The Make Over


This story is a work of fiction created from the wide imagination of the author.

Any names of characters, places, events and others similar and familiar to others are purely coincidental.

Don't distribute without the permission of the real author.

Plagiarism is a crime.

Enjoy reading.

--------*

The Make Over

" Magbabago na ako."
Sigaw ni Papa habang pababa ng hagdan.

Pinipigilan niya si Mama sa pag-iimpake ng mga damit niya pero nasa hagdan na ito ay hindi pa din niya napapatigil si Mama sa ginagawa.

Hindi nagsasalita si Mama pero alam kong sobrang ingay na ng loob niya.

They are all sweat and tears. Blood na lang ang kulang. Pero sakali mang magkaganoon ay masasabi kong iyon na ang pinakamalala.

My father, Frederick Plaridel, don't hurt my mother physically. Parating emotional pain lang ang ibinibigay niya.

Palaging pareho ang dahilan ng mga ganitong uri ng away nila. Parating tungkol sa babae.

My father is an engineer. Malaki ang firm nila kaya maraming kliyente. Karamihan sa nakukuha ni Papa ay mga babae.

Hindi ko alam kung management ba ang nagdi-decide, kung si Papa ba ang namimili o talagang gusto ng kliyenteng sa kanya magpagawa. Pero sakit ng ulo iyon sa pamilya.

Hindi pa naman sila umaabot sa totoong hiwalayan.

As long as hindi pa nila pinag-uusapan ang custody ko at ng bahay, panatag ako.

Sa ilang beses nilang pag-aaway ng ganito, nasanay na ako. It's like a seasonal routine. Kapag bilog ang buwan madalas nagaganap.

Kapag tinotopak ang isa sa kanila.

Pero kinabukasan, babalik din si Mama. Magkakapatawaran tapos okay na ulit.

Pwede na uling tumanggap si Papa ng kliyente at manloko tapos pwede na uling magalit at lumayas si Mama.

A tiring cycle just to waste their time and tears.

Kapag tinatanong ko si Mama, maayos lang naman sa kanya na paulit-ulit na ganoon.

Palaging nangangako si Papa na magbabago na siya pero wala namang nangyayari.

" Hayaan mo siyang mapagod na suwayin ang mga pangako niya. Malay mo next time, tutuparin na niya."
Sabi niya.

She's contended with that kahit na palaging masakit. Kahit ang toxic na.

That's why I hate my father. I hate boys.

They tame girls and make them their slaves. Hindi dapat ganoon. That's gender inequality.

Sabi ko kay Mama minsan siya naman dapat ang magloko.

And here's another unjust judgment.

Kapag daw lalaki ang nambabae, okay lang. Nagmumukha pa nga silang gwapo.

Pero kapag babae na ang nagloko, malandi na agad, makati, haliparot, higad, hindi marunong makontento. Meron pang mga extra description na idinidikit gaya ng gold digger, famewhore, money sucker, etc.

That's society. Cruel and ignorant.

" I'll change! Damn, please, one more chance. Just one more chance, Vienna."

It's not new to me hearing those bleeding words from the mouth of the drunk Carlisle Valensole Bregente.

I can't see him but just by hearing his voice from the other line, I can say that it's a tough day for him and he needs something or someone to save it.

" I'll be good. I promise!"

I hung up the phone before my sob reach his ears.

We've been together for almost three years. Masasabing matagal na iyon dahil sobrang mahirap mag-maintain ng relationship lalo na at maraming pagbabago.

Para sa iba na pumapasok sa relasyon, the commitment phase is always ranging from two weeks to three months. Matagal na kung aabot pa ng limang buwan o hanggang isang taon.

But lucky us, naabot pa namin ang pangatlong taon.

It's not hard but it's not easy, too.

Tama lang.

Mabubuhay ang relasyon kung marunong kayo parehong mag-manage.

I managed.

Kasabay ng pag-aaral at ng iba pang bagay gaya ng pamilya, kinaya ko.

Kinaya namin.

We started being a couple in February 2015. Last year sa Junior High. Kasagsagan ng paglipad ng mga puso.

And of all the most cliche in starting an intimate relation, we bumped into each other in the loud and crowded hallway.

