Chapter 3
Shibuya, Japan.
Two Years Later.
Nasa isang tahimik na silid ang isang dalagitang babae na nakaupo sa gitna kung saan nasa unahan nito ang litrato ng isang matanda.
Tahimik itong nakapikit habang dinaramdam ang kasaganahan ng paligid. Naka suot ang babaeng ito ng tradisyonal na kasuotan ng mga hapon na kilala sa tawag na 'yukata'.
Makalipas ang ilang sandali, nagpasya ang babae na dumilat at tumayo sa kaniyang kinauupuan.
Pagkalabas ng silid, lumakad ito sa kahabaan ng lumang pasilyo sa loob ng isang lumang kastilyo na tinayo noong panahon pa ng Eido Period. Bakas ang kalumaan sa mansyong ito tanda narin ng katandaan.
Nakarating ang babae sa likod bahay na mayroong malawak na lupain. Habang sa bandang gilid ay mayroong lalaki na tahimik na nakatayo habang nakatitig sa kawalan.
Ramdam kaagad ng lalake ang pagdating ng babae ngunit ipinasawalang bahala niya iyon. Lumapit sa puwesto niya ang babae at yumuko tanda ng paggalang. Ngumiti ang matandang lalake at muling tumitig sa kawalan.
(A/N: Isipin niyo nalang po na naguusap sila gamit ang nihongo. Hindi na ako nagabala pang mag translate sa Google kasi baka hindi lang din tama.)
"Handa kana ba?" - tanong ng matandang lalake sa babae.
"Wala naman akong pagpipilian."
Mapaklang sagot ng babae. Alam nito na kahit na ano pa ang maging desisyon niya sa buhay, hindi na nito mababago ang nakatakda para sakaniya. Hindi man niya gustuhin ito, wala narin siyang magagawa pa.
Malalim na bumuntong hininga ang dalawa matapos ay nagkatinginan. Humarap ang babae sa matandang lalake at marahang muling yumuko sa harapan nito.
"Maraming salamat sa iyong nagawa, Sensei. Lubos kong tatanawin ito bilang malaking utang na loob habang ako ay nabubuhay." - turan ng dalaga.
Nakayuko man, bakas parin ang kasiyahan at sensiridad sa boses nito na hindi maikakaila nino man.
"Masaya akong makasama ka sa matagal na panahon, Yohan. Alam kong sapat na ang naituro ko sayo, pero gusto kong iparating sayo na marami kapang ppwedeng malaman, lalo na't mamumuhay kana ngayon sa labas ng mundong nakagawian mo. Hiling ko lang ay sana, huwag na huwag kang mabibigo sa tungkulin na gagampanan mo."
"Susundin ko ang lahat ng iyong payo, sensei."
Muling yumuko ang babae tanda ng lubos na paggalang at pasasalamat sa kaniyang tumayong ama ng mahigit labing walong taon.
Ang lalaking ito na ang kasama niya noon sa isla upang turuan siya ng mga bagay bagay. Sanggol pa lamang ang babaeng ito, nakatakda na ang mga mangyayari para sakaniyang hinaharap.
Lumaki ang babaeng ito malayo sa kabihasnan ng mundo. Sa isang malawak na isla, tanging siya lamang at ang matandang lalaki na ito ang nakasama niyang mamuhay ng napakaraming taon doon.
Ginugol ng lalake ang kaniyang mahabang taon para lamang maituro sa babaeng ito ang lahat ng kaniyang nalalaman sa pakikipaglaban, maging sa kaalaman sa iba't ibang bagay.
At heto ang kauna-unahang beses na lalabas ang babaeng ito ng isla upang mamuhay ng normal pansamantala, hangga't hindi pa dumarating ang araw ng pagpapalit ng puwesto.
"Handa na ang lahat ng iyong kakaylanganin. Huwag kang magalala dahil gagabayan ka ng iyong tagapag-bantay. Gagabayan ka niya sa lahat ng bagay na kelangan mong matutunan sa labas, maging ang mga bagay na iyong kakaylanganin. Alam kong alam mo na ang mga dapat gawin."
