-61-

Thanks for the comments! Really appreciate it!!!

~Author-sama


M A X E N E 


"Is she really Lolo's wife?" Tanong ko kay Marshan. Whoever Madam SC or Lola Zek is in Lolo's wife. Nagulat na lang ako nung tumawag si Lolo kanina to remind us about a family dinner dahil birthday daw ng asawa niya. 


"She is. Pero hindi pa sila kinasal sa church, maybe Lolo was waiting for you." She winked at me. Napabuntong hininga na lang ako especially when Yrew and Yasha insisted on coming na pinayagan naman ni Lolo. 


Yes, Yasha and my foster parents are here. Nagulat nga rin ako sa biglaang pagsulpot nila sa labas ng unit namin. Kinuha na muna nila yung mga bata sa bahay nila dahil hindi daw kami magkakasyang lahat dito sa unit.


"Ang dami pa lang ganap, I can't cope up anymore." I sigh. Napahawak ako sa singsing ko as I faced the mirror. I saw how Marshan bit her lip secretly. Ayaw niya talagang makaalala ako. 


"Matagal pa ba kayo?" Yasha barged in. Nakapamewang ito sa may pinto at nasa likod naman nito si Yrew. 


"Kailangan niyo ba talagang sumama? Makakagulo lang kayo eh." I said to them. The four of us, with Vicky are troublemakers. Maingay kami at magugulo kapag magkakasama kaya nag-aalangan akong isama si Yasha at Yrew dahil baka makagulo kami kina Lolo.


"Duhhh? Ang bait ko kaya. And FYI, may invitation kami. Hindi kami nakikisabit lang." Yasha rolled her eyes at lumabas na ng kwarto ko. Muli kong sinipat ang itsura ko sa vanity mirror bago kami lumabas ng kwarto ni Marshan.


"Ikaw? Are you really sure na pupunta ka?" Marshan asked me ng makasakay na kami ng kotse ni Yrew. Natigilan pa ko sa paglagay ng seatbelt ko. "I know, kilala mo na sila but they are part of the memory--"


"It's okay Marshan... My memories are slowly coming back. It won't harm me." I said. That's the truth, I dreamed some fragments kaya nahihirapan akong matulog nitong mga nakaraang gabi.


"W-What?" Hindi makapaniwalang tanong nito.


"It's okay Marshan, we're not suppressing it either, she needs her memories back, mahirap mabuhay na may parte sa pagkatao mo ang nawawala." Yasha commented from the front seat. 


Marshan bit her lower lip furiously. "Ayoko lang namang maramdaman mo yung sakit ng mga pinaggagagawa nila satin." 


I held her hand tightly and slightly brush her cheek.


"I am Maxene Prime Chua now, and I am not reborn to be weak." 



Nauna na kaming pumasok ni Marshan sa mansyon nina Lolo dahil magpapark pa sina Yrew. My heart felt heavy when I entered their house at bahagyang kumirot ang sentido ko. 


"Are you okay?" Marshan asked me ng mapansin niya ang namamawis kong kamay na hawak-hawak niya.


"I'm good. It's just that this place felt very familiar." I smiled at her. Napabuntong hininga na lang siya as she guided me towards the dining area. 


"Ohhh! Maxene!!!" I gasped when a lady suddenly approached me and hugged me so tight. She cupped my face at hindi makapaniwalang tinitigan ako sa mga mata. "Oh God! You're really alive sweetie..." She said with teary eyes. Nagtataka akong bumaling kay Marshan.


"She's Tita Alicia, Paeng's biological Mom." 


"Oh! It's nice to meet you po, my children are so fond of you. Thank you for looking after them." I held her hands tightly as I expressed my gratitude. She smiled softly at me and lovingly caressed my face.


"Of course iha, mga apo naman namin sila--" She paused. "I mean, para narin namin silang mga apo, you could always leave them to us, hindi mo lang alam kung gaano nila kami napapasaya ng asawa ko." Lumambot ang puso ko sa narinig at para bang nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. 