Nag-angat siya ng kamay para makipagkilala kahit kilala ko na siya.

We're batchmates. Nasa A ako habang sa B naman siya. Tinamad daw mag-enroll kaya kahit may utak naman at matalino ay bumagsak sa kabilang section.

Nakikita ko siya sa TLE class. I took up cookery because I wanted to learn how to cook. HE sana ang balak ko sa Senior years pero vocational lang. Pwede ko namang ipagpatuloy mag-culinary pero ako lang ang may gusto. I'm not sure if they'll support me if ever na suwayin ko ang mga magulang ko.

My parents want me to enter STEM. Sunod lang sa legacy ng pamilya. Doktor kasi si Mama habang engineer naman si Papa.

I'm free to choose what I will be in the future but there's an unspoken rule that I should take anything as long as it is related to any of their fields.

" I'm Carlisle. Ikaw si Vienna diba?"

Tumango ako. Nabitawan ko na ang kamay ng mga kaibigan ko dahil sumulong sila sa alon ng mga tao. Papunta sana kami noon ng canteen para kumain.

But I guess I'll be spending my time talking to Carlisle in the middle of the hallway.

He smiled.

He's one of the few person I knew that has a bright smile. Madalas kong nakikita ang ganyang katingkad na ngiti kapag maganda ang pagkakaserve niya sa shuttlecock kapag may badminton match ang school. Napapasama din siya hanggang zonal at iba pang tournament na ginaganap sa labas ng school.

Hindi ko napapanuod dahil bawal akong lumabas ng bahay ng matagal at kapag gagabihin. Pwede lang kapag kasama sila Ariah at Mina. Though, my friends don't have that same interest that I have with sports lalo na sa badminton.

" Ano?"
Tanong niya. Nakatingin sa maduming tiles sa ilalim ng mga paa kaya hindi ako sigurado kung ako ba ang kausap.

" Tama na, Carlito. We get it! Bumalik ka na dito."
Sigaw ng lalaki sa malayong bench sa tapat lang namin. Naghiyawan ang mga kasama niya.

" Gago." Bulong ni Carlisle pero natatawa.

" Ano 'yon?" Tanong ko.

" Ah! Hindi ikaw. Sila 'yon." He said in defense.

Ngumiti ako at tatalikod na sana pero pinigilan niya ako.

" Ano kasi, Vienna."

" Hindi niya kaya!" Sigaw ulit nila.

He raised his middle finger to their direction kaya nagtawanan ulit sila.

" Sorry about that." Paghingi niya ng tawad.

" I'm just wondering kung meron ka nang kasama sa ball?"

" Kasama ko sila Ariah. Bakit?"

Kaunti na lang ang naglalakad sa hallway pero nanatili kami sa gitna. May mga ilan nang bumabalik na may dalang pagkain ngunit wala pa sila Ariah.

" No, I mean...like a date?"

Namula ako sa pagbanggit niya pa lang ng salitang iyon.

Umiling ako dahil wala naman akong balak na magdala ng ganoon.

Ang alam ko din ay teachers at mga member ng faculty ang mag-aayos ng pairing para may kasama ang lahat sa ball.

Grade 10 at 11 ang kasama kasi busy sa immersion at mga requirements ang mga graduating na grade 12.

" Ako na lang."

Sabi niya bago tumakbo pabalik sa barkada niya. They raised their hands and give him a high-five habang nahihiya naman akong pumunta sa canteen para hanapin ang mga kaibigan ko.

Dumaan ang araw ng mga practice, si Kuya Ern ang kapareha ko. Habang si Ate Violet naman ang kay Carlisle.

Ibinase kasi nila sa height. Kakaunti din kasi ang lalaki ng grade 11 kaya iyong iba kong kaklase, mga grade 10 lang din ang ka-partner.

Unfortunately for me, sa grade 11 ako napunta. It's hard to dance with someone you just met lalo na at walang nagsasalita. Pero naging maayos naman.

Sa gabi ng ball, pinapila kami sa labas. Madilim ang langit at medyo umaambon.

