Chapter23 Ang Wakas

Oo ako ang iyong nanay! Maraming salamat  sa mahal na prinsesa ng Biringan dahil naibalik niya na ulit ang aking memorya!

Agad nga siyang yumakap sa matagal na niyang di nakakasamang anak.

Oh sino siya? Siya ba ang kapatid mo?
Opo inay! Patay na po si Ate Yhen! Ang wika ni Kavin habang humahagulgol sa iyak.
Anak ko! Jusko po!! Patawarin mo ko anak ko!! Iyak ng iyak habang niyayakap ang bangkay ng anak.

Anak ko! Yhen, patawarin mo ako!! Hindi ko sinasadyang iwanan kayo! Mahal na mahal ko kayo mga anak ko! Kaya yhen wag na wag mo kaming iiwan! Yhen.......

Nay, pinatay siya ng masamang huwad na Reyna ng Biringan at wala na tayong magagawa para maibalik ang kanyang buhay. Matagal Rin kaming naghintay sa pagbabalik mo nay dahil ang akala namin ay iniwan mo na kami pero may nagsabi naman na pumanaw ka na po, pero yon pala andito ka lang sa mundong ito.
Siguro kung buhay pa si ate ang saya saya siguro nating tatlo?
Nga pala nasaan na si tatay inay?

Agad na sumagot ang Ina

Yan ang hindi ko alam basta ang sabi niya rin sa akin noon ay aalis lang siya para magtungo ng Biringan kaya agad ko naman siyang sinundan.
Ng biglang....

Aurelio?!

"Oo, ako si Aurelio!" Ang sagot naman ng lalaking may katandaan na.

Kung ikaw ay naisumpa ng masamang Reyna ng Biringan sa pamamagitan ng pag-alis ng memorya mo ako rin naman ay sinumpa niya rin. Ginawa niya akong isang malaking Puno na nakatayo sa harap ng Palacio ng Reyna. At mula noon at hanggang ngayon ay lagi kitang minamasdan dahil miss na kita mahal ko! At kayo ng mga anak natin.

Itay......

Ang wika ni Kavin sabay yakap nilang tatlo, at napuno ng iyakan ang sandaling iyon.
Pagkatapos ay agad nilang hinayaan ang Prinsesa ng Biringan sa paglibing ng bangkay nito sa isang mahiwagang Puno ng Biringan ng mga namayapa. Dahil may ilog sa tabi lang nila ay agad na naghilamos ng mukha si Kavin ng biglang....

Halah! Nagbalik na ang normal kong itsura! Hindi na ako babae at hindi na rin ako buntis finally, pero paano na si Thyme at si Tita?
OMG!! Patay ako nito!

Mahal na Artera maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sa amin. Nawa'y magkita kita ulit po tayo. At nawa'y wala ng gagambala sa Mundo ninyong ito. Paalam!

"Walang anuman Fuya Kring! Habang buhay na hindi kita makakalimutan! Patawad kung ngayon ko lang malaman ang sumpang ginawa ng masamang huwad na Reyna na iyon.

Ayos lang po iyon mahal na Artera! O Sige po maraming salamat ulit! Paalam po dahil kailangan na naming bumalik sa aming mundo.

O sige mag-iingat kayong lahat! Salamat rin saiyo!

____**_____**______**_________

O anak saan ka pupunta? Pahinga ka muna dahil alam kong pagod ka pa sa mga nangyari doon sa mundong iyon.

A, e ayos lang po inay! May pupuntahan lamang akong mahalagang tao.

A, sige anak engat ka!

Opo inay! Salamat po!

Tao po! Tao po!

Halah, may tao! Sabay tago ni Kavin.
OMG!! Tama ba itong nakikita ko? May iba ng babae si Thyme? Oh my God! Bat di man lang niya ako hinintay? Biglang naiyak.

Thyme, bat mo ko pinalitan agad? Ang daya daya mo naman! Thyme........

Kavin?

Thyme?!

Ikaw ba yan?

Oo Kav, ako ito si Thyme.

