-44-

A/N: Comment kayo ng maayos-ayos para ganahan akong magupdate hahaha. 

Charaaan!!!


M A X E N E 


I was caught off guard sa malakas na sigaw ni Waldrin so Marshan took the chance to kick me off her. Tumama ang likod ko sa pader pero hindi ko iyon ininda. I pulled her legs at pinaikot siya padapa sa kama. I moved on top of her at pinilipit yung isang kamay niya papunta sa likod. 


"Stop! Hindi pa magaling ang sugat niya!" Raven pulled me off Marshan. Hinila na rin ako ni Waldrin when Raven helped Marshan get up on the bed. 


"Bakit kayo nag-aaway?!" Raven spat. Nagkatinginan kami ni Marshan at sabay na kumunot ang noo. 


"Geez! Why so serious? We're just playing!" Marshan said at inayos ang pagkaupo niya sa bed. 


"Playing? Halos magpatayan na kayo! Dinamay niyo pa yung dalawa!" Waldrin shot back. Napapantig ang tenga ko sa sigaw nila. 


"Okay! Titigil na kami. We're just really playing." I sighed, lumapit ako kay Marshan and hugged her, humalik naman siya sa pisngi ko para ipakita sa kanila na okay lang kami. 


"B-But that was too much, next time wag naman ganun, lalo't hindi pa magaling yung balikat niya." Raven said. 


"Sus! Parang hindi kayo nagwrewrestling nung mga bata kayo." Sabi naman ni Marshan. 


"Come on, imbes na matulog kayo kung anu-ano pa ang ginagawa niyo." Bigla na lang akong hinila ni Waldrin palabas ng kwarto namin. "Christian, Monique come with us. Raven ikaw na ang bahala dito, we need to separate these two tonight." 


Nanlalaki pa rin ang mga mata ko sa gulat. Pumasok kami sa kwarto nila Waldrin, he held my shoulders at pinaupo ako sa kama niya. 


"No more night activities Maxene. Matulog na tayo..." He pulled me pahiga sa kama at bumaling kina Christian at Monique. Naiilang na nakatayo si Monique sa may pinto habang si Christian ay inaayos yung higaan nila. 


"Ayos na kayo diyan bro?" Waldrin asked Christian.


"Yes, ako na bahala." He said. 


"Para-paraan ka." I glared at Waldrin ng bumaling siya sakin. Naningkit ang kanyang mga mata na para bang hindi totoo ang paratang ko. I poke his cheek to tease him. He caught my hand and intertwined our fingers bago ako yakapin at sumubsob sa leeg ko. 


"Andito sina Monique! Mahiya ka naman!" Bulong ko sa kanya. He fixed the blanket to cover us up to our heads before planting kisses on my lips. 


"Shut up and sleep, kundi pati sina Christian hindi ko patutulugin." He grinned. Nahampas ko siya ng malakas dahil sa sinabi niya. Wala talaga siyang kahiya-hiya sa katawan niya! 


-------


"I am so puyat." Marshan yawned as she got out from their room. Kami lang atah talaga ni Waldrin ang nakatulog ng maayos. 


Talikuran ngang natulog sina Monique at Christian with pillows between them at hanggang ngayon tulog pa rin sila. Buti na lang nakaorder na kami ni Waldrin ng breakfast. 


"Why? Pinuyat ka ni Raven?" Waldrin smirked. Mahina ko naman siyang siniko sa tagiliran. 


"Alam mo? Ang g*go mo talaga ever!" Marshan rolled her eyes at dumiretso na sa banyo para magtoothbrush. I glanced at Waldrin at tinignan siya ng masama.


"You kept on teasing her..." 


"Because she's funny. And you're lovely. Kaya love na love kita." He chuckled. Umagang-umaga, bumabanat na naman siya. He caught my waist and pulled me closer kaya agad kong kinurot ang mga pisngi niya para hindi siya makahalik.


"Sorry, late na kaming nagising." Monique and Christian went out from our room. 


"It's okay, tinulungan naman kami ng mga staffs. Gisingin niyo na lang sina Yrew para makakain na tayo." I said. 


We all ate our breakfast at nagsimula na rin kaming mag-empake after dahil mamayang 12 noon kami magchecheck out. 


"Maxene put some of your stuffs in my bag." Sabi ni Waldrin. He really insisted na sa kanila ako tutuloy ngayong gabi. I glanced at Marshan who harshly removed all my stuffs in our bag dahil iisang bag lang ang dinala namin. 


"Oh ayan! Magtanan na kayo!" She grunted as she kept throwing my clothes on the bed. 


"Here! Bumili ako kanina ng cloth bag sa souvenir shop, in case hindi magkasya sa bag ko yang mga gamit mo." Waldrin said at masinop na tinupi yung mga damit ko at nilagay sa bag. 


"Grabe talaga!" Marshan exclaimed at nagmartsa palabas ng kwarto. 


