-73-
Guys, kapag hindi kami sasali sa bagong feature ng wattpad na magbabayad ng coins para makabasa, sana naman ang gawin niyo na lang payment ay comments at votes bilang suporta na rin sa mga libreng stories.
~Author-sama
"That was exactly 5 minutes." Waldrin wrapped his arm around me and kissed my temple.
"Tapos na kayong mag-usap?" I asked.
"Yeah, she just apologized for what she did." He said. Kumunot ang noo ko. She apologized to Waldrin but she didn't apologized to me yet! She framed me up last time at pinagmukha niya kong masama. Nagkandasugat-sugat pa ko dahil sa pagmamadaling ihatid siya sa hospital hindi naman pala siya buntis noon at may dala lang siyang fake blood.
"Why? Are you jealous?" Napakurap-kurap ako sa tanong ni Waldrin.
"Why would I? Nag-usap lang naman kayo. Tsaka hindi ka naman niya maagaw sakin." I said.
"Why? You should be jealous. Kapag may lumalapit saking babae dapat nagseselos ka. I love it when you're so possessive of me." He wiggled his brows. Natawa na lang ako at marahan siyang tinapik sa braso.
"Gusto mo magselos ako? If I got jealous hindi lang sa babae ako magagalit, pati sayo, gusto mo yun?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"Wag na nga lang." He mumbled as he kiss my cheek.
"Kumuha ka na ng mga pagkain nung mga bata. I'll watch them and I'll watch you." I chuckled. Kumalas naman ito ng yakap sakin at hinila na sina Raven at Christian para kumuha ng mga pagkain.
"GO AWAY!!! UGH!!!" Mabilis na umakyat si Gretel sa hita ko para iwasan si Andrius.
"I just wanna play!" Nakabusangot na sabi ng bata.
"Gretel, he's just being friendly." I said to my daughter.
"Daddy said no boys allowed until I'm 30!" Ibinaba ko si Gretel sa may damuhan na nagpupumiglas pa at ngumuso sakin.
"GRETEL AND ANDRIUS SITTING ON A TREE! K-I-S-S-I-N-G!!!" Clarence and Hansel sang together. Nanlaki ang mga mata ko habang napahagikgik naman sina Ate Claire at Marshan.
"Hansel! Stop teasing your sister! Mamaya bugbog sarado ka na naman diyan!" Sita ko sa anak ko.
"Ehhh she's teasing me kanina Mommy eh!" Hansel reasoned out sabay belat kay Gretel bago sila nagtatakbo paalis ni Clarence. I slightly pulled Andrius hand at inilapit kay Gretel.
"Andrius, she's your little sister ha? You watch over her. Gretel, he's your Kuya Andrius, he can be your Kuya if Hansel can't. Okay?" Tumingin sakin si Gretel bago bumaling kay Andrius.
"Is it really okay? Daddy won't get mad?" She asked me.
"Ako ang bahala sa Daddy mo." I smiled at her. Humawak si Gretel sa kamay ni Andrius and I heard Marshan squealed na animo'y kinikilig.
Napatingin ako sa gawi ni Waldrin and I saw him walking fast towards us. Madilim ang mukha nito.
"Hey! Hey! Hey! NO---"
"Mga bata lang sila..." I cut him off. He immediately pressed his lips tightly at inilapag yung pagkain sa table.
"Later na kayo magplay, kakain muna si Gretel ha?" Peke siyang ngumiti kay Andrius at talagang tinanggal pa ang pagkahawak kamay nung mga bata. He carried Gretel at pinaupo sa kandungan niya.
"Play tayo later kuya." Gretel waved at Andrius.
"EHEM... dun ka muna sa Mommy mo Andrius." Waldrin roughly cleared his throat. Agad ko siyang hinampas sa braso.
"Pati bata ba naman papatulan mo?" I hissed at him.
