-68-
MEDYO SPG!!! MEDYO LANG...
M A X E N E
"Hindi pa ba sila tulog?"
Ika-ilang balik na ni Waldrin mula sa kwarto niya to check if the kids are already asleep. Actually, kanina pa sila tulog at hinihintay ko na lang ding makatulog si Waldrin bago ako pumasok sa kwarto namin dahil kinakabahan ako.
May awkwardness din akong nararamdaman dahil after a long time ngayon na lang ulit kami magtatabi matulog.
"T-Tulog na..." I gulped. I pressed my lips tightly as I rub my arms habang naglalakad ako papunta sa kanya. "T-Tulog na rin tayo?" I closed the door from the twin's room. Lalagpasan ko na sana siya pero nahagip niya ang bewang ko and pinned me on the wall. Hindi ko na alam kung ilang beses akong napalunok sa sobrang nerbyos ko.
"Iniiwasan mo ba ko? May nagawa ba kong mali?" He raised my chin using his thumb so I can meet his eyes. Nag-init ang mukha ko. Dahan-dahan akong umiling sa kanya.
"W-Wala naman. Inaantok na rin ako. Tulog na tayo." I held his hand at hinila na siya papasok sa kwarto namin. Hindi pa ko nakakahiga sa kama when he pulled me at pumaikot papunta sa ibabaw ko. Hinawi niya ang mga takas na buhok sa mukha ko as he softly plant kisses on my lips.
"I missed us being like this. I miss the whole you." He whispered. Lumamlam ang mga mata ko as I brush my palm on his face. Slightly tracing his lower lip with my thumb. I missed him so much.
"I miss you, too." Bumaba ang mukha nito sakin and our lips again met. Sa una parang pinapakiramdaman lang namin ang isa't isa hanggang sa biglang uminit na. Nagiging mapusok na rin ang paghalik niya sakin na parang nananabik.
Napasinghap ako ng ipasok niya ang kamay under my shirt, I immediately caught his hand and broke the kiss. Ang lakas lang ng kabog ng dibdib ko at medyo nanginginig pa ko.
"W-W-Wait..." Hinihingal na sabi ko sa kanya. Bahagya siyang lumayo sakin at nakakunot ang noo. "Have you done it with Leanna?" Parang may asidong gumuhit sa lalamunan ko sa tanong ko.
"No... and I haven't done it with anyone..." He was about to kiss me again pero pinigilan ko siya.
"Nakapunta na ba dito si Leanna?" Mas lalong kumunot ang noo niya. He grabbed my wrist and pinned it on the top my head.
"She doesn't even know my address, stop feeling jealous, sayo lang naman ako nababaliw ng ganito." He sealed my mouth with an open mouth. Mas lalong naging mapusok ang mga halik niya. Na para bang sabik na sabik... I answered his kisses by making him feel that I missed him so much.
He removed his shirt in front of me at para akong naglaway sa nakita ko. His body was not this built before. D*mn! He got freakin'8 pack abs now! Dati 6 lang and not that well define. He moved down to kiss me again and suddenly I heard my shirt ripped into two!
"Hell! Nop---" He kissed me again to shut me up. He was not this aggressive before but this roughness of him is a huge turn on.
"You're resisting me..." Humiwalay siya sakin as he rested his forehead on mine while slightly panting. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa guilt na naramdaman ko.
"I-I'm... I'm nervous."
He slightly giggle as he kiss my cheek down to my neck. Softly kissing and sucking my skin.
"I'll take it slow then..." Napakapit ako ng mahigpit sa braso niya dahil sa sensasyong dulot ng boses niya. Mas lalong naging buo ang boses niya, it's rough, calloused yet sexy.
D*mn! Ano bang kahalayan ang pumapasok sa isip ko?!!
"I love you..." He whispered on my lips. May kung anong malambot na bagay ang humaplos sa puso ko. "Now, relax and let me love you again and again..."
Naalimpungatan ako ng maramdaman ang pagtakip ng malambot na bagay sa balikat ko. I slowly opened my eyes at mukha agad ni Gretel ang bumugad sakin.
"Good morning Mommy, why did you sleep naked with Dad? It's cold." She asked me at muling inayos ang kumot ko. Napabalikwas ako ng bangon habang yakap-yakap ang kumot na ibinalot sakin ni Gretel and I saw Hansel covering Waldrin's back with a blanket, too. Nakadagan ang isang braso ni Waldrin sa tiyan ko at marahan ko naman siyang niyugyog para gisingin.
"Hmmm for awhile baby..." He murmured and tried to pull me pero kinurot ko lang siya kaya agad itong napabangon.
"The kids!!!" May kalakasang bulong ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at pasimpleng ibinalot sakin ang kumot.
"Hansel, Gretel, can you wait for us outside?" Waldrin asked the two of them.
