Chapter 3
Hazile's POV
"Majesty" katok ni Raina sa kwarto ko
"Come in" sabi ko at pumasok siya
"Your father wants to talk to you, Your Majesty" magalang na sabi niya. Umupo ako mula sa pag kakahiga at kinuha ang folder na sana gilid at kunwaring binabasa ito
"Let him in" malamig na utos ko
"You don't need to get stress over that kid, Princess" malambing na sabi niya at umupo sa edge ng kama ko
"Ahm Hi dad" alangan kong sabi
"Hi" pormal na sabi niya "So why do you keep on reading that?" pag tatanong nito
"I just find his background interesting" pag dadahilan ko
"What did you found out?" pag uusisa nito
"This kid is a multi billionaire bastard. He owns 50% in his father's company. And he is the heir of the Montemayor's. I've search about Montemayors and they're extremely rich" sinabi ko sa kanya ang mga detalyeng natandaan ko
"Yeah kaya kailangan mong pag butihan yan. 100M for his head not bad, right" nakangisi nitong sabi. Hindi ko ito sinagot "Kill him" tumango ako dito
Garden
"Here" pag dilat ko ng mata ko may nakita agad akong orange juice. Tumingin ako sa nag bigay nito. Yung pakielamero
"Hi Tristan pala" nakangiting sabi nito at umupo sa tabi ko dito sa bench
"Elizah" pag sasabi ko rin ng pangalan ko at ngumiti ng tipid sa kanya "Thanks" sabi ko at tinanggap yung juice. Binuksan ko iyon at ininom. Bumuntong hininga rin ako
"A penny for your thoughts" napating ako sa kanya at umayos ng upo
"May iniisip lang. Don't mind me" pag dadahilan ko dito
"Mind to share?" yan nanaman naman yung ngiti niya tss. Umiwas ako ng tingin
"Wala ka bang klase?" pag iiba ko ng usapan
"Vacant. Ikaw?" sabi niya at uminom din ng orange juice niya
"Sinubukan kong mag cut. Pansin ko kasi mashado na akong mabait" seryosong sabi ko dito pero mahinang tumawa lang siya. Di ako nag bibiro huh. Napakabait ko na
"I know you have a problem. I won't force you to tell me. But if you need a shoulder to cry on, I'm here. Besides we're friends" napatingin ako sa kanya dahil seryosong sinabi niy iyon. At teka kelan kami nanging mag kaibigan?
"I can't tell you" seryoso ko ring sabi dito at tinignan siya sa mata na pinag sisihan ko rin dahil bigla siyang ngumiti ng matamis. Umiwas agad ako ng tingin
"Ayos lang yun. All of us has a black secret" naging seryoso siya nang sabihin niya iyon
"Black secret?" I don't know about that
"Yung sekretong hindi mo nanaising may makaalam" paliwanag niya
"Meron ka ba non?" tanong ko sa kanya. habang nakatingin sa kamay ko na nasa hita ko. Ako kasi meron talaga
"Hindi ko alam. Sabi nila hindi ko daw nanaisin na malaman ng lahat na meron akong koneksyon sa kanya" seryosong sabi nito tinignan ko lang siya habang nakatingin siya sa malayo at tila may bumabalik na alala sa kanya "Wish ko nga na sana makakwentuhan ko siya. Pero hindi kahit saan ata ako mag punta laging may sisita samin eh" malungkot niyang sabi
"May mga tao talagang gusto kang sinasaktan para sa pansarili lang nila. May mga taong hindi natutuwang maging masaya ka" umiwas ako ng tingin dahil alam ko bakas ang sakit sa mata ko "Taong gustong iiwan ka ng walang nagmamahal" tumayo na ako "Sige una na ako sa klase ko" mahinang sabi ko. Hahakbang na sana ako ng hinila niya ang pulso ko at niyakap ako. Natulala ako dahil sa pagkagulat bahagya ding nakaawang ang bibig ko. I should push him pero para akong naistatwa
"I don't know what you problem is. But I'm your friend let me make you feel better. I can't give you a piece of advice but I hope this hug can make you feel comfortable and lessen the pain you feel right now" wala akong masabi. Hazile do something "And from now on I'll be your friend who will always ready to listen to you. Even though I don't know what really bothers you" somehow I feel comfortable and protected from pain in his arms
.
.
.
.
.
.
Binagsak ko ang sarili ko sa higaan. Parang andami kong ginawa at sobrang napagod ako. Yung mga sinabi niya kanina totoo kaya yun. I don't trust anybody because its dad's order. Only him and Allen. Raina? every time she can betray us. Tumayo ako mula sa pag kakahiga at pumunta sa walk in closet ko nag palit ako ng damit. Skinny jeans at sandong puti. Nag leather jacket din ako kasi malamig na sa labas dahil gabi na kumuha ako ng isang hand gun at ilang mga kutsilyo. Nag tali rin ako ng buhok at hindi na nag abalang takpan ang mukha ko
Kinuha ko ang susi ng motor ko at umalis sa bahay. Pumunta ako sa bahay ni Renzelle Montemayor. Anak ito sa labas at kasalukuyang nasa tatay niya ito. Ang ina nito ay laging nasa ibang bansa para sa business. Nandito ako sa taas ng puno at gumamit ng telescope. Nakita ko ang isang batang lalaki na malungkot na kumakain mag isa. Malayong malayo sa picture na nasakin. Minanman ko pa ito. Nang may maramdaman akong may papalapit sakin. Umiwas ako kaagad at tumalon sa puno para makababa. Nakita ko doon ang isang pana. Sht that was close. Base sa pag galaw ng mga halaman marami sila
"Ninja?" bulong ko sa sarili ko. Umiwas ako agad ng may pana nanamang lumipad papunta sakin. Takte inaano ko ba sila? tahimik akong nag mamasid dito bastusan mga dre. Bwisit. Mabilis kong binalibag ang nag tatangkang sumipa sakin. Crap isang hand gun lang ang dala ko. Bwisit hindi pa sila lumalapit sakin halos ubos na yung kutsilyo ko kakabato at wala narin akong bala wala naman kasi akong dalang extra bala. Talaga bang nangyayari 'tong kamalasan na 'to
Mga bwisit nag paulan pa ng pana. Agad akong tumakbo sa likod ng puno. gusto ko mang kalabanin sila pero mashado silang malayo. May mga ilan ilan din akong nakalaban hand to hand pero karamihan sa kanila nakatago. Kunuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng jacket ko at tinawagan si Raina
"Raina, In Armus Mansion now. Also bring my best gun
and my katana" yun lang ang sinabi ko at binabaan na siya
After 15 minutes of waiting nandito narin siya. Hindi ko maatim na tatakbo ako papalayo na parang duwag kaya tinawagan ko si Raina. Masakit sa bangs yun pag nangyari
"Your Majesty this is all what you need" bungad niya sakin. Tss I should learn this from the last time. Dapat mag dala ako ng maraming armas lagi sakin dahil hindi ko alam kung kelan ako aatakihin ng mga walangya. Nangyari nato dati eh
"Stay here. And protect yourself" sabi ko at binigyan siya ng baril. Hindi ko pinakinggan ang sasabihin niya at tumakbo na papalayo. I have a lot of opponent to defeat
PIA ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top