Sinimulan nilang magtawag ng mga tao papasok sa loob. Pangatlo na kami sa pila nang lapitan ako ni Carlisle.

" Sinong date mo?"
Tanong niya. Tinignan niya si Kuya Ern. Naka-tuxedo ito ng itim habang puti naman ang coat ni Carlisle.

Kulay dilaw ang gown napili ko. Magpalit daw ako pagkatapos ng cotillion sabi ni Mama pero ayaw kong makipagsiksikan sa CR kapag nagkataon. Gusto din niyang magpadala ng make-up artist na magri-retouch sa akin pero inayawan ko din. Nagdala na lamang ako ng salamin at foundation para hayaan niya akong umalis ng bahay.

" Sabi mo ikaw?" Tanong ko.

Ngumiti siya at tumango.

Tinawag niya iyong isang kaklase niya para kuhanan kami ng picture tapos ay bumalik na siya sa pila nila.

Natapos ng mapayapa ang cotillion. Natutunaw na ang make-up ko dahil sa dami ng taong nagpapapicture at nagkalat sa dance floor kaya pumunta muna akong CR para mag-ayos. Niyaya ko si Mina papunta kaya sumama na din si Ariah. Ayaw niya daw maiwang mag-isa sa mesa namin.

We came back in our table after some time we spend in the rest room. Nagagalit pa iyong mga nasa labas kasi ang tagal namin sa loob.

The truth? We took several pictures in front of the mirror. Natagalan lang dahil sa mga kabaliwan ng mga kaibigan ko.

" Hinahanap ka ni Carlisle kanina. First dance daw dapat kayo."
Bungad sa akin ni Jed, isa sa mga kaklase kong lalaki.

Tumayo siya at bago pa man ako nakapagsalita ay dinala niya na ako sa dance floor.

Inilagay niya ang kamay ko sa balikat niya gaya ng ibang nagsasayaw.

" Anong ginagawa mo?" Tanong ko kahit pa nagsimula na akong sumabay sa malumanay na tugtog.

" Inaasar si Carlisle." He chuckled at mas inilapit pa ang mukha sa gilid ko.

Napatingin ako sa tinitignan niya. The face of the annoyed Carlisle Valensole Bregente is on sight.

" Lumayo ka nga." Pigil ko pero tuwang-tuwa pa din siya sa ginagawa.

Pagkatapos ng kanta ay tumigil din kami.

Umupo ako katabi ang mga kaibigan ko. Hindi na ako nagulat nang iba na ang mga nakaupo sa ibang upuan.

Mina and Ariah both found their date for the night at hindi na naman ako kasali sa mundo nila.

Honestly, I didn't expect my ball to end just like that. Idagdag pa ang katotohanang may nagyaya sa akin bilang date.

That was my first time attending a formal party. And everything just seem to be so romantic except the thought that I will spend another two hours to drink water and watch people flirt.

Hinanap ng mata ko si Carlisle. Malapit siya sa gilid ng stage dahil close sila ng MC na teacher. Kamag-anak niya yata.

I waited for him to see me dahil iyon naman ang plano...yata. Wala palang plano. Sinabi niya lang na date niya ako tapos wala na.

Ganito ba ang makipagdate?

I spend weeks thinking how wonderful that night would be pero wala naman pala akong gagawing maganda.

I texted our driver to prepare the car para madali na lang akong makakauwi.

Kinuhanan ako ng mga judges ng litrato kanina kaya malakas ang kutob kong baka mapili ako sa kahit na anong award pero ayaw kong mas sirain pa ang gabing iyon kung madidisappoint lang din naman pala ako kapag hindi ako natawag.

Kinalabit ako ni Ariah kaya bumaling ako sa kanya. May inginuso siya sa malapit. Pag-angat ko ng mata ko ay ang kamay naman ni Kuya Ern ang nakita ko.

Lumingon ako kung nasaan si Carlisle pero wala na siya doon kaya kahit nag-aalangan ay tinaggap ko ang alok niyang sayaw.

Kakaunti na lang ang tao sa dance floor noon dahil pagod na ang mga tao. Malumanay ang mga naunang tugtog ngunit nang kami na ang sasayaw ay naging magulo na naman ang mga tao dahil sa isang rock song na tinutugtog sa stage.