"Don't argue with me about this wife." He said sternly. Medyo nagulat pa ko sa naging reaksyon niya, ngayon lang siya kumontra sa mga gusto ko. Dati naman kung anong sinasabi ko yun lagi ang nasusunod.
"I-I'll just call Hansel..."
"Hey... I'm sorry, hindi naman ako galit sayo. Ayoko lang na sa murang edad eh malapit na sa mga lalaki si Gretel." He held my hand and kissed my palm. "I'm sorry baby but I-I'll take my stand in this."
Napangiti ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.
"It's okay. May karapatan ka rin namang magset ng rules para sa mga anak mo." I smiled at him. Tinawag na namin sina Hansel at Clarence para pakainin ang mga ito.
Bahagya kong inilalayo si Hansel kay Gretel dahil pasimple nitong inaabot ang braso ng kuya niya at kinukurot.
"Daddy paluin mo mamaya si Gretel, nagboboyfriend na siya." Belat nito sa kapatid. Napasinghap tuloy ako and covered Hansel's mouth.
"Mommy said it's okay!"
"N-No, sweetie. I said he's okay to be your kuya, not boyfriend, okay?" I asked her.
"Okay." She said in a sing song voice.
Muli ng naglaro ang mga bata after they have eaten. Bantay sarado si Gretel sa tatay niya habang naglalaro sila ni Andrius. Hansel is playing with some other kids, of course kadikit nito si Clarence.
"Mauna na rin kami, may date pa kami." Marshan winked at me. Ngumisi sakin si Raven habang nakaakbay kay Marshan.
"Ewan ko sa inyong dalawa." I rolled my eyes at them. Busy si Kuya Spencer kaya si Christian ang kasama ni Ate Claire na magbantay kay Clarence. Umalis na sina Marshan after nilang magpaalam sa ibang mga kakilala nila.
"Kailan niyo balak sundan si Clarence, ate?" I asked Ate Claire. She smiled faintly at me bago bumuntong hininga.
"Natatakot ang kuya mo eh, nag-agaw buhay kasi ako when I gave birth to Clarence. He had been very careful whenever we make love." She sighed. "Bakit ikaw? May laman na naman ba?" She laughed. Umirap lang ako sa kanya at umiling-iling.
"Wala pa. Hindi pa pwede, hirap na hirap na nga kami ni Waldrin sa dalawang yan. Panahon na para paghiwalayin namin sila ng kwarto. Lalo na ngayong lumalabas na yung ugali ko kay Gretel." I bit my lower lip as I watched Gretel and Waldrin.
Halata sa itsura ni Waldrin na nagpipigil ito ng init ng ulo whenever Gretel is giggling at Andrius.
Nahagip ng mga mata ko si Leanna na nakatingin sa mag-ama ko. I pressed my lips tightly bago bumaling kay Ate Claire.
"Saglit lang ate, may kakausapin lang ako." Agad akong tumayo at naglakad papunta sa direksyon ni Leanna. Naagaw ko naman ang atensyon nito and fear immediately crossed her eyes na agad din naman niyang naitago. Bahagya pa siyang napaatras sa paglapit ko.
"M-Maxene.." She gasped.
"Yeah, buti naman at alam mong andito ako at kung makatitig ka sa ASAWA KO para mo na siyang tinutunaw." Umigting ang kanyang panga at bahagyang nag-iwas ng tingin.
"W-What do you want?"
"You never apologized to me after that incident. Ang tigas din naman talaga ng mukha mo. Are you still trying to look like the victim here?" I clenched my jaw habang pilit kong hinihinaan ang boses ko. Nadadagdagan lang ang galit ko sa kanya dahil sa itsura niya na mukhang siya pa ang kawawa.
"I-I just did it dahil mahal ko si Waldrin, I have all the rights to fight for him." She said firmly. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko as I clenched my fist tighter. I could slap her right now pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil mga bisita lang kami dito. This is not the right place to vent out my anger towards her.
"Wala kang karapatan sa asawa ko..."