"Anyway, halika na kayo sa dining hall, andun na silang lahat." Napangiti ako ng umangkla siya sa braso ko. She felt so warm and familiar to me. Nakarinig kami ng mga taong nagkwekwentuhan habang papalapit kami sa dining hall. 


"Ate!!!" Paeng exclaimed as he waved his hand at me at tinuro ang mga bakanteng upuan sa tabi niya. Natahimik pa silang lahat na napalingon samin. I even saw how Marshan's expression remained stoic. 


"Ohhh! Maxene! Ang pinakapaborito kong hindi apo..." An old woman embraced me and I hugged her back. She felt very familiar, too. Pakiramdam ko maiiyak tuloy ako.


"Maxene, this is my wife..." Lolo approached me. 


"Ohh! Happy birthday po! I wasn't able to buy a gift, kasi biglaan din po ang pag-invite ni Lolo." I smiled at her.


"This is weird, you used to be so sarcastic at me, mukhang pati ugali mo nakalimutan mo na." She chuckled at bahagyang kinurot ako sa braso. Napasinghap tuloy ako sa gulat.


"Maybe natuto na lang po akong gumalang sa MATATANDA." I hissed ng makaramdam ako ng bahagyang pagkainis. She chuckled and suddenly slapped my butt, I gasped and I almost lost my control, muntik ko na siyang masinghalan. I glared at her pero tumatawa lang ito. 


Paeng approached us at hinila na ko paupo sa tabi niya. All eyes are on me and they are all looking at me curiously. 


"LOLA ZEK!!!" Napangiwi ako dahil sa malakas na boses nina Yrew at Yasha na bumati. Yasha handed a gift to Lola Zek. "Regalo namin, from the Chua's." 


"Thank you! Umupo na rin kayo so we can eat." Magiliw na sabi nito kay Yasha. Bahagyang naningkit ang mga mata ko sa nasaksihan. Marshan is just silently looking at her phone at ganun din sa Paeng na naglalaro sa phone niya.


"Lo, where's Kuya Spencer?" I asked Lolo na napansin kong bumaling kay Christian. Napansin ko ang katabi nitong babae na malungkot na nakatingin sakin.


"T-They're out of the country, nagyaya kasing magDisneyland si Clarence." He said. "Uhm, my Ate Claire is his wife." Dagdag pa nito. Napatango-tango na lang ako at nabaling naman ang atensyon ko sa mga maids na nagseserve ng pagkain. 


"Wala pa sina Waldrin, Dad." Waldrin's Dad said. Bahagyang kumibot ang labi ko sa narinig. Pero tinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga pagkain sa mesa. I haven't seen them for days since that incident in my office.


We were about to start digging in ng biglang dumating sina Leanna at Waldrin, kasabay nilang dumating sina Raven at Hannah. 


"Lola Zek, sorry po nalate kami, bumili pa kasi kami ng gift para sa'yo---" Leanna looked stunned upon seeing me pero agad naman siyang pilit na ngumiti sakin to lessen the awkwardness. Bahagya namang umirap sakin si Hannah na bakas pa ang pasa sa pisngi and there's a blood clot in her eye, muntikan tuloy akong mapatawa.


"It's okay. Umupo na kayo so we could start." Lola Zek said indifferently. 


"Ohhh looks like these are all someone's favorite..." I heard Yasha commented pero pinaningkitan ko lang siya ng mga mata.


"Actually, alam ko kasing darating si Maxene, kaya ipinaluto ko lahat ng paborito niya." Lola Zek chuckled. I pressed my lips tightly dahil sa pag-iinit ng pisngi ko.


"It's your birthday naman po, no need---"


"Knowing that you're alive, is the best birthday gift to me." Uminit ang puso ko sa narinig. We started digging in, tahimik ang lahat at tanging ang mga tunog lang ng utensils ang naririnig. I was about to fill my third plate ng bigla ulit magkomento si Yasha.


"Hon, looks who's pigging out again..." Yrew covered his mouth at tinago ang paghagikgik. I clenched my jaw and dropped my spoon on my plate kaya nagcreate ito ng matinding ingay.


