-70-
Nawawalan ako ng motivation guys!!! Pahingi naman ng makabagbag damdaming comments!!!
~Author-sama
"Kinikilabutan ako sa mga ngisi mong yan Waldrin." I scoffed. Naiiling lang siyang nakangiti habang nakasandal sa headboard ng kama at nagbabasa ng libro.
"Gretel is such a smart girl." He chuckled. Namula ako sa sinabi niya. Kanina pa niya paulit-ulit na inoopen up yung wish ni Gretel na baby brother.
"T-tigil-tigilan mo ko, 3 years old pa lang yung mga bata, tsaka na natin sila sundan kapag 7 na sila." Nawala ang mga ngiti at bumaling sakin.
"Wife, kung hindi ka lang sana nawala ng apat na taon baka naka-apat o lima na tayo ngayon." Hinampas ko siya ng unan kasabay ng malakas na pagtawa nito.
"G*go, matulog ka na nga, sa bahay pa tayo mag-aalmusal ng maaga bukas." I chuckled.
"Let's take a bath first..."
"Sige, mauna ka na---"
"No. Let's shower together baby." Napasinghap ako ng bigla niya kong hapitin sa bewang habang inaayos ko yung comforter sa kama.
"Time out muna ako sa kahalayan---"
"Walang time out- time out. We have 7 rounds to finish tonight." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at malakas siyang hinampas sa braso na nakapagpahiyaw naman sa kanya.
"That hurts!!! Dahil diyan we'll do 8 rounds tonight." He hissed as he pulled me towards the bed.
D*mn! Mukhang balak talaga akong buntisin ng g*go!!!
"Mom, are you okay? You look sleepy." Gretel asked me pagkatapos kong humikab. Nasa loob na kami ng kotse at papunta na ng ocean park. Napansin ko naman ang pagngisi ni Waldrin sa tabi ko kaya nahampas ko ulit siya ng malakas na nakita naman nung mga bata.
"Mom! Bad ka! Bakit mo pinapalo Daddy ko?" Hansel said as he possessively hugged Waldrin against me. Tatawa-tawa naman yung isa habang si Gretel ay kinakalas na rin yung upuan niya.
"Go back to your seat Waltz! Drinx, don't remove your seat belt." I said. Natigilan naman yung dalawa dahil alam nilang galit na ko. Hindi lang walong rounds ang tinapos namin kagabi, dinaig pa namin yung mga laban ni Pacquiao!
"Bakit ka nagagalit samin Mommy?" Hansel sniffed as he goes back to his seat and buckle up. Nakayuko lang si Gretel at tahimik na nilalaro ang mga daliri but I know nagtatampo na rin yan. Napabuntong hininga na lang ako.
"Sorry kids, pagpasensyahan niyo na si Mommy. Napagod kasi siya kagabi." Waldrin grinned. He caught my hands bago ko pa siya mahampas ulit ng malakas.
"Why? What did you do Mommy?" Hansel asked. Tinignan ko ng masama si Waldrin na hindi pa rin maalis-alis sa mukha niya yung ngisi niya.
"You'll soon know." Waldrin chuckled.
"Okay po. Sorry Mommy, di na ko kukulit." Hansel said. Nakaramdam naman ako ng guilt sa inasal ko sa mga anak ko. I reached out for their hands as I gently caress their hairs.
"I love you both."
Hansel tried to runaway pagkababang-pagkababa niya ng sasakyan buti na lang hawak-hawak ko siya habang buhat-buhat naman ni Waldrin si Gretel.
"Hansel Waltz! Akala ko ba di ka na makulit?" I asked him. Ngumuso siya sakin bago humawak ng mahigpit sa kamay ko.
"Mommy! Dali na!!!" Hansel pulled me. Lumingon naman ako kay Waldrin and glared at him. Nanlaki naman ang mga mata nito na parang nagtataka sa reaksyon ko.
"Ang kulit nitong anak mo, manang-mana sayo." I hissed. Tumatawa siyang lumapit sakin at hinalikan ako sa labi. Napahagikgik pa si Gretel na buhat nito.
"And thank you for giving me a little Waldrin and a little Maxene. I love you." He whispered and kissed me again. Hindi na ako nakaangal pa kahit maraming tao dito. Gusto ko rin naman eh.
"MAGNANAKAW!!! YUNG BAG KO!!! TULONG!!!" Someone shouted. Agad kong hinila si Hansel papunta kay Waldrin when the snatcher is fast approaching us. May hawak pa itong patalim.