Marahang tumango lamang ang dalaga sa hinabilin sa kaniya ng kaniyang sensei. Sabay na umalis ang dalawa at nagtungo sa silid upang maghanda.
»»»
Nagsimula na akong bumaba ng hagdan ng eroplano at mariing pinagmasdan ang paligid.
Mainit ang bansang ito kumpara sa islang kinalakihan ko. Pero mabuti narin ito, bilin sa akin ni sensei na ligtas ang bansang ito kung kaya't wala akong dapat na ipagalala.
"Yohan!"
Narinig ko ang lalakeng tumawag sa akin ngunit hindi ako nagabalang lumingon.
Alam ko kung sino ito dahil siya lang naman ang kasama ko at nakakakilala sa akin. Isa pang bilin ni sensei ay huwag na huwag daw akong lalayo sa lalaking kasama ko upang hindi ako mapahamak, lalo na't hindi ko raw kabisado ang ligaw ng bituka ng mga tao rito.
"Hintayin mo ako naman ako, masyado kang mabilis maglakad." - rinig ko pang sabi nito.
Hindi ko na siya pinansin pa at dumiretso narin sa paglalakad at sinundan siya. Siya kasi ang nakakaalam ng pasikot sikot sa ganitong klaseng lugar.
"Gusto mo bang kumain?" - rinig kong tanong nito sa akin kaya't agad akong tumango.
Kanina ko pa nararamdaman ang pagkalam ng sikmura ko, hindi naman kasi ako nabusog sa pagkain na inihain sa akin sa eroplano.
Paglabas namin, merong isang itim na sasakyan ang nakaparada sa tapat at mukhang kami ang hinihintay nito.
Hindi na ako nagduda ng makita ang MIB na lalaking nakatayo sa tabi, kilala ko kung sino ito. Isa ito sa tapat na butler ng pamilya namin.
Magalang itong yumuko sa aming dalawa ng makarating kami sa puwesto nito.
"Welcome to Philippines Lady Yohan and Master Takeo."
Binuksan nito ang pinto ng sasakyan at inalalayan ako upang makapasok. Tinapik ko ang kamay nito na humawak sa akin. Ayaw ko sa lahat ng hinahawakan ako, lalo na ng inaalalayan dahil hindi ako mahina.
Nakaramdam ito ng takot sa ginawa ko, gayunpaman, hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin at sumakay na sa sasakyan, tumabi naman sa akin si Takeo na nakangiti.
"You still don't want others to touch you huh?"
Wika nito na waring hahawakan ang kamay ko ng tinapik ko ito.
"Yeah, even you."
Ngumuso lamang ito ngunit hindi ko na pinansin pa. Wala akong panahon para makipag usap sa makukulit na tao.
Ilang saglit, naramdaman kong huminto ang sasakyan at tinignan ko ang paligid. Mayroong mataas na gusali sa unahan, marami ring sasakyan ang nakaparada sa tapat at mga taong naglalabas-pasok rito. Tumingin ako kay Takeo at balak sanang magtanong kung nasaan kami ng sumagot na ito.
"Nasa isang mall tayo Yohan." - sagot nito.
Naunang bumaba sa akin si Takeo at sumunod ako. Ramdam kong sumunod sa amin ang butler naming kasama sa paglalakad.
Kita ko kung paano pumila ang mga tao papasok ng salamin na pintuan na hinaharangan ng dalawang lalake na kung tama ako ay security guard, habang tinitignan ang loob ng bag ng mga pumapasok.
Eto ang unang pagkakataon ko na lumabas ng isla pero hindi naman ako bobo at alam ko kung anong ginagawa ng mga security na iyon.
Nang ako na ang sunod, dumiretso lang ako at bahagyang itinaas ang dalawang kamay ng may babaeng kakap-kap sa katawan ko.
Hindi ako umangal kahit naginit ang ulo ko ng hawakan ako nito, alam ko naman ginagawa lang nila ang kanilang trabaho.