"Shut it..." I hissed. 


"Oh! You know Lola Zek, Marshan and Paeng, nung medyo magaling na si Maxene, kailangan niyang maggain ng muscles dahil sobrang payat na niya noon... But guess what, imbes na muscles, puro fats yung na-gain niya HAHAHAHA, I still have the picture of her..." Yasha was laughing loudly while scanning her phone.


"Yasha stop!!!" I hissed. Napatayo na ko when she showed my picture to Lola Zek but Yasha was able to runaway and threw her phone to Marshan and Paeng. Hanggang sa naghahabulan na kami paikot ng mesa. 


"You're cute here, though." Marshan chuckled. I tried to grab the phone from her pero ibinato niya ito papunta kay Yrew.


"Maxene enough!" Lolo nagged at me. Napanguso na lang ako.


"Patay ka sakin mamaya." I glared at Yasha bago ako padabog na umupo sa upuan ko. Tumatawa lang sila ni Yrew na pinagtatawanan yung picture ko. 


"Kumain ka Maxene, wala namang masama kung tumaba ka ulit..." Lolo chuckled.


"LOOOO!!!" I grunted. Tumawa lang ito sakin. "Pasensya na po sa abala." I apologized to Tita Alicia and Tito Wilson na nakatingin sakin.


"It's okay sweetie." Tita Alicia smiled at me.


"How's your head? You lost some of your memories, right? At kami pa talaga ang nakalimutan mo." Lola Zek asked me. Napakamot na lang ako sa sentido ko at awkward na ngumiti sa kanya.


"Well, I am starting to remember things pero puro fragments pa lang, like I used to work in like a coffee shop? The uniform I used to wear, hmmm what else?" Napaisip ako ng malalim trying to recall some fragments in my dreams.


"What will you do kapag bumalik na ang mga alaala mo?" Marshan asked me. Napansin kong napatingin pa silang lahat sakin na para bang nag-aantay ng sagot ko.


"First, I'll take back what's rightfully mine." I said and I didn't know kung bakit ako napatitig kay Leanna na agad namang nag-iwas ng tingin sakin. I glanced at Waldrin but he was just looking at me indifferently.


"Well, what if wala ka na pa lang mababawi? Kasi inaangkin na ng iba?" Makahulugang tanong ni Yasha. Umigting ang panga ko sa sinabi niya. 


"Kung hindi ko man siya makukuha pabalik sakin, sisiguraduhin kong walang ibang makikinabang sa kanya." I smiled sarcastically before drinking my water. Kumibot ang labi ko ng makitang hinawakan ni Leanna ang kamay ni Waldrin na nakapatong sa mesa. 


"L-Lolo, Lola, may sasabihin po pala kami ni Waldrin sa inyo." Leanna suddenly spoken. Lahat ngayon ng atensyon ay nasa kanya.


"Not now Leanna!" Madiin ngunit pabulong na sabi sa kanya ni Waldrin.


"Kung hindi ngayon, kailan pa? They need to know." Leanna said with teary eyes. 


"Ano iyon Leanna, Waldrin?" Tanong ni Lolo sa maawtoridad na boses. Narinig pa namin ang mahinang pagmumura ni Waldrin habang si Leanna ay pilit na pinipigilan ang mga luha.


"Lolo, Lola, Tito, Tita and guys, I-I-I'm pregnant..." Halos pumiyok ito sa sinabi niya. I pressed my lips tight dahil sa panginginig nito. I prepared myself for this sh*t pero nahihirapan pa rin akong kontrolin ang emosyon ko.


"W-What???" Tita Alicia gasped at hindi naman nakaiwas sakin ang pagsulyap niya. 


"8 weeks na po..." 


"Wala na finish na..." I heard Yrew commented. Nanginginig ang kamay kong napainom ng tubig and then I heard Hannah happily greeted the two of them. Actually, sa lahat ng nandito, si Hannah lang ang bumati sa kanilang dalawa.


"That's a great news!!! Wala na talagang makakapigil sa kasal niyo. Diba Maxene?" Hannah said as she smirked at me na para bang may ipinapahiwatig.