Hindi iyon galing sa speakers. It was a live band performing for the wild crowd.

Kasama doon si Carlisle. Siya ang bass pero hawak niya noon ang mikropono at kumakanta.

Bumitaw ako kay Kuya Ern nang nakangiti. Tumalon na lang kami kasabay ng ingay ng musika. Bumalik kami sa mga mesa namin nang nagsimula nang magtulakan ang iba.

Malakas pa din ang tugtog noon pero wala na ang mga sigaw ng pagkanta ni Carlisle. Humina ng kaunti ang kaguluhan sa gitna.

" Can I have this dance?"
Pawis na pawis si Carlisle nang iabot niya ang kamay sa akin.

Ngumiti ako at habang nasa ere pa ang kamay para ipatong sa kanya ay nagsalita ulit siya.

" Kapag pumayag ka, akin ka na."

It was too late para bawiin dahil hinila niya na ako sa gitna. Muntik pa akong matisod dahil sa magugulong upuang nakaharang sa daan at sa mahabang gown na suot ko.

Naging malumanay na instrumental ang tunog ng banda.

" Bakit wala ka sa taas?" Tanong ko.

" Malapit nang matapos ang gabi. I think it's just right if your date will be your last dance?"

We spend two more songs before the faculty announced the kings and queens.

Hindi ako natawag pero naging masaya ako.

" Vie, nasa labas si Carlisle. Papasukin ko ba?"
Tanong sa akin ni Manang.

Pinunasan ko ang luha at pinatay ang phone ko.

Hindi ako sumagot kaya naghintay pa siya ng kaunting oras para maghintay.

" Sige pala." Alanganin niyang wika bago umalis pero hindi niya din binuksan ang gate.

Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana. Malapit na ang gabi at mukhang uulan. Kita ko din doon ang anino ni Carlisle na nakatayo sa likod ng malaking gate.

The first weeks was okay. Pagkatapos ng ball ay naging usapan ang pagiging magkasama namin ni Carlisle. Sikat siya siyempre.

Naging busy kami sa mga requirements para sa Senior High kaya hindi kami ganoon nagsasama.

We're just 16 that time. Lumalabas kami pero madalas kasama din ang ilang mga kaibigan.

Alam ni Mama ang tungkol doon. Umamin ako sa kanya kaya malaki ang tiwala niya na wala akong gagawing ikagagalit niya.

Hindi ko sinabi kay Papa. Pwede kasing magalit siya pero pwede din namang wala lang siyang pakialam dahil busy siya sa trabaho niya. Either way, masasaktan ako.

" Labas tayo?"
Pagyayaya ni Carlisle sa kabilang linya. Bakasyon noon at pangatlong buwan na namin.

Wala si Papa sa bahay kaya pwede akong umalis nang hindi niya nalalaman pero napag-usapan na namin ni Mama na pumunta sa spa.

" Hindi ako pwede ngayon. Bukas na lang? Promise."

Hindi siya nagsalita sa kabilang linya ng ilang segundo bago sumagot.

" Sige. Bukas na lang."

Pumunta kami sa mall noon. Inabot nang tatlong oras ang pagpapa-spa ni Mama. Nagpalinis lang ako ng kuko habang naghihintay.

Masaya sana ang araw na iyon kung hindi lang kami lumabas para kumain.

Sa isang cafe, nandoon si Carlisle kasama ang isang babae. They were talking and laughing.

Kinailangan kong yayain si Mama palabas doon.

" Sa iba na lang, 'Ma. Parang mas gusto ko ng pizza."

I don't want him to think ill about Carlisle. Unang beses pa lang naman. Hindi pa din naman confirmed baka nagkakamali lang ako.

Kinabukasan noon, sumama din ako sa kanya sa mall para mag-date pero naramdaman niya ang pagkailang ko.

Sinabi ko sa kanya ang problema. I have decided that if my guts are true about what that means, mas mabuting maging honest pa din ako. Kung gusto ko mang maayos o kung matatapos na ba ng ganoon ang relasyon.

It's important to be honest so trust will grow and the relationship will prosper.

