-76-

"Anong plano natin kay Christian para maging Christian Grey?" Hagikgik ni Vicky habang nasa bar ang mga ito dahil nagkayayaan silang lumabas. Though, Maxene, Marshan and Yasha are not allowed to drink. 


"Mahal ka naman nun, he just respects you so much." Marshan told Monique.


"Ang tagal na ring nagpaparinig si Mommy sa kanya na gusto na niyang magkaapo but still ganun pa rin, walang progress..." Monique sighed as she drank another shot of tequila.


Monique is wearing a body fit dress na ipinahiram sa kanya ni Maxene. A dress that she used to wear when she lost her memories. Ngayon hindi na siya makakapagsuot ng ganung klaseng mga damit dahil may asawa siya. 


"Maybe hindi lang siya makahanap ng tyempo, you see yung family mo nasa bahay niyo, at nasa poder pa nina Papa si Christian, there's just no right place to do the deed." Maxene commented.


"Kahit nabuntis ka sa bahay mismo nina Waldrin???" Marshan mocked her na agad namang inirapan nito.


"If there's a will, there's a way! At tsaka nasa tamang edad na naman kayo. Dapat nag-out of town na lang kayo tapos iisa ng kwarto." Yasha suggested. Muling napabuntong hininga si Monique as she drank another shot.


"Nag-out-of-town na kami, na kaming dalawa lang but he booked 2 single rooms." 


Nagkatinginan naman yung apat at napailing-iling na lang. 


"Ang boring ng boyfriend mo, napaka-old fashion." Vicky snorted as she joined Monique drinking the tequila. 


"Ni hindi pa nga namin napag-uusapan kung kailan kami ikakasal. O kung may balak man siyang pakasalan ako." Namumula na ang mukha ni Monique sa dami ng nainom nito.


She can't help but be envious of her friends. Naiinggit siya sa klase ng pagkahawak ni Waldrin kay Maxene, the way Raven look at Marshan and the way Yrew and Yasha argue and the make up. Lahat ng yun never pa niyang naranasan mula kay Christian. 


He's a gentleman she must admit pero hindi ganun ang gusto niya, gusto niya yung gentleman na medyo bastos. Pero ayaw din naman niya kung hindi si Christian iyon! She's going crazy!


They've been going out for almost 4 years. Pero ang ginagawa lang nila ay kumain sa labas, manood ng sine at mamasyal. Things you could actually do with normal friends. 


"N-Nakakarami ka na..." Marshan tried to stop Monique from drinking her shot pero tinaasan lang siya nito ng kilay. 


"Hayaan niyo siya..." Vicky giggled dahil lasing na rin ito.


"Alam niyo bang hindi ako pinayagan ng asawa kong pumunta dito. He's been calling me several times, kapag natrack niya kung asan tayo, malalagot na naman ako." Maxene grunted as she put her phone on the counter. 


"Ang paalam ko kay Raven, magbebake lang tayo ng cake sa bahay nina Monique." Marshan bit her lower lip. 


"My gosh! Where's the fun in that?! Nabuntis lang kayo pinagbabawalan na kayo ng mga asawa niyo?" Vicky spat. Yasha grab the glass she's holding dahil lasing na ito. 


"Hindi naman kami pakawalang gaya mo, and if I were you itigil mo na yan, kanina pa nagriring yang phone mo." Yasha told her. Sebastian's name registered on Vicky's phone screen but she just grunted and turned off her phone. 


"Nag-away ba kayo?" Maxene asked her.


"Hell yeah! I just saw him and his ex girlfriend kissing in front of his unit. I was so mad I threw him the engagement ring he gave me!" Naiiyak na sambit nito. 


"Did you let him explain?" Marshan asked her.


"No, what is it there to explain?" Vicky started sobbing. Kaya pala ito nag-aya ng inuman dahil may pinagdadaanan ito. Napangiwi na lang si Maxene as Yasha started recording Vicky's crying face. Minsan lang ito magdrama sa inuman kaya hindi nila pwedeng palampasin. 


"Malay mo naman, she kissed him at hindi iyon ginusto ni Sebastian---"


"Ohh!! Whatever!!" Vicky cut Marshan off at umalis sa upuan nito. She walks towards the dance floor at nagsimula na itong magsayaw habang si Monique ay patuloy pa rin sa pag-inom. 


"May contact ka ba ni Sebastian?" Yasha asked Maxene. 


"I cannot open my phone dahil panay ang tawag ni Waldrin, hintayin mo na lang tumwag ulit si Sebastian diyan sa phone ni Vicky." Maxene suggested. Hindi rin nagtagal ay tumatawag na si Sebastian na agad namang sinagot ni Yasha.


"HOY SEBASTIAN, SUNDUIN MO NA DITO SI VICKY DAHIL KUNG KANIKANINO NA LUMILINGKIS!!!" Yasha snapped. 