"Ang Mall ay isa sa lugar na pwedeng pamasyalan ng mga tao. Dito mo mabibili ang mga bagay na gusto at kakaylanganin mo. Marami ring food stalls dito at restaurants na sigurado akong magugustuhan mo." - Takeo
"Pwede bang dito tayo tumira?" - wala sa sarili kong tanong.
Kahit hindi ko nakikita, alam kong nagulat si Takeo sa tinanong ko. Pero wala naman akong nakikitang mali sa tanong ko.
Isa pa, nagbibiro lang naman ako.
"B-Bakit mo naman dito gustong tumira Yohan?"
Uto uto pala talaga ito.
"Malamig." - maikling sagot ko.
Inilibot ko ang aking paningin at totoo nga ang sinabi ni Takeo, maraming tindahan ang pwedeng puntahan dito at marami akong tao na nakikitang namimili.
Puro sila masasaya habang ginagawa ang mga nais nila. Nakakatuwang panuorin ang mga taong ito na mayroong normal na pamumuhay. Kung magiging katulad ko ba sila, magiging masaya rin kaya ako?
"Hindi tayo pwedeng tumira dito Yohan. Nagsasara ang mga mall tuwing magaalas-diyes ng gabi at muli itong magbubukas pag sapit ng alas-diyes ng umaga."
Inisip talaga niyang seryoso ako don?
Pansin kong madami ang taong nagtitinginan sa akin, kay Takeo at sa butler naming kasama na nakasunod sa likuran ko. Gusto ko sanang tanungin si Takeo kung may mali ba sa suot ko pero nahihiya ang kalooban ko. Hindi ko nalamang pinansin pa at sumunod lang kay Takeo sa paglalakad.
Huminto kami sa tapat ng isang kainan na sa palagay ko isang Filipino restaurant. Pumasok si Takeo kaya't sumunod narin ako.
"Saan mo gustong umupo Yo?" - tanong nito.
Nilibot ko ang aking paningin hanggang sa makita ko ang puwesto na nararapat sa mood ko.
Dumiretso ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa dulo kung saan kakaonti ang tao tsaka umupo, gayundin ang ginawa ni Takeo.
Pansin kong hindi umupo ang butler na kasama namin at nanatili itong nakatayo kung kaya't nagtaka ako.
Tinaas ni Takeo ang kamay nito at maya maya, may lalaking lumapit sa amin na mayroong dala dalang malaking parang libro. Ngumiti ito sa amin at masayang bumati.
"Good noon ma'am/sir!" - bati nito sabay abot sa amin ni Takeo ng hawak niyang libro.
Napatingin ako sa lalakeng nakatayo sunod sa librong binigay nito.
Ano bang gagawin ko rito? Binuklat ko ito at nagulat ng makitang puro litrato ng iba't ibang klase ng pagkain ang nandito.
Batikan ako sa pagtatagalog dahil ang diyalek na Tagalog ang madalas na ginagamit namin ni sensei, bukod sa pagaaral ko ng iba't ibang lenggwahe.
Alam ko rin na ang mga ito ay isang Filipino food ngunit ni minsan ay hindi pa ako nakakatikim ng mga ganitong putahe dahil nga sa isla ako lumaki.
Bumaling ako kay Takeo na malamig na nakatingin sa librong hawak nito, maya maya ay binalik niya ito sa lalake at sinabi kung ano ang natipuhan nitong kainin.
Rinig kong madami siyang binanggit na pagkain kaya't tingin ko ay siya naring namili ng aking pagkain dahil siya naman ang nakakaalam ng mga ito.
Nakangiting nagsusulat ang lalake hanggang umalis ito para ipahanda ang order namin. Hindi ba iyon nangangalay sa pagngiti?
"Ako na ang nagorder sayo, Yohan. Alam ko naman wala kapang alam na pagkain ng mga Pilipino."
Matapos ang ilang sandali, dumating na ang mga putahing inorder ni Takeo.
