-48-
A/N: Sorry natagalan! Medyo naghang yung utak ko ng mga 1 week hahaha. Dugtong ko na lang yung part 2.
M A X E N E
"You know iha, when we heard from Christian that you and Waldrin are planning to get married soon, nagulat talaga kami ng Tito mo. I mean naunahan niyo pa si Claire." Tita Clarisse chuckled.
"Hindi naman kayo nagpapadalus-dalos, iha?" Tito Christopher asked me. Nasa bahay nila ulit kami ngayon. Dito lang talaga yung ramdam naming welcome kaming lahat. Awkward kasi sa bahay nina Raven of course dahil ex ko si Rocket at andun pa si Wela, mag-aasaran lang kami.
"Ano ka ba Chris? Okay lang yan. We just finished college when we got married, hindi naman nalalayo sa edad nila." Tita Clarisse giggled. Ngumiti na lang ako sa kanila.
Relatives lang namin ang imbitado at dito sa garden nila Christian gaganapin ang kasal. Gusto ko dito kasi maraming sunflowers. Gusto ko dito kasi andito ang pamilya ko. Hindi man ako aabot sa tunay na birthday ko at least kasama ko sila sa pinakamasayang pangyayari sa buhay ko.
"OUCH!!!" Malakas na singhap ni Marshan. Napangiti ako ng agad siyang lapitan ni Raven to check her hand.
"What happened?" Raven asked.
"Natusok ng stapler yung daliri ko! Waaaahhhhh!!!" Marshan cried, busy kasi kami sa pag-aayos dito sa gazebo at paglalagay ng mga paper flowers.
Nagkatinginan kami ni Monique na lihim na lang napahagikgik. Ewan ko ba kay Marshan, dati-rati naman kahit nahiwa na ng kutsilyo yung daliri niya hindi siya nag-iinarte ng ganyan.
"Yaya! Pakikuha yung first aid kit." Tita Clarisse said.
We got all the help that we needed. Kasama rin namin sina Kuya Spencer at Ate Claire. Tutulong din daw sana sina Wela at Rocket pero may biglaang lakad daw sila pero hindi naman sila mawawala sa kasal namin.
"Ouch! Huhuhu!" Marshan cried like a kid.
"Ay. Ang OA." Monique rolled her eyes at umirap naman pabalik si Marshan. Napansin ko pa ang bahagyang pagngiti ni Raven na sinasakyan na lang ang pag-iinarte ng kambal ko.
"Anyways, maiwan na namin kayo mga anak, we'll just prepare lunch." Tita Clarisse touched my shoulder. Ngumiti na lamang ako sa kanila.
Wala si Waldrin ngayon dahil pinagbawalan nina Marshan na makita ako. Pamahiin nga daw. Ikakasal na kami bukas, and tomorrow is his birthday also. Napansin ko ang pagvibrate ng phone ko sa ibabaw ng mesa.
Waldrin is calling. Napatingin ako kay Monique na pinaniningkitan ako ng mga mata na para bang pagagalitan niya ko kapag sinagot ko yung tawag. Napabuntong hininga na lang ako. Namimiss ko na rin siya kahit maghapon naman kaming magkasama kahapon.
Muli akong napatingin sa phone ko when it vibrated. Agad ko itong kinuha at lumayo muna sa kanila bago ko sagutin ang tawag.
"Update?"
"Everything is ready Maxene, we expect you to be here at exactly 12 midnight tomorrow." I pressed my lips tightly. Napapikit ako ng mariin dahil sa bahagyang paghapdi ng mga mata ko.
"I'll be there..." I breathed. I ended up the call at huminga ng malalim. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa mga pwedeng mangyari. Pero paninindigan ko ang desisyon ko, there's no backing out, para sa ikabubuti ng lahat.
"Baby! I miss you!" My heart almost jumped out of my chest sa biglaang pagsulpot ni Waldrin giving me a tight back hug.
