-77-

3 chapters this week, 3 chapters din next week! Enjoy!

~Author-sama


M A X E N E

Nagkatinginan kami ni Marshan ng mapansin ang kakaibang closeness nina Monique at Christian and we heard from Mama na dito raw nakitulog kagabi si Monique. 


"Mukhang umobra yung plano mo Vicky..." Marshan told us. 


"Of course! Ako pa ba? Unang kita ko pa lang sa kambal niyo alam ko nang siya yung silent type but beast in bed, bilib din naman ako sa self control niya eh ang sexy kaya ni Monique..." She giggled. 


Monique walks towards us pero hinapit muna siya sa bewang ni Christian at hinalikan ito ng malalim. I just covered my eyes and Marshan gasped. 


"Ay ang rupok..." Yasha commented ng makalapit sa table namin si Monique. She just smiled at us while blushing. 


Ngayon ang birthday ni Clarence at nakaseparate ang table namin sa mga lalaki habang ang mga bata ay masayang naglalaro. As usual, hindi mapaghiwalay ang magbestfriend na sina Clarence at Hansel habang si Gretel ay nakikipaglaro sa ibang girls pero nakabantay sa kanya si Andrius. 


"How are you? You look happy." I asked Monique. She slightly covered her face para itago ang kilig. 


"I should've just initiated it before para sana matagal na kong masaya. Sinaktan ko lang ang sarili ko hahaha!" She giggled.


"Grabe kaiinggit!! Gusto ko rin yung mga tipo ni Christian, yung tahimik pero wild!" Vicky laughed. Sabay pa namin siyang nahampas ni Marshan.


"Kamusta na kayo ni Sebastian?" Monique asked her. 


"Wala namang bagay ang hindi nareresolba ng make up s*x." 


"Gosh Vicky! Yang bunganga mo pakifilter! Andaming bata dito!" Hampas ko sa kanya. Nagmake face lang siya at inirapan ako. 


"Tabi!" I gasped when Waldrin slightly pushed Marshan to the other seat para siya ang makaupo sa tabi ko. Napasinghap na lang si Marshan at akmang sisinghalan si Waldrin when Raven covered her mouth. Hanggang ngayon nag-aasaran pa rin sila. Palagi silang nagpipikunan kahit pa tungkol sa maliliit na bagay. 


"Ang mean mo talaga!" Sita ko sa kanya habang nakangisi siyang umupo sa tabi ko. Lumapit na rin yung ibang boys at may bitbit na sariling seats. 


"Ang boring dun, kayo rin lang naman pinag-uusapan namin." Humilig sa balikat ko Waldrin. Nasabi ko na bang andito si Sebastian? Yes he is here. Halos kasing edad lang din siya ni Kuya Spencer kaya medyo hindi siya nakakasabay sa usapan namin.


Gladly, he is with Vicky who can humor him.


"Kailan pala uuwi sina Rocket, Raven?" I asked Raven. Though, alam naman naming dun na sila talaga nakatira, I still wanted to see him and Wela. 


"Why are you asking about your ex in front of your husband?" Waldrin asked me. 


"Baka may hidden feelings pa---AAHHHH!" Marshan gasped when Waldrin pulled her hair. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya habang si Raven tatawa-tawa na lang na pumagitna sa dalawa. 


"Y-You---" Duro ko kay Waldrin dahil hindi ko talaga inexpect na sasabunutan niya si Marshan. Para siyang batang yumakap lang sakin at nagsumiksik sa leeg ko. 


"Buntis yung sinabunutan mo baliw!!!" Hinampas ko siya sa balikat. 


"'Cause she's mean!" Parang batang sumbong nito. I just rolled my eyes heavenward at hinaplos ang buhok ng asawa ko bago ako bumaling kay Marshan na humahagikgik pa dahil napikon niya yung asawa ko. 


"Hey guys! Kumusta?" Lumapit samin si Kuya Spencer nakasunod naman sa kanya si Paeng na may buhat na bata. My brother really love kids at kahit hindi niya kaano-ano eh inaalagaan niya. 


"Okay naman kuya, the kids look like they are enjoying!" Marshan answered him.


"At mukhang enjoy na enjoy ka Paeng." I teased my brother pero ngumuso lang siya sakin. 


"I feel betrayed you know? Hindi na sakin nakikipaglaro yung kambal at si Clarence!" He pouted.


"Gumawa ka na rin kaya ng sayo! Aw! Aray!" Yrew gasped ng pagbabatuhin namin siya ng malinis na plastic spoons at piningot pa siya ni Yasha. 


"G*go ka talaga!" Vicky laughed at him. 


"Sabi ng may-ari pwede niyo daw icelebrate din dito ang susunod na birthday nung kambal. He can give a huge discount dahil kaibigan naman namin siya." Kuya Spencer said. Ibinaba ni Paeng yung bata na nagtatakbo na pabalik sa mga kalaro. 


