-63-
HAPPY 100K READS MAFIAN's!!!!
M A X E N E
Have you eaten?
I pressed my lips tightly when that message popped up on my iPad screen. Bahagyang nagformulate pa ang utak ko ng magandang sagot bago ko kunin yung iPad ko sa stand nito.
"Anong klaseng pagpipigil ng kilig yan?" Vicky asked pero inirapan ko lang siya. "May I remind you, ikakasal na yang crush mo." She teased me.
"And may I remind you as well, ikakasal pa lang. Pwede pang maagaw." I smirked. Narinig ko ang pagsinghap niya and suddenly she came to me at kinapa ang noo at leeg ko.
"Oh my gosh! Is that you Maxene? Ang babaeng allergic sa boys?!" She gasped exaggeratedly.
"Hindi ako allergic sa boys! Choosy lang ako!"
"Magiging choosy ka na nga lang sa may fiance pa and worst magkakaanak pa!!!" I pressed my lips tightly. Vicky has a point.
But still, parang may sariling pag-iisip ang mga daliri ko na tumipa ng reply.
Not yet.
I replied to him. Nakita ko naman na agad niya itong nabasa na para bang nakaopen lang itong convo namin at inaabangan niya.
Let's have lunch later.
He replied. Napansin ko ang pag-irap sakin ni Vicky kaya iniikot ko na lang yung swivel chair ko patalikod sa kanya.
Okay, nasa office ka ba?
I bit my lower lip para pigilan ang sariling kiligin. I am not really into men, kaya nga ayoko sa mga blind dates ni Mommy. It's just that there's something with Waldrin that I cannot ignore. We have that connection and we are not just simply connected.
Napatingin ako sa singsing ko. I removed it on my finger at tinignang mabuti ang nakaukit na mga letra dito.
W & M...
No. Nasa bahay ako. But I'll be on my way. I miss you.
Muntikan na kong mapasinghap sa huling bahagi ng mensahe niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumipa ng sagot sa kanya.
Sa mansyon? I asked. If nasa mansyon siya, baka kasama na niya ngayon sina Hansel at Gretel which I highly doubt dahil base sa bulungan nina Marshan at Paeng, hindi doon umuuwi si Waldrin.
No, I have my own house.
Okay, see you later. Call me.
I pressed my lips tightly bago ko ibalik sa holder yung iPad ko. Bumaling ako kay Vicky na pinaniningkitan lang ako ng mga mata.
"Ano ng balita dun sa problema natin?" I asked her. Bumuntong hininga ito at umiling sakin.
"She just won't confess kahit malakas na ang ebidensya laban sa kanya." Tungkol ito sa malaking perang nawawala sa kompanya. All of the evidences we gathered pointed to only one person, the VP for Finance. Pero dahil anak siya ng kaibigan ni Daddy kaya hindi namin pwedeng basta-basta na lang kasuhan. Kilala din kasi ang pamilya nila.
"Naiinis na ko sa babaeng yun, wala na ngang alam gawin! She was given such a high position dahil kilala siya ni Dad! Let's go!" Tumayo na ko at akmang susugod sa office ng VP Finance kaso nahila ako ni Vicky.
"Kasasabi mo lang diba? Kilala siya ng Daddy mo!"
"And so what? I've given her enough time to settle the issue kaso siya pa yung mayabang! Kung ayaw mong sumama sakin, bahala ka." I grunted. Pikang-pika na ko sa babaeng iyon. Ang sarap niyang ilampaso sa sahig! I don't want to make things messy kahit iyon ang forte ko dahil nahihiya ako kay Dad.
Pero pasensyahan na lang, sinasagad na talaga ng babaeng iyon ang pasensya ko.
We went directly to the VP of Finance' office. Naabutan pa naman dun si Elena na nagcecellphone lang and worse, nakikita ko pa ang mahahaba niyang kuko na kulang na lang punuin niya ng beads!!!
"Just wow! Ang kapal talaga ng mukha mo na mas makapal pa sa pader." Singhal ko sa kanya. Humalukipkip ako sa harapan ng mesa niya and she just innocently glance at me.
"Sorry? Who are you again?" She asked mockingly. Tumaas ang kilay ko at umigting ang panga ko ng bigla siyang ngumisi sakin. "Oh! I remember now! Ikaw yung ampon ng Chua! What's your name again? Mak? Macky? Oh! Forget it you're not important anyway."
Narinig ko ang pagsinghap ni Vicky sa likod ko. I walked towards Elena and grabbed her jaw so hard she screamed. Agad pang pumasok yung secretary nito na nanlalaki ang mga mata sa nasaksihan.
"Lock the door Vicky..." I hissed.
