-66-

PLEASE READ!!!

Sorry for the late update guys! Masyado akong busy this week at hindi ko maisingit sa work ko ang pagsusulat!!! Hindi rin ako sure kung makakaupdate ako ng isa pa this week so please wag na kayong mag-ask ng update. I'll update if I can. Thanks.

~Author-sama


M A R S H A N

It's 3 pm pero wala pa akong narereceive na text mula kay Maxene. Hindi iyon nagmimintis sa pagpapaalala sakin na kumain ako sa tamang oras at magmeryenda. Kadalasan nga inaaya nila ako ni Vicky na maglunch kasabay nila. 


"Nakakapagtaka naman." I mumbled bago ko ibaba yung phone ko sa mesa. I tried calling her pero cannot be reach din ito. 


"Babe..." Napaangat ako ng tingin. Nagulat pa ako dahil hindi ko inaasahang darating si Raven. Kumunot ang noo ng makita ang itsura ito, he looks so brother and stressed out. 


"Hey! Anong problema?" Agad akong lumapit sa kanya. Bumuntong hininga ito at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko. 


"I am here to explain my side, ayokong magalit ka ulit sakin." 


I pulled him towards the couch. Bagsak pa rin ang mga balikat ito, bahagya niyang hinawi ang medyo gulong buhok and looked at me in the eyes. 


"Leanna went to Maxene's office a while ago---"


"W-WHAT?!"


"P-Please let me finish first, baka mauna na naman yang galit mo. I don't want you to leave me again..." Namumula na ang mga mata nito and I am starting to get nervous. Napalunok ako habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa mga kamay ko. 


"Leanna went there to beg para ibalik ni Maxene sa kanya si Waldrin. She was stressed too much kaya siya dinugo." Napasinghap ako sa sinabi ni Raven. "Sinugod siya ni Maxene sa hospital, her secretary called Hannah kaya agad kaming pumunta lahat doon, at first aaminin ko we knew nothing of what happened, gusto man naming lapitan si Maxene ng makita ang mga galos niya ay hindi namin magawa, we are afraid to approach her because we are nothing but strangers to her. We don't want to confuse her at baka maging masama ang epekto nito sa kanya, she may have thought we blamed her pero hindi namin yun magagawa, we knew her. Alam naming hindi niya masasaktan si Leanna kahit hindi pala siya totoong buntis." 


It was like a bomb exploded. Hindi buntis si Leanna. 


"A-Asan na ang kapatid ko?" I asked him.


"S-She's with Yrew, she was so confused of what happened, she broke down---"


"Why? Bakit niyo ba pinapahirapan ng ganito si Maxene?" Tumulo na ang mga luha ko as I asked him that painful question. Ako na ang nasasaktan para sa kapatid ko. 


"H-Hindi na namin alam ang gagawin. We are so torn---"


"She can feel it, yung pag-asikaso niyo kay Leanna, yung pagprotekta niyo kay Hannah mula sa kanya, she can feel it. And she is unconsciously hurting because of it. Their place was used to be ours. Maxene used to be on Waldrin's side and I used to be yours pero nung dumating sila nawalan na kami ng lugar and she can feel it, she felt so out of place, it was too painful she almost gone insane." Bumagsak ang mga luha ko and Raven brushed my face dry. 


"Kambal kami eh... Ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya..." I sobbed. 


"Ssshhhh I'm sorry babe, hindi na rin namin alam kung anong gagawin..." He pulled me for a hug. May galit akong nararamdaman para sa kanila but I also understand their situation. 


Iba na si Maxene ngayon, she's more intimidating. Dagdag pa na wala siyang maalala sa kanila. 


"It's okay, I understand." I sniffed. 


"I thought I'm gonna lose you again." Mas lalong namula ang kanyang mga mata. Alam niya kung gaano kaimportante sakin si Maxene, that I would even choose Maxene over him if ever and he respects that. 


"You're not going to lose me, pero sisiguraduhin kong may isa o dalawang taong malalagas sa buhay mo." I clenched my jaw.




M A X E N E 

"Oh ayan! Tanga ka kasi!" Singhal sakin ni Yasha habang pinapalitan nito ang gasa sa noo ko. 


"Aray naman! I love you, too ha!" I hissed at her ng diinan niya ang paglagay ng gamot sa sugat ko.


"Now girls, anong plano natin? Hindi naman nating pwedeng hayaang ganun na lang?" Marshan asked us habang seryoso itong nakaupo sa couch at nanonood samin. It's girl's day today, wala si Yrew dahil hindi pinayagan ni Yasha, I heard nag-away pa sila. Ang mga anak ko naman as usual nasa mansyon.