"But we are planning on giving them a huge and grand celebration. It's their first time celebrating it with us." Paeng said at humawak sa backrest ng upuan ko. 


"There's no way they would agree to that." I sighed. "Ayaw na ayaw nung dalawa na napapaligiran sila ng strangers, they prefer a simple celebration. I think this venue would be great." 


"Hansel threw a tantrum when we invited some co-workers and friends on their very first birthday. Of course we had to entertain the guests all throughout the party and the kids felt very out of place. We could handle Hansel's tantrum but not Gretel's." Naiiling na sabi ni Yasha. 


"Gretel is really the hard one to handle when she is pissed. Itinatapon niya at ikinakalat sa sahig lahat ng mahahawakan niya. Foods, decorations and she even unplugged some lights and speakers before. She poured water on the plugs na nag-cause ng short circuit noon and burned half of the venue..." Yrew laughed hardly. 


"That's the day we gave up acting as the twin's parents. Natakot na rin kaming magkaanak kaagad ni Yrew dahil sa trauma'ng binibigay samin nung dalawa." Naiiling na dagdag pa ni Yasha. 


"My Gretel is not like that..." I laughed as we glance at Gretel na nakikipaglaro pa rin sa mga babaeng kasama niya. Si Andrius ay nasa grupo na nina Hansel. 


How can they say such things to my princess?  Hahahaha!


"I can't imagine our Gretel being like that." Paeng commented. 


"Ohhh! She was tamed when Maxene started handling her." Vicky said. 


"Kahit hindi ko sila naaalagaan noon, they knew I am their Mom. I can sense it when they did something wrong dahil hindi naman magawang pagalitan nitong dalawa. You see Hansel is very transparent, alam mo na agad kung mayron siyang ginawang kalokohan. But Gretel can hide it with her emotions, she lied once to me and I just stared at her hanggang sa umiyak na lang siya dahil sa takot sakin and confessed the truth." 


"You did?! Alam mo ba kung paano ka tumingin ng masama?! You look like you are ready to kill someone if you do! Malamang matakot talaga sayo yung anak mo!" Marshan gasped. 


"Mas mabuti na yun kaysa lumaki siyang ganun, habang maaga pa pinutulan ko na siya ng sungay." 


"Maxene, anak mo yun. Pinutol mo lang yung sungay pero eventually may sungay pa rin. My gosh!" Vicky said.


"You all talking like my wife is such a bad girl." Waldrin frowned at them. 


"Because she is!!!" Sabay-sabay pang tawa nina Marshan, Yasha, Yrew at Vicky. 


"Bro, honestly, not negatively though, but she is..." Raven chuckled. 


"Kuya bulag ka na..." Paeng laughed. 


"Pinagkakaisahan niyo ko mga baliw." Nakitawa na rin ako and I know my husband cannot comprehend kung bakit natutuwa pa ko sa pang-aasar sakin ng mga ito. 


"Oh! I think there are times when she's obedient." Waldrin smirked at me. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya as I stared at him. He wiggled his brows at unti-unting nagsink in sakin ang tinutukoy niya. Nag-init ang mukha ko kaya nahampas ko siya sa braso. 


"Tsss, submissive ka pala Maxene, I can't imagine that." Vicky grinned at me. Mas lalo tuloy akong namula. Yumakap ako kay Waldrin and buried my face on his chest. Tumatawa lang siya na para bang proud pa sa sinabi niya. 


"You should really be proud, only you can tame her." Kuya Spencer chuckled. Nag-angat ako ng tingin sa kanya and glared at him. 


"Kuya! Wag ka ng dumagdag pa!" I hissed and again buried my face on Waldrin's chest. 


"MOMMY KOOOO!!!" Gretel came running towards us at agad siyang sumampa sa lap ko. "Look! Shiela gave me stickers!" Tuwang-tuwang sabi nito sabay pakita ng braso niyang tadtad na ng stickers. 


"Parang wala naman akong nakikitang sungay, mukhang halo nga ang meron kay Gretel." Monique commented. 


"Ohh! Don't get deceived nagmana kaya yan kay Maxene." Nakangiwing sabi ni Yasha. 


"Gusto mo ng sticker Mommy Yash? So we can seal your mouth?" Inosenteng tanong ni Gretel. Napasinghap kaming lahat and I immediately covered my daughter's mouth. 


"Hey! That's bad!" I spat at my daughter. She just giggled and kissed my cheek. 


"I was just kidding!" She giggled. Honestly, ganyan talaga magjoke si Gretel kaya mas panatag ako kapag tahimik lang siya. 


"Hayyy, buti na lang immuned na ko sayong bata ka." Naiiling na sabi ni Yasha dito. Gretel removed some of her stickers at dinikit sa likod ng mga palad namin. She gave all of us stickers and she really did put the sticker on Yasha's mouth habang tatawa-tawa ito. 


Bumalik ulit siya sa mga kalaro niya pagkatapos. 


