-59-
I'll leave it here... Hahahaha!
~Author-sama
M A X E N E
"Yrew and I will represent the Chua's." I said to Marshan habang nilalagay ang earring sa aking kaliwang tenga. Naglandas ang tingin niya sa kabuuan ko at umikot naman ako sa harapan niya.
"I never thought I would see you wearing such seductive dress. Iba ka na nga talaga Maxene." Naiiling na sabi nito as I brushed my palm on my red sexy back mermaid long dress.
"You're the one to talk." I smirked. She flaunted her leg off the slit on her black off shoulder body con dress...
"It feels so conservative actually." She chuckled. Napailing-iling na lang ako as I fix my hair in front of the vanity mirror.
"Anyways, mauuna na ko. You know, duties." She winked at me.
"Okay, ingat sa pagdadrive. I'll just wait for Yrew." I said bago bumeso sa kanya. Lumabas na siya ng kwarto ko at narinig ko pa ang pagtawag niya kay Paeng sa sala na kasama nung mga bata.
I was about to close my jewelry box ng mapansin ko kwintas kung saan ko nilagay ang isang sing-sing. It looks like an engagement ring. Suot-suot ko daw ito nung lumaban ako sa mga Venom, and everytime I tried to wear it on my finger sumasakit ang ulo ko kaya hindi ko na siya muling sinuot pa.
But I always wear it around my neck, but I won't be wearing it today.
Hindi rin nagtagal ay dumating na si Yrew base na rin sa masiglang boses ni Gretel na bumati sa kanya.
"Ang ganda talaga ng favorite girl ko! Kung hindi ko lang mahal si Yasha, baka niligawan na kita." Panlalandi nito sakin. I just rolled my eyes at him as I pulled his tie para ayusin. Lumabas na kami ng kwarto.
"Hansel, Gretel, sleep early okay?" I told them. Agad naman silang tumayo sa couch at lumingon sakin. Gretel pouted her lips for a kiss. I kissed her and wiped her lips dahil sa dumikit na lipstick.
Umirap lang sakin si Hansel. Kanina pa niya sinasabing gusto niyang sumama pero hindi nga kasi pwede ang mga bata dun.
"Wag niyong papahirapan ang Tito Raphael niyo. Okay?" I pinched my son's cheeks before kissing him. Pero umirap lang siya ulit at pinunasan ang bibig bago humalukipkip at pumadausdos ng upo sa couch.
"Ikaw muna bahala sa kanila Paeng." I said to my brother.
"No problem ate." He said then focused his attention again to the TV monitor bago hilahin yung dalawa to cuddle with him. Lumabas na kami ni Yrew sa unit namin...
"Binatang-binata na yung kapatid mo..." He said to me.
"Kaya nga... The last time I remembered, binebaby ko pa siya." I sighed.
"Ngayon? Pwede na siyang gumawa ng baby?" He grinned kaya nasapak ko na ng malakas sa balikat. Tatawa-tawa lang siyang hinihimas ang braso.
"G*go ka talaga..." I chuckled.
Ng makarating kami sa venue marami ng tao na medyo dim pa ang ilaw.
"You stay here, I'll get us food and drinks..." Iniwan ako ni Yrew sa tabi ng isang high table and mixed with the crowd.
"Nice dress..." Someone approached me. Hinagod niya ko ng tingin mula ulo hanggang paa and her jaw slightly clenched pero pinilit pa rin niyang ngumiti sakin.
"Sino yung kasama mo kanina? Bagong boyfriend mo? Mabuti naman." She said. Tumaas ang kilay ko as I stared at her. She's oozing of insecurities.
"Have you ever faced the mirror and said 'Ang ganda ko'?" I asked her. Kumunot ang niya sakin and slightly raised her chin.
"Of course! Maganda naman talaga ako." She said proudly.
"Good! You need that kind of confidence." I smirked at her. Umasim ang mukha nito but I just stared back at her coldly. Inirapan lang niya ko before walking out.
"Who was that?" Inabot sakin ni Yrew ang isang baso ng champagne at inilapag sa high table ang mga pagkaing nakuha niya.
"A random btch in Marshan's life." I said.
The event started ng magsalita ang emcee sa stage. Kanina ko pa tinetext si Marshan pero hanggang ngayon hindi pa siya nagrereply. Mukhang busy atah talaga siya.
The opening message was given to us by the CEO of the McNeils Group.
"That's Waldrin's Dad." Yrew whispered to me when we were clapping our hands after his speech. Napatango-tango na lang ako. The party started when they played some romantic music.