"Ewan ko ba dito sa kambal mo, if I were her, tinulak ko na sa kalsada yung Leanna'ng yun at pinasagasaan ng truck sa C5!" Vicky said insensitively. Binato ko na lang siya ng bulak sa inis ko.


"Baliw! Akala ko nga diba buntis siya?!" 


"Akala mo lang meron! Pero wala! Wala! Wala---"


"Tigil-tigilan mo ko Vicky baka ikaw ang ipasagasa ko sa truck!" I hissed at her. Umirap na lang siya ulit sakin. Alam ko naiinis pa yan sakin kasi binigyan ko siya ng mabigat na trabaho.


"First of all, we should take back what are ours, then i-dispose ang mga disposable na." 


Napapalakpak pa si Yasha sa sinabi ko. I just flipped my hair na ikinangiwi naman ni ever kontrabidang Vicky. 


"Anong plano mo kay Waldrin?" Marshan asked. 


"Well, titira na kami ng mga anak ko sa bahay niya, it's my right as his wife. Kailangan kong bakuran ang mga pag-aari ko. Anyway, alam mo ba kung saan siya nakatira? He lives alone, right? Pumupunta ba dun si Leanna?" I asked Marshan.


Bumuntong hininga ito at bahagyang umiling. "Leanna has no place in that house, kasi iyon sana ang regalo sayo ni Waldrin nung kasal niyo." 


Natahimik pa kaming tatlo sa sinabi ni Marshan. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi because I felt so flattered, he lived alone in the house which reminds him everyday of me.


"Naks! Haba ng hair! Kinikilig siya oh!" Vicky teased me. Inirapan ko na lang siya bago muling bumaling kay Marshan.


"Lilipat na kami dun as soon as possible at kailangan mo na ring bumalik sa nanay mo Marshan."


"Nanay mo rin yun! At tsaka I'm fine by myself---" 


"Itigil mo na yang drama mo, you have to forgive them. We have to forgive them. Mga magulang pa rin natin sila. Pati sina Christian at Monique napalayo na tuloy satin." 


Bumuntong hininga na lang ito at nagkibit balikat. Kailangan rin naming ayusin ang pamilya namin but of course hindi ko na iiwan ang pagiging Chua ko. I just need to tell them what really I felt upon knowing the truth, that I don't blame them for everything that happened to me. 


Gusto ko ring makilala nila sina Hansel at Gretel, at para na rin makilala nung kambal yung pinsan nila.  


After cleansing my wounds, nagkayayaan na kaming lumabas at dumaan sa pinakamalapit na coffee shop. 


"Ano ng pinaggagawa ni Monique these years?" I asked Marshan. 


"Well, busy siya sa coffee shop niya na may mga branches na rin." 


"Wala pa ba silang balak magpakasal ni Christian?" I asked her. Muntikan pa itong masamid sa sinabi ko.


"Hoy! 22 pa lang tayo! Wag mo kaming igaya sa inyo ni Waldrin!" Napairap na lang ako sa komento nito na ginatungan naman ni Vicky. 


"Ewan ko ba't baliw na baliw ka diyan sa asawa mo! May I remind you babae ka! Binalak nung magpakasal sa iba habang nasa malayo ka at nagpapagaling sa mga injuries mo." 


"I know! Nasaktan din naman ako sa existence ni Leanna sa buhay niya, I cannot blame him, he was hurt dahil iniwan ko na lang siya ng ganun-ganun na lang---"


"What if he learnt to love her?" Yasha asked me. Dun na ko natigilan kasabay ng matinding kurot sa dibdib ko. 


"Uyyy itigil niyo na yan, iiyak na si Maxene oh!" I glared at Vicky na napansin ang panunubig ng mga mata ko. 


"That's impossible, hindi naman maganda yun." Marshan commented na nakapagpatawa na lang dun sa dalawa. 


But what if he really learnt to love her? Mabait naman si Leanna, I can see that and she loves Waldrin so much. Inalagaan niya si Waldrin ng matagal habang wala ako. But I can't blame him if ever kaso hindi ko atah yun matatanggap. 


Yrew took my phone dahil naiinis pa rin siya kina Waldrin and there's no way for them to contact me. Sabi ni Yasha lagi daw tumatawag si Waldrin sa cellphone ko nitong mga nakaraang araw. Gusto ko na rin siyang makausap at makasama that's why we're gonna surprise him tomorrow. Kakausapin ko pa yung mga anak ko and I know they would understand. 