" Nakita kitang may kasamang iba kahapon."

" Praning ka. It's my cousin, Vie. Tignan mo. Tawagan pa natin."

Grade 11, unang araw ng klase. Hindi lang ako ang may boyfriend. Nakahanap na din si Mina.

" Block! Block! Ang lalandi naman. Nakita na ngang girlfriend ang nasa bio, sumisiksik pa din."
Reklamo ni Mina isang araw pagkatapos ng first semester ng pagiging STEM student.

ICT ang kinuha ni Carlisle kaya hindi kami magkaklase pero nagkikita kami sa ilang mga core subjects.

" Hingin mo din 'yong account ni Carlisle, Vienna. Tignan natin kung may kalandian."

Ngumiti lang ako sa alok niya. I don't want that kind of relationship. Ayaw kong ako pa mismo ang makatuklas. Gusto kong siya mismo ang magsabi kung may mali na ba o kung nagkukulang na ba ako.

I have my faith on him, set high and like a burning fire.

" Vienna, pagamit ng phone. Mag-open lang ako. Namatay na 'yong akin eh."

But seems like fate is teasing me. Matapos niyang makigamit ay naiwan ang account niya sa phone ko.

I didn't open it. Kinuwento ko sa mga kaibigan ko. Hindi nila kasalanan ang kung anong natuklasan ko. Ako ang nagtulak sa sarili kong sundin sila at buksan iyon.

Carlisle Bregente: Saturdate?

Daisy Arguellas: Sure

Carlisle Bregente: Meet you at the mall at 10. Good night <3

Carlisle Bregente: Good night <3

Jasmine Ramos: :)

There were three more messages na puro mga wave ang nakalagay.

There were also nicknames. Hindi ko na mabasa dahil nanlalabo na ang mata ko sa tubig pero nakikilala ko pa din ang mga pulang puso kasunod ng mga pangalang nandoon.

What the hell?

I logged out the account before I could reply to any text or to post some status to destroy his image.

I broke up with him after school.

Tinanong niya ako kung anong mali na parang wala talagang nangyayari.

It was my first time experiencing that. Kasabay ng maraming mga first na natapos namin. He got my first hug, first kiss and first date. We even had our first pares, first sushi, and first strawberry-flavored fries together.

I spend my first step in Star City with him. First din noong sumakay ako ng train kasama siya.

But shame on me because I don't want him to go away. I don't want those first stuffs to be my last with him.

Hindi kami nag-usap noon. He messaged me his account. I saved it in my phone but I blocked him on facebook. Tinignan ko ang account niya pero deleted na lahat ng message except sa mga group chat ng mga kaibigan at kaklase niya pati na ang conversation namin.

Linggo nang tinawag ako ni Papa para bumaba ng kwarto. Nasa bahay siya at naglilinis ng kotse sa garahe.

Paglapit ko sa kanya ay ang nakangising si Carlisle ang nakita ko sa tabi niya.

" May group project daw kayo?"

Alanganin akong tumango.

I'm upset but I don't want my father to beat him or to warn me. Nasira lang iyon nang dumating sila Ariah at mga pinsan ko.

" Hindi naman po sila magkaklase, Tito."

" Boyfriend po 'yan ni Vie."

" Ex!"

Sa huli ay pinaglinis siya ni Papa ng kotse dahil sa pagpapaiyak sa akin. I felt sorry for that. Pero napagaan noon ang pakiramdam ko.

Those little efforts he made made me feel important and special. Those actions are greater than those sweet words he send to his bitches.

Sa unang pagkakataon ay naintindihan ko si Mama.

We came back to each other after a week. I don't really consider that as breaking up dahil sandali lang naman at parang hindi naman talaga kami naghiwalay.

Hindi naman kasi nawala ang sweetness dahil sa minu-minutong pagtunog ng cellphone ko gawa niya.

Pero nakakatawa na hindi pa din siya nagbago. He let me use and see his account from time to time like a mad and immature woman stalking her husband.

" Alam mo ba 'to, Vie? May bagong account si Carlisle. Kaunti pa lang mutual friends namin. Siguro kagagawa lang."
Mina said while giving me her phone. Nasa friend request list iyon at kulay black lang ang picture.

