-58-

Hindi sana ako mag-uupdate today dahil wala pa akong nagagawa pero dahil binubugbog niyo na ko ng comments kaya I started writing yesterday dahil holiday naman hahaha!!!


~Author-sama



M A R S H A N

Busy ako sa pag-asikaso sa final preparations for the Company Ball na gaganapin na next week when the door suddenly slammed open. I glanced at those three bago ituon muli ang atensyon ko sa mga papel sa mesa. 


"Quick change, huh?" Waldrin asked mockingly. Base sa reaction nila mukhang hindi convincing ang pagpapakilala ni Maxene sa sarili niya.


"Maybe." I smirked while signing some papers. 


"I'll check the CCTV footages..." He hissed. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng office ko. 


"That was not a good joke Marshan..." Raven told me. Hindi ko siya pinansin at tinuloy ko na lang ang ginagawa ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at naramdaman ko naman ang paglapit sakin ni Christian kaya napaatras ako. 


Gumuhit ang sakit sa mga mata niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay.


"I'll call you, okay?" Christian told me bago sila sumunod kay Waldrin. Napabuntong hininga na lang ako bago tinuloy ang mga ginagawa ko.



M A X E N E


"MOOOOOM!!!!" Naaasar na dabog ko when Mom called just to tell me that she set up another blind date for me.


"Maxene, Darius is a great guy. You should meet him." She insisted. Napatingin ako kay Vicky who is pacing back and forth habang nagbabasa ng mga files.


"Pero ayoko--"


"Maxene..." I heard her warning tone. Nakagat ko ang ibabang labi ko and sighed. 


"Okay, Mom." Hinaluan ko ng himig ng tampo ang boses ko. I heard her sigh on the other line.


"You know why I am doing this Maxene." She said.


"I know Mom, I love you." I said. 


"I love you, too sweetie. Please be nice at him. Yung last na nakablind date mo binigyan mo lang naman ng black eye. I don't want that to happen again.


Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtawa.


"I'll try Mom." I chuckled before ending the call. 



Bumaling ako kay Vicky na ngayo'y nakaupo na sa couch while scanning some documents para sa lunch meeting namin with Sebastian. Nakaalis na rin si Yrew dahil may emergency sa hospital.


"Mom set up a blind date for me tonight. Mukhang hindi kita masasamahan ngayon." Agad ko namang naagaw ang atensyon ni Vicky na agad kumunot ang noo sakin. 


"Why not? Mamayang gabi pa naman..." 


"Isang malaking stress yang ex mo Vicky, ayoko namang haggard akong haharap sa kablind date ko." I said.


"At kailan ka pa nagkaroon ng pake sa itsura mo sa harap ng kablind date mo?" She rolled her eyes at me. I pressed my lips tightly at umubob na lang sa mesa ko. Feeling ko nadrain lahat ng energy ko today.


"Ayokong pumunta sa blind date na yun..." I snorted.


"Eh di wag kang pumunta." Vicky suggested. 0


"And you know that's not possible..." I rolled my eyes at her.


"Noon... pero ngayon possible na." She winked at me kumunot ang noo ko sa sinabi niya and my eyes widen upon realizing what she said.


"You think papayag si Marshan?" Sumandal ako sa swivel chair ko at tumingin kay Vicky.


"Ikaw naman nakakaalam kung papayag siya o hindi." 


Nakagat ko ang ibabang labi ko. Knowing my sister, medyo aloof yun sa mga lalaki. May pagka-man hater yun ng slight dahil hindi siya marunong makipagsocialize sa mga lalaki. She only talks to guys who are my friends. 


"I'll try calling her..." I took my phone from my bag and dialed Marshan's number. Medyo natagalan pa ito sa pagsagot. 


"Maxene! What is it?" She gasped.


"Ahm, I just have a very small favor to ask. Busy ka ba?" I bit my lower lip at napacross fingers na lang.


"Actually, katatapos lang ng meeting para sa company ball. Wala na kong masyadong gagawin puro follow ups na lang. Why?"


Huminga ako ng malalim.


