Chapter 4
Meet The Alpha.
Ala-singko na ng umaga ng magising ako. Sanay akong gumising ng maaga dahil kasama ito sa training ko sa isla hanggang sa nakagawian ko na.
Tumungo ako sa banyo upang maligo, matapos ay lumabas na ako ng silid.
Nadatnan ko si Takeo na nag aayos ng gamit sa may mahabang upuan. Mukhang hindi nito naramdaman ang prisensya ko kaya't ako na ang umagaw ng pansin nito. Nagulat siya ng makitang nakatayo ako sa harapan niya.
"Good morning, Yohan! Mabuti naman at gising kana, nakapag handa na ako ng umagahan natin, nais mo nabang kumain?"
Tumango ako sakaniya. Nagsimula siyang maglakad kung kaya't sinundan ko siya hanggang sa nakarating kami sa kusina.
May mga pagkain ng nakahain at kaagad tumunog ang sikmura ko ng maamoy ang mga hinanda nito. Mukhang kelangan ko ng kumain ng madami dahil mukhang mahaba ang magigig biyahe namin.
Dalawang araw ang nakalipas magmula ng nilisan namin ang siyudad ng Maynila.
Matapos nun, tumungo kami sa isang probinsya kung saan dinalaw ni Takeo ang isang kakilalang lalake.
Ang lalaking ito ang nagturo sa akin ng mga bagay bagay upang hindi ako magmukhang ignorante sa paningin ng maraming tao. Hindi naman ako nahirapan, kung tutuusin ay hindi naman ganoon kahirap ang mga pinagawa nito at madali ko itong natandaan. Dalawang gabi kaming nanatili roon at eto na ang araw ng paglisan namin patungo sa eskwelahang tutuluyan ko.
Lunes daw ngayon, unang araw ng linggo at tuwing lunes hanggang biyernes pumapasok ang mga estudyante, samantalang pahinga naman ang sabado at linggo.
Nabanggit din sa akin ni Takeo na noong nakaraang linggo pa raw nagsimula ang klase kung kaya't huli na akong papasok. Wala naman kaso sa akin iyon dahil hindi naman ako magtutungo sa lugar na iyon para magaral.
Matagal na akong tapos sa pagaaral, tulad ng nabanggit ko, ang aking sensei ang nagturo sa akin sa lahat ng bagay bagay maging ang lahat ng kaalaman na itinuturo sa paaralan, pero dahil ang eskwelahan na iyon ay ligtas, kaylangan kong manatili doon sa loob ng isang taon.
"Yohan, nandito na tayo."
Napatingin ako sa labas. Napakaraming puno at halaman. Sa unang tingin palang, gusto ko na ang lugar na ito dahil sariwa ang hangin na aking malalanghap.
Bumaba ako ng sasakyan at binuhat ang malaking bag pack na ibinaba ng butler mula sa compartment.
Naunang naglakad si Takeo kaya't sinundan ko lang siya. Hindi na sumunod sa amin ang butler at si Takeo na ang nagdala ng iba ko pang bagahe.
Maaliwalas ang paligid at malakas ang simoy ng hangin. Nagtaka ako ng wala akong makitang anomang gusali sa lugar. Nasaan ba kami?
"Just wait Yohan, may darating na cab dito at iyon ang susundo sa atin papasok ng eskwelahan."
Ganon pala. Hindi nagtagal, may dumating na isang puti at mahabang sasakyan na kung tama ako ay limousine ang tawag. Sumakay kami ni Takeo hanggang sa dinala kami ng sasakyan sa tapat ng isang napaka laking arko na kulay ginto.
Bumaba kami at nalula sa taas ng arko na ito. May salita na nakasulat sa itaas kaya't binasa ko ito.
Frontier Academy.
Marahil iyan ang pangalan ng eskwelahan. Yari sa bakal ang pagkakaukit sa pangalan ng eskwelahan at kulay ginto rin ang kulay nito.
"Kung nagtataka ka kung totoo bang ginto yan, pwes huwag kang magugulat dahil oo, gawa sa totoong ginto ang arko na iyan."
Bahagya akong nagulat. Kung ganoon, mukhang mayaman ang mayari ng eskwelahan na ito.
"Pasensya na at kaylangan nating maglakad, Yohan, hindi kasi ppwedeng magpasok ng sasakyan sa loob hanggat hindi ito naka register sa computer files ng school. Alam mo na, security purposes?"
Hindi ako sumagot dahil naiintindihan ko naman ang nais nito.
Hindi narin ako magtataka kung gaano kahigpit ang seguridad ng eskwelahan na ito. Dumaan kami ni Takeo sa mataas na arko. Natutuwa ako dahil kahit na mataas ang sinag ng araw ay hindi ko nararamdaman ang init dahil narin sa lakas ng hangin.
Matapos ang ilang minutong paglalakad, nakarating kami sa isang gusali na hinaharangan ng pader na yari sa salamin.
Napatingin ako sa pinto na yari rin sa salamin. Dean's office? Bumukas ang pinto, pumasok si Takeo at ganoon din ako.
Malamig ang loob ng silid na ito at katulad ng condo ni Takeo, carpeted din ang sahig na napagalaman ko mula kay Takeo, mayroon ding mahahabang upuan na malalambot na sofa pala ang tawag at maliit na lamesa na yari muli sa salamin.
Nakarating kami sa dulo kung saan mayroon ulit pinto. Kumatok si Takeo at maya maya, kusang bumukas ang pinto.
Pagkapasok namin, unang bumungad sa akin ang tatlong nagliliparang shuriken ngunit hindi ko iyon ininda at simpleng iniwasan lang. Wala akong panahon para sa pakikipaglaro.