"Pero gutom na po kami." Hansel pouted.
"I know sweetie, magdadamit lang kami ng Mommy niyo." Itinaas ko ang kumot to cover my face dahil sa pag-iinit ng mukha ko. Lumabas din naman sila agad at agad kong hinampas ng unan si Waldrin pero tumawa lang ito ng malakas.
"Nakakahiya sa mga bata!" I hissed at him. He caught my face and kissed me on the lips bago ako yakapin ng mahigpit.
"Good morning to the prettiest wife in the whole wide world." He grinned at me bago muling kintalan ng halik ang labi ko.
"Kagabi ka pa... Ikaw muna magluto, ang sakit pa ng katawan ko sayo."
Lumamlam ang mga mata niya as he rested my head on his chest. "Was I too rough?"
"O-Okay lang naman, masasanay din." I said. Binigyan niya ko ng isang matunog na halik sa labi.
"Good answer!" He chuckled. "Take your time, ako na bahala sa mga bata." He said at umalis na sa kama. Agad akong napatakip ng mukha when his nakedness was exposed in front of me.
"Tssss. Ngayon ka pa ba mahihiya? Natikman mo na't lahat-lahat---" I immediately throw him the pillow.
"G*go ka talaga!" I hissed pero tatawa-tawa lang siyang tumakbo papasok sa banyo. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko sa sobrang hiya.
"Bakit ba hindi ako pwedeng sumama?" Waldrin asked for the nth time. Ang kulit talaga ng lahi nitong lalaking ito. Well knowing MY Waldrin, ganyan naman talaga siya. Gusto niya kasama ko siya wherever I go. At yan ang namana ni Hansel sa kanya.
"It's our family day, we need to reconcile with them---"
"Asawa mo naman ako. I'm part of your family." Tinitigan ko siya saglit and I know that he got what I meant. Lumungkot ang mukha nito as he possessively wrap his arms around me and kiss my forehead.
"Call me then if magpapasundo na kayo. Wala munang sleepover, I need you besides me tonight."
"Actually, plano---" He cut me off by kissing me.
"No, uuwi kayo." He said sternly. Bahagya na lang akong napangiwi dahil may konting galit sa boses niya.
"Pwedeng ako na lang uuwi? Gusto kong makabonding nung mga bata yung pinsan nila." I said. Bumuntong hininga ito at bahagyang nag-isip.
"Okay then, pero maaga tayo bukas. Nagpromise ako sa kanila na dadalhin natin sila sa Ocean Park." He cupped my face and kissed me again bago bumaling sa mga bata at halikan ang mga ito.
"Daddy nooo!!!" Hansel grunted after Waldrin kissed him na ikinatawa lang nung isa. "I'm not baby na po!" Nakangusong sabi nito.
"Ako Daddy, I'm still your baby po..." Malambing namang sabi ni Gretel dito.
"Ofcourse sweetie, you'll always be my baby and my princess." Waldrin said bago muling halikan sa pisngi si Gretel. I saw jealousy flashed on Hansel's eyes.
"Sige na nga! I'm still a baby!" Humalukipkip ito at ngumuso. Waldrin carried him unto his arms and tickled him.
"You'll take care of Mommy and Gretel, okay? No strangers allowed near them, especially boys, okay?"
"Okay Dad." He said before hugging Waldrin. Nanubig ang mga mata ko sa nasaksihan. Hansel is acting spoiled. Dati naman nagpapaindependent yan kahit ang liit-liit pa. Ibinaba na niya si Hansel at inayos ang mga seats ng mga ito.
Bumaling siya sakin at muling bumuntong hininga.
"Ngayon pa lang namimiss ko na kayo."
"Wag ka nga, uuwi naman ako mamaya. Tapos family day naman natin bukas." I held his arm and smiled at him.
"Kung magbago man ang isip mo at pwede na kong sumama, I'm just a call away. Drive safely." He kissed my forehead bago ako pasakayin ng sasakyan. He was holding the door na para bang hinihintay akong yayain siyang sumama samin.
"Hanggang dinner lang naman ako..."
"That's at least 8 hours from now. Ang tagal nun..."
"Waldrin..." I warned him. Muli itong bumuntong hininga before stepping back para maisara ko ang pinto. Malungkot lang itong nakatanaw samin habang papalayo na kami. I just got a bigger baby now na mas mahirap pang iwanan saglit kaysa dito sa dalawa.
Nakatulog naman ang mga bata sa byahe dahil mahigit dalawang oras ang layo ng bahay nila sa bahay namin. Dinaanan pa namin si Marshan who refused to bring her luggage with her. Sa condo ko siya nakatira sa ngayon and I think I know why.
I parked in front of their gate. Alas otso pa lang ng umaga. Hawak-hawak ni Marshan si Hansel sa kamay at si Gretel naman ang hawak-hawak ko.
