Chapter 5

Divisions.

Nakaupo ako ngayon sa sanga ng isang mataas na puno dito sa likod ng main building ng Frontier. Ilang oras na ang nakalipas magmula ng makilala ko ang dean ng paaralan na ito at napag desisyunan kong huwag na munang pumasok. Nais kong magmasid muna at obserbahan ang buong eskwelahan.

Nalaman ko rin na napaka raming camera na naka install sa buong lugar na ito, maging maliliit na camera ay hindi napalagpas ng mata ko, mukhang sigurista ang dean dahil gusto niyang alam niya palagi ang nangyayari sa paaralan niya.

Nasira ang tahimik kong pamamahinga ng marinig ko ang tunog na nagmumula sa telepono na ibinigay sa akin ni Takeo. Kinuha ko ito sa bulsa ko. Slide ko lang daw ang daliri ko sa berdeng botton pakanan upang sagutin ang tawag. Sunod, idikit ang telepono sa tenga.

["Yohan?"]

Nagulat ako ng marinig ang boses ni Takeo mula sa loob ng cellphone. Papaano nangyari ito? Lalo yatang kumunot ang noo ko ng makitang wala naman laman ang cellphone ng inalog alog ko ito, muli kong binalik ang cellphone sa tenga ko.

["Pffft! Really Yohan?"] - nagtaka ako ng marinig ang nakakainis na pagtawa ni Takeo.

Ano bang pinagtatawanan ng lalaking ito?

["Where are you, Yohan?"]

Muli kong rinig. Teka, maririnig kaya ako nito? Ay oo naalala ko, ang sabi ay magsalita lang daw ako para magkaintindihan kami ni Takeo.

"Puno."

Umabot ng ilang segundo bago ito sumagot.

["Never mind, I'll just track your location. Wait me up!"]

Sunod ay wala na akong ibang narinig na boses mula kay Takeo. Sinubukan ko ulit alog-alogin ang telepono pero wala paring nangyari kaya't ibinalik ko narin ang telepono sa bulsa ko.

Sa lakas ng hangin, kaagad kong naramdaman ang isang mabigat na prisensyang paparating, at mukhang si Takeo na ito. Nagbilang ako ng limang segundo hanggang sa natanaw ko na ito sa baba ng puno.

"Bumaba kana diyan!"

Katulad ng inutos nito, tumalon ako sa mataas na puno na 15ft ang taas at walang kahirap-hirap akong nag landing sa damuhan.

Isa sa pagakyat sa matatas na puno ang unang naging pagsubok ko noon sa isla. Tanda ko pa noong apat na taong gulang ako, sinubok ako ni sensei na umakyat sa mataas na puno ng niyog sa loob lang ng sampung segundo. Mahirap iyon para sa katulad kong maliit at mahina ang katawan, pero dahil strikto si sensei ay napagtagumpayan ko rin ang pagsubok na ito at nagawa ko pang higitan ang sampung segundo.

Aalis na sana kami ng mapansin ko ang bulto ng isang lalaking mahimbing na natutulog sa isang sanga ng puno katulad sa punong inakyat ko.

Tantsa ko ay apat na puno ang pagitan nito sa puwesto ko ngunit papaanong hindi ko naramdaman ang prisensya niya? Kanina pa ba siya diyan? Kadarating lang? Imposible. Kanina pa ako nandito pero wala naman akong naramdamang prisensya na dumating.

"Wag mong pansinin ang taong iyon, Yohan." - tugon ni Takeo kaya napabaling ako sakaniya.

Kilala kaya ni Takeo ang lalaking iyon? Sino kaya iyon? Nakapagtataka. Napaka galing niyang magtago ng prisensya.

"Tanghali na Yohan, gusto mo bang kumain?" - alok sa akin ni Takeo habang naglalakad kami pabalik ng gusali.

Napatango ako dahil naramdaman ko narin pala ang gutom.

Nakarating kami sa isang malaking silid at kita ko rin ang maraming estudyante na masayang nagkakainan. Pansin ko rin ang nakakamanghang dekorasyon sa buong paligid, para akong nasa isang royal mansion.