Hinila ko ang kamay nito pagkalapit nito sa pwesto namin. Inikot ko siya sa ere at ibinalibag sa sahig. Bago bigyan ng tatlong suntok sa mukha.
"Oh here she goes again." Nakatakip ng mukha sina Hansel at Gretel sa nasaksihan. May mga lumapit na ring mga pulis. And I saw the crowd's shocked faces and awed of what I did. May mga ilang nagpalakpakan pa.
"Naku miss! Thank you! Thank you talaga!" The old woman approached me and held my hand. Nanginginig pa rin ito habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ko.
"O-Okay lang po. Ingat na lang po sa susunod." I smiled at her. Napatingin ako kay Waldrin, he is looking at me madly. He's clenching his jaw na para bang hindi nagustuhan ang ginawa ko.
"Let's go inside." Malamig na tugon nito. Buhat-buhat pa rin niya si Gretel habang hawak sa kamay si Hansel.
"Hala ka Mommy!" Pananakot pa sakin ni Hansel. Napayuko na lang ako habang nakasunod sa kanila papasok sa Ocean Park. Daig ko pa ang alalay na nakabuntot lang sa kanila dahil hindi ako tinatapunan ng tingin ni Waldrin habang pasulyap-sulyap lang sakin ang mga bata.
"Hansel, Gretel, wag kayong lalayo. I just need to talk to your Mom." Ibinaba ni Waldrin si Gretel na agad humawak sa kamay ni Hansel. Napalunok ako ng bumaling sakin si Waldrin, andun pa rin yung galit sa mga mata nito pero mas mababa na ang intensidad ngayon.
"Do you have something you wanna say?" Matigas na sabi nito.
"I was just trying to help." Mahinang sabi ko.
"Alam mo bang delikado ang ginawa mo? Sa harapan pa mismo ng mga bata?!" Bahagyang tumaas ang boses niya. Napayuko na lang ako dahil alam ko namang delikado talaga yung ginawa ko but I just moved because of my reflexes.
Nag-init ang mga mata ko. Then suddenly, I felt him wrapped me with a warm embrace at masuyong hinalikan ang ulo ko. Muntikan na kong maiyak, ako yung may kasalanan pero ako yung sinusuyo niya.
"Don't do that again, you scared the sh*t out of me. Paano na lang kung nasaktan ka?" He whispered while kissing the side of my head. I hugged him back tighter.
"I'm sorry..." I sniffed.
"It's okay now. Alam mo namang hindi ko kayang magalit sayo." He kissed my forehead. napangiti na lang ako sa kanya before I buried my face unto his chest.
"Okay na po kayo?" Biglang sulpot ni Hansel na bahagyang nakasilip sa mga mukha namin. "pwede na po pabili ice cream?"
Natawa na lang kami ni Waldrin. I slightly pinch my son's cheek.
"You look after them, bibili lang ako ng ice cream." Sabi ko kay Waldrin.
"Okay. Wag kang magtatagal." He said bago hawakan sa kamay yung dalawa. Naghanap muna ako ng ice cream shop or vendor, hindi naman magcrecrave si Hansel ng ice cream kung wala siyang nakitang kumakain nun.
May nakita naman akong nagtitinda ng Fried Ice Cream, I bought 4 cups in different flavors bago ako bumalik sa pwesto nila. My forehead creased when I saw a woman besides Waldrin na kung makahampas sa braso nito akala mo close sila. My husband looks uncomfortable though.
Tumaas ang kilay ko as I walk towards them.
"Well, I always knew na hindi naman talaga kayo bagay ni Leanna, unlike me." Malanding sabi nito sa ASAWA ko sabay haplos sa braso niya.
"Stay away from me kasama ko ang asawa ko---"
"Oh come on Waldrin! You're single kaya---WHAT THE HELL!!!" Ibinato ko sa pagmumukha nung hitad yung isang cup ng ice cream. Nanlaki ang mga mata ni Waldrin at agad na lumapit sakin.
"Oops! Sorry sinadya ko. Now, kung ayaw mong sapatos ang sunod kong ibato sa mukha mo, lumayo ka na..." I hissed at her. Mataray itong nagpunas ng mukha at naglakad palapit sakin.
"Sino ka ba?! And how dare you do that to me?! Hindi mo ba ko kilala?!" She shouted at me.
