-64-

Sa mga nagwowonder kung kailan ako nag-uupdate, every weekdays po, usually before lunch sinisingit ko siya sa work ko. And hindi ako nakakapag-update ng weekends dahil tulog ako sa bahay. Hahahaha!

Thanks....

~Author-sama


W A L D R I N

There are two of them... 


TWO... 

DALAWA...

Sh*t!!!


"Tito Bro! Ayaw mo ng spaghetti?" Napakurap-kurap ako sa tanong ni Hansel na nakaupo sa high chair niya at makalat na kumakain. I glanced at Gretel na sinusubuan naman ni Daddy, he seems genuinely happy and he's even giggling with her. Something he never done for a long time. 


"I-I do like it." I sighed. Tumusok ng meatball si Hansel gamit ang tinidor niya at inilapit sa bibig ko. 


"I like the meatballs a lot! Here try it!" He said. My heart clenched so hard, pakiramdam ko maiiyak ako sa simpleng gesture ng anak. I opened my mouth para kainin yung sinubo niya sakin. 


"Yeah it's good." I said in a small voice.


"Me too! I want, too! Ahhhh!" Gretel opened her mouth wide at medyo lumapit kay Hansel na tumusok ulit ng meatball at isinubo naman kay Gretel. 


"Mommy sleepover tayo ulit dito?" Hansel asked Maxene. I am just watching them habang inaasikaso ni Maxene ang mga kalat nito.


"I have to go home sweetie, I need to catch your Mommy Marshan." 


"So who's gonna sleep with me tonight?" Walrick asked the two of them. I feel so left behind. My family is well associated with my kids, pero ako, ngayon ko lang sila nakita and I am even afraid to talk to them.


"Hansel will sleep with you Tito, I'll sleep in Lolo Dad's and Lola Mommy's room, right po?" Gretel look at Mom and Dad na ngumiti lang naman sa kanya


"Pupunta na lang po ako dito ng maaga bukas. Anong oras po pala uuwi sina Lolo?" Maxene asked Dad. Tahimik lang akong kumakain at nanonood sa kanila. Trying to get familiarize with my kids gestures and reactions. 


"They'll be here for dinner."



M A X E N E

"Here." Binigay ko kay Waldrin si Gretel and he looks so startled when he held her. "Kanina mo pa tinitignan ang anak ko, just talk to her she can't bite. Anti-violence yang batang yan." I chuckled. Napansin ko ang pamumula ng mga mata niya as he kissed Gretel's temple. Parang may kung anong bagay na humaplos sa puso ko. 


"What's your name po Tito?" My daughter asked him as she rested her head on his shoulder. 


"Waldrin..." I heard him sniffed. Napakurap-kurap ako para pigilan ang nagbabadyang luha. "And you sweetheart? What's your name?" 


"It's Gretel Drinx po, and that's my kuya Hansel Waltz. We're both three." Magiliw na sabi nito. Umupo ako sa tabi ni Waldrin dito sa couch habang naglalaro ng roblox si Paeng at Hansel. 


"I like your names..." 


"But when Mom gets mad, she uses our second name po. She was like Waltz! Drinx! Who spilled milk in my car???" Napasinghap ako sa sinabi ni Gretel at sa panggagaya nito sakin. Lumapit ako sa kanya and tickled her.


"At kailan ka pa naging makwento?" I tickled her and she was just giggling and wriggling. 


"Hahaha sorry Mommy. I'll play na po." She giggled at bumaba na sa pagkakahawak ni Waldrin sa kanya. She went towards Paeng who cuddled her and tickled her bago sila maglaro ng roblox. 


"They are good kids." Bumaling ako kay Waldrin and smiled at him. 


"They are... Gusto mong makita ang mga pictures when they were little?" 


"C-Can I?" 


"Of course! Here..." I opened my phone for him to scan. "Actually, I wasn't able to see them until I woke up from coma. I wasn't there the first time they started to crawl, on their first steps and I wasn't able to hear their first words kaya bumabawi ako sa kanila ng todo ngayon."


"Gosh! Why are you crying!" I laughed at him kahit ang totoo'y naiiyak na rin  ako. Lumapit samin si Hansel and took out something from his bag. 


"Here tissue!" Alok nito samin. Parehas na lang tuloy kaming natawa sa kanya. 


I continued telling Waldrin some stories that I know because I felt like he deserves to hear it. He deserves to learn the truth about my kids. 


Maggagabi na rin ng dumating sina Lolo na magiliw namang binati nung kambal. The night was filled with laughters, giggles and stories. We just really felt that we are a part of this wonderful family. 



Inihatid na ko ni Waldrin sa unit namin ng makatulog na ang kambal. 


"Hindi ka uuwi sa mansyon?" I asked him. Umiling lang siya sakin at bumuntong hininga.


"Next time, sa bahay na kayo uuwi." He murmured na pero hindi ko naintindihan.


"May sinasabi ka?" I asked him out of curiosity.


"Nothing, I just need to go home. May bahay po kasi ako." He smiled at me. I held his hand and slightly brushed his palm. 


"S-Sigurado ka bang hindi mo na itutuloy ang kasal niyo ni Leanna?" I bit my lower lip to control my emotion. Waldrin held my nape and kissed my forehead. Napapikit na lang ako as I wrapped my arms around him.