"M-may dinner date kasi ako mamaya, p-pwede ka bang substitute?" Napasign of the cross pa ko sa kaba. No worries, I am already baptized. Kasabay ko pa nga ang mga anak kong nabinyagan. 


Narinig ko ang mahabang katahimikan sa kabilang linya before I heard my sister sighed. 


"Okay..." 


"Oh my gosh! For real?!!" Napatayo pa ko sa gulat. I didn't expect her to agree that fast! 


"Yes, time na rin sigurong matuto na kong makipagdate ng solo. Matagal-tagal na rin akong single."  She chuckled. Napatingin ako kay Vicky na mukhang nag-aabang ng balita. 


"Parehas kayo ni Vicky. I think you need to learn some lessons from her." I chuckled. "Anyway, thank you talaga. I'll wait for you at home, for sure may pinadalang dress si Mommy na susuotin."


"No problem." 


We ended up the call at nagthumbs up naman ako kay Vicky na napairap na lang sa kawalan. We immediately fix our stuffs. Knowing Vicky's ex, g*go din yung isang yun...


Mga lalaki talaga... Pinanganak na g*go... 




Pumilantik ang kilay ko ng mapansin ang isang pugitang nakapulupot ang braso kay Sebastian. I silently glance at Vicky who remained indifferent na parang wala siyang nakikitang engkanto sa tabi ng ex niya.


"Excuse me Sebastian, I won't be formal because you're being casual naman. This is a private meeting ayoko ng outsider." I said coldly at tinaasan ng kilay ang babaeng katabi ni Sebastian.


"Who are you---"


"Oops! Tabi-tabi po. Hindi ako nakikipag-usap sa engkanto." I grunted. Naramdaman ko ang paghawak ni Vicky sa siko ko para pakalmahin ako habang yung babaeng binugbog sa blush on ay may ipupula pa pala sa sobrang pagkapahiya. 


"BABE!!! Binabastos niya ko!"


"She's with me, can't you atleast respect---" I cut Sebastian off.


"Then this deal is off. Come on Vicky..." I sneered and walked out. Nakalabas na kami ni Vicky ng restaurant when I heared her laugh loudly. 


"Alam mo, matagal na kong nanggigigil na sabihin yun sa kanila! Hahaha! Ayoko lang kasing masabihang bitter..." She laughed. Napailing-iling na lang ako bago kami naglakad papunta sa kotse ko. 


"Saan pala---" Napakurap-kurap ako ng wala na pala akong kausap then I saw Vicky na kinakaladkad na ni Sebastian pasakay sa kotse niya habang yung babaeng pugita ay naiiyak na dahil binulyawan atah siya ni Sebastian na lubayan na siya. 


"So, mag-isa pala akong maglu-lunch ngayon." I sighed. 



M A R S H A N

"Hindi ba masyadong daring?" I asked Maxene. Napasentido ito after glancing at my reflection. 


"Buti na lang talaga, hindi ako ang magsusuot niyan! Kundi baka lumuwa na ang dibdib ko!" She snorted. Well pansin ko naman talaga na mas lumaki pa yung dibdib ni Maxene. Syempre nanganak kasi siya. That's why this dress suited me better, masyado lang siyang sexy'ng tignan para sa isang dinner date. 


It's an off-shoulder baby pink body con dress na dalawang pulgada ang taas mula sa tuhod. 


"What was Mom thinking? Did she expect me to get laid tonight?" Maxene grunted habang marahas na pinipindot ang phone niya. Napasinghap tuloy ako sa sinabi niya. Dati naman kasi may filter naman ang bunganga niya. She's too vocal nowadays. 


She has changed a lot. Dati naman medyo mahinhin siya at laging tahimik. Ngayon kapag kasama namin si Vicky lagi na lang silang nagbabarahan. Para bang lagi silang nag-aaway. 


"Anyways, yung reservation is under Mom's name, Emelyn Chua. I know mas matino ka lang sakin Marshan, you just don't know what I did to my past dates because they tried to take advantage of me." 


"Trust me, I know. Knowing you Maxene." I rolled my eyes as I chuckled. Maxene held my hands tightly at muli akong pinasadahan ng tingin.


