Chapter10 Na-Engkanto?

Guys, final na daw na sa 25 ng umaga ang Christmas Party natin! Diba lahat naman tayo nagbayad nong nakaraan? Ang wika ni Luke. Ba't ba kasi na postpone ang schedule e. Dapat before 25 pa ang Christmas party.
Tama ka diyan Paul!

Oii Vin! Buti andito kana!

Bakit po? Ang tugon ko sa mga marites sa aming lugar. Hmmm pinagawa niyo na pala ang bahay niyo? Kailan pa? Ang mausisang tanong niya sa akin. - A, e ngayon lang po! Ngayon lang kasi nagkapera si Ate ko po e.
Ha? Anong ngayon lang! E malapit na kayang matapos ang bahay niyo! Atsaka ba't di ko man lang nakita na may gumagawa ng bahay ninyo? Ano yun mga multo o engkanto??
Ha? Ano pong pinagsasabi ninyo Aling Bering? Basta maniwala ka sa akin na engkanto kayo! Patayyy mag engat ka! Baka na engkanto na yang ate mo! Kung sino-sinong lalake nalang kasi ang kasama e.
Puwedi ba! Tigilan niyo na po yan! Huwag kayong mag imbento! Noong time na iyon ay iba-iba ang mga naramdaman ko habang pauwi ng bahay. Natatakot na masaya na parang ewan! Kaya dali-dali akong umuwi ng bahay.
____**___**_____**_____**______

Hala oo nga! Ba't ambilis naman gumanda ng bahay? Nasaan na kaya si Ate? Ate! Ate! Nandito na po ako! Pagpasok ko sa bahay ay tanaw ko na ang kumikinang na sementong sahig, ang divider na dati ay sa kapitbahay ko lang nakikita, ang mga kumikinang na mga gamit sa kusina, ang masasaganang mga pagkain, at ang nagpagulat saakin na dating pinapangarap lamang namin ang refrigerator na halos mapuno na ng mga pagkain. Totoo ba ang lahat ng mga ito? Ang tanong ko sa sarili.
"Oi Vin, Buti andito kana!" Ang nakangiting wika sa akin ni Ate.
Ate! Puwedi bang I explain mo sa akin ang lahat ng mga hiwagang nangyayari sa bahay na ito?! Bakit parang ambilis naman matapos nitong bahay? Atsaka ba't andami mo naman yatang mga nabili? Saan mo ba talaga kinuha ang pera ha?
"Vin, puwedi ba kumalma ka at huwag mo akong sigaw sigawan! " Alam mo ba ginawa ko ang lahat ng ito para sa'yo? Kaya e appreciate mo man lang! Diba pangarap na natin to noon pa? Ba't hindi ka masaya ngayon?
At anong mabilis? E sala pa lang naman at kusina ang nagagawa e. Habang ang likuran at harapan ay di pa tapos. Tsaka hindi naman pera ko ang binili ko sa ref at mga bagong gamit natin e, kundi sa mga nagbabalik nating mga pinsan.

Ha? Nagbabalik?
"Oo Vin! Pagkatapos ng Noche Buena ay dito na ulit sila titira. Kaya ikaw magpakabait ka sa kanila dahil darating din ang araw na mag-isa ka nalang sa buhay, at sila na lamang ang magiging pamilya mo.

Nang biglang umiyak si Ate

Sorry na po Ate! Promise hindi ko po sinasadya na saktan ka. Hindi ka mawawala! Magkakasama tayo sa anumang pagsubok ng ating buhay ate! Sorry na!
Ngayon naiintindihan na kita. Ate pasko na pala bukas anong handa natin? Huwag mo ng alalahanin yan. Ako na ang bahala bukas na pag-uwi mo ready na ang mga handa. A,e sige po Ate. "Sige kumain kana diyan! May pagkain na pala sa mesa sa kusina kumain kana do'n.

Taking a picture

Posting sa Facebook story....

"Renovated💜"

Wow! Tarayy! Ang yaman! Ang komento ni Paul
Sanaols! Komento naman ni Luke.
Ang fresh naman! 🙂 Komento naman ni Thyme. Guys, anong outfit niyo sa Christmas party? Ako mag hahawaiian outfit lang ako. Ang tugon ni Paul. Ikaw Luke? -A, e mag active dry color red Tshirt lang hehe then long black pants ganon lang ka simpleng outfit. E si Thyme kaya? Hmm chat mo na girl! Ang tumatawang reply ni Paul sa gc naming tatlo. Ayoko! Nakakahiya kaya!
"Bahala ka diyan! Nga pala memorize niyo na ba yung TikTok dance presentation na gagawin natin? "Oo naman Kav!" Bakit? Ayaw mong sumali??
A, e gusto naman pero nahihiya ako kasi nandoon si Thyme e. Suss ang OA!
Si Thyme sasali kaya yon kina Charlita? Song presentation lang naman ang sa kanila e. Ang malungkot na tanong ko sa kanila.
Panigurado! Yung bakla pang yon marunong yon kaya! Lahat kakayanin para sa sarili niya. Ang mataray na sagot ni Luke.

Hi saiyo!😊
Nagustuhan mo ba ang kwento ko?
Pakipindut naman ng Star⭐ or vote button salamat.😊
Pwedi ka ring magfollow sa fb account ko @RhonFebrero at
magsubscribe sa yt channel ko @Nhel195 para sa mga updates.Salamat!😊💜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top