I asked him kung siya ba iyon. Pero sabi niya baka poser lang.

He even message it to stop using his name.

Hinayaan ko. Nakakatakot lang na sa bawat gabing dumadaan noon ay parang mabigat at madilim.

Paano kung nagsisinungaling lang siya tapos malaya pala siyang nanlalandi doon?

Tinawagan ko siya noon. Naabot namin hanggang ala una ng umaga. Ako na ang nagyayang ibaba ang tawag dahil inaantok na ako. Ginawa ko iyon para masigurong ako lang pero hindi pa din nabawasan iyong pag-aalala ko.

Grade 12, maraming bagong transferee. May isang babae sa kanila tapos dalawang lalaki naman sa amin.

Simula ng first semester kaya kailangan ko pang mangapa sa mga bagay. Bago kasi ang lahat. Bagong teacher, bagong subjects at bago ang ilang mga kaklase.

It was our second anniversary, nang tumanggi akong pumunta sa kanila dahil may research kaming tinatapos.

I didn't expected what he said next pero nanahimik lang ako.

" Nico told me your new classmate is there. Baka lumalandi ka lang diyan?"

I didn't say anything kahit pa may balita din ako mula sa section nila. The rumor said that he's hitting with their new classmate.

Christmas break, naalala ko kung paano niya pinuri ang bagong model ng Iphone. Iyon ang niregalo ko sa kanya habang red roses naman ang sa akin.

New Year's Eve, we spent it in his house. Kompleto ang pamilya nila kaya nakakahiya dahil para akong bagong salta.

Binigyan ko siya ng isang silver na bracelet. Sa likod noon ay ang mga initials namin na naka-engraved. Necklace naman na may pendant na maliit na puso ang binigay niya sa akin.

Second semester, mas naging busy dahil malapit na ang graduation. We didn't have much time to spend with each other. Madalang na din ang mga text at tawag pero nagkikita pa naman kami tuwing lunch bago ang afternoon classes kaya okay lang.

Mas busy ang STEM dahil sa tatlong research subject isama pa ang work immersion. Hindi gaya sa kanila na tatlong subject na lang ay graduation na. Madalas ko silang nakikitang nakakalat lang sa grounds ng school. Nagngingitian kami kapag nagkakasalubong sa daan.

There were times that we will excuse ourselves in our classes just to see each other in the rest room.

I'm going to pee.

I texted him bago ako nagpaalam na lumabas. Sasama sana si Ariah pero isang tingin ko lang ay alam niya na ang nangyayari.

Tapos na akong umihi. Tatlong beses ko na ding binago ang ayos ng buhok ko sa salamin bago ko naisip na hintayin na lang siya sa harap ng boy's CR.

Pero nakakagulat na saktong paglabas ko ay ang paglabas din nila ng kaklase niyang babae mula sa loob.

He tried running after me pero mas mabilis ako. I locked myself in the comfort room hanggang sa hindi ko na naririnig ang boses mo. Sinuway siya ng isang teacher dahil nakakagulo na daw siya ng klase kaya huminto siya.

" I'm so sorry, Carl." Dinig kong sabi ng babae sa labas gamit ang malanding boses.

No one called him that. Ayaw niya. Carlito lang ang tinatanggap niya kapag galing sa mga kaibigan niya. Other than that, wala na. Not even Valensole.

I cried my heart out. Buti na lang at sound proof ang mga pader.

That afternoon, I missed an important quiz but it's okay because it made me okay.

Pumunta siya sa bahay kinagabihan na may dalang isang malaking bouquet ng bulaklak at maliit na kahon.

Naabutan siya nila Mama sa sala kaya nag-usap sila. Nasa kwarto lang ako kahit pa pinapababa ako nila Manang.

" Vienna, bumaba ka dito sandali." Tawag ni Papa sa likod ng aking pinto.

Pwede akong magkunwaring hindi iyon narinig pero dahil si Papa iyon ay natakot ako.

Hindi kami masyadong nag-uusap ni Papa. We didn't need to bond much dahil na din sa schedule ng trabaho niya kaya kapag may mga pagkakataong ganito ay kinakabahan ako.