Naaalala ko pa noong limang taong gulang ako ng magpunta kami ni sensei sa italya upang dalawin ang isa niyang kakilala, ganito rin ka-enggrande ang mansyon na iyon.

Isa sa napansin ko sa loob ay maingay. Masyadong maingay dito dahil sa sari-saring kwentuhan at tawanan ng mga estudyante bagay na ayaw ko sa lahat.

Gusto ko ay tahimik lang hindi ganito. Iniisip ko palang na kakaylanganin kong kumain araw araw sa ganito ay parang nais ko ng sumuko. Mabuti na lamang at may dormitoryo at maraming lugar ang pwedeng kainan sa eskwelahan na ito bukod dito.

Napatingin ako sa itaas at nakita ko ang pader ng ikalawang palapag na yari sa salamin. May nakita akong ilang tao na naroroon ngunit mas konti iyon kumpara rito.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasan ang magtaka ng magsitigilan ang mga estudyante sa kanilang mga ginagawa ng mapadaan kami ni Takeo sa gitna.

"OMG who is she?"

"Why is she with prince Take?"

"Is she his girlfriend? No can't be!"

"Ngayon ko lang siya nakita, is she the transferee?"

"New bitch in town eh?"

"I hate her. Bago palang siya pero kay Prine Take na agad siya nagdididikit."

"Bitches! How can you say that to an elite?"

Hindi ko pinahalata ang pagtataka ko matapos marinig ang sarisaring bulungan ng mga tao, maliwanag ko naman na naririnig ang mga sinasabi nila, kaya ko ring basahin ang salita na lumalabas sa bibig nila kahit na walang boses na lumalabas dito, pero bakit ganiyan ang mga reaksyon nila? Prince Take? Si Takeo ba ang tinutukoy nila?

"Yohan, don't mind those people gossiping around, okay? As long as you would not entertain them or get yourself involved with them, you can live peacefully here without them noticing you." - tukoy nito kaya't bahagyang napatango nalang ako.

Tama, hindi maganda kong papansinin ko pa ang mga taong kagaya nila. Napagaralan ko rin ang pagbabasa sa ugali ng tao at alam kong ang mga katulad nila ay walang maidudulot na mabuti sa buhay ko.

Matapos namin umakyat sa ikalawang palapag, nabungaran ko ang iilan na estudyante na kumakain dito. Hindi kagaya sa ibaba, ang mga estudyante na narito ay waring walang pakialam sa isa't isa at hindi magkakakilala.

Kung sobrang ingay sa ibaba ay siya naman ikinatahimik dito. Mayroon din akong nakitang grupo ng magkakaibigan ngunit hindi sila maiingay katulad ng mga nasa ibaba. Para silang naturuan ng tamang paguugali sa harapan ng pagkain.

Umupo ako sa isa sa mga silya gayondin si Takeo. May lalaking lumapit sa amin at nagabot muli ng libro na katulad ng nangyari noon sa mall.

Napagalaman kong 'menu' ang tawag sa bagay na ito kung saan makikita ang iba't ibang klase ng putahe na ppwedeng piliin. Tinuro ko ang akong nais at matapos ay tahimik na ibinalik ang menu sa lalake na ang tawag sakanila ay waiter.

Napatingin ako sa ibaba kung saan tanaw ko ang mga estudyante na nagkakasiyahan sa pagkain.

Walang anomang naririnig na ingay mula sa ibaba ngunit naiintindihan ko ang kanilang mga sinasabi lalo na kung pagtutuunan ko ng pansin.

Napatingin ako sa isang babae na may hawak na atm card ng katulad ay sa akin, ang kaibahan lang nito ay kulay ng linya sa itaas nito. Kung ang sa akin ay ginto, sakaniya naman ay kulay asul. Bakit ganoon?

"Getting curious about the atm card?" - tanong sa akin ni Takeo, tumango ako.

Nilabas nito ang kaniyang atm card mula sa bulsa at katulad ng sa akin, kulay ginto rin ang linya sa itaas nito.

