napapikit nalang ako sa inis. Isa pa ito sa ikinaiinis ko. Maraming beses na ako nitong nahawakan at maraming beses narin akong nagpipigil na makapatay ng tao. Ang dami ng nagagawa ng babaeng ito sa akin at ang nakakapagtaka ay hanggang ngayon buhay parin ito.

Napatingin ito sa akin ng namumula ang mukha at nagniningning ang mata. Ano bang sumapi sa babaeng ito at nagkakaganito?

"Yohaaaniiee, ang gwapo huhuhu! Lika dali tignan mo para naman magkaroon ng konting kulay ang madilim mong mundo."

Napailing ako sa tinuran nito, malabo ng magkaroon ng kulay ang mundo ko, lalo na't sa mundong ginagalawan ko.

Nilapit nito ang parang libro na umiilaw sa akin at muling nagkalikot doon. Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang ginagawa niya ngunit hinahayaan ko na lamang siya.

"Ipapakilala ko sayo ang top 10 elite ng Frontier Academy. Hihihi!"

Top 10? Ano naman yun? Mabubusog ba ako dun?

Oo na, hindi ako marunong sa pagpapatawa. Tsk! Wala talaga akong alam sa mga kalokohan sa eskwelahan, unang beses ko kasi ito e.

"Clueless ka? Yung Top 10, sila yung highest ranking ng mga fighters dito sa school, walang sino man ang nakakatalo sakanila kasi sobrang lakas nila, at hindi lang sila physically strong, kasi matatalino rin sila sa academics kaya't napasama sila sa Top 10."

"Hindi lang kasi kelangan maging malakas para mapasama sa top 10, kelangan din maging matalino. Ang top 10 ay ang pinaka-tinitingala sa campus maging sa labas dahil sa kakayahan nila, lahat ay talagang ginagalang at nirerespeto bilang Top 10, they are the rulers of the Frontier."

Kung ganoon, sila ang kinatatakutan? Marami pa pala akong hindi alam sa eskwelahang ito. Punong puno kasi sila ng kalokohan.

"And since we're friends, ipapakilala ko sila sayo hohohoho!"

When did we became friends? Can somebody tell me? Hindi ko kasi talaga matandaan.

Pinakita nito sa akin ang ilang mukha na puro hindi naman pamilyar sa akin. Oo at totoong may itsura ang ilan sa kanila at ramdam ko ring hindi sila basta basta dahil sa aura ng pangit na pagmumukha nila, pero wala naman akong pakialam dito, bakit ba sakin sinasabi ngayon ito?

"Here's the fifth in list: Zeon Smith, 20 years old at business ang course niya though lahat naman sila business ang kinukuha. Zeon is a gangster at siya ang tinaguriang pinakamalakas na gangster individual dito sa Pilipinas, yun ay ayon sa record niya, he is good in academics siyempre kaya't napabilang siya sa ikalimang puwesto sa Top 10."

"Nagtataka kaba kung bakit may gangster sa top 10? Yes, hindi naman imposible. At ang tungkol doon, tsaka ko na ipapaliwanag dahil next month narin naman ang Frontier's Month."

Hindi ko na pinansin ang sinabi nito at nakita kong muli itong nagpindot dun sa maraming pindutan at sunod ay may lumabas na litrato ng isang babae na kulay pula ang buhok.

"The forth in the list at ang nagiisang babae sa Top10: Her name is Mayu Fukui, 14 years old at isang highschool student. She's a psycho when it comes to fighting and his excellence in academics is also no Joke. Maraming babae ang humahanga at naiinggit sakaniya dahil nga siya lang ang babaeng nakapasok sa Top10."

Masyado pang bata ang isang ito. Pero base sa ngisi nito sa litrato ay mukhang may pagkapilya ang isang ito, pero bata pa siya ngunit kasama siya sa Top10, ibig sabihin hindi rin siya basta to the point na 4th place pa siya. At isa rin siyang hapon kagaya ko. Fukui? Saan ko ba narinig ang apelyido na iyan?

"The third in line at ang pinaka-cute sa kanilang lahat: His name is Prime Lixon Aragon, also 14 years old and business ang course, expertise in observing people and everybody calls him Ghost because of his untraceable aura. His I.Q is solid 230. Oh diba? Amazing!"

T-Teka, siya yung lalake sa puno, yung ka-row ko sa isa sa mga klase ko at siya rin yung nakasalubong ko bago pa may hunghang na umatake sakin. Prime Aragon? Aragon? Kaano-ano niya ang dean na si Alexxa Aragon?

"Nagtataka ka kung bakit college na siya? Dahil sa katalinuhan niya kaya't nag excel siya at ngayon college na siya, tingin ko nga mas matalino pa siya sa prof natin e. Hoho! Cute niya diba?"

Matalino pala talaga siya. Hindi halata ah? Pero totoong hindi ko maramdaman ang prisensya niya. Para bang bigla nalang siyang sumusulpot sa kung saan na miske paghinga niya at yabag hindi ko matukoy. Lihim akong kinilabutan. This man is quite dangerous.

"Second is the council president: Takeo Sato, 19 years old, he's very popular when it comes to girls and many gangsters are afraid of him dahil impyerno raw ang mararanasan once na matikman ang parusa nito. Pretty sure sobra mo naman siyang kilala diba? Hehe!"

Oo nga, kabilang pala ang Takeo na iyon sa Top10. Hindi rin halata. At ang dami raw natatakot sakaniya? Gusto kong tumawa sa isip ko, kung alam lang nila kung sino ang totoong Takeo.

"And the one who got into the first place: Racliff Adamovich, 19 years old and everybody calls him the Beast for being such an aggressive fighter and he is an SS-rank assassin, sobrang talino at sobrang gwapo at sobrang hot OMG! Yun nga lang nakakatakot siya. Hehe!"

Pamilyar sa akin ang mukha ng lalaking ito pero hindi ko matandaan. Kulay abo ang buhok niya. Pamilyar talaga ito sa akin. Saan ko ba 'to nakita? Hindi ko matandaan.

But he is an Adamovich, he came from a family of assassins. Kilala ko ang pamilya nila dahil isa ang pamilya nila sa pinagkakatiwalaang assassin ng pamilya namin, pero wala pa akong namemeet ni isa sakanila, madaldal lang talaga si sensei kaya't marami siyang naikkwento sa akin.

Napatingin ako kay Marou na nakanganga habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"Ang dami kong sinabi Yohan, wala ka manlang bang sasabihin ni isang salita?"

Ano bang gusto nitong sabihin ko? Wala naman mahalaga na dapat sabihin kayat ayoko magaksaya ng laway. Naalala ko, may kelangan pa pala akong gawin.

Tinignan ko lamang siya at tsaka tumayo na para bumalik sa kwarto, lihim akong napangiti ng marinig kong sumigaw ito bago ko tuluyang naisara ang pinto.

"YOHAN WINCHESTER!!! AARRGGHHH!!!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top