Chapter 7
Hazile's POV
"Come with me" nakangiting sabi ko sa kanya pagkatapos kong patayin ang tv. Nag movie marathon kasi kami tatlo nang movie ang napanood namin. Hindi naman ako nanonood eh. Wag niyo nalang itanong kung anong ginagawa ko. Baka kasi masabi ko sa inyo na nakatingin lang ako kay Tristan na tuwang tuwa sa pinapanood namin. Minsan kapag napapatingin siya sakin iiwas agad ako para kunwari nanonood ako
"Where? Gabing gabi na eh" sagot niya pabalik. Tumingin ako sa wrist watch ko 23:45 na pala
"Ayos nga eh. Midnight driving" nakangiti kong sabi
---
"Whoa this is yours?" namamangha niyang sabi sa Porsche 918 spyder ko
"Yeah" I answer and hop in. Sumakay rin siya. Halata parin ang pagkamangha nito "Ready?" pag tatanong ko pa dito. Nakangiting tumango siya. I start the engine and drive fast
Nung nasa maluwag na kalsada na kami tinaas niya yung kamay niya para mas lalo niyang maramdaman ang malamig na hangin. Since walang bububong yung kotse umupo siya sa taas ng upuan niya
"Careful" automatic na lumabas sa bibig ko. Ngiti lang ang binalik niya sakin. Ginilid ko muna yung kotse
"Bakit tayo huminto?" nag tatakang tanong niya at umayos ng upo. Ngumiti ako sa kanya
"You know how to drive?" namilog yung mata niya nang sabihin ko yun
"Is this for real?" nakangiting tumango ako sa kanya. Nag palit kami ng pwesto "Cool" sabi niya nang mahawakan niya ang manibela. Nakakatawa nga para siyang bata na ngayon lang nakahawak ng laruan. Nung nag simula na niyang paandarin yung sasakyan ngayon alam ko na yung nararamdaman ni Tristan. Ang sarap sa balat yung malamig na hangin. Pinikit ko pa yung mata ko. I wish this could be forever
----
"Nasan na tayo, Tristan?" tanong ko kay Tristan nung mapansin kong hindi ko na alam kung nasan na kami. 2:30 na nung tignan ko yung orasan. We drive for hours hun
"Ah hindi ko na alam" sabi niya habang napakamot sa batok niya
"WHAT?!" nasigaw ko bigla
"Wait kukunin ko yung phone ko" natatarantang sabi niya. At kinapakapa niya yung bulsa niya "Hala naiwan ko sa kamamadali ko" takte naiwan niya daw. Wait may phone ko nakapa ko yung phone ko sa bag ko. Pero saglit akong napaisip kapag tumawag agad ako ng susundo samin babalik na kami tapos malulungkot nanaman si Tristan kapag nasa mansion na siya. Hindi na ulit siya papasok ng at hindi ko narin siya makikita. Tama dapat masigurado ko munang ok siya bago siya bumalik ulit doon
"Crap wala rin yung phone ko. Nahulog ata" acting ko na nag papanic ako
"Pano tayo niyan?" malungkot na sabi niya
"Hey cheer up. Just continue driving" sabi ko at humikab. Huminto kami sa isang parang forest
"Why are we here?" takang tanong ko
"You're sleepy. Lets find out if safe here" seryosong sabi niya. Napatango nalang ako pumasok kami. Nung nasa bandang gilid na kami parehas kaming namangha sa nakita namin may falls hindi mashadong mataas pero ang ganda parin halatang wala pang nakakakita dito dahil wala ditong kalat o ano pa man. This is a perfect definition for paradise. Kahit madilim kitang kita ito nakakarelax din yung tunog nito
"Ahm surprise?" nakangiti pero nag aalangan niyang sabi. Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya yun
"What?" naguguluhan kong tanong dito
"Surprise" ulit niya habang natatawa. Hindi ko talaga maintindihan "I brought this land because of this. I love it the first time I saw it. Kaya binili ko siya. I am also the one who taking care of it" ako naman ang namangha sa sinabi niya
"You own this.. whole forest?" sabi ko at tumingin sa buong paligid
"Yes" nakangiting sabi niya
"You're good at lying" nakangising sabi ko. Napatigil kaming dalawa nung mga tumunog sa loob ng bag ko. Sht yung phone ko
"We're the same" natatawang sabi niya. Inirapan ko siya at sinagot yung taong gusto na atang mamatay at tinawag ako ng ganitong oras
"Fck you Allen" bungad ko dito. Medyo lumayo din ako kay Tristan
"Hello din, Hazile hanggang ngayon wala ka pa huh. Success ba?" kahit di ko siya nakikita alam kong nakangisi 'to
"Yeah. Go to hell asshole" madiin kong sabi dito
"You're always welcome, Princess. Nakaistorbo ba ako?" makulit niyang sabi
"What the fuck do you think?" naasar na sabi ko
"Ang sweet mo talaga. Sige na ituloy niyo na yung ginagawa niyo. Gusto ko lalaki huh. LALAKI!" sabi nito na parang nagbibilin. Ano nanaman iniisip nito
"G*go" madiin kong sabi
"Love you too" malambing na sabi niya at binabaan ako. Tangna siya pa may ganang mangbaba. Tss dapat inunahan ko siya eh buset
"Sino yun?" pag uusisa ni Tristan habang binato niya yung bato na nakatatlong talbog sa tubig
"Walang kwenta kong pinsan" balewala kong sabi
"Pakilala mo ako" sabi niya pa
"Di na kailangan" kilala ka na nun. gusto ko sanang idagdag kaso baka sabihin niya kinekwento ko siya kay Allen
"Ok" sabi niya pero halatang nag tatampo. Ayoko rin baka sabihin ni Allen na kami na kaya pinapakilala ko na si Tristan. Iba pa naman mag isip yung unggoy na yun. Pero sa tono ng boses ni Tristan
"Tss next week" sabi ko dito
"No as soon as we come back" nakangiting sabi niya. I roll my eyes may magagawa pa ba ako. Humikab ulit ako
"Tara na nga may villa dito eh" sabi niya at hinawakan yung kamay ko. Kailangan HHWW talaga kami? Nung nakapunta na kami sa villa 4:00 na pala. Dumeretso ako sa sofa at doon humiga. Hindi ko na yata kayang maglakad papuntang kwarto sa sobrang antok. Automatic na nag sara ang mata ko ngayon ko lang naramdaman lahat ng pagod. Pero bago pa ako makapuntang dream land. Narinig ko ang marahang pag tawa ni Tristan at maingat akong binuhat
--
Hello ?? kung may nag babasa comment ka kung anong tingin mo sa chapter na 'to
Alam kong sobrang ikli lahat ng mga chapters. Pag pasensyahan niyo na haha
Tristan and Hazile moment nakisingit lang si Allen
Vote~
PIA ❤
xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top