"Hihintayin kitang umuwi, I'm just a call away kapag may problema, okay?" She smiled at me.


"I know." I smiled at her. 


I used my car papunta sa restaurant na sinabi ni Maxene. Nagpapawis na ang kamay ko nung pumasok ako doon. When was the last time I ate in this kind of fancy restaurant? 


Ahhh when I broke up with Raven... makikipagbreak na nga lang ako dun pa sa mapapagastos siya hahaha.


"Mrs. Chua..." I said to the usher when they approached me and asked for any reservation.


"This way ma'am." 


I pressed my lips tightly. Akala ko maaga ako pero meron na palang nakaupo sa reserved table namin. Mas lalo tuloy akong kinabahan. 


"Hi! Are you Mrs. Chua's daughter?" The man in a stunning black suit approached me when we arrived at our table. 


Hindi na ko nakapagsalita in awe. You know, I do really appreciate it whenever I see a nice view. And this man in front of me is indeed a breath taking view at mukhang kaedaran lang niya si Kuya Spencer. 


He took my hand and slightly shook it at binigyan ako ng isang ngiti. Nag-init ang pisngi ko as I stared at him.


"Have a seat, please." Inalalayan pa niya kong umupo. I cleared my throat and tried to smile at him. 


"If I am not mistaken, your name is Maxene, right?" Itinago ko ang pagngiwi ko sa tanong niya.


"Actually, yung kapatid ko sana ang kadate mo ngayon. Kaso ayaw niya sa mga ganito and I owe him a favor kaya ako ang kadate mo today." He chuckled.


"Ohhh! Me too!" I blurted out. 


"Huh?"


"I- I mean, ayaw din umattend ni Maxene kaya ako ang kaharap mo ngayon, actually she's my twin sister." I pressed my lips tightly para pakalmahin ang sarili ko dahil kanina pa ko kinakabahan. First time kong makipagdate o makipag-usap sa lalaking ngayon ko lang nakilala in this kind of set up!


"Wow! This must be destiny then!" He smiled at me. "What a waste, my brother would regret not coming today. You are very pretty, may I know your name?" 


Feeling ko namula ako sa sinabi niya dahil sa pag-iinit ng pisngi ko.


"Marshan... Christine Marshan..." 


"It's nice to meet you Marshan, I'm Darius." He took my hand again and slightly shake it. "And I think I like you already..." Napasinghap ako sa sinabi niya.


Darius is a nice guy, magaan siyang kausap, gentleman, gwapo, matalino. Hindi ko na rin namalayan ang oras dahil sa haba ng usapan namin and the food tasted better while we're talking. 


"Can I drive you home?" He asked me. Kahit nakatakong ako ay hanggang baba lang niya ko. He's tall with a well built body. Feeling ko nagmukha tuloy totoy si Raven kapag itatabi sa kanya. 


"Uhm, I brought my car." I smiled at him at iniabot ang coat niyang nakatupi sa braso ko. 


"Ow I see, then how about tomorrow? Can I drive you home? Can we have dinner again?" 


"Busy kasi ako until this weekend, maybe next week?" I said. Napansin ko naman ang disappointment sa mga mata niya. Busy talaga ako dahil sa Friday na yung Company Ball. Naisingit ko lang itong blind date ni Maxene dahil hindi ako makahindi sa kanya. 


"I'll get your number then, let's keep in touch." He smiled at me. We exchanged numbers at hinatid niya ko sa sasakyan ko. 


"I had fun tonight." He said. Muling nag-init ang pisngi ko as I smiled back at him. 


"Me too, it was nice meeting you Darius." I said. He leaned closer to me at hindi na ko nakareact ng halikan niya ko sa pisngi. Hindi ko alam kong namutla ba ko o tuluyan ng namula ng husto ang mukha ko. 


"Take care, see you next week Marshan." Lutang akong pumasok sa kotse ko. D*mn! My heart just can't stop beating erratically inside my chest!!!


Naku Marshan!!!!


This is not good! Ako pa naman yung klase ng taong mabilis ma-fall... 


------


Hindi ko po alam kung kailan next update, may lakad kasi ako this weekend, wala pa akong drafts... 

~ Author-sama

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top