-45-
"Breath Maxene!" Dr. Marquez said.
"AAAAAHHHH F*ck!!!" I cursed when I tried to breath. Kumikirot ang dibdib ko sa bawat paghingang ginagawa ko. "ANG SAKIT!!! SH*T!!!"
"Okay! That's enough for today!" He said and took off the apparatus he put on me. Agad akong napaubo at napasuka ng dugo. Nanlalata ang katawan kong bumagsak sa kama before I totally lost consciousness.
---
"You look pale, pansin ko lang Maxene, you're drastically losing weight. May problema ba?" Marshan asked me. Humigpit ang hawak ko sa kutsara at napatingin sa kanya. Nakatingin silang lahat sakin na para bang naghihintay ng sagot. Nasa cafeteria kami ngayon habang kumakain ng lunch.
Tumitig sakin si Yrew at Yasha at malungkot na tumungo, they know my situation.
"You know I had been always dependent on drugs. I am trying to get rid of it actually, that's why I am losing weight. Medyo mahirap siya pero worth it naman." I said half truly.
"W-Wala kang sinasabi sakin..." Waldrin held my hand. I pressed my lips tightly.
"Kaya ba lagi kang bumibisita kay Dr. Marquez?" Tanong ulit ni Marshan. Bumuntong hininga ako at ibinaba yung mga kubyertos na hawak ko sa plato.
"Yes, halos dalawang buwan na."
"Okay ka lang ba?" Monique asked.
"Ayos naman ako, ganito lang talaga yung epekto but I'm fine." I smiled at them. Humigpit ang hawak ni Waldrin sa kamay ko.
"Sabihin mo sakin kung kailan ka pupunta ulit, I'll go with you. From now on, kasama mo ko sa lahat ha?" Waldrin said. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at napabaling kina Yrew na alanganin ring napatingin sakin.
"Ako rin, sasama ako. Through sickness and in health tayo diba? Bakit hindi ka naman nagsasabi sakin?" My heart twitch painfully when her eyes watered. I held her hand tightly, my sister is very observant kaya mahirap magsinungaling sa kanya.
"Okay then, every after school naman ang sessions ko, bago ako pumunta kina Waldrin." I said.
"S-Sigurado ka Maxene?" Napatingin kaming lahat kay Yrew. "I-I mean, we know your case and I don't think they can... you know... it's confidential." Hirap na sabi ni Yrew like he's very careful of his words.
"Paanong confidential?" Kunot-noong tanong ni Marshan sa matapang na tono.
"Maxene's case is confidential, she's under Primera's medication. We cannot disclose the processes she's going through, you have to understand, Maxene is not normal, it may sound offensive but it's true, alam mo yan Marshan. We even have to formulate vaccines, medication and machines solely for her." Diretsong saad ni Yasha.
"Mas lalong dapat na nasa tabi niya kami, to give her support!" Sumbat naman ni Marshan. Napailing-iling si Yasha sa narinig. Ilang beses na nilang nasaksihan ni Yrew ang mga nangyayari sakin, and I cannot blame them.
"They don't have to watch, they can wait for me in my private room after the session." Sabi ko kay Yasha.
"Why do you sound like you're undergoing something terrifying na hindi dapat namin makita?" Waldrin asked me. Ngumiti lang ako sa kanya. I don't know what to answer anymore.
"Terrifying? Waldrin, that's understatement. It's not terrifying, it's hellish." Yasha said.
"Yasha, that's enough. Ang importante ginagawa ko ito para sa ikabubuti ko, para sa ikabubuti ng lahat. Okay? You don't have to worry about me, I've undergone the worst torture in my life, these are all nothing to me now."
"Maxene..." Marshan sniffed as she hugged me.
M A R S H A N
Pinatawag si Maxene sa taas, kay Madam SC, hinihintay namin siya ngayon dito sa parking space. Napagdesisyonan naming lahat na samahan siya sa therapy niya. Nauna na sina Yasha at Yrew.
"Next month na ang birthday mo Waldrin, anong plano mo?" Christian opened up a topic. Kunot noo akong bumaling sa kanila. May birthday pala itong lalaking toh? Akala ko bigla na lang siyang nagpop out. Tsssss.
Uminom ako ng lemon juice na binili ko kanina sa vending machine.
"I planned on marrying Maxene on that day."
Agad kong naibuga kay Monique yung iniinom ko sa sobrang gulat. Pumasok pa sa ilong ko yung juice. Leshe!!
"W-What?!" I coughed. Agad namang pinunasan ni Raven ang mukha ko.
"For real bro? Biglaan naman atah? I mean church ba? How about the preparations?" Christian asked excitedly while helping Monique wipe her dress.
"Civil muna, tsaka na daw yung church pagkagraduate namin. We need a lot of preparations for that."
"H-Hoy, hindi ko naman atah alam yan?! Ang bata-bata niyo pa ah?" I exhaled. Hinihila na ko ni Raven dahil gigil na gigil na talaga ako dito kay Waldrin!!
"We're both of legal age." Tipid na sagot nito sakin. Napahilamos na lang ako sa mukha dahil nag-iinit na ang ulo ko. My sister had been hiding things from me! We used to be open in all sort of things!
Hindi rin nagtagal ay dumating na si Maxene. She looks really pale at dahil ayaw na ayaw niyang nagmemake up kaya halatang-halata ang namumuti na niyang bibig. She softly smiled at me pero inirapan ko lang siya.
"U-uy! Bakit?" She approached me.
"Kinakausap mo ko?! Alam mo pala akong kausapin?! Then ano tong nalaman kong balak niyo na palang magpakasal ni Waldrin next month?! Ano ha?! Ano pa bang inililihim mo sakin?!" I pushed her at bahagya naman siyang napaatras. Agad na pumagitna samin si Waldrin at Raven.
Pinapakalma ako ni Raven pero nagpupuyos na talaga ako sa galit.
"M-Marshan..."
"Wag mo kong ma-MARSHAN MARSHAN!!!---"
"YOU F*CKING KNEW WHY!!! OF ALL PEOPLE ALAM MO KUNG BAKIT GANITO AKO! KUNG BAKIT PADALUS-DALOS AKO!" She shouted back at me.
Then reality struck me, Maxene cannot live long like us. Ilang taon na lang ba ang natitira sa kanya?
"C-chill lang! This time talagang nag-aaway na kayo..." Christian said. I bit my lower lip dahil sa panginginig nito.
"Sorry..." I sobbed. Naramdaman ko pagyakap sakin ni Maxene. I hugged her back at parang batang umiyak sa balikat niya. She was just patiently stroking my back while whispering her apologies to me.
"Sorry din kung hindi ko agad nasabi sayo."
I wiped my tears dry and checked my wrist watch. "Tara na, baka malate ka sa session mo."
Isang sasakyan na lang ang ginamit namin at pinakuha na namin sa mga driver yung mga ibang sasakyan 'cause we planned a sleepover sa bahay nina Christian.
"Ikaw Christian? What's your plan on your birthday, too? Don't tell me magpapakasal din kayo ni Monique?" Raven kidded. Lumingon samin si Monique na nasa front seat katabi si Christian at inirapan si Raven.
"Kailan birthday mo Christian?" Maxene asked.
"The day after Waldrin's birthday." He said upon glancing at us sa mirror.
Napansin kong bahagyang nagulat si Maxene sa narinig then a sad smile formed on her lips.
"Sa bahay na lang siguro, sleepover ulit." Christian chuckled.
Agad kaming sinalubong ni Yrew ng makarating kami sa hospital. Dumiretso kami sa private room ni Maxene kung saan dun na rin siya nagpalit ng scrub.
"Gaano katagal ang session mo?" I asked her as I help her fix her scrub.
"Isang oras lang naman tapos pahinga saglit." She said. Lumabas na kami ng CR dahil andun na yung nurse na mag-aasikaso kay Maxene.
"I have to check your temperature first, okay?" The nurse said. May binigay naman siyang thermometer kay Maxene and we just watch them do their stuffs.
Lumabas na sila ng room. Hindi ko alam kung bakit may kakaibang kaba na umusbong sa loob ko. Hindi tuloy ako mapakali hangga't hindi ko nakikita si Maxene. I need to know if she's okay.
"Yrew, h-hindi ba pwedeng makita si Maxene?" I asked him. Kumunot ang noo niya at may kinuhang remote mula sa side table.
"Gusto niyo ba talagang makita? I really don't recommend it." He said.
"I-I just want to make sure she's fine. Hindi kasi ako mapakali." I said. Inakbayan ako ni Raven para pakalmahin ako. My hands are literally shaking right now.
"Can't we really not see what's happening?" Waldrin asked. Bumuntong hininga si Yrew at itinapat yung remote sa TV.
"Wag niyong sasabihing hindi ko kayo binalaan." He said and turned on the TV.
My eyes widen when I saw Maxene on the top of the bed, nakadapa siya at may nakakabit na mga tubes sa katawan niya.
"We need to double her heartbeat rate para mas mapabilis ang pagpump nito ng dugo."
Napaluhod si Maxene sa kama as she grasped on her chest kasabay ng paglabas ng dugo sa bibig at ilong niya. She was holding so hard on the bed at kitang-kita namin ang panginginig ng katawan niya na para bang hirap na hirap siya.
"You have to breath Maxene, we're not getting enough oxygen.."
Napatakip ako ng bibig ko as I heard my sister breath raggedly. Nagkukulay dugo na ang kanyang mga mata at nagsisilabasan na ang mga ugat niya sa braso at leeg...
"It hurts... It hurts..." She said repeatedly. Halos hindi ako makahinga sa paninikip ng dibdib ko. Maxene was very dependent on drugs dahil ayaw na ayaw niyang nakakaramdam ng sakit. And there she is mumbling continuously that it's painful.
Gaano na lang ba kasakit yan para masabi niya yun?
She who even forgot what pain feels like.
"Administer the vaccine..."
May pulang likidong itinurok sa destrose na nakakabit sa kanya.
"W-why can't they just put an oxygen mask on her? Can't they see that she could hardly breath?!" I ask Yrew.
"They cannot do that because she kept on coughing out blood." He said. Napatingin ako kay Waldrin na mukhang hindi rin makapaniwala sa nakikita. After the administration of the vaccine, Maxene started to convulse.
Her body is shaking vigorously. Rinig na rinig namin ang malakas na langitngit ng hospital bed dahil panginginig niya. I closed my eyes firmly when she started screaming. Rinig na rinig sa bawat sigaw niya ang sakit na nararamdaman niya.
Sa bawat sigaw niya parang may kung anong bagay na humihiwa sa puso. Mayat-maya'y napapaubo siya ng may kasamang dugo. Napapahawak ng mahigpit sa kama at sisigaw ulit ng malakas.
I may not feel exactly the pain she is suffering from pero naninikip na ang dibdib ko. I can't bear to watch any longer.
"I-I just need some fresh air..." Namumutlang sabi ni Monique at lumabas na ng room. Agad naman siyang sinundan ni Christian. Yrew turned off the TV at bumaling samin.
"She had to go through that everyday to remove the toxins in her body due to drug overdose." Yrew said. Nanginginig akong napaupo sa couch.
What's really happening?! Ano ba talagang nangyayari sa kapatid ko?! Bakit walang sinasabi si Lolo sakin? Asan na ba si Kuya Spencer na laging nakamonitor sa kalusugan namin?!
"Relax Marshan, everything will be okay, alam kong alam mo kung gaano katatag si Maxene, she will be fine. I thought you're here to give her support?" Raven slightly shake me. Dun na bumuhos ang mga luha ko at napayakap sa kanya.
He is right. Maxene needs strength right now. This is not the time to self-destruct.
Agad kaming napatayo ng ipasok nila si Maxene sa kwarto na wala ng malay. She looks so exhausted na para bang lahat ng lakas niya ay naubos na. Mukhang nalinisan na rin siya ng mga nurse at ibang scrub na ang suot niya.
"Paubos niyo na lang itong vitamins sa IV niya and she can go home." Dr. Marquez said.
"D-Doc, okay naman siya right? I mean hindi naman risky or delikado sa kanya yung procedure?" Waldrin asked.
"Matagal na namin siyang kinukumbinsing magpatheraphy, hindi naman ito delikado sa kanya but it is the easiest yet most painful way for her to totally get rid of the toxins in her bloodstream. She will be fine."
Nakahinga naman kami ng maluwag sa sinabi niya. Lumapit si Dr. Marquez kay Waldrin at may kinuha sa bulsa ng coat niya at inabot kay Waldrin.
"You have to use this, her body is not yet in condition to get pregnant." Dr. Marquez said. Nanlaki ang mga mata ko ng marealize kung ano yung maliit na square na box na hawak ngayon ni Waldrin.
WTF!!!
Lumabas na si Dr. Marquez at yung mga nurse.
"What the f*ck Waldrin!!!" I shouted at him when he threw the box of 'you know' in the trash bin.
"There's no need for that. I can wait for her to get better before we do it again." He said. Agad akong pinamulahanan sa sinabi niya. Wala talagang preno ang bibig ng malanding lalaking ito!!!
"Ikaw Raven! Wag kang gagaya sa kanya!" I said. Mukhang nagulat pa si Raven dahil nabaling sa kanya yung inis ko.
"Okay. Okay. I won't. Just calm down." Raven said while brushing my arms. I glared at Waldrin who just stared at me blankly.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top