"Where is she?" Mababa ang boses nito sa kabilang linya na ikinangisi naman ni Yasha. 


"Blitz Elite..." The line immediately ended. "This is exciting..." Yasha giggled as she put back Vicky's phone in her purse. 


"Galit ba?" Marshan asked. 


"Mukhang may mag-iinit ang gabi." Yasha chuckled. Monique bit her lower lip of what she heard. Punung-puno ng inggit ang loob niyang tinungga ang isang shot ng tequila. 


"E-Excuse me, CR lang." She excused herself. Tumayo siya pero nahilo lang siya at agad naman siyang naalalayan ni Maxene. 


"I think you should go home Monique, pagkarating ni Sebastian, aalis na rin kami. Ipapasundo na kita kay Christian." Parang may asidong gumuhit sa lalamunan niya sa narinig. 


"I can handle myself." She sighed as she walks towards the comfort room. She looked at her face in the mirror. Namumula na at namumungay ang kanyang mga mata. Hindi na rin niya napigilan ang pagpatak ng mga luha niya. 


Pagkalabas niya ng CR nagkakagulo na sa pwesto nila kanina. Andito na si Sebastian, parang katatawag lang ni Yasha sa kanina. Ang bilis naman nitong nakarating. Sebastian was dragging Vicky out of the bar at nagpupumiglas naman yung isa. 


"Will they be okay?" Marshan asked Maxene. Tuluyan ng nakalapit sa kanila si Monique at umupo sa pwesto nito. She was about to pour another shot of tequila on her glass ng pigilan siya ni Yasha. 


"You should stop that..." Yasha told her. She pressed her lips tightly at sumandal sa couch. She closed her eyes ng marinig niya ang boses ni Maxene. 


"Oh gosh! Nasa labas na yung asawa ko. We have to go!" Maxene gasped. Agad namang lumabas yung tatlo and Monique was just walking slowly as she followed them out of the bar. Wala rin namang nag-aabang sa kanya sa labas at hindi naman niya kailangang magmadali ng uwi. 


"Ihahatid ka na namin Monique!" Marshan called her. Monique just hugged herself dahil malamig sa labas ng bar. 


Nasa loob na ng sasakyan sina Maxene at Waldrin at mukhang nag-aaway na ang dalawa. Yasha and Yrew are laughing dahil siguro ikwinekwento na ni Yasha yung nangyari kay Vicky. 


"I am fine, mag-ta-taxi na lang ako." Monique said. 


"Pero delikado---" Naputol ang sasabihin ni Marshan when someone grab Monique's arm. Her eyes widen when she saw Christian, mukhang kagigising lang nito at hingal na hingal na nakatingin sa kanya ng masama. 


"You told me tulog ka na sa bahay niyo! What are you doing here?!" Singhal nito sa kanya. 


"Ahh errr mauna na kami, I-ikaw na ang bahala kay Monique, Christian." Napangiwi na lang si Marshan bago sumakay sa sasakyan ni Raven. Umalis na ang mga ito pero nakatingin pa rin ng masama si Christian kay Monique. 


"This is the first time you lied to me! That you hid something from me!" Christian hissed. Bumuntong hininga na lang si Monique at naglakad papunta sa sasakyan ni Christian. 


"What are you wearing?---"


"I wanna go home." Monique cut him off. Agad itong sumakay sa sasakyan at agad naman siyang sinundan ni Christian. 


"How much did you drink?" He asked her as he started the engine. Hindi sumagot si Monique, she just closed her eyes dahil na rin sumasakit na ang ulo niya dahil sa alak. Naramdaman na lang niya ang pagbalot sa kanya ni Christian ng jacket na suot nito kanina. 


They remained silent hanggang sa makarating sila ng bahay nina Monique. He didn't asked anymore questions, he didn't pry. Ganun naman sila lagi, parang wala itong pakealam sa kanya. 


"Why are the lights off? Diba ayaw ng Mommy mong nakapatay yung ilaw sa living room?" Christian asked her. 


"Out of town sila, at may sleep over si Queenie sa friends niya." Monique said as she handed back Christian's jacket. 


"You're alone?" 


"Yeah..." She sighed and opened the door to her side when Christian grab her arm. 


"May problema ba tayo?" He asked. 


"Did we ever have a problem?" Monique asked mockingly. 


"Why are you acting like that? You're acting different!" 


"I am just tired. Papasok na ko." Piniksi niya ang braso niya at bumaba na ng sasakyan. She reached the gate and started looking for her keys pero hindi niya ito mahanap sa bag niya. 


Christian grabbed her bag at siya na ang naghanap ng susi niya. Siya na rin ang nagbukas ng pintuan sa bahay nila and locked it. Dumiretso na lang paakyat sa kwarto si Monique not minding the piercing stares Christian is giving her. 


"Can we talk first?" Christian asked her pagkapasok nila sa kwarto ni Monique. Hindi siya kinibo ni Monique and she started taking off her shoes and unbuttoning her dress. 