We spent almost the whole afternoon talking about Leanna and Hannah and ofcourse, the upcoming concert of Charlie Puth na crush na crush naming apat. We also planned to invite Monique, she used to be my best friend afterall at alam kong naipit lang siya sa sitwasyon. 


Humiwalay na samin sina Yasha at Vicky, sinundo na rin ni Raven si Marshan. Dumiretso na ako sa mansyon para sana sunduin ang mga bata pero nagulat ako ng makita kung sino ang kalaro ng mga ito.


"Mommy koooo!!!" The two run towards me na agad namang ikinalingon ni Waldrin sakin. Payakap ko silang binuhat at hinalikan ang mga ito bago ko sila ibaba sa sahig. 


"M-Maxene..." Namumula ang mga mata ni Waldrin na lumapit sakin. I pressed my lips tightly at bumaling sa mga anak ko.


"Dun muna kayo kina Lolo Dad, ha?" I told them. 


"Owkey!" Hansel grinned at me before holding Gretel's hand at nagtatakbo na ang dalawa papunta sa kusina.


"K-Kamusta na si Leanna?" Parang may bumara sa lalamunan ko sa tanong ko. He held my arms tightly habang namumula ang mga mata niyang nakatingin sakin.


"Why are you asking me that?! Alalang-alala ako sayo! I've been calling you but I wasn't able to reach you!" 


"Well, mukhang concern na concern sa kanya nung akala nating lahat nakunan siya---" Nanlaki ang mga mata ko when he sealed my lips with his. Ang kaninang binuo kong composure ay tuluyan ng gumuho. I was trying to act tough but I immediately soften when I felt his lips on mine. 


I realized how I missed him so much... Dagdag na rin ang mga taong nalayo ako sa kanya.


"Sh*t up Maxene, I don't like you talking about her and me na para bang okay lang sayo. I was sure I was not the child's father kung totoo mang buntis siya dahil wala pang nangyayari samin." 


"You were so concerned---"


"Talk about her again and I swear I'll kiss you again kahit makita pa ng mga bata." He whispered on my lips. I slightly pushed him away dahil na rin sa pag-iinit ng mga pisngi ko. 


"Ewan ko sayo!" I hissed. Lalagpasan ko na sana siya pero hindi niya binitawan ang mga braso ko. Instead, he wrapped his arms around me and hugged me so tight. 


Yun ang eksenang naabutan ng mga anak ko na galing sa kusina. 


"Tito Bro, you're hugging my Mom too tight! She cannot breath na po!" Hansel slightly pushed Waldrin away as he glared at him. 


"N-No sweetie it's okay." I slightly pulled Hansel away pero nakatingin pa rin ito ng masama kay Waldrin. The later remained stoic, he brushed up his hair bago bumuntong hininga. 


Nasa gilid naman si Gretel at nakatingin lang sa amin with curiousity in her eyes.  


"Nag-uusap pa kami Hansel, dun muna kayo kina Lolo Dad." I said to my son. Yumakap naman siya sa leeg ko at dumila kay Waldrin na bahagyang ikinagulat nito.


"Usap lang ha? Walang hug! Lalong walang kiss! I'll be watching." He said before he wriggled para maibaba ko siya. Maging ako nagulat sa sinabi ng anak ko na nagtatakbo ulit kasama ni Gretel pabalik sa kusina. 


"S-Sa garden na tayo mag-usap." I cleared my throat. Nauna na kong naglakad papunta sa back door. Nadaanan pa namin yung kusina at agad namang sumigaw si Hansel.


"I'll be watching!!!" He shouted at us. Napailing-iling na lang ako and I even heard Waldrin chuckled behind me dahil nakasunod ito sakin papunta sa garden. 


"Can I call you later? Or puntahan na lang kita kapag tulog na ang mga bata?" He asked me. Napatigil ako sa paglalakad at umiling sa kanya. Mamaya ko na kakausapin ang mga bata at lilipat na kami mamayang madaling araw sa bahay niya to surprise him.


"Na kay Yrew ang phone ko and nope, I have to rest." Pagdadahilan ko. Bumakas ang disappoinment sa mukha niya. I bit my lower lip dahil hindi ko gustong nakikita siya nadidisappoint. 


Konting tiis na lang Waldrin. Whatever happens or whatever it takes, bubuuin ko ang pamilya natin. 



#unedited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top