"W-What are you doing here?! Diba bawal nga?!" Tinampal ko ang braso niyang nakayakap sakin. He was just pouting at me.
"But I miss you, kaya nga ako nandito para bantayan ka. To make sure na matutuloy ang kasal natin. Kung pwede nga lang ako na rin ang magdadala sayo sa altar para hindi ka na makatakas pa." He sulked.
Pinipigilan ko na lang ang mapangiti.
"Makita ka nina Marshan, gusto mo kaladkarin ka nila?" Tumaas ang kilay ko. He wrapped his arms around my waist and pulled me closer to him.
"Hindi mo ba ko namiss?" Tampo nito.
"Syempre namiss---" I gasped when he suddenly kissed me.
"Yun naman pala eh, daming arte." He chuckled. I glared at him but he just showered my face with kisses.
"Tomorrow is our day, excited ka ba?" He giggled. As in he literally giggled. Umirap na lang ako sa kanya at muling tinanggal ang mga braso niya sa bewang ko.
"AHAAAAA!!! BAWAL KA DITO AH!!!" Napakislot pa kami sa gulat sa malakas na sigaw ni Marshan. I pressed my lips tightly to suppress my laughter.
"Bawal ka din dapat dito! Aarte ka lang eh!" Waldrin snapped. Muntik na kong mapatawa ng malakas sa sinabi niya.
"Ano?! I'm helping duh! Kahit itanong mo pa kay Monique." Irap ni Marshan sa kanya.
"Oo nga naman, nakakadalawang paper flower na siya." Monique said and Marshan looks so proud of it. Napailing-iling na lang ako. Waterloo niya talaga ang arts and crafts.
"Then continue what you're doing, wag kayong istorbo." Waldrin pulled me for another hug. Umirap na lang si Marshan samin bago nagmartsa paalis, sinundan naman siya ni Monique.
Bumuntong hininga na lang ako before cupping Waldrin's face.
"Kumain ka na ba?"
"Yes, kahit hindi ka nagrereply sa mga texts ko." He pouted. "I know you'll get mad if I skipped breakfast."
"At dahil nandito ka na, tulungan mo na sina Christian." Hinila ko na siya papunta sa mga kasama namin. Bahagya pang nagulat sina Raven ng makita siya pero napailing na lang sila like they are expecting him to be here.
Everything is almost done ng tawagin na kami ni Tita Clarisse for lunch.
"Should you be eating this much? Your dress won't fit you tomorrow." Kuya Spencer told me ng mapansin niyang nakatatlong servings na ko. Nabitin pa sa ere yung pagsubo ko ng kutsara ng mapansin nakatingin na silang lahat sakin.
"H-Hayaan mo na Spencer, ngayon ko lang nakitang maganang kumain yang si Maxene." Tita Clarisse said.
"It's okay baby, just eat. Kahit naman nakajacket, pants and sneakers ka lang bukas, okay na sakin." Waldrin held my hand. I pressed my lips tightly and continued eating. I heard Marshan grunted pero inirapan ko lang siya.
"Are you pregnant?!" Marshan asked and I choked. Agad kong tinungga yung laman ng baso sa harapan ko.
"Huwag ka ngang nanggugulat ng ganyan!" Waldrin hissed at her while stroking my back. Halos hikain ako sa sobrang pag-ubo.
"I was just curious..." Marshan pouted. I was wiping my lips ng madako ang tingin ko kay Ate Claire, she was looking at me na para bang binabasa ang nasa isip ko.
No. They don't need to know.
"Tumigil ka na nga Marshan, kumain ka na lang. Marami ka pang gagawing paper flowers." Monique said pagkatapik ng marahan sa braso ni Marshan.
"Come on anak, just eat." Tito Christopher smiled at me. I sheepishly smiled at him and continued eating.
-------
"We're a mask para glossy yung skin mo bukas." Monique said at may inabot saking malaking sachet na may laman daw na face mask. Si Marshan nakahiga na sa kama at may suot na mask at pipino sa mata.