"What should we call them Mommy? We already have Lolo Dad, Lola Mommy, Papa Lo and Mama La." Hansel asked me. Siya lang naman nag-iimbento ng ipapangalan sa kanila, hindi ko alam na mauubusan din pala siya.
"Ask them later, okay?" I said. Marshan pressed the doorbell at naramdaman ko naman ang paghawak niya sa kamay ko.
"Everything will be okay..." Pinisil ko ang kamay niya to assure her.
Marshan was about to press the doorbell ng biglang bumukas ang pinto showing our biological mother. Halos sabay kaming naestatwa ni Marshan sa pagkabigla.
"GOOD MORNING LOLA PRETTY!!!" Napakurap-kurap ako sa malakas na boses ni Hansel. Lahat pa kami ay napatingin sa kanya. Gretel reached for our Mom's hand at nagmano dito.
"Good morning po." Gretel smiled at her. Shock was written all over her face, she'd grown older but she still looks 10 years younger than her age.
"M-Maxene... Marshan..." Her tears fell habang dahan-dahang umangat ang kanyang mga kamay upang takpan ang bibig sa sobrang pagkabigla.
"Ma..." Marshan called her and her voice broke. Lumapit siya samin and held our arms bago kami yakapin ng mahigpit. She sobbed loudly at hindi ko na rin napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
"Ma..." I called her. Something just burst inside me kasabay ng paglakas ng iyak naming tatlo.
"Hon, who---" The door opened wider and dun naman lumabas ang tatay namin. He was frozen in shock also.
"Chris, ang mga anak natin." He walked slowly towards us not even blinking an eye. Namula ang kanyang mga mata as he embraced the three of us. Natigil lang kami ng marinig namin ang pag-iyak ni Hansel at ang pagsinghot-singhot ni Gretel na namumula na rin ang mga mata at ilong.
"Ohhh... Why are you crying sweetie?" Masuyong tanong ni Mama kay Hansel.
"Umiiyak po kasi kayo eh!" He cried.
"Si Hansel at Gretel po pala, mga anak ko, baby they are my real Mom and Dad." I introduced them as I wipe my tears. Ngumiti silang dalawa sakin as Mom carried Hansel para punasan ang mukha nito and kay Daddy naman si Gretel.
"Big boys don't cry sweetie."
"Di na po ko iiyak, don't cry na rin po." Hansel said as he wiped my Mom's tears. Bumaling sakin ang nanay ko and held my hand.
"They are beautiful." She smiled to me at bahagyang pinisil ang kamay ko.
"Mana po sa inyo ni Papa." I chuckled. They both laugh at me bago lumapit saamin ni Marshan at halikan kami sa noo.
"Pasok muna kayo... They will be happy to see you." Buhat-buhat nila ang mga bata papasok ng bahay. It was very nostalgic, kahit ang tagal kong nawala, this house still feels like home.
"Clarence! Look who are here!" Masayang tawag ni Papa sa isang batang lalaki. We saw Christian, Ate Claire at Kuya Spencer sa garden, having their breakfast. Gulat din sila at halos sabay-sabay pang napatayo.
Ibinaba nila ang mga bata at may isang batang lalaki naman ang lumapit samin.
"Tita---" He paused ng mapatingin sakin at nagpalipat-lipat ang tingin niya samin ni Marshan, looking so confused. He's so cute!!!
"M-Maxene..." Kuya Spencer approached us. Muli akong napaiyak ng lumapit siya sakin at yakapin ako. "Lolo told us you're alive but we never had a chance to see you!"
"EXCUSE ME PO!!! BAWAL DAW PO ANG STRANGER NA BOY NA LUMAPIT KAY MOMMY!!!" Hansel said with a loud voice and pushed Kuya Spencer away from me.
"W-Whoah! Are they..."
"Yup, mga anak namin ni Waldrin..." I said as I wiped my tears.
"See po?! You made my Mom cry!" Humalukipkip si Hansel at tinignan ng masama si Kuya Spencer.
"Daddy, you don't make a girl cry. That's bad." Sabi naman ng anak nito. Napangiti na lang ako as I watch them. I glance at Ate Claire and I caught her wiping the side of her eyes. I smiled at her and she lovingly smiled back at me.
"It's okay sweetie, I cried because I was happy." Kurot ko ng bahagya sa pisngi nito...
"That's weird Mom..." Nanlalaki ang mga mata nitong sagot.
"Besides, he's your Lolo Granpa's adopted grandson. He's my brother, too. And that's my biological twin brother Christian and our Ate Claire, they are not strangers. And this is?" Tukoy ko sa cute na batang lalaki sa harapan namin.
"I'm Clarence po, Tita." Masiglang sabi nito...
#geh
A/N: Hindi ko po kayang bigyan ng SPG si Maxene! Hahahaha!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top