-69-


"We wanted to see you as soon as we heard that you are alive." Mama said. Hinaplos niya ang pisngi ko. "But your Lolo suggested na hintayin ka muna daw naming makaalala para hindi ka maguluhan." 


"Ayos lang naman po sakin yun, pumunta po ako dito para sabihin sa inyo na hindi ko kayo sinisisi sa nangyari sa akin. Pa, hindi ako galit sayo sa mga naging desisyon mo kasi kung may isip na ko noon pipiliin ko ring isakripisyo ang buhay ko para kay Christian." 


"Maxene." Malamlam ang mga mata nito. "I was weak, I was financially and emotionally uncapable of supporting you. I gave up on you, I'm sorry." 


"Pa, it's okay. I am fine now. Kumpleto na ako, buo na ako. It was not a pleasant journey but here I am." I held their hands tightly and smiled at them. "Buhay po ako. If you didn't give up on me baka hindi niyo na ko nahahawakan ngayon." 


"Thank you Maxene..." They both smiled at me at niyakap ako. "Marshan, we're very sorry, wag ka ng magtampo sa amin anak." I slightly pulled away from them to look at Marshan. Namumula lang ang mga mata nito. Kanina pa kasi siya tahimik.


"Ang sakit lang po kasi, kayo yung inaasahan kong susuporta sakin pero kayo pa ang naunang nag-isip na nababaliw na ko..." She cried. I pressed my lips tightly as I watched them. Hinawakan siya sa kamay ni Mama and slightly squeeze her hand.


"I'm so sorry anak. Ang hirap na ring magexplain kasi mali yung ginawa namin sayo." 


"Well, si Maxene nga napatawad kayo, ako pa kaya?" She chuckled at yumakap na rin kina Mama habang nagpupunas ng mga luha.


"But that doesn't mean na titira na ulit ako dito, gusto ko pong magpakaindependent na." Masiglang sabi ni Marshan. 


"As long as you're happy, bibisita ka naman eh." Mama smiled. Muntikan na kong napairap sa kawalan. 


"Naku Ma, mukhang madadagdagan na naman ang mga apo niyo." I said at nakaramdam naman ako ng paniniko kay Marshan.


"Well, the more the merrier, ewan ko ba dito kay Christian, kung kailan niya aayaing magpakasal si Monique." Mama chuckled. Napatingin kami kay Christian na agad na umasim ang mukha.


"Ma... That's not the issue here..." Nakasimangot na sabi nito. 


"Oo nga naman Ma, kami muna ang ibaby niya bago siya gumawa ng sarili niyang baby." I teased him na agad namang ikinamula nito. 


"Tatanggapin ko na lang lahat ng pang-aasar niyo sakin, what's important is kumpleto na tayong tatlo." He said at niyakap kaming dalawa ni Marshan. We hugged him back as we giggle. 


Nagkwentuhan na lang kami tungkol sa mga bata. Masayang naglalaro ang tatlo na nakaupo sa isang picnic blanket dito sa garden. Kahit kailan hindi ko nakitang ganito kasayang makipaglaro si Hansel sa iba. Siguro dahil pinsan niya si Clarence. Habang si Gretel ay nakikitawa lang sa dalawa. 


"DADDY!!! DADDY KO!!!" 


Nanlaki ang mga mata ko when we saw Waldrin walking towards us. Sabay niyang binuhat sa mga braso niya yung dalawa at pinupupog ang mga ito ng halik. Binaba niya ang mga bata at sinabihang maglaro muna bago dumiretso sa amin. 


"A-Anong ginagawa mo dito? I thought---"


"Good Morning po, pasensya na namimiss ko lang itong asawa ko." He said wrapping an arm around me before kissing my head. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko lalo na ng paningkitan ako ng mga mata ni Marshan.


"Mukhang madadagdagan na naman talaga ang mga apo niyo, Ma, Pa." Marshan said. Humalakhak naman ang mga ito at agad kong kinurot sa hita si Marshan.


"Naku, you can always come here Waldrin.." Ma laughed. Habang ngingiti-ngiti lang sa gilid sina Papa.


"Ikaw talaga... Sabi ko sayo hintayin mo na lang ako, diba?" Tapik ko sa kamay nito. 