Nakarinig ako ng mahinang pagtawa kung kaya't napalingon ako sa bandang gitna kung saan mayroong babae ang nakangisi na nakaupo sa upuan nito.
Malamig ang mga titig na ibinibigay nito ngunit hindi iyon sapat para takutin ako. Tantsa ko ay nasa 30's na ang edad nito ngunit bata parin ang kaniyang anyo kung titignan.
Bakas din ang dami ng sakit at bigat ng pinagdaanan kung titignan sa mga mata nito, isama pa ang kakaibang prisensya na nagmumula sa babaeng ito.
Pinalapit ako ni Takeo sa lamesa ng babae, kita kong yumuko si Takeo sa babae tanda ng pag galang at tsaka lumabas ng opisina.
"Welcome to Frontier Academy Ms. Yohan Winchester, please have a seat."
Pero pamilyar sa akin ang mukha niya.
Parang.. nakita ko na siya noon.
Pinilit ngumiti ng babae ngunit ako alam ko na hindi mahilig ngumiti ito katulad ko.
Isang bagay ang napansin ko sa mukha nito, mayroong mahabang peklat ang nakaguhit sa maganda at makinis nitong mukha na nagmumula hanggang gilid ng noo pababa hanggang pisnge.
Mukhang hindi maganda ang pinagdaanan ng babaeng ito.
"Do you feel intimidated with my scar?" - tanong nito.
Hindi na ako nagulat sa klase ng pagtatanong nito, base sa ekspresyon ng mukha at mata niya, halatang isa siyang prankang tao.
"Not enough.." - simple kong sagot.
Ngumisi ito sa akin na ikinapagtaka ko. Kahit gaano ko obserbahan ang babae na ito, hindi ganoon kadaling basahin ang iniisip nito. Unti unti na akong napapaisip sa kung sino nga ba itong babae na kaharap ko.
"Let's proceed on to why you are here in my office Ms. Winchester.
First of all, gusto kong malaman mo na ligtas ang pansamantala mong pamamalagi sa eskwelahan ko, hindi kami basta-basta naglalabas ng impormasyon ng estudyante namin para sa ikabubuti ng mga bata, unless ikaw mismo ang magpapakilala sa kanila."
Wala akong intensyon na kumuha ng atensyon sa lugar na ito. Ang gusto ko lamang ay mamuhay ng matiwasay sa loob ng isang taon dahil hindi rin naman ako magtatagal sa lugar na ito. Wala akong balak manghimasok sa buhay ng mga estudyante rito.
"Hindi mo maiiwasan ang iniisip mo Ms. Winchester, maraming pakulo ang mga estudyante rito at gusto ko na maging handa ka." - turan nito na waring binabasa ang nasa isip ko.
"There's only one rule in my school, and that is no rule."
I don't care about the rule.
"Pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo sa eskwelahan na ito, walang mangengealam sa iyo, unless mayroon kang makakabanggang isang katulad mo, sana lang ay kaya mong harapin ang kahit na anong mangyayaring consequences na matatanggap mo. Paalala ko lang, walang awa ang mga estudyante rito, katulad mo."
Lihim akong napangisi. Mukhang maraming alam ang babaeng ito. Hindi ko kelangan magingat sa kaniya dahil wala rin naman akong itinatago, ngunit wala rin akong balak ilantad ang pagkatao ko para lang sa walang kwentang dahilan.
"Lahat ng files at maging ang schedule mo ay nasa dorm mo na, sasamahan ka ni Mr. Sato patungo sa magiging silid mo, maaari kanang pumasok sa klase mo ngayon o pwede rin bukas na, ikaw ang bahala, tulad ng sinabi ko, walang pakialam ang lahat sayo, unless aagawin mo ang atensyon nila."
Mukhang ang punto ng babaeng ito ay maging invicible ako sa mata ng lahat. Hindi mahirap ang gusto niyang ipahiwatig, pabor pa nga na walang gagambala sa akin.
"Here is your atm card..." - turan nito at inabot sa akin ang itim na card na.
Mayroong litrato ito ng main building ng paaralan at sa gitna ay nakalagay ang pangalan ng eskwelahan, sa bandang ibaba naman ay ang pangalan ko at ang student number ko. Para saan naman ito?
"Kelangan mo yan para maka-access ka sa lahat ng private rooms dito. Nakikita mo ba ang gold lining sa itaas ng school's name?"
Napatingin ako at mayroon ngang gold line hanggang magkabilang dulo. Mukhang design lang ito kung titignan.
"Apparently, that's not a design, yan ang magtutukoy kung isa kang VIP student at lahat ng VIP student ay mayroong access sa lahat ng private rooms ng school na ito. At iyan din ang gagamitin mo kung sakaling kakain ka, cafeterias here doesn't accept cash neither credit cards, tanging iyan lang."
Mukhang wala na siyang balak sabihin. Isinilid ko ang card sa bulsa ko at muling tumingin sakaniya.
"Iyan lang ang nais kong sabihin. Masaya ako na makilala ang isang katulad mo Ms. Winchester, I have to admit but you got my attention first time I laid my eyes on you. Sana ay magtagal ka sa paaralan ko." - sa puntong ito, ngumiti ito sa akin ng totoong ngiti.
"Ikinagagalak ko ring makilala ka binibining Alexxa Aragon."
Tumayo ito at yumuko sa harapan ko. Ganoon din ang ginawa ko. Yumuko ako sa harapan niya tanda ng lubos na paggalang.
Kasabay ng pagyuko ko ay ang paglapad ng aking paningin sa mahabang bagay na yari sa salamin na may dalawang salita na nakaukit. Mukhang ito ang pangalan niya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagtataka. Pamilyar sa akin ang pangalan na ito.
"Go! Mr. Sato is already waiting for you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top