"AHHHH!!! B*tch!!! Your nails are digging into my face!!!!" She screamed as she scratched her nails unto my arms trying to reach for my hair. I caught her hands at pabalibag ang mga itong ibinaba sa mesa niya, and that made her scream harder.
"It's Prime, for you. Anyway, pumunta lang naman ako dito para singilin ka sa ninakaw mo. Hindi ka na namin kakasuhan, but you have to pay the price. Hindi ako yung klase ng taong kaya mong kalabanin." I smirked at her. Umiiyak na ito at halos hindi na maibuka ang bibig dahil sa tindi ng paghawak ko sa panga niya na nangigitim na.
I grab her jaw forcefully para maglock ito. Before giving her a sweet smile. I took my hanky to wipe my bleeding arms habang pinapanood siyang paarang mababaliw na sa simpleng jaw lock.
"Come on Vicky, may lunch date pa ko..."
"W-What happened to you?" Waldrin asked me when he approached us pagkapasok namin ng restaurant. He held my hands and glance at my arms na may mga scratches pero tumigil na ang pagdurugo pero namumula pa rin.
"Just a little cat fight." I sighed.
"Dumaan kaya muna tayo sa hospital, these might get infected." He asked me worriedly. I glance at Vicky na bahagyang umirap lang sakin bago dumiretso sa table na nireserve ni Waldrin for us. Hindi ko naman pwedeng hayaan si Vicky na kumain mag-isa.
"Okay na yan, nalagyan na ng disinfectant sa infirmary kanina. Kain na tayo?" I pulled his hand papunta sa table namin and I felt his finger brushing my ring. Bumaling ako sa kanya at napansin ko naman ang ngiti sa mga labi niya as he pulled a chair for me besides him. Nasa Harapan ko lang si Vicky na kunwari'y tumitingin-tingin sa menu.
"Just order anything you fancy." He smiled at me, not letting go of my hand. Kahit na sa pag-oorder ay nakaalalay si Waldrin sakin. Alam na alam niya kung ano ang mga gusto ko, and this feels so f*cking familiar.
"Susunduin ko si Paeng mamaya then sa mansyon na ko magdidinner. Pauwi na daw sina Lolo at Lola Zek from Dubai." I said after naming umorder.
"Yeah, sumabay ka na lang sakin. Pwede mo naman sigurong iwan sa building niyo yung kotse mo, so I can drive you home." He suggested.
Napatingin ako sa kanya at alanganing nagtanong, "H-Hindi mo ba isasama si Leanna?" Bahagya siyang natigilan sa tanong ko pero isang malalim na buntong hininga lang ang isinagot niya.
"Gusto mo ba?" He asked me back. Kumunot ang noo ko sa tanong niya as I glared at him. He put his arm around my waist at masuyong hinalikan ang gilid ng ulo ko. Vicky started talking to me at tahimik namang nakikinig si Waldrin. His arms are possessively wrapped around me at nakukuntento na lang siya sa pagyakap at paghalik-halik sa balikat ko.
He's being clingy in front of my bestfriend na mukha naiilang pa sa nakikita niya. But I don't know I find it sweet and comforting. Na parang normal lang ito, na parang kilalang-kilala ko siya, na para bang hindi siya ikakasal sa iba.
"Waldrin, babe?" Napalingon kami sa dumating and Waldrin immediately let go of me when he saw Leanna. Sumikip ang dibdib ko sa inasta niya and my mood was ruined immediately at nawalan pa ko ng gana.
Leanna looks so stressed. Hindi na nga siya kagandahan, pinapabayaan pa niya ang sarili niya. Her sweet smiles again concealed the tears forming in her eyes as she walks towards us.
"Hi Maxene! Hi Vicky!" She smiled at us bago umupo sa tabi ni Vicky at sa tapat ni Waldrin. I secretly clenched my jaw as Waldrin started pulling away from me.
"How did you find me?" May diing tanong ni Waldrin kay Leanna. Her eyes watered as she reached for Waldrin's hand and held it firmly.
"I miss you babe. Busy ka ba nitong mga nakaraang araw at hindi mo na sinasagot ang mga texts at tawag ko?" I wet my lips as I stared at their hands intertwined on the table. Jealousy filled my system at parang gusto ko na lang manabunot bigla.
Sa inis ko iniusog ko palayo kay Waldrin yung upuan ko.
I gasped when he suddenly pulled my chair back, this time closer to him. He just did that in front of his fiancee!!! Shuta! Naguguluhan ako sa mga pangyayari...
"Bumisita pala kanina yung wedding planner, I was calling you---"
"I told you to cancel it." Waldrin answered sternly. Dun na pumatak ang kanina pang pinipigilang mga luha ni Leanna.