"There's three types of student here in Frontier Academy and the color line above is the only way that will distinguish which type you're in."

Pahayag nito sabay turo sa linya sa itaas na kulay ginto. Napatango ako.

"As what you can see, You and I have the same color which is Gold, whoever has the Gold color means that you're an elite student. All elite students are from a mafia or any big organization, either a heir/heiress, assassin, reapers, guardians etsetera.. basta kabilang sa underground."

Napahinto ito ng dumating ang waiter dala ang pagkain namin. Nagsimula akong sumubo ganoon din ito, hanggang sa pinagpatuloy niya ang pagpapaliwanag.

"Then there's the second type: the Silver color that will distinguish that you're a gangster. Next is the Blue color, whoever has it only means that you're an average person like you are not related anything to the underground, and the last one is White color, whoever has that only means that person is a commoner, a non-elite student at kaya lang nakapasok sa school na ito ay dahil sa scholarship."

Unti unti kong naiintindihan. Ang babaeng may asul na linya sa atm card kanina ay nabibilang sa average student na walang kinalaman sa underworld, habang ang puting linya ay isang di nakakaangat sa buhay at tanging katalinuhan lamang ang dahilan kung kayat nakapasok ang mga ito sa paaralan. Napaka dami naman pakulo ng dean na ito.

"Masyadong classy hindi ba? Pero rinig ko noon from the elders, hindi naman ganito ang Frontier noon, isa raw itong exclusive school for intelligent students and important peoples at ang school na ito mismo ang namimili kung sino lang ang mga tatanggapin nila.

Nagbago lang ang lahat ng magpalit ng dean, if I could still remember what I heard, nawasak raw ang eskwelahan na ito as in total wrecked, but after some year, dumating ang dean natin at ni-rebuild niya ang buong Frontier, kasunod narin nun ang tuluyan ng pagbabago ng school na ito sa lahat ng bagay, and that was 14 years ago." - Takeo

Kung ganoon, hindi ang dean na ito ang totoong mayari ng Frontier.

Sino kaya? At ano naman ang balak niya at bakit niya pa muling itinayo ang paaralan na ito matapos ang matindi nitong pagkawasak?

Nagpaalam na sa akin si Takeo dahil kelangan daw muna niyang bumalik sa opisina niya upang asikasuhin ang ilang bagay.

Napagalaman kong isa pala siyang tumatayong lider ng mga estudyante sa buong eskwelahan na ito, kung tama ang rinig ko ay isa siyang Student Council President na siyang humahawak sa mga estudyante. Hindi ko akalain na ang isang Takeo ay tinitingala sa lugar na ito.

Naglalakad ako ngayon sa hallway patungo sana ng dorm ng may makasalubong akong babae na nakayuko.

Nakasuot ito ng uniporme ng Frontier na kulay puti. Napahinto ako ng makilala ang mukha niya. Papaano ko nga ba makakalimutan ang ginawa ng babaeng iyon? Umaanin akong napahanga niya ako. Nakakatuwa siya.

Flashback
(yung time na nasa province si Yohan at Takeo kasi may dinalaw si Takeo na isang kaibigan)

Naglalakad lakad ako dahil naisipan kong magpahangin saglit. Katatapos ko lamang magtanghalian at naisipan kong lumabas. Maraming kabahayan sa lugar na ito ngunit halos karamihan ay yari sa kahoy at kawayan ang mga bahay, hindi rin patag ang daan at bako bako ito, marami ring puno sa paligid at tahimik, ngunit mainit.

Nakarating ako sa bandang dulo ng kalye, may nakita akong mataas na puno at agad itong inakyat. Naramdaman ko kaagad ang simoy ng hangin na tumatama sa katawan ko. Mukhang magandang puwesto ito para matulog.

Nakapikit na ako ng may marinig akong yabag, sa basehan ko ay yabag ito ng isang babae na kalmadong naglalakad. Idinilat ko ang mata ko at tumingin sa bandang ibaba. Naka tshirt ang babae at nakasuot ng short na pula na hanggang hita na may suot na tsinelas, nakaipit ang itim nitong buhok paitaas at may hawak itong maliit na pitaka na sapalagay ko ay kulay pula.