"You don't have to worry about anything. Your heart knows me well. Goodnight." He pulled me for a kiss bago ako bitawan. 


"Goodnight, mag-iingat ka." I said before letting go of his hand. Bumaling siya sakin na para bang may gustong sabihin bago bumuntong hininga. 


"I'll see you tomorrow." He said bago muli diretsong naglakad papasok ng elevator. Pumasok na rin ako sa unit namin. Muli ulit akong nakaramdam ng pagkalito na para bang yung isang taon ng buhay ko na nakalimutan naganap lahat ng pinakamalaking pangyayari sa buhay ko. 


I really have to remember them. Nahihirapan na rin ako. I need to talk to Dad and Mom soon. Umuwi man sila dito sa Pilipinas lagi namang silang wala dahil sa mga Outreach program na iniisponsor.n nilang dalawa. 


Pumasok na ko sa kwarto ko para maligo at magpalit ng damit. I just took a quick hot shower bago ako pumunta sa kusina at uminom ng gatas. I was about to go back to my room ng makarinig ako ng kaluskos sa bandang pintuan. 


Nakagreenlight ang handle nito ibig sabihin hindi ito nakalock. I think andyan na si Marshan, I waited for her to come in pero kaluskos lang ang naririnig ko mula sa labas so I decided to open it for her. 


"WHOAH!!!" Napasinghap ako ng may dalawang bulto ang nahulog sa sahig sa pagbukas ko ng pinto. "WHAT THE FCK IS THIS?!!" Singhal ko sa dalawa na mukhang kagagaling lang sa maalab na halikan.


"M-Maxene!" Marshan gasped as she tried to pushed Raven off her. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko sa gulat. Raven stood up and slightly pulled Marshan up at awtomatiko namang pumulupot ang braso nito sa bewang ng kakambal ko.


"What the hell! Baka gusto niyong ituloy yan sa kwarto?!" Taas kilay na tanong ko.


"Can we?" Raven grinned at me na kaagad namang sinapak sa dibdib ni Marshan. 


"G*go! Umuwi ka na nga!" Marshan pushed him out off the door but Raven pulled her to give a her a kiss bago nito pakawalan ang kapatid ko. 


"See you tomorrow, bye Maxene!" Raven chuckled bago ito nagtatakbo paalis. Laglag ang panga kong bumaling kay Marshan na bahagyang gulo-gulo ang buhok at medyo gusot ang suot na damit. 


"W-What?!" She cleared her throat and tried to fix herself bago pumasok ng tuluyan sa unit. I closed the door for her at nakahalukipkip na sinundan siya.


"Gawain ba yan ng matinong babae?" I asked her. Umirap siya sakin at dumiretso sa fridge para kumuha ng baso ng tubig.


"May matino bang babae sa ating dalawa?" She chuckled. I pressed my lips tightly dahil alam kong may point siya pero hindi iyun ang ipinupunto ko!!!


"Akala ko ba hiwalay na kayo?" 


"Hindi pwedeng magkabalikan?" She asked sarcastically.


"Umayos ka Marshan kundi malilintikan ka sakin! Paano na si Darius?! I thought you're dating him?" Umupo siya sa silya at agad naman akong tumabi sa kanya.


"He's nice, gwapo, mayaman and all, I tried to give it a chance pero wala talaga eh, I just realized na mahal ko pa si Raven, akala ko wala na kong nararamdaman para sa kanya yun pala nakatago lang." She sighed deeply. 


"Ano bang nangyari? Panong kayo ulit? Akala ko ba girlfriend niya yung Hannah Banana na yun?" 


"As usual, self-proclaimed. It just happened so fast, I just woke up one morning besides him and you know the story..." Namula ang mukha nito sa sinabi and I just shut my eyes tightly dahil sa narinig. Biglang sumakit ang ulo ko, well we're not teenagers anymore, may kanya-kanya na kaming pag-iisip, ako nga may dalawang anak na kaya wala akong karapatang manermon.


"Okay.. As long as you know what you're doing..." 


She bit her lower lip as she smiled at me. Ngayon ko lang ulit nakita ang ningning ng mga mata niyang matagal ko ring hindi nakita. She really is happy, she looks healthier, too. 


"Was that the first time you've done it with him?" I asked her. She pressed her lips tightly and shyly nodded. 


"Hanggang sa naulit-ulit na." Malanding hagikgik nito. Napamental facepalm na lang ako. "Anyways, we're the kids? Tulog na?" She asked before drinking more water.


"Andun sa tatay nila." Naibuga ni Marshan yung iniinom niya sakin which I do really expected.


"W-What?!! Kanino?!" Nauubong tanong nito as I wiped my face with my shirt. "Nakakaalala ka na ba?" 


"Not yet, but I just have this very strong feeling na si Waldrin ang tatay nila, dagdag clue pa talaga yung second names ng kambal." I sighed. Marshan cleared her throat at may pag-aalangang tumingin sakin.


"B-But he's getting married and Leanna's preg---"


"I know he won't, my heart trusts him." I said. 


"Sana nga... Sana nga tama yung desisyon nating balikan sila." Marshan sighed. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top