"D-Don't do this to me please, mag-kakaanak na tayo Waldrin." She held Waldrin's hand tighter as she sobbed. I glanced at Vicky na mukhang naawkward.n din sa mga nangyayari.
"Stop this Leanna, not in front of my wi-- of Maxene, I'll talk to you tomorrow." Waldrin pulled his hand away from Leanna, but I can't feel any sympathy towards her. Nakaramdam pa ko ng tuwa sa ginawa ni Waldrin, and yeah that's so b*tchy of me.
"I-I think you two have to talk sa iba na lang kami kakain." I said. I was about to stand but Waldrin was able to pull me back to my seat.
"You're not going anywhere, stay with me." He whispered to me. Bumaling ako kay Leanna na umiiyak na lang na nagwalk out.
"S-She's pregnant, hindi mo dapat siya iniistress ng ganun---"
Binitawan niya ako at tumingin ng masama sakin. "Then, would you rather let me be with her?" He asked and I kept my mouth shut.
Of course, ayoko.
Waldrin waited for hours for me hanggang matapos ang trabaho ko.
"Haba ng hair ah? Imagine, he waited for you for 4 hours!!!" Vicky giggled habang sabay kaming nag-aayos ng gamit. Inirapan ko lang siya dahil sa kahibangan niya. But I have to admit kinilig ako doon.
"I think mababakante ang position ng VP Finance, Vicky. You'll handle it." I said. Natigilan ito sa pag-aayos ng gamit at laglag ang pangang bumaling sakin.
"HECK NO!!!"
I smirked at her, "I'm your boss, remember?"
"But it's too much stress Maxene! My gosh! Hindi mo ba naisip yung social life ko na masasagasaan kapag kumuha ako ng mataas na position?! Kaya nga ako naging P.A. mo diba? Kahit mas maganda ang credentials ko sayo!!!"
"No more ifs, no more buts. Ciao! May naghihintay sakin, sayo wala." I winked at her. Narinig ko na lang ang pagdadabog nito bago ako sumakay ng mabilis sa elevator.
"H-Hi, umuwi ka muna sana para hindi ka naghintay ng matagal." I told him after kong pumasok sa kotse niya. Hiningal pa ko dahil halos tumakbo na ko sa pagmamadali.
"My house is 1 and a half hour drive from here. Mauubos lang ang oras ko sa byahe, I'd rather stay here and wait. 4 hours is nothing." He said before kissing me on the cheek. "I missed you." He sighed. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat. I definitely did not expect that. My heart was not prepared, feeling ko aatakihin na ko.
He drove off to Paeng's school. Ngayon ko lang actually susunduin sana si Paeng and I'm very curious what does his school looks like.
"M-May itatanong sana ako." I broke the awkwardness between us. He glanced at me and reached for my hand at masuyong hinaplos ito.
"W-we're not just friends right?" I bit my lower lip dahil sa bahagyang pag-iinit ng pisngi ko. Amusement is written all over his smiles.
"We've never been friends, we're enemies, then suddenly we became special to each other." His finger brushed my ring. I blinked back the tears formed in my eyes dahil sa kakaibang emosyong namuo sa kaloob-looban ko. Umangat ang kamay niya sa mukha ko at hinaplos ito.
"Don't think to much. Maaalala mo rin ako, yung tayo. And I want you to know that I never hated you for the decisions you made back then." May kung anong mainit na bagay na humaplos sa puso.
He didn't actually say what we were, kung ano ba talaga kami. And I think that is for the better, kailangan kong idiscover mismo sa sarili ko kung ano ba ang nakalimutan ng utak ko na inaalala pa rin ng puso ko.
Hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa school ni Paeng. Nakita namin siyang nakatambay sa shed at ngingiti-ngiting nakatingin sa cellphone ko. Hindi tuloy niya napansin ang paglapit ko sa kanya and I just caught him scanning photos of the twins.
"Akala ko girlfriend mo na." I commented. Napakislot pa siya sa bahagyang pagkagulat before letting out a sigh of relief. He wrapped his arm around my shoulder at napansin ko naman ang mapanuring tingin ng mga kababaihang napapatingin samin.
"Naks! Mukhang heartthrob si Paengski!" I chuckled at bahagyang sinundot siya sa tagiliran.
"You cannot call me Paeng here! Walrick ang pangalan ko dito. Pero dahil mahal kita, exempted ka sa rules ko." He grinned. Napasinghap ako sa sinabi ng kapatid ko at bahagyang hinila ang tenga niya.
"Astig ka na ngayon?" I teased him but he just laughed at me habang papunta kami ng kotse. Napansin ko namang natigilan siya at nawala ang ngiti niya ng makita ang kotse ni Waldrin lalo na ng bumaba ito mula sa kotse.