"O-Okay?" Napangiwi pa ko because of the slimy feels of the mask as Monique helped put it on my face. Nasa kwarto na kami at kung anu-ano ng kababalaghan ang ginagawa nitong dalawa. Of course, maid of honor si Marshan at bridesmaid naman sina Monique, Ate Claire at Wela.
Nakatulog na sila Monique at Marshan after their skin care rituals. I know napagod na rin sila ng husto dahil sa preparations.
It's already 8 in the evening. Pumunta muna ako sa veranda to look at the set up. All is set na nga. The bukas pa ilalagay yung mga flowers para mas fresh daw.
"Baby..." Napalingon ako sa kabilang veranda and there I saw Waldrin. He was smiling at me brightly, daig pa ang liwanag ng buwan, lols.
"Bakit hindi ka pa tulog?" I asked him as I hugged myself dahil sa lamig na dulot ng gabi.
"Can't sleep, you?"
"Same." I smiled.
"Come on, let's go to the rooftop."
"Pero kailangan na nating matulog..." I said.
"Saglit lang naman tayo, come on." He insisted. Pumasok na siya sa loob. Bumalik na rin ako sa kwarto at dumiretso sa pintuan. I opened it at naabutan ko pa si Waldrin na akmang kakatok sa pinto.
"Sssshhhh, magigising sina Marshan."
"Tara na." He grinned and held my arm. Umakyat kami sa attic at may daanan dun papunta mismo sa rooftop. Waldrin helped me climbed up. Humiga siya dun and tapped the space besides him. Tumabi naman ako sa kanya at umunan sa braso niya.
"The sky is clear today..." He sighed as we gazed at the stars.
"Sa tingin mo yung mga namamatay nagiging stars?" I asked him.
"Scientifically, it's impossible." He chuckled. "But for me, I hope they won't become stars, I just don't want anything to keep reminding me of the pain of being left behind." He said seriously.
I pressed my lips tightly. Tinamaan ako dun.
"Kahit na naging mabuti naman sila sayo? What if hindi naman talaga nila gustong mawala?"
"Still, magiging masakit pa rin yun. The more na naging importante sayo yung tao, the more painful it is to lose him/her. Yung mga nakakapagpaalala sakin sa kanya, nagbabalik lang ng sakit, because those things will remind you that you won't he/she will never come back. That he/she is forever gone."
"Ang lalim naman ng hugot mo..." I chuckled. He wrapped his arm around me at niyakap ako.
"Ikaw kasi, kung anu-ano ang tinatanong mo. Just stay by my side okay? Wag na wag mo kong iiwan." He said as he planted a soft kiss on my lips. I just smiled at him and snuggled in his chest.
I'm sorry...
-------
"MAXENE!!!! Oh my gosh! Bakit may eyebags ka?! Anong oras ka na bang natulog kagabi?!!!" Marshan snapped.
Alas tres na atah nung makatulog ako. And it is still 5 in the morning. Mamayang alas otso pa yung ceremony.
"Let me sleep..." I grunted.
"NOOOO!!! Andyan na yung mga mag-aayos sayo! Kumuha na rin si Monique ng breakfast natin. Bangon na!!! Bakit kasi hindi ka pa natulog agad kagabi! Pinuyat ka na naman ni Waldrin noh?! Naku-naku!!!" Napatakip na lang ako ng tenga sa mala-armalite na bibig ng kakambal ko.
Antok na antok akong pumasok sa banyo para maligo.
This is it. This may sound stupid and selfish, alam kong katangahan ang pakasalan ang lalaking iiwanan ko rin naman bukas. Just like what he said I will leave something that will constantly remind him that I left him, that I hurt him.
I hope that he'll loathe me after all of this.
'Cause in the very first place, I am Maxene McNeil, and I am just a temporary being.
#unedited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top