"Come on... We should dance!" Yrew pulled me towards the center. I wrapped my arms over his shoulders as he clasped his fingers on my back. I giggled as he rubbed his nose on mine.
"Someone should take a video of us tapos ipakita kay Yasha para magselos naman yun sayo." He pouted.
"You know she would never get jealous of me... Kahit nga magkatabi tayong natulog noon hindi naman siya affected." I said. He rolled his eyes and sighed.
"Alam niyang sayo lang ako ganito. I can't be like this with other girls kahit na kay Marshan. Feeling ko tayo talaga ang kambal." He grinned and I rested my forehead on his shoulder para itago ang pagtawa ko.
"Pero seryoso..."
"Wow! Si Yrew seryoso?" I mocked. Ngumuso siya sakin pero tinampal ko lang yung bibig niya.
"Seryoso nga kasi!!!"
"Oh sige, ano?" I pressed my lips tightly para pigilan ang pagtawa.
"I am glad naging kapatid ka namin ni Yasha. You are a blessing to us." He said and pulled me closer for a hug. Kahit g*go si Yrew natouch pa rin ako sa message niya. Thankful din naman ako ng sobra-sobra dahil binigyan nila ako ng panibagong pamilya.
We swayed to the music sa ganoong posisyon. Hanggang sa maramdaman kong may tumapik kay Yrew.
"Bro, can I dance with her?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Yrew at Raven. Marshan told me about him. Napansin ko ang pagtigas ng panga ni Yrew but I just tapped his arm to tell him that it's okay.
"Okay, then. I'll be watching you." He said to Raven bago ito banggain sa balikat na bahagya pang napaatras dahil sa lakas nito. Napangiwi na lang ako dahil umatake na naman ang pagiging g*go ni Yrew.
Nailang ako ng ipulupot ni Raven ang braso niya sa likod ko and my palms rested on his chest to slightly push him away.
"Why are you with Yrew?" He asked me in a deep, dangerous voice.
"What is it to you?" I answered him back. Umigting ang panga as he pulled me closer to his body. Ang hirap talagang magpanggap na si Marshan!!!
"When you broke up with me hindi ako pumayag nun, Marshan! Kaya para sakin, akin ka pa rin!" He hissed... Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ganito yung mga eksena sa pelikula na kinakikiligan ni Vicky...
"Y-You're making me uncomfortable!" I hissed back. I tried to push him pero mas iniipit niya lang ako sa kanya. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang hindi ako si Marshan.
"Marshan, listen to me." I gasped when he cupped my face. "I still love you..."
"MALANDI KA!!!" I gasped when someone pulled my hair. Pero mabilis ang reflexes ko kaya nahawakan ko ang mga kamay niya at pinilipit ang braso niya papunta sa likod niya. "AAAHHHHH!!!" She screamed at naramdaman ko namang may humila sakin palayo sa babaeng insecure!!!
"Marshan... Don't hurt her!" Raven said. Napabuga ako ng hangin ng naiiyak na yumakap sa kanya yung babae at ngayon center of attention na kami.
"Wow!" Napapalakpak ako. "You saw her pulled my hair, tapos siya pa ang kakampihan mo?" I asked sarcastically. Napahalukipkip akong pinanood sila at ang kadramahan ng babaeng ito.
Leanna helped Raven pull that b*tch up. Lumapit na rin sina Christian, Waldrin, the guy na natapunan ako noon and an unfamiliar girl pero hindi muna sila nakealam.
"Y-You don't have to hurt her forcefully, alam mo naman kung bakit diba?" Raven asked me. Tumaas ang kilay ko.
"Why? Is she crazy? May tama ba siya sa utak?" I asked them.
"Ang sama mo! Ang sama-sama mo! Ako?! May saltik?! Sino kaya satin ang dinala sa mental hospital dahil hindi matanggap-tanggap na patay na yung kapatid niya?! Dapat sumunod ka na lang din eh!!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I pushed Raven away.
"B*tch move!" Tulak ko kay Leanna dahil hindi ko alam at nanggigigil din ako sa kanya, bago ko sinampal ng pagkalakas-lakas sa mukha si b*tch kaya sumubsob ito sa sahig. I trapped her wrist in between my sole and heel.
"Hannah!!! M-M-Marshan, don't---" Akmang lalapit na sana si Raven but I raised my index finger to stop him.
"Move at itatarak ko sa pulsohan niya itong takong ko, try me." I raised my brows at him. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sakin. I glanced at this b*tch named Hannah Muntanga, and used my shoe para hawiin ang mga buhok na tumabing sa pangit niyang mukha.