O ba't nandito ka diba may ibang mahal ka na! Puntahan mo na siya don! Ha? Anong ibig mong sabihin? Ah iyon ba? Kakambal ko yon si Bright. Pasensya na kong di ko nasabi saiyo ang tungkol rito dahil matagal tagal na rin naming hinahanap siya at dahil sa paghahanap namin saiyo ng mahabang manahon ay natagpuan namin siya. Pero nevermind it na Kav. Ang mahalaga ay nandito kana ulit. Alam mo ba Kav miss na miss na kita?

Ako rin naman Thyme! I really miss you na!

Sabay yakap at halik ng isat-isa. Mahal na mahal kita Kav. Di kita ipagpapalit kahit kailan.
Ako rin Thyme I'll never change you, because you're my only love.

Agad na naghalikan ulit ang dalawa at ng matapos ay umakyat ng bahay nina Thyme para ipakilala sa Ina ang tunay na Kavin.

Ma, si Kavin pala ang boyfriend ko!
Ha? Boyfriend? Pinagsasabi mo?
Opo ma! Sa panahon ngayon uso na po ang pagkakagusto sa kaparehong kasarian kaya sana matanggap niyo po si Kavin.

Nako Thyme. Ang tanda mo na 27 anyos kana tapos ang bata pa niyan ano ka child abuse?
Ma, maraming mga bagay na nangyari na di mo alam kaya sige na po para maka move-on na po ako kay Sophia.

Sophia? Yung babaeng nagpanggap na buntis at iniwan ka rin isang araw? Nako Thyme bahala ka nanga! Total matanda ka na!

So ayos na po sainyo? So legal na kami?

Bahala ka diyan!

YESS!! Ang masayang wika ni Thyme

LAB U Kav!

Lab you too Thyme!

Oyy... Sanaol! HAHAHAH!

Ang pang-aasar ng kakambal ni Thyme at ng jowa nito.

Kuwarto*

Buti nalang at di naitanong na ni mama ang tungkol kay Sophia HAHA!

Thyme?
O Kav?

Luv u!
Luv u too Kav!

At napuno ng init ang sandaling iyon at masayang masaya ang dalawa dahil nagkasama na sila at nararanasan nila ulit ang mga bagay na ginagawa nila noon ng magkasama kahit saan sila magtungo na magdudulot ng kasihayan sa mga buhay nilang dalawa.
Napagdesisyunan nilang dalawa na si Thyme ay magpapatuloy sa kanyang pag-aaral upang maging isang ganap na Secondary Major In English Teacher balang araw. Samantalang
si Thyme naman ay sinabi niya kay Kavin na tutulong muna ito sa kanyang pag-aaral at doon na siya babalik kapag nakatapos na si Kavin. Ang kanilang magandang pagsasama ay naging dahilan ng patuloy na umaapaw na blessing sa kanilang dalawa.

At ngayon ay nasa 3rd yr college nanga si Thyme sa kursong Civil Engineering. At si Kavin naman ang sumusuporta sa kanya gayong para naman sa kanilang dalawa ang mga magiging bunga ng kanilang mga determinasyon at hardworks .

At kalaunan ay parehas nanga silang naging matagumpay na mga professionals at nagkaroon na rin ng mga anak sa pamamagitan ng pagtayo ng isang Orphanage para sa mga batang kanilang tutulungan na magiging anak na rin nilang dalawa na ngayo'y ganap ng mag-asawa matapos magpakasal sa bansang Thailand na sabay ring nag bakasyon sa Koh Phangan island ng bansang Thailand. Pinatunayan nga nilang walang bagay na makakahadlang may mahika man yan o wala kapag pag-ibig na ang usapan. 👨‍❤️‍👨

At doon nagtapos ang kanilang kuwento.

THE END. ☺️



📷ctto

Hi saiyo!😊
Nagustuhan mo ba ang kwento ko?
Pakipindut naman ng Star⭐ or vote button salamat.😊
Pwedi ka ring magfollow sa fb account ko @Febrero Nhel at
magsubscribe sa yt channel ko @Nhel195 Official para sa mga updates.Salamat!😊💜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top