Bumaba ako at inayos namin ang problema. Nakaka-pressure ang sitwasyon lalo na at kaharap ko ang mga magulang ko kaya pinili ko na lamang ayusin bago pa nila malamang masyado nang malala ang problema.

Graduation night, I gave him a watch and I receive another from him. Black ang sa kanya habang puti naman sa akin. Hindi namin napag-usapan so we were both surprised.

After graduation, bakasyon at nasa bahay kami ni Carlisle.

Hiniram ko ang phone niya para maglaro habang nanunuod sila ni Papa ng basketball match sa TV. Aksidente kong napindot ang memo na nasa tabi lang ng larong iyon.

It says, 'Password: Vienna' sa unang listahan.

Kinilig ako ngunit natabunan din ng pagtataka. Hindi iyon ang password ng account na pinapagamit niya sa akin.

I tried it in my phone, but it didn't work. Hindi niya iniba ang password.

Nag-try ako nang nag-try ng ibang email hanggang sa mabuksan ko ang isa pang account. That was the account that he claimed to be his poser.

I closed it before I gave it to him and went to my room. Binuksan ko ang account sa phone ko at doon ko tinignan ang ibang detalye.

There were long conversations with girls na karamihan ay schoolmates lang din namin.

Hindi ko alam kung anong iniisip ng mga babaeng iyon para patulan pa siya sa mga kalokohan niya kahit pa alam nilang may girlfriend na siya. Pero baka nga pinagtatawanan lang nila ako dahil nagpapaloko ako.

I was so stupid.

Sinabi ko sa kanya ang nalaman ko. Umiiyak ako habang pilit niya akong niyayakap.

" Mag-break na lang tayo."

Mabilis ang naging mga pag-iling niya. Hindi siya umuwi sa kanila noong gabing iyon kahit pinapaalis ko na siya.

Naayos din naman namin ang problema. He promised me that he will enter the school that I will choose for college. Sasamahan niya din daw ako sa kahit na anong course na kukunin ko. We both took engineering. Computer sa kanya habang Civil naman sa akin.

Naging kontento na ako sa ganoon.

I just need the assurance and security. I can settle with just that kahit pa hindi ako bulag sa mga ginagawa niya.

Mahirap ang first year sa college. Madaming adjustments. Nagkahiwahiwalay na kami ng mga kaibigan ko pero hindi kami ni Carlisle.

Magkasama kami sa dorm. Sabay din kami sa pag-uwi kapag weekends.

Pagkatapos ng test sa isang mahirap na subject bago matapos ang semester, napagkayayaan ang pagpunta ng mga kaklase ko sa isang bar.

Nagpaalam ako kay Carlisle na gagabihin ako. Pwede siyang sumama kung gusto niya para hindi siya mabagot mag-isa sa dorm pero may pupuntahan daw siya kaya ako na lang.

Maingay ang musika at magulo ang mga tao. Puro alak ang nakikita ko sa bawat mesa pero hindi ko magawang maglibang dahil sa hindi malamang dahilan. Nag-aalala ako.

Umuwi ako ng mas maaga, mga 8:30.

Ikinabigla ko ang nadatnan ko pag-uwi. There was a girl lying in his bed, curled up with a thin white blanket.

Hinila ko siya palabas ng dorm. Sumunod naman si Carlisle mula sa CR. Sinusubukan niya akong awatin pero hindi ko kayang walang gawin lalo na at nahuli ko nang harapan.

" Umalis ka dito o ako ang aalis?"

Umalis siya. Nagkahiwalay kami ng isang buwan at kalahati. Walang text o call. Walang paramdaman. Narinig kong kumakalat sa klase na may bago na daw siyang girlfriend.

Sinubukan kong maging okay kahit medyo mahirap. Nasanay kasi akong magkasama kami sa lahat ng bagay. Nakikita ko siya ng malapitan sa klase pero parang sobrang malayo. Parang may mataas na pader ang biglang lumitaw sa pagitan namin.

Nagpasama ako kay Mina sa salon nang umuwi siya dahil semester break nila. Pinagupitan ko ng hanggang balikat ang buhok kong hanggang baiwang ang haba dati.