Masyado itong marami at naging masikip ang lemesita ngunit hindi ito naging hadlang para makakain. Nalaman kong ang ilan sa mga inorder ni Takeo ay Adobo, Sinigang, Pansit, Sisig, Lechon Paksiw at mayroon pang dahon na kulay berde na sa pagkakatanda ko ay KangKong.
Hindi naman ako nahirapan sa pagkain dahil tulad ng bansa namin, mahilig din daw kumain ng bigas ang mga Pilipino. Isa pa, napakasarap ng mga pagkaing ito.
Pinaupo ni Takeo ang butler namin upang saluhan kami sa pagkain. Pinagpaalam pa sa akin ni Takeo kung ppwede, tumango naman ako dahil wala naman iyon mali sa akin.
Isa pa, gusto kong maranasan na kumain kasama ang marami. Palagi nalang kasing si sensei ang kasama ko.
Natapos kaming kumain at ngayon ay kararating lang namin sa isang sobrang taas na gusali na ang sabi ni Takeo ay condominium daw.
Isa raw itong bahayan ngunit imbes na may lupa, sa isang building nakatira. Si Takeo raw ang nagmamayari ng isa sa condo rito at dito raw muna kami unang magpapalipas ng gabi bago tumuloy sa pupuntahan namin.
May card na inilabas si Takeo at pinadausdos niya ang card na iyon sa pinto na walang saraduhan. Kusang bumukas ang pinto kung kaya't nagulat ako. Walang ganito nung nagaral ako ng mahigit tatlong buwan para sa pakikibagay sa tao.
"Marami na ang bagay na gumagana ng atomatiko dahil sa teknolohiya." - turan ni Takeo na parang binabasa ang nasa isip ko.
Ganoon pala. Mukhang hindi naman mahirap ang ginawa ni Takeo. Sa katunayan, mas nahirapan pa akong gamitin ang cellphone. Halos wala akong maintindihan noong una pero mabuti at kalaunan ay natuto ako.
Pumasok kaming dalawa sa isang malawak at malaking silid. Halos puro puti at itim ang makikita sa kabuoan nito. Huhubarin ko na sana ang sapatos ko ng pigilan ako ni Takeo.
"Yohan nakalimutan mo naba? Wala kana sa Japan kaya't hindi mo na kelangan pa na magtanggal ng sapatos. Halika at maupo ka rito!"
Kahit nagaalangan, pinilit kong ihakbang ang paa ko sa sahig na mukhang malambot at dahan dahang naglakad patungo sa malaki at mahabang upuan na sinasabi ni Takeo.
Kulay itim ang upuan nito at mukhang yari sa balat ng hayop base sa itsura nito. Pagkaupo ko, nagulat ako ng biglang lumubog ang puwet ko
"Pfft! Nakakatawa ang itsura mo Yohan. Wag kang magalala, masasanay karin."
Tumatawa tawa pa siya habang sinasabi na iyon. Nagulat talaga ako ng lumubog ang puwet ko. Sobrang lambot ng upuan na ito bagay na nagustuhan ko, nakaka-komportable sa pakiramdam, di tulad ng nakasanayan kong upuan na puro yari sa kahoy at kawayan.
Gusto ko ang upuan na ito at sa palagay ko ay kompartable na akong matutulog dito. Hihiga na sana ako ng pigilan na naman ako ni Takeo, sa oras na ito ay sinamaan ko na siya ng tingin.
"A-ah e Yohan, hindi ka diyan pwedeng matulog. Halika, nandito ang kwarto mo."
Bago pa ako nito hawakan, tumayo na ako at nagdesisyong sundan siya. Muli kaming pumasok sa puting pinto at bumungad sa akin ang malaki at hugis kahon na higaan na mataas, na may nakapatong na puting tela at unan.
Sa paligid ay mayroong maliit na bagay na mayroong ilaw at sa gitna ay mayroong telebisyon na manipis. Kumpara sa labas ng kwartong ito, mas ramdam ko ang lamig dito.
"Pwede kanang matulog. Bukas na bukas din ay aalis na tayo sa oras na magising ka." - turan nito tsaka isinara ang pinto.
Lumakad na ako sa higaan at sabay higa upang magpahinga na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top