"I hope I could just wait, kaso hindi ako mapakali kapag hindi kita nakikita." He said. Nakarinig naman ako ng panunukso sa mga kapatid ko... 


Lumapit naman samin si Kuya Spencer na kanina pa nagbabantay sa mga bata. Para lang siyang si Paeng na kanina pa kuha ng kuha ng mga pictures ng mga ito. 


"I took a great shot." He boasted at ipinakita samin yung picture na kinuha niya gamit yung iPad. It's a picture of the three. Nasa gitna si Clarence at magkaakbay ang tatlo at nakapeace sign sina Hansel at Gretel habang nakatawa ang mga ito.


"WOW ang cute!!! Pakisend naman kuya gawin kong Home Screen." Marshan giggled.


"Send us a copy, too. Ipapaframe namin." Waldrin said. Ewan ko ba sa kanilang magkakapatid, they have this habit of taking a lot of pictures na ipinpaframe pa talaga nila at nag-iipon pa sila ng albums.


"Si Raven ang Home Screen mo, diba?" I asked Marshan. Bahagya itong namula at umirap sakin. 


"Pwede naman siya sa Lock Screen." She pouted. 


"Ipapadevelop ko na lang tapos bigyan ko kayo ng wallet size copy, ako na rin ang bahala sa paframe." Kuya Spencer suggested. 


"It's almost time for lunch, papasukin mo na ang mga bata hon." Ate Claire said. 


"Tutulong na kaming magluto Ma." I said. Ngumiti naman ito sakin at tumango. Nakaakbay si Papa at Mama kay Marshan habang papasok kami ng bahay dahil nakaakbay naman sakin si Waldrin. Natatawa na lang ako dahil para siyang batang sunud ng sunod sakin. 


Kapag naghihiwa ako ng bawang gusto niya naghihiwa rin siya. Kapag naghuhugas ako ng kamay nakikihugas rin siya. 


"Why don't you just watch over the kids? Dun ka kay Christian, mag-usap kayo dun." I told him. Siya lang kasi ang lalaki dito sa kusina and it's suppose to be girls' bonding. 


Bumuntong hininga ito habang nagpupunas ng kamay. "Okay then, dun lang ako muna. I'll be watching you, too." He said and kissed me on the lips sa harapan ng nanay ko at ng mga kapatid ko. Narinig ko pa ang paghagikgik ng mga ito at pang-aasar ni Marshan.


"D-Dun ka na nga." I pushed him away but he just pulled my arm and kissed me again. Hindi ko na alam kung gaano kapula ang mukha ko ngayon. "Kaasar ka." I glared at him pero ngumisi lang siya sakin bago puntahan ang mga bata.


"Buti naman at naging maayos din kayo ni Waldrin." Ate Claire asked me habang naghihiwa ito ng mga gulay. 


"It was confusing at first, pero hindi ko hahayaang mapunta sa iba ang asawa ko." I said. 


"Your Papa is like Christian, hindi ito nagpapakita ng interes sa mga babae dahil medyo mahiyain siya kaya walang ibang nalink sa kanyang ibang babae." Mama said na may kasamang pagkislap ng mga mata. 


"How is Kuya Spencer as a husband naman ate?" I asked. Ngumiti ito ng makahulugan samin. 


"Should I talk about his performance in bed?" She chuckled. Nanlaki ang mga mata ko at napatakip pa ng tenga si Marshan. 


"Alam mo ba Maxene, my room used to be next to theirs and I'm telling you, gabi-gabi akong napupuyat sa kanilang dalawa." Marshan rolled her eyes na ikinatawa lang ni Ate Claire.


"Ma, ang halay nitong panganay mo." I said and we all just laughed. "Pero iba pa rin ang performance ng asawa ko." I laughed na mas lalong ikinairita ni ever innocent Marshan... I mean feeling innocent Marshan. 


"Makareact naman ito para hindi nakikipagbahay-bahayan kay Raven!" 


Namula ng husto ang mukha ni Marshan habang inaasar namin siya. Good thing, hindi ganun kahigpit si Mama, or baka ayaw na rin niya kaming paghigpitan dahil malalaki na rin kami. 


"Marshan be sure na haharap samin ng maayos si Raven ha? Ayoko namang mabuntis ka muna bago ka ikasal, wag mong tularan itong mga kapatid mo." Mama said. Napahalakhak na lang kami ni Ate Claire ng malakas. 