"Yung puso ko!" Marshan gasped ng makalayo na si Gretel.


"Pasensya na, I think nakukulangan na ako sa pagdidisiplina." I sighed. 


"Anyways, puntahan ko na yung asawa ko. Enjoy the rest of the party." Paalam samin ni Kuya Spencer. 


"Makikipaglaro na rin ako..." Paeng chuckled and jogged towards the kids. Mukhang dumami na rin ang bisita base sa volume ng mga tao na nandito na. 



*BOOOMMMM!!!!* 



"AAAHHHHHHH!!!!" 


Screams filled the venue after the loud explosion. Naestatwa ako at agad na napatingin sa direksyon ng mga bata kanina. Puro usok na ang pwesto nila kanina. Mahina lang ang sabog nito kaya hindi kami nasaktan pero lahat kami nagulat sa pangyayari. 


"Ang mga bata!" Waldrin exclaimed besides me. He was about to run towards the kids but I pulled him and reached for my gun inside my pocket when I saw the tip of a sniper pointing towards us. 


Bang! 


I shot! Napasinghap ang mga kasama ko and Marshan immediately pulled out her gun. 


"DAPA!!!" Sigaw ko sa mga kasama namin. Unti-unting nawala ang usok sa parte nila. 


Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga armadong lalaking may hawak na mga snipers halos mahigit sampu sila na nakatutok ang mga baril sa direksyon namin ni Marshan. 


"H-Hansel... Gretel..." I heard Waldrin's voice. Nanginginig ang kalamnan kong nakatingin sa dalawang lalaking may hawak sa mga anak ko. Wala ng malay si Hansel and Gretel was just looking at me with fear on her eyes. 


Fear that she only shows towards me. 


Nakadapa si Paeng sa sahig at hawak-hawak ng dalawang lalaki. Wala na rin itong malay na mukhang binugbog na nila dahil sa panlalaban. 


"Ibaba niyo ang mga baril niyo, kung ayaw niyong pasabugin ko ang ulo ng batang ito." Idinikit nung gunman yung baril sa sentido ni Gretel. A tear escaped from my daughter's eye at halatang-halata ang panginginig nito as she was staring at me-asking me for help.


Marshan and I slowly put down our guns.


"Hindi niyo kilala kung sino ang binangga niyo." I hissed. 


"Pasensya na... trabaho lang..." The leader said. Lahat sila nakasuot ng itim na bonnet na natatakpan ang buong mukha nila. They started walking out of the venue papunta sa exit kung saan naghihintay ang dalawang getaway vehicle.


"M-Mommy..." My daughter mouthed. Fear is written all over her face. My daughter who haven't known fear. 


Bang! 


Isang putok ang pinakawalan nila bago sila umalis. I just clenched my jaw habang nanunuot ang sakin ng tama ng bala sa balikat ko. 


"J-June, July, August..." I breathed. 


May tatlong sasakyan ang humarurot na sumunod sa dalawang van. I grasped my shoulder at napaluhod na lang sa damuhan. 


"M-Maxene..." Waldrin get up and held me. Lumapit na rin si Marshan to check on my wound. 


"Oh my gosh!" I heard Vicky gasped. 


I was just clenching my fist habang kagat-kagat ko ng mariin ang labi ko. I feel so hopeless, kung sa ibang pagkakataon sana napatumba ko na silang lahat ng mabilisan but this time I can't. 


Because inside the van, 

I saw Leanna. 


"Yasha, Yrew... Pakicheck ang ibang mga bisita." I hissed. 


"O-Okay..." 


"Marshan, we have an unfinished business." I clenched my jaw and stood up pero naramdaman ko ang paghawak ni Waldrin sa braso ko. 


"L-Let's call Lolo, ang mga tauhan na niya ang papuntahin mo, k-kailangan mong magamot." His eyes are unfocused at nanginginig na ang mga labi nito. 


"Mga anak ko ang sinaktan nila, they don't mess with me. No one can mess with me..." I hissed. 


"Buntis ka Maxene! I-I'll go! Just stay here and get treated! Ako na ang kukuha sa mga anak natin!" 


"What can you do?!"


"Yun na nga eh! I can't do anything Maxene! Pero hindi ko hahayaang mawala ka ulit sakin o kung sino man sa inyo!" He shouted at me. Nanlaki ang mga mata ko ngunit agad din akong napangiwi sa biglaang pagkirot ng balikat ko. 


"I'm sorry..." I said and hit his neck. Agad naman siyang nasalo nina Raven ng mawalan siya ng malay.


"M-Maxene, tama si Waldrin, let them handle this..." Christian told me. Umiling ako sa kanya at ini-on ang earpiece ko. I opened my phone to connect to the Underground Society, a society recently established to watch over the movements and transactions of the Mafia Organizations.


"This is Prime of Primera, Maxene of McNeils, Uno of Venom... requesting for permission to kill." I said upon connecting to the Underground Society. 


Permission Granted.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top