Nakakapanibago noong una pero naging magaan sa pakiramdam. It was like all my worries were lifted. Kahit pansamantala.

" As a friend, Mina, true friend, sabihin mo nga sa akin. Pangit ba ako?"

Tumawa siya at umiling.

" Tanga lang si Carlisle, Vie. Just get over him and find someone new. Marami pang iba diyan. Mas better pa, Vie."

Pero kada makakakilala ako ng bagong lalaki, all I did was to compare them with Carlisle. It's unfair.

Kinausap niya ulit ako pagbalik namin noong magpasukan ulit. Kinailangan kasi dahil sa isang project na in-assign sa amin ng teacher. It was awkward at first. Pero bumalik din kami sa dati. Nagsimula ulit kami sa umpisa.

" Can you be my girlfriend again?"

I said yes.

Hindi na daw ako natuto sabi nila Ariah. Nakasuporta pa rin naman si Mama at Papa sa kahit anong desisyon ko kaya kahit masaktan ako ulit, alam kong hindi ako iiyak mag-isa.

Pero hindi talaga kami magkasundo ng tadhana.

One night before I go to sleep, I send him my good nights.

Pero may kakaiba sa reply niya.

Love you, babe.

Kakaiba iyon kasi hindi kami kailanman gumagamit ng kahit anong endearment. Tinanong ko siya kung bakit ganoon.

Nakikisabay lang sa uso. Ayaw mo ba?

Sabi lang niya.

Bakasyon at naghahanda kami para sa second year sa college. Naintindihan ko nang sabihin niyang magshishift siya ng course dahil masyadong mahirap para sa kanya ang engineering. Lumipat siya ng HRM.

We went to a trip to Tagaytay for three days. Dalawa lang kami. Gusto ko sanang magsama ng mga kaibigan pero hindi siya nagyaya ng kaibigan kaya hindi na lang din ako nagsabi.

Huling gabi bago kami umuwi, nagpaalam ako na magsi-CR pagkatapos naming kumain ng dinner sa isang resto bar. Sa pagpasok ko ay may dalawang babae akong nasalubong na palabas.

Naiwan akong mag-isa doon. Pagkalabas ko sa isang cubicle ay isang babae ang nag-aabang.

Sabi niya, bakit ko daw kasama ang boyfriend niya. Isang taon na daw sila kaya 'wag na akong manggulo.

Itinanggi ko ang sinasabi niya kahit pa nakilala ko siya. She was the girl I saw with Carlisle sa cafe noong kasama ko si Mama.

He told me that she's just his cousin pero nang sampalin at sabunutan niya ako ay alam kong hindi.

Umalis siya pagkatapos niyang makuntento sa ginawa.

I stayed an hour to fix my hair again and to feel fine.

Lumabas ako doon. Hindi na ako lumingon sa table namin ni Carlisle at mag-isang bumalik sa bahay.

Pinatay ko ang phone ko kaya nagulat na lang ako nang makita si Carlisle kinabukasan habang nag-aalmusal ang pamilya.

We talked. Sinabi ko ulit sa kanya ang problema. Humihingi ng magandang rason kung bakit kailangan niyang paulit-ulit na magsinungaling. Kung bakit niya ako ginagawang tanga.

He denied it. He even offered me a ring so I won't feel upset.

I was just 19 that time. I'm not ready to be imprisoned by him kahit pa iyon naman na ang nasa pakiramdam ko.

Nagulat sila Mama.

But I said no.

Nakakapagod ang cycle na itinuro sa akin ni Mama.

Hindi ko kinaya.

" Hindi na bumalik si Carlisle. Okay ka lang ba, Vie?"
Tanong ni Mama habang kumakain kami ng dinner.

Hindi ako sumagot pero ngumiti ako.

I broke up with him for good.

That was my greatest make over.

And it did great to me.

I may have lost a part of me but I have found a bigger one to fill me.

It was a toxic relationship. It's sipping down my worth.

Every girl should be treated like a treasure. And everyone should know their values.

I needed to step up and be better.

And so I did.

End.
--------*

Written and published:
May 2018

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top