"I don't give a d*mn about who you are!" Naramdaman ko ang paghawak ni Waldrin sa balikat ko but I just shrugged him off.
"Baby, wag mo na siyang patulan." Malambing na sabi nito sakin.
"WAG PATULAN?!! SHE TOUCHED YOU IN A WAY THAT IS VERY INAPPROPRIATE FOR ME!!!" I shouted at him. Napataas na lang siya ng mga kamay as he pressed his lips tightly. I don't f*cking care kahit nakaagaw na kami ng atensyon. This b*tch needs to stay away from my properties.
"Sino ka ba? Anong relasyon mo kay Waldrin?" Taas kilay na tanong nito. Hinawakan ko ang kamay ni Waldrin and showed her our wedding ring.
"I'm his wife..." I hissed. Bahagya itong namutla pero itinago niya iyon sa mga ngisi niya.
"Ohhhh you fake---" Napasinghap siya when I grab her jaw. Naramdaman ko ang paghawak sakin ni Waldrin para pigilan ako.
"Maxene Prime, remember that name. 'Cause I'll be watching your downfall." I pushed her towards the ground. Grabe ang pamumutla at panginginig nito. I faced Waldrin and he immediately held my arms.
"I was pushing her away---"
"I know, asan ang mga bata?" I asked coldly.
"There..." Turo nito sa pwesto na halos sa tabi lang ni Waldrin pero busy ang mga ito sa panonood ng mga isda. Good thing they didn't see me or baka sanay na lang talaga sila sakin.
"Baby, wag ka ng magalit." Waldrin hugged me. Napabuntong hininga na lang ako.
"What would you feel if someone touches me like how that b*tch touched you?"
Humigpit ang yakap niya sakin at isinubsob ang mukha sa leeg ko. "I'll kill him." He hissed.
"I could've had killed her, kaso nasa public place tayo."
"Okay I'm sorry. Wag ka ng magalit. I love you okay?" He cupped my face and kissed me. Nawalan na rin talaga ako ng pake kahit maraming tao, if you have a clingy and ma-PDA na asawa, you'll understand me.
"Hay naku... Si Mommy talaga..." I heard Gretel's little voice. Nakahalukipkip ito sa tabi namin habang si Hansel ay nagtatakbo na naman.
"Why sweetie? Ayoko lang maagaw ng iba ang Daddy mo." I told her.
"Pero bad po ang nakikipag-ayaw. Poor lady, she looks so scared."
"She was trying to steal Daddy from us." I defended myself against my anti-violence daughter.
"She can't steal Daddy from us, diba Daddy?" She held Waldrin's hand at nagpacute pa dito.
"Of course sweetie. I'm not going anywhere away from the three of you." He smiled at her. I pressed my lips tightly at bahagyang inirapan si Waldrin but he just pulled me to kiss me again.
"Wag ka ng magselos, wala ka namang pagseselosan."
"I was not jealous---"
"You were Mommy." My daughter cut me off. Napailing-iling na lang ako. I felt so defeated.
"MOMMY?! WHAT HAPPENED TO MY ICE CREAM?!" Hansel gasped in horror. Napatingin ako sa mga nagkalat na ice cream cups sa sahig na nililinis na ng mga janitor. Wala na rin yung babae dahil dinala na siya ng mga guard kanina.
"There was a witch who tried to steal it." Naningkit ang mga mata niya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Let's just go to an ice cream parlor later. I know a good place." Waldrin suggested.
"Talaga Daddy? Do they have big scoops? A lot of flavors? And many many many chocolate toppings and syrup?" Excited na tanong ni Hansel.
"Yes, I know you'll love there. Actually, Raven put up that place for Marshan." Waldrin said. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"For real? Hindi naman masyadong in love yang best friend mo sa kapatid ko." I chuckled.
"Not as how much as I love you. Mas matindi pa rin ang pagmamahal ko sayo." He grinned. Nag-init ang mga pisngi ko pero inirapan ko lang siya. He pulled me again and caught my lips. Itinatago ko lang yung kilig ko dahil tutuksuhin lang ako nitong kambal.
"Kiss po kayo ng kiss, baka magkababy brother na talaga kami niyan." Nakangusong komento ni Hansel na ikinatawa namin ni Waldrin.
"That's not how babies are made, based on a book I read..." Gretel said. Natigilan ako sa sinabi ng anak ko.
"W-What book?"
"Human Reproductive Biology, I found it in Mommy Yasha's bookshelf." I gasped in horror.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top