Chapter 2

Frontier Academy,

Halos mapuno ng students ang malaking auditorium ng campus nila ngayong umaga.

Sila ay pinagtitipon para sa pag gunita ng unang klase para sa taong ito. Lahat ay masisiglang nagkkwentuhan tungkol sa kani-kanilang yaman sa buhay, ang iba ay nagpapayabangan, ang iba naman ay mayroon ng nagkakapingunan at ang ilan ay tahimik lamang, habang naghihintay sa pagdating ng pinuno ng kanilang paaralan.

One look, at masasabi mo nang lahat ng students dito ay mayayaman.

Natahimik ang lahat sa paguusap ng biglang tumunog ang speaker ng intercom, napangiwi ang ilan dahil sa nakakasakit sa pandinig na frequency, ilang segundo ang lumipas bago ito natahimik.

"Good morning students!"

Malamig na boses ang kanilang narinig mula sa malaking speaker na nagmumula sa itaas, nakakapanindig balahibo ang boses nito, bakas ang pagkademonante sa boses na kanilang narinig.. walang sinoman ang umimik.

"I said, Good morning students!!"

May halong inis na muling tugon ng boses na nagsasalita, agad nagulat ang mga students at kaniya kaniya silang bumati ng Good morning sa nakakatakot na mayari ng boses na ito.

"Very good!" - tugon ng mapaglarong boses nito.

"I hate introductions so I will get straight to the point. In my academy there is only one rule, and that is no rule."

Kahit hindi nakikita, dama ng lahat ang nakakalokong ngisi sa mga labi nito, ang ilan ay naguluhan sa itinuran ng nasa speaker and at the same time ay nakaramdam ng takot, samantalang ang mangilan-ngilan na matatagal na sa paaralan ay tahimik na nakikinig lamang.

"Mafia's, assassins, reapers, criminals? gangsters? Bitches? Jerks? Bullies? You can do whatever you want in this premises. I only have one piece of advice to you my dear students, never let the council president see it."

Sabay na nagtinginan ang mga estudyante sa lalaking nakatayo sa gilid na bahagi ng entablado, malalim na nakamasid sa lahat.

Bakas ang matinding aura nito na siguradong hindi ka sasantuhin, makikita sa mga mata nito ang walang pagaalinlangang kumitil ng buhay, mararamdaman sa taong ito na napakarami ng dugo ang dumapo sa kaniyang makinis na kamay.

Isa siyang nakakatakot para sa mga normal na tao, isang challenge naman para sa mga taong hilig ang pakikipaglaban.

"Thank you for choosing this academy. Welcome to the school year 20**! I wish you all a good luck!" - huling wika ng boses mula sa speaker bago ito tuluyang naglaho.

Sari-saring bulungan ng mga estudyante ang nanaig sa buong malaking gym, lahat ay naglalabas ng kanilang hinanaing tungkol sa nakakatakot na dean ng kanilang paaralan, nakakabingi ang kaingayan ng lahat.

Tumalikod ang isang estudyante na nasa pinaka dulo at balak na sanang lumabas ng gym ng matigilan ito dahil sa lalaking nakatayo sa malaking pintuan.

Hindi lamang ito ang natigilan, maging ang ilang estudyante na nakasunod sakaniya hanggang sa gitna magpa hanggang sa pinaka unahan ay natigil sa pagsasalita dahil sa biglaang katahimikan ng paligid.

Ang mga nasa likurang bahagi kung saan malapit sa pintuan ay waring natigilan at napatitig sa lalaking ito, walang ni isa ang nakapagsalita, miske paghinga ng ilan ay napatigil dahil sa kakaibang nilalang na nasa pintuan.

"What. The. Fuck. Are. You. Staring. At?" - malamig na tugon nito sa mga estudyanteng nakatitig ngayon sakaniya.

Waring doon lamang natauhan ang lahat at agad umalma ang isang lalaki mula sa nagkukumpulang estudyante.

"This guy needs some kick in the ass." - tugon nito sabay patunog sakaniyang leeg at dalawang kamao.

Agad naglapitan ang mga kasamahan nito at naghanda ng ilang kagamitan sa pakikipaglaban.

Unang sumugod ang lalake na may hawal na baseball bat, hahampasin sana nito ang lalaking nakatayo sa pintuan ng biglang nasalag ng lalake ang patamang baseball bat sakaniya sa pamamagitan ng paghawak dito.

Napatingin ang lalaking may kulay abo na buhok sa taas kung nasaan ang bat, bigla nitong pinutol ang baseball bat sa dalawa gamit lamang ang isang kamay ng hindi inaalis ang tingin sa lalaking kaniyang kaharap.

Nagulat ang lalake maging ang lahat ng nanunuod dahil sa taglay nitong lakas. Kaagad rumehistro ang galit sa mukha ng lalaking may baseball bat.

"HAAAAAAAH!!"

Muli pa sanang hahampasin ng lalaki ang gray-haired man kahit putol na ang baseball bat nito, ngunit mistulang huli na, malakas na sinapak ng gray-haired man ang lalaki sa panga na kaagad nakapag-pabagsak dito.

Nagusok sa galit ang kasamahan nitong mga lalaki.

"You bastard! Get him!" - utos ng nagmimistulang leader ng mga ito.

Sabay sabay na sumugod ang lalaking nasa sampo ang bilang, lahat ay may dalang weapon upang makalamang sakanilang kalaban.