"You think I don't know? Akala mo hindi ko alam na walang bisa ang kasal niyo? That you asked your grandfather not to process your marriage legally kasi akala mo mawawala ka na ng tuluyan?"
Nawalan ng kulay ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
"O kahit naprocess man yun legally, wala pa ring bisa ang kasal niyo. You don't have any records. Maxene McNeils was not truly existing, you are nothing but a hoax..." Nanginginig ang palad kong dumapo ng malakas sa pisngi niya.
I was not able to contain my anger. I forgot where I was. I forgot how to control myself. Agad akong nagtatakbo palabas ng party not minding the voices calling out my name. I was mad.. I was so mad about everything she said kasi lahat naman ng sinabi niya ay totoo.
The Maxene that Waldrin was married to was a fake, a non-existent temporary person. Wala akong kahit anong papeles na makakapagpatunay ng katauhan ko noong ikinasal kami. Wala akong tunay na pinaghahawakan sa kanya.
"OH! GOD!!!" Narinig ko ang pagsinghap ni Waldrin sa tapat ng pinto after opening the door to our room. Agad siyang lumapit sakin at hinawakan ang mukha ko.
I cannot remember how I got home at kung bakit dito ako dumiretso. Pawis na pawis ang mukha ni Waldrin, bakas dito ang sobrang pag-aalala at pagkabahala.
"What happened? Are you okay? Pinag-alala mo ko ng sobra!!!" He gasped. I glanced at him as depression is slowly crawling inside me.
"D-Don't look at me like that! Ano bang nangyayari sayo?! What did Leanna tell you?! I could kill---" Nanlaki ang mga mata ni Waldrin when he saw my tears streaming down my cheeks.
"N-N-No... Sshhhh, baby what's wrong? Talk to me... You are scaring me..." Humina ang boses nito habang masuyong hinahalikan ang mukha ko.
"W-We are not married---" He sealed my lips with a kiss at dun na tuluyang bumuhos ang mga luha ko. I am a liar, I am a fake. I don't deserve him. I don't deserve to be treated like this...
"I know..." He breathed. Natigilan ako sa sinambit niya. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. Tears fell from his eyes as he smiles painfully at me.
"I know we're not. I know you just did it because you thought you'll be forever gone. But for me everything was real, I don't need any rings, any certificates, any license to prove that I am committed to you. You are my life and I'll be forever yours. Kahit ilang katauhan pa ang meron ka, kahit ilang pangalan pa ang gamitin mo, I'll marry you again and again and again. Ikaw lang ang gusto kong makasama panghabang buhay."
I burst into tears as I wrapped my arms around him. I cried loudly as I kept on apologizing to him. Of all the misfortunes that came into my life, he's my one and only miracle that made this life worth living for.
"A-Asan pala ang mga bata..."
"Iniwan ko muna kina Ate Claire, sleep over muna daw sila." He kissed me on the lips.
"Are you okay now? Sabi ni Yasha, normal lang daw yan sa mga buntis---" Agad ko siyang hinampas sa braso and glared at him.
"Baliw, sinong buntis?"
"Hindi pa ba? Baka hindi mo lang alam. Magpacheck up kana kaya?"
"Hindi nga. I'm on pills---"
"WHAT?!!"
"Huwag mo kong mawhat-what diyan. Hindi pa natin pwedeng sundan yung dalawa." Bumuntong hininga ito as he cuddle me on our bed. Nakatalikod ako sa kanya at nakayakap naman siya sakin habang masuyong hinahalikan ang batok ko.
"Saan mo itinatago yung mga pills mo?"
"Wag ako Waldrin, I told you hindi pa nga pwede!" I'm sure kapag nalaman niya kung saan ko yun tinatago, itatapon lang niya yun.
"Tch.. Stingy..." He mumbled on my nape. Sisinghalan ko na sana siya kaso humigpit ang yakap niya sakin as he chuckled like a kid.
Lihim na lang akong napangiti. Hindi naman talaga ako nagpi-pills.
I think I really need to visit my OB soon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top