"Well congratulations to the both of you." I smiled at Leanna at Waldrin. May kung anong emosyon akong nakita sa mga mata ni Waldrin as he stared back at me. "So kailan ang kasal? Am I gonna expect an invitation?" Pinatatag ko ang boses kahit parang pinipiga na puso ko sa kakaibang sakit na nararamdaman ko ngayon. 


I shouldn't be feeling like this lalo't hindi ko naman sila kilala.


"Please... Don't do this!" Waldrin harshly stood up from his seat at bigla na lang umalis. Bakas na bakas ang sakit sa luhaang mukha ni Leanna as she followed him. 


Nag-slow clap pa sina Yasha at Yrew. "Daebak! Lakas makatelenovela!" Yasha commented. I just rolled my eyes at her. 


Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Lolo. "Tapos na kaming kumain, mauuna na kaming magpahinga. Continue with your chitchats okay?" Lolo told us. Dahil hindi pa naman kami kumain ay nagtuloy lang kami sa kwentuhan. Hindi rin nagtagal ay nauna na rin umakyat sina Tito at Tita. 


Kami lang nina Yasha ang nagkwekwentuhan. Tahimik lang sina Christian kahit mukhang tapos na silang kumain. 


"Anyway, kamusta ka na pala Hannah?" I asked her. Mukhang natigilan pa siya saglit bago niya ko irapan. 


"Thanks to you! Namamaga pa rin ang mukha ko!" She glared at me. Napatawa ako sa sagot niya while the maids started to fix the table.


"Why? You deserved it! Actually, feeling ko kulang pa yun eh. Nangangati pa ang palad ko, gusto mo sa kabila naman?" I smiled sarcastically. 


"B*tch!" She hissed pero ngumisi lang ako sa kanya.


"Remember this, okay lang na banggain mo ko dahil babanggain lang kita pabalik, but if you lay even just a finger on my sister or spout nonsense sh*t against her, hindi na lang kita babanggain, sasagasaan pa kita ng paulit-ulit." Namula ng husto ang mukha nito sa galit na halos parang umuusok na ang ilong niya. 


"Ooohhh! Siya ba yung makapal ang mukha na pinagsisiksikan ang sarili?" Yasha gasped. "Remember Marshan? Diba siya yung nakabaril sayo noon? Don McNeil was very mad he could even kill them with his bare hands before, kung hindi mo lang sana siya pinigilan noon dahil kay Raven! Yet she still have the audacity to show her face infront of Don McNeil? My gosh! Ang kapal ng mukha!" Yasha exclaimed insensitively. 


Kumunot ang noo kong bumaling kay Marshan. "It's all in the past now Maxene..." 


"H-Hannah is mentally and emotionally disturbed. Hope you understand." Raven commented.


"Again! Pinagtatanggol mo na naman yang babaeng yan! She's not mentally disturbed, wala lang talaga siyang utak!" I hissed. Naramdaman ko ang kamay ni Marshan sa braso ko pero umiling lang ako sa kanya. 


"Anong klase ka bang boyfriend noon?! Anong klase ba kayong mga kaibigan?! How could you cater such a dangerous person?! She almost killed Marshan! Hindi ko man kayo kilala nor hindi ko man kayo matandaan, still, I am utterly disappointed!" Bakas ang lungkot at gulat sa mga mukha nila na para bang nasaktan sila ng husto sa sinabi ko.


"I-I think we should go, Yasha, Yrew." Marshan said as she hold unto my arms. 


"Ako na magsasabi kina Lola..." Paeng said. Pero hindi ko pa rin tinantanan ng masamang tingin sina Raven. 


"Sana... Sana lang hindi kayo parte ng buhay ko. It's such a shame and a disappoinment being associated with people like you. Let's go." Hinila ko na si Marshan palabas ng mansyon. Seeing Hannah's face irritates the hell out of me. 


Buti na lang wala na sina Leanna kanina, she who irritates me more, at baka kung ano pang masabi ko sa kanya. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top