Ngunit walang kahirap hirap itong sinasalag ni Racliff at buong lakas na sinasalubong ng malakas na suntok ang lahat ng lumalapit sakaniya.

Hindi nito hinahayaan na may makatama sakaniya kahit na isang suntok lamang, masyadong mabilis ang bawat kilos at galaw nito kaya't huli na ng mapansing halos tumba na ang lahat at tanging ang leader nalang ng mga ito ang natitirang nakatayo.

Nanginginig sa galit na nakahawak sa dagger ang leader nila, nagtatagis ang bagang nito sa labis na inis at pagkamuhi sa walang tabas na nagpatumba sa kaniyang mga tauhan, dahil sa hindi pagiisip ng tama, mabilis na sumugod ang leader hawak ang napaka tulis na dagger nito.

"Hiyaaaaaaaah!"

Mabilis na sinalag ni Racliff ang kamay ng leader pakanan sabay bali sa buto nito, agad nabitawan ng leader ng dagger at walang kurap na pinaslang ni Racliff ang lalake sa pamamagitan ng pagbali sa leeg nito, tanging ang nagtunungang ugat na nabali ang narinig sa buong lugar.

Lahat ay napasinghap sa takot.

Tatlong palakpak ang yumanig sa paligid at lahat ay napatingin sa lalaking dahan dahan na naglalakad palapit sa kinaroroonan ni Racliff.

"T-The council President!"

"O-omg! Diba kasasabi lang ng dean na bawal magpahuli sa council president?"

"Yeah! He's unlucky, the president is here.."

"Infairness ang gwapo ni Fafa gray-hairdo man! Kyaaah!"

"Yeah right sista, he's so handsome as fuck! Sana hindi siya pahirapan ni Prince Take!"

"Takeo Sato, what will you do now?"

Napatigil ang council president sa paglalakad, sakto sa kinaroroonan ng bagong dating na lalake mga tatlong metro ang layo sakaniya.

"Killing is allowed but not in front of the eyes of the council president. Being the student president of this school, I order you to come with me and face your punishment."

Binitawan ni Racliff ang bangkay ng lalaking hawak niya at pinunasan ang pawis na tumulo mulo sa noo niya.

"Are you kidding me?"

Sarkastikong tugon nito. Napakunot ang noo ng student president at masamang tumingin sa binatang may kulay abo na buhok.

"Torture or easy death, you choose!" - panghahamon nito.

Napailing ang lalaking kulay abo ang buhok at nakangising humarap dito.

"Dagger or pistol, you choose!"

Sa tinuran nito, lalong nagalit ang council president. Napayukom ito sa kamao dahil sa panghahamak sakaniya ng lalaking ito ngayon, walang sinoman ang pwedeng magmaliit sakaniya sa ganiyang paraan kung hindi ito ay mamamatay.

Dali daling nilagay ng council president ang kaniyang kamay sa gilid ng bulsa sana nito ngunit mistulang mas mabilis ang isa, bago paman madukot ni Take (council president) ang kaniyang dagger ay may bala na ng baril ang tumama sakaniyang palad dahilan para di sinadyang maibato ang dagger nito, agad sumirit ang dugo mula sa tama nito, napatingin siya sa pangahas na lalaking may hawak na baril sa harapan niya.

Ngumisi ang may kulay abo na buhok tsaka binato sa malayo ang kaniyang baril. Nilagay nito ang dalawang kamay sakaniyang bulsa na waring nagiinis.

Sinamantala iyon ni Take, mabilis pa sa isang kurap itong sumugod at inunda ng suntok si Racliff, tinamaan ito sa panga at bahagyang napaatras.

Ngayong alam na ni Racliff na mabilis ang kalaban niya ay hindi na niya ito hahayaang makatama sakaniya.

Matapang na naglaban ang dalawa, parehong batikan sa larangan ng jiu jitsu, nagpapalitan lamang ang dalawa ng atake sa isa't isa at sa sobrang bilis ng dalawa ay waring hangin lamang sila para sa mga nanunuod.

Halos patas lang ang labanan ng dalawa ng may hindi inaasahang atake ang ginawa ng isa na hindi inaasahan ng isa pa.

Kaagad nahuli ni Racliff ang braso ni Take at mabilis itong inarm-throw hanggang sa malakas itong bumagsak sa sahig, rinig ang nabaling buto mula sa katawan ng student council.

Alam ni Racliff na mabilis ang kalaban niya kayat hindi na niya ito hinintay makaatake, hawak ang isang braso ni Take ay agad niya itong binali, sabay tutok ng isa pa nitong baril sa noo ni Take.

Hindi agad nakagalaw ang council president. Balak pa sana muling dumepensa ni Take ngunit walang alinlangan siyang binaril ni Racliff sa paa at malakas na sinapok ang mukha gamit ang baril nito, bahagyang nahilo ang council president dahil sa malakas na pagkakahampas ng baril sa noo nito.

Lumuhod ng bahagya si Racliff tsaka nilapit ang bibig nito sa tenga ni Take.

"Next time you provoke me, make sure you can defeat me!"

Tahimik itong lumisan dala ang kaniyang baril hanggang sa hindi na siya natanaw pa ng mga estudyante na hanggang ngayon ay naglalakihan ang mata sa gulat at takot.

Walang umimik! Lahat ay halos hindi pa makarecover sa nasaksihang pagkatalo ng kanilang council president.

"He defeated the 1st in rank Elite— Takeo Sato."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top