"Where's your car?" Paeng asked me and slightly pushed me away.
"It's no use bro, she's with me." Nakahalukipkip na sabi ni Waldrin kay Paeng. Napansin ko pa ang mainit nilang labanan ng titigan bago bumaling si Paeng sakin na parang galit. Padabog itong pumasok sa kotse at binagsak pa yung pinto.
"Paeng..." I called him. Nasa backseat siya at hindi ako pinapansin he even dared to put on his headset infront of me.
"RAPHAEL!!!" I shouted and he immediately took off his headset.
"W-What?!" Galit-galitan ang tono nito pero bakas naman ang takot sa boses niya. Pumasok na si Waldrin sa sasakyan at bahagyang bumaling samin.
"Anong problema mo?" Matigas na tanong ko sa kanya. He pressed his lips tightly bago bumuntong hininga.
"He's getting married, at hindi magandang tignan ate na magkasama kayo." He said.
"I am not. I cancelled the wedding." Waldrin answered him. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ni Paeng.
"Even though! Alam mo kung bakit ayaw namin sayo ni Ate Marshan---"
"I'm setting everything straight, Walrick." Tipid ngunit may diing sagot nito, like saying 'I am still older than you, don't talk to me like that.'
"Whatever! Umuwi na nga tayo!" He grunted.
Waldrin never let go of my hand, but if he has to, he let it rest on his lap bago ulit ito hawakan. Nahuhuli ko naman minsan si Paeng na nakatingin lang ng masama sa mga kamay naming magkahawak. Dumiretso na kami ng mansyon at nauna na kami ni Paeng na bumaba dahil kailangan pa daw magpark ni Waldrin.
"Waaahhhhh!!!! Mommy ko!!!" Hansel jumped on me na nasalo ko naman dahil sanay na sanay na ko sa galawang ninja nitong anak ko. Nandito siya sa sala at naglalaro ng roblox ng mag-isa.
"Where's your sister?" I asked him as I kissed his head.
"Garden, picking some flowers. Hi Tito!" Hansel giggled.
"Hello baby, magpapalit lang ako ng damit." Paeng smiled at him bago umakyat sa kwarto nito.
"Where's your Lola Mommy?" I asked my son.
"In the kitchen with Lolo Dad, they're cooking spaghetti." He said.
Buhat-buhat ko si Hansel na naglakad papunta sa kusina.
"Hi po Tita, Tito!" I greeted them. Agad naman silang ngumiting dalawa sakin. One thing I appreciate about them is that they personally cook the foods they feed my children. Hindi sila nagpapaluto sa mga maids.
"Oh Maxene! Andito ka na pala. Sakto malapit ng matapos---"
"TITO BROOO!!!" Tili ni Hansel. Sumakit pa ang tenga ko sa matinis na boses niya at paglingon ko, there's Waldrin approaching us with his brows furrowed.
"Why is Hansel here? You knew about him, Mom, Dad?" Waldrin asked them. Napatingin ako kina Tito at Tito. Tito remained stoic pero bakas ang pag-aalangan sa mukha nito. Nakaramdam ako ng kakaibang tensyon mula sa kanila and alam kong napansin din iyon ni Hansel dahil nagsumiksik ito sa leeg ko sa takot.
"S-Sa sala lang po kami." I excused us. Dinala ko sa couch si Hansel na bahagya pang sumilip sa kusina kung saan medyo rinig namin ang mahina pero galit na boses ni Waldrin at Tito Wilson.
"Mommy, galit ba si Tito Bro?" Hansel asked.
"I-I don't know. Anyway, why are you calling him Tito Bro? His name is Waldrin..."
"I don't like his name po eh. It sounds like our names you utter when you're mad." He pouted. Muli akong bumaling sa kusina then I saw my daughter running towards the backdoor from the garden with a wide smile on her face. May hawak itong maliliit na mga bulaklak.
Napakislot siya sa gulat bago pa makapasok sa back door dahil sa narinig niyang sigaw. Muntikan na kong matawa dahil sa reaksyon nito na mukhang hindi naman napansin nung mga nag-aaway. My daughter is just so precious lalo na ng nakatingala itong nakikiusyoso sa mga nag-aaway sa harapan niya.
She went to Waldrin and slightly tugged his pants, awtomatiko namang natigil ang mga ito sa pag-aaway.
My daughter said something before giving Waldrin the flowers she picked. She gave him a sweet wide smile before she ran to me and hugged me tightly.
"Good job sweetie." I whispered to her. I glanced at Waldrin who looks so shocked while looking at us.
#unedited.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top