Napadako ang tingin ko sa kabilang dako at nakita ang isang lalake na nakasuot ng sando at sira sirang maong na short. Bakas sa itsura nito ang hindi gagawa ng maganda. Napatingin ang lalake sa babae pababa sa hawak nitong pitaka, sa mga oras na ito ay alam ko na kung anong binabalak ng lalake.

Nagmagkakasalubong na ang dalawa, hinanda ko ang sarili ko upang tulungan ang babae. Mabilis na hinablot ng lalake ang hawak na pitaka ng babae, babatuhin ko na sana ang lalake ng mapatigil ako sa biglang pagsigaw ng babae.

"Waaaaah! Mommy may kumuha nam waleyt kooo! Waaaaah! Huhuhuhu!"

Malakas nitong sigaw, lalo yata akong nagtaka ng magsimula itong magumiyak ng sobrang lakas at nagpapadyak pa na parang bata na akala ay naagawan ng pagkain.

"Am bad bad mooo niagaw mo laruan kuuuh! Tsutsumbong kita tsa mama koooo!! Waaaaah! Huhuhu mama!!!!"

Mas lalo pa niyang nilakas ang pagiyak niya. Ano bang nangyayari sa babaeng ito? Nababaliw naba ito? Hanggang sa bigla kong naalala ang isa sa nalaman ko, isa itong sakit sa pagiisip kung saan tumatanda ang isang tao ngunit ang pagiisip nito ay mananatili sa pagiging bata. Marahil nga ay may sakit ang babaeng ito.

Nakahinto ang lalake sa paglalakad at napakamot sa kaniyang ulo sabay tingin ng alanganin sa babaeng malakas na umiiyak sa kaniyang laruan na naagaw. Walang nagawa ang lalake kung kayat naglakad ito pabalik sa puwesto ng babae.

"Waaah bad ka nikuha mo laruan ko!! Huhuhuhu!!"

"Hindi naman ah? Aish! Ito o isosoli ko na! Oh!" - turan ng lalake sabay balik ng pitaka na dinukot nito mula sa babae.

Kaagad nagliwanag ang mukha ng babae at ngumiti ng napakalapad. "Wooowww! Am bait bait tenkyu yuya binalik mo laruan ko! Yey! Yeheyyy!!" - masayang sigaw ng babae habang nagpapapalak-pak pa. Walang nagawa ang lalake kundi tumakbo nalamang sa labis na dismaya.

Nang makalayo na ang lalake, pinunasan ng babae ng pisnge niya at biglang ngumisi ng nakakaloko. Literal na kumunot ang noo ko.

"Mabuti nalang at tatanga-tanga ang hudas na iyon, hihihihi!" - turan nito sabay tawa ng nakakaloko.

Napailing ako. Mukhang alam ko na ang ginawa nito. Umakto lamang ito na parang bata na umiyak dahil naagaw ang kunyaring laruan niya, iisipin ng lalake na isa lamang laruan ang nahablot niya at wala itong magagawa kundi isaoli ang bagay na nanakaw niya sa isip batang nagpapapapadyak.

Umalis na ang babae na may matagumpay na ngiti sa labi. Napailing ako, tsaka ngumisi. Mautak ang babaeng ito. Nagawa niyang mabawi ang bagay na sakaniya ng hindi ginagamitan ng dahas. Ibang klase.

Napailing akong muli ng mapansin ko ang pagngiti ko. Ngayon ay hanga na talaga ako sakaniya. Nagawa niyang palabasin ang dalawang emosyon ko sa loob lamang ng halos dalawang minuto.

End of Flashback

Hindi ko akalaing dito rin siya nagaaral. Makikita ko pa kaya siya? Base sa kilos nito, halatang isa siyang 'loner' na narinig kong salita mula kay Takeo. Mukhang sa tipo niya, sigurado akong wala itong kaibigan. Bakit kaya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top