"Why are you laughing so loud Mommy?" Pumasok si Gretel sa kusina at umakyat sa katabi kong upuan. 


"Sorry baby, naiingayan ka ba?" I caressed her face.


"No, I like seeing you happy." She said and hugged me. 


"Ugghhh, ang sweet ng baby ko! Are you tired of playing?" I asked her. 


"Ako lang po girl dun eh. Can I just help here?" She asked. I kissed her head and smiled at her. 


"Of course, sweetie. You know my Mama and Ate Claire na right?" I asked her. Nahihiyang tumango siya sakin as she looked at them.


"Ang pretty-pretty naman ng baby girl namin." Ate Claire slightly pinched her cheek.


"Ang pretty mo rin po, and Lola is Pretty, too." She said sweetly. I carried Gretel to the table para makalapit siya kina Mommy. Agad naman siyang yumakap sa kanila at humalik sa mga pisngi nito. 


"Kumain ka na lang muna ng apple, Gretel. Hindi ka pa pwedeng humawak ng knife, baby." Marshan said pagkatapos niyang ipaupo ito sa isang high chair. 


"Okay po, I'll just watch." She said sabay abot ng apple na binigay ni Marshan. 


"Hindi naman sila makulit?" Ate Claire asked.  


"Gretel is okay, pero si Hansel mana sa Tatay niya, gusto laging sumasama, matampuhin, at mareklamo. Pero madali lang naman silang lambingin. Si Clarence ba?"


"Mahina ang immune system ni Clarence kaya hindi siya masyadong naglilikot pero ngayong lumalakas na siya at lumalaki na, medyo mahirap na rin, buti na lang takot siya kay Spencer kaya nadidisiplina niya pa rin..." 


After naming magluto, si Marshan na ang tumawag sa mga boys habang tinutulungan ko sina Mama sa pag-aayos ng mesa. 


"Mommy, tabi kami ni Clarence, best friends kami eh." Hansel said habang umaakyat ito sa high chair sa tabi ni Clarence.  


"Wow, best friends na sila! Akala ko ba ayaw mo ng friends?" I asked him. Ngumuso siya sakin dahil sa pangongontra ko sa kanya. 


"Ayoko ng friends na may Daddy noon, pero ngayong may Daddy na rin ako, okay na." He grinned at Waldrin na mukhang naapektuhan sa sinabi ni Hansel. "Di mo naman na kami iiwan diba Daddy?" Lambing nito.


"I won't sweetie, I promise you that." Waldrin said and kissed his forehead. 


"Tito malapit na po birthday ko, ano po gift mo sakin?" Clarence asked Waldrin. Bahagya naman niyang ginulo ang buhok ni Clarence. 


"Anything for you, what do you like?" He asked him. 


"Yehey!!! I'll think about it first po." He smiled sweetly. Napangiti na lang ako habang naglalagay ng pagkain sa maliit na plato ng mga bata. Hindi rin nakatakas sakin ang pagnguso ni Hansel kay Waldrin na para bang nagseselos ito. 


"Ako Daddy? Ano gift mo sakin?" Hansel asked. 


"Anything you like of course. Just name it." 


"Naku, ang layo pa naman ng birthday mo bakit nanghihingi ka na?" I teased him habang kumakain kami. Mas lalo tuloy umasim ang itsura nito nito at naramdaman ko naman ang bahagyang pagpisil ni Waldrin sa hita ko para sawayin ako. 


"Don't listen to your Mom, I will give you everything you want kahit araw-araw pa. Just tell me, okay?" 


"Okay Dad! You're the best Dad in the world!!!" Masiglang sabi nito before he continued eating. Kinurot ko na naman sa braso si Waldrin na agad namang bumaling sakin. 


"Don't spoil him!" I hissed at him. 


"Bumabawi lang ako. I missed a lot of special occasions with you and with our kids. Hayaan mo na..." Bumaling siya kay Gretel na tahimik ngunit maganang kumakain sa high chair nito sa tabi ni Hansel na maingay pa ring nakikipag-usap kay Clarence.


"Ikaw Gretel, anything you want, sweetie?" He asked her. Saglit itong bumaling samin habang umiinom ng tubig. 


"Hmmm I think.... I want a baby brother." 


I choked... 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top