"S-Stop! Andito pa ko! What are you doing?" He hissed holding her dress on her shoulders. 


"And so? I am just undressing." 


"Monique ano bang nangyayari sayo?" He asked her. Monique pushed Christian on the bed at agad siyang umibabaw dito. 


"M-Moni---" She covered his mouth with hers, aggressively kissing him. Christian's eyes widen dahil na rin sa gulat sa ginawa ni Monique. 


For him, Monique is pure and innocent girl, hindi ito agresibo.


"Stop Monique!" He slightly pushed her away. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya ng makitang umiiyak na ito. He immediately pulled her for a hug. 


"I'm sorry, did I hurt you?" Masuyong tanong nito sa kanya as he kisses her head. 


Umiling ito at umalis ng pagkakayakap kay Christian. She fixed her dress and calmed herself.


"Sorry, mag-usap na lang tayo bukas Christian." Parang may kung anong bumara sa lalamunan ni Monique. But she just can't face him right now, after siya nitong harap-harapang ireject. Napasinghap siya when Christian pulled her, and she landed on his lap facing him. 


Bahagyang bumaba ang strap ng damit niya and she saw how Christian gulped upon seeing the upper side of her breast.


"W-What do you want? I will give it to you." He asked her. Namula si Monique dahil sa lalim ng boses nito and the way he is looking at her. Malakas siyang napasinghap ng ibagsak siya sa kama ni Christian at nakaibabaw na ito sa kanya ngayon. 


"I don't want to do it with you dahil alam kong masasaktan kita Monique, I am not a gentleman in bed." Mabigat ang paghinga nito as he softly bit Monique's lower lip. 


"I am afraid to show you who I really am dahil baka iwanan mo ko, that's why I wanna marry you first para hindi ka na makawala." 


Napalunok si Monique sa sensasyong dulot ng boses ni Christian, this is the side of Christian she never knew. 


"Why don't you try me?" Monique said seductively. Christian's eyes blazed and ravished Monique's mouth.... 







MONIQUE woke up with her whole body aching. Nakatulog naman siya pero pakiramdam niya pagod na pagod pa rin siya. She looked at the digital clock on the table and it's already 9 in the morning, kumakalam na rin ang sikmura niya but she doesn't have the strength to get up from her bed. 


"Are you awake?" Christian moaned behind her. He's kissing her nape habang ang isang kamay nito'y nakahawak sa dibdib niya. 


"I'm still tired, h-hindi ka pa ba pagod?" She tried to cover her face with the blanket pero inaalis lang iyon ni Christian. 


"Kailangan mong panindigan Monique, you woke up the beast in me." Christian chuckled. 


"Then at least let me have my breakfast." Nakangusong sabi nito. Naramdaman ni Monique ang pagbaba ni Christian sa kama. She glanced at him, nagsusuot na ito ng damit. 


"What do you want for breakfast?" He asked her at mabilis siyang hinalikan sa labi. Masigla ito na parang hindi pinagpawisan sa buong magdamag. 


"Uhm, tignan mo na lang kung anong meron sa ref."


Hindi na napigilan ni Monique ang mapatili pagkalabas ni Christian sa kwarto niya. Parang noon lang pinapangarap niya ito, ngayon talagang nangyayari na! She bit her lower lip as she giggled. Bumangon siya ng kama pero napangiwi na lang siya sa pagkirot ng katawan niya. Her legs are still wobbly as she walks towards the comfort room.   


"Ugh! My back is killing me..." She grunted when she felt a pang of pain on her back. Bumaba na siya sa kusina after wearing some clothes. Muntikan pa siyang madulas sa hagdan dahil sa panginginig ng mga binti niya. 


"How are you feeling?" Christian grin widely at her. Namula ang mukha niya sa tanong nito. 


"S-Still sore..." She bit her lower lip. Lumapit sa kanya si Christian and hugged her. 


"Masasanay ka rin naman, diba?" He asked her. Nanlaki ang mga mata ni Monique sa tanong nito. 


"W-Wala ka naman sigurong balak araw-arawin ako?" 


Kumunot ang noo ni Christian sa tanong niya. "At least 5 days a week then?" Nasamid sa sariling laway si Monique sa tanong nito. 


"S-Seryoso ka?" 


Sumama ang tingin sa kanya ni Christian. Napalunok na lang siya at hindi makapaniwalang napakurap-kurap. 


"You're gonna kill me..." 


"Gaya nga ng sabi ko, kailangan mo kong panindigan Monique." Seryosong saad nito. Napatitig na lang siya kay Christian dahil ayaw ng magfunction ng utak niya at wala na siyang maisip na isasagot dito. 


Napasinghap siya ng bigla siyang halikan muli nito sa labi. Her face immediately flushed red na ikinatawa naman ni Christian.


"I love you..." He said to her. And her heart just stopped beating. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top