Umuungol na ito marahil siguro sa hilo sa lakas ng pagkakasampal ko sa kanya at nagdudugo na ang bibig.
No one dared to talk to Marshan like that in front of me. Kundi makakapatay talaga ako.
"WHAT'S HAPPENING HERE?!!!" Umalingawngaw ang malakas na sigaw na familiar sakin. Nahawi sa gitna ang crowd at kunot noong lumapit sakin si Lolo. I smiled at him and slightly wave. Lumambot naman ang expression niya ng makita ako.
"Ano na naman ba ito?" He asked me. Umatras ako para pakawalan si Hannah at nagkibit balikat kay Lolo. Saktohang pagdating ni Marshan na puno ng pagtataka sa mga nangyayari.
"W-What happened? Anong ginawa mo kay Hannah?" She asked me. Napatingin ako sa paligid at pansin ko ang hindi makapaniwalang reaksyon nina Raven at ng mga kasama niya...
"It just so happened na nangati yung palad ko, and she's the first I saw." I said indifferently.
"W-What is this?" Christian approached us.
"I told you, I'm not Marshan... Ayaw niyong maniwala eh." I smirked. Marshan saw my hair at bahagyang inayos dahil medyo nagulo na ito.
"Where's Yrew?" She asked not minding Chistian.
"Present!!!" Yrew suddenly popped out of nowhere.
"I think you should go home... Umuwi ka na rin Marshan." Lolo told us. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Marshan as she held my hand tightly.
"Yeah, boring ng party niyo." I said before hugging him. Tumawa ito ng mahina before tapping my back. Yumakap rin sa kanya si Marshan bago kami nagpaalam. Tumingin muna ako sa grupo nina Waldrin na laglag ang mga panga pa ring nakatingin samin.
Kumunot ang noo ko dahil sa tingin nila sakin na para bang nakakita sila ng multo.
"What?! Ngayon lang kayo nakakita ng kambal na magaganda?" Irap ko sa kanila. Marshan slightly tugged me at naramdaman ko naman ang pag-akbay sakin ni Yrew ng mahigpit. He covered my face para hindi na ko makalingon pa sa kanila at tumingin ng masama.
"NANGGIGIGIL AKO!!!" I grunted pagkasakay namin ng sasakyan. Kasama namin si Marshan dahil wala na daw itong lakas magdrive. "Are you letting that b*tch talk to you like that?!!" I asked Marshan na nasa backseat.
"Hannah is emotionally disturbed kaya hindi ko siya pinapatulan."
"Well, I don't care! Kahit takas pa siya sa mental papatulan ko siya! She can't just talk to you like that in front of me!!!"
"Oh chilax!!!" Yrew tapped my back.
"Ikaw! Saan ka ba nagpunta?! I thought you're watching us?!" Singhal ko sa kanya. Tumawa ito and showed me his phone.
"I was taking video." He chuckled. "I-sesend ko kay Yasha and I'll show it to Vicky." Napairap na lang ako sa kawalan as I tried to calm my nerves. Inabot ko ang kamay ni Marshan at hinawakan ito ng mahigpit.
"From now on, wala na ng makakapang-api sayo." I assured her. She smiled weakly at me and slightly squeezed my hand.
"I also grew tired dealing with them..." She sighed. Binitawan ko ang kamay niya sabay ng pagkunot ng noo ko.
"Malapit ng umuwi si Yasha dito, Maxene. Hintayin mo muna siya bago ka maghasik ng kasamaan." Yrew laughed pero inirapan ko lang siya. Yasha had always been my partner in crime, actually dalawa sila ni Vicky.
"I can't promise you that, alam mo namang maiksi ang pasensya ko and ofcourse pagdating sa mga kaaway ng mga kapatid ko, wala akong pasensya..."
"I know, I know. Pero alam mo namang gustong-gusto ni Yasha na nakikijoin sa mga away mo." He chuckled.
"Wag niyo na lang silang pansinin. Hindi na rin naman ako lalapit kay Raven para hindi na ko pag-initan ni Hannah." Marshan said. I saw the glint of sadness in her eyes at mukhang nakita rin iyon ni Yrew sa rear mirror.
Umigting ang panga ko sa nasaksihan. Wala silang karapatang saktan at pahirapan ang kapatid ko ng ganito. Hindi ko na rin nakikita sa kanya yung sigla at ningning sa mga mata niya. She used to be my sunshine, because she shines brightly like a sunflower before. Pero ngayon mukha na lang siyang laging matamlay.
"Umuwi na tayo Yrew, my head is aching again..." I sighed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top