Nagconvoy na lang kami pauwi. Sumabay na si Raven kina Christian at Monique dahil magkakapit bahay lang naman silang tatlo. kanya-kanyang sasakyan naman sina Marshan, Yasha, at Yrew. Tapos sa kotse na ni Waldrin ako sumakay. 


Waldrin didn't let go of my hand hanggang sa makapasok kami sa bahay nila na para bang sinisigurado niyang hindi na ako makakatakbo. 


"Yaya, palaundry na lang ng mga damit namin." He told the maids who helped us with our stuffs. 


"Opo sir." 


"Are you hungry? Mukhang tapos na silang maglunch, magpapahanda lang ako." He was about to call a maid pero bahagya kong hinila yung kamay niya para pigilan siya. 


"I'm fine. Masyado kang maasikaso Waldrin, baka masanay ako niyan." I said. He put his arms around me and kissed my temple habang naglalakad kami papunta sa kwarto niya. 


"We're getting married soon, masanay ka na. Hinding-hindi kita pababayaan, I will take care of you always." He said. I pressed my lips tightly dahil sa paninikip ng dibdib ko. I wanted to do that, too, yung asikasuhin siya at alagaan siya hanggang sa pagtanda namin. 


"Maxene..." Sabay pa kaming napalingon ni Waldrin. Nanlaki ang mga mata ko when I saw Lolo sa ibaba ng hagdan. "Excuse me Waldrin, pwede ko bang makausap ang apo ko?" He said. Bumaling sakin si Waldrin before letting out a soft sigh. 


"I'll wait for you in my room." He squeezed my hand before letting me go. Lumapit ako kay Lolo at inakay naman niya ako papunta sa garden. 


"Lo, ayos lang bang nagpapagala-gala ka dito?" I asked him. Bahagya siyang sumulyap sakin bago umupo. 


"Wilson is old enough to understand everything, it's maybe too late to be a father to him, but it's not yet late to be a grandfather to my grandchildren."


"How about Madam SC?" 


"We're civil---"


"You're not gonna marry her? Nabuntis mo siya Lo, kailangan mo siyang panagutan." 


He let out a soft chuckle. Napanguso na lang ako at sumandal sa backrest ng upuan ko. 


"What's your plan now?" He asked me. 


"Days are passing by so fast, Lo. Nararamdaman ko na ang pagbabago sa katawan ko. But I'm taking some therapies with Dr. Marquez para mapabagal ang pagkalat ng lason sa katawan ko." 


"I can let my men do that job for you Maxene, pero sa kondisyon mo ngayon, lumaban ka man o hindi, hindi ka pa rin magtatagal. I weighed my options, I believed you wanted to finish this fight with your own hands, with your own life." 


"Yes, Lo. Yun ang purpose ko sa buhay na pinahiram sakin. And I am glad nakilala ko kayong lahat, you all gave color and joy to my short life." 


Lolo held my hand and slightly squeezed it. 


"You can ask me anything, Maxene. I will help you out." 


"Waldrin's birthday is coming near, Lo. I want to marry him on that day." Natigilan si Lolo sa sinabi ko. I pressed my lips tightly and sighed. 


"But you are going to fight the day after..." 


"I know, hindi mo naman kailangang ipasa yung marriage license Lo, just make sure it won't be processed legally." 


"You are going to break his heart..."


"I am going break many hearts, but I'll be able to save many lives... But please Lo, wag na wag mo silang pababayaan."  


He pressed his lips tightly at bumuntong hininga. "Ikaw ang bahala Maxene, that's your life and decisions. Just remember that I'm always here to support you." 


Tumayo ako at niyakap si Lolo. "Thank you Lo." 


-----


"Anong pinag-usapan niyo? Parang ang seryoso naman." Waldrin asked me pagkapasok ko ng kwarto niya. I hugged him tight as I rested my head on his chest. Yumakap naman siya pabalik sakin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. 


"I asked permission to marry you." Biro ko dito. 


"What?! Ako dapat ang humihingi ng permiso." He cupped my face at tinitigan ako sa mga mata. Gusto kong maiyak. 


I want to say sorry to him because I will be gone soon, sorry dahil masasaktan ko siya sa pagkawala ko. 


"I love you." I whispered. Lumamlam ang kanyang mga mata as he brushed his thumbs on my cheeks. 


"I love you more than you know. Wag mo kong iiwan ha? It will be the death of me." He said. I bit my lower lip kasabay ng paghapdi ng mga mata ko. Ang sakit lang sa dibdib dahil hindi ako maka-oo sa kanya. 


I've been pretending everything is fine, but it's not. Nothing's okay. Everything is just temporary at malapit na itong mabawi sakin. 


And it hurts... It hurts so much... 



A/N: Hanggang chapter 50 na lang po ito tapos idudugtong